Tahimik silang nagmasid ni Allen. Palamig na ang hangin dahil talagang pagabi na. Ang liwanag ng araw ay napalitan na ng mga ilaw. "Ang peaceful..." pahayag ni Lalaine. Nakakaginhawa ang tanawin. Ang mga bulaklak. Ang katahimikan. "Visit me again..." usal ni Allen. Nilingon niya ito. "Lalabas ka na hindi ba?" sabi niya na siyang dahilan para tumawa ito. Ngumuso siya. "Kailan ang company anniversary ninyo, Laine?" bigla ay tanong nito. Bigla siyang napaisip ng malalim. "Hin...di ko sigurado," sagot niya. Paano ay hindi naman talaga siya sumasama sa kanyang ama noon kaya hindi niya alam. Wala rin sinasabi si Adrian. "I'll be there," ika ni Allen. Kung paano ay hindi niya alam. "Hindi rin naman ako pupunta," sabi niya. Hindi sigurado. Ngayong wala na ang kanyang ama, makakawala pa

