Chapter 16 (Part 1)

1704 Words
Paghinga ko ng malalim, napangiti ako dahil sa amoy ng dagat. Nakumpirma kong nasa tabing-dagat nga ako ngayon. Kalmado lang ng lahat nang matigilan ako. Parang… may humihinga malapit sa leeg ko. Nakikiliti ako sa pagtama ng hangin sa leeg ko kaya napadilat ako. At dito nanlaki ang mga mata ko nang makita ng sobrang lapit ang kulot na buhok ni Peter. Tumatama rito ang sikat ng araw. Napalunok ako at dito lang siya dumistansya sa ‘kin. Nagtagpo ang mga mata namin; seryoso ang kanyang mukha pero kita ang pagnanasa. At bakit wala siyang suot na t-shirt?! Anong nangyari kay Peter? Mukhang masyado naman yata niyang sineryoso ang halikan namin kagabi. “Peter, kalmahan mo lang—” Mabilis niyang inangkin ang labi ko kaya halos lumuwa ang mga mata ko. Daig ko pa ang isdang nahuli ng pamingwit dahil sa ginawa niya! Inihawak niya sa leeg ko ang isang kamay niya, inilapit ako sa kanya, at mas lumalalim ang paghalik sa akin. May kakaibang sensasyon akong naramdaman sa loob ko dahil dito. Saya ba ito na may halo ring pagnanasa? Hindi ko rin maipaliwanag pero parang kapag pinagpatuloy pa niya ang ginagawa ay mayanig ang mundo ko. Nagulat na nga lang din ako sa sarili nang tumugon ako kay Peter. Inihawak ko ang isang kamay ko sa nakadepina niyang dibdib. Kinapa-kapa ko ito at pinisil ang— “Aray! Anong ginagawa mo?” Napadilat ako at parang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako nakahinga nang makita si Peter sa harapan ko. Pero hindi kami naghahalikan, nakapisil ang daliri ko sa u***g niya! Gusto ko na lang magpalamon sa buhangin! Bumitaw ako agad at ngumisi. “Ay sorry. Ang cute lang,” sabi ko na lalo lang nagpalala ng sitwasyon kaya tumawa ako ng malakas para pagtakpan ang hiya. Ngayon ko napagtantong panaginip lang pala lahat. Kaya ngayon ay nagising ako at napunta sa bangungot. Nakatingin ng masama si Peter sa akin bago siya tumayo ng maayos. “Bakit ba kasi ang lapit mo sa ‘kin?” tanong ko. Medyo ibinalik ko sa kanya ang sisi. Kung hindi naman siya lumapit, malamang hindi ko siya naabot at nakurot! Nakasalubong ang kanyang kilay nang sagutin ako. “Tiningnan ko kung humihinga ka pa. Tapos ako na nga itong nagmalasakit, ako pa itong kinurot—” “Magandang umaga rin sa ‘yo, Peter!” pagputol ko at agad na bumangon. Mas mabuti nang matapos agad ang topic na ‘to. Nakita kong nasa tabing dagat pa rin kami at pasikat pa lang ang araw. Hindi ko alam kung kanina pa ba gising si Peter pero halata namang nauna siya sa ‘kin. Iniwasan kong tingnan si Peter at nagsimula nang magligpit ng mga pinaggamitan namin. Tumulong nga lang siya kaya nagpunta siya sa harapan ko. Sinusubukan ko pang kalmahin ang sarili. Ang bilis kasi ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung takot ba ito dahil sa bangungot ko. Ilang sandali lang, lihim akong sumulyap sa harapan ko. Nakita kong nakasuot naman ng puting t-shirt si Peter kaya mukhang panaginip lang talaga lahat ng nangyari. Sa panaginip ko kasi ay hubad siya. Tumingin si Peter sa ‘kin kaya agad akong yumuko. Ang init ng buong mukha ko. Parang magkakasakit nga yata ako dahil sa pagtulog namin sa labas. Natupi na namin lahat at dadalhin na lang sa loob nang maisipan kong magtanong para mawala lang ang tensyon. “Ahh… nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?” “Sakto lang. Ang lakas mong humilik,” sagot niya na hindi ko alam kung pang-aasar lang ba. Pero napatakip ako ng bibig. Muntik ko nang mabitawan ang hawak na unan pero nasapo niya agad. Ayon lang ay nagkasabay kami kaya tuloy nahawakan ko ang kamay niya. Animo napaso, bumitaw agad ako at hinayaan na siyang magbitbit ng unan. Sinamaan lang niya ako ng tingin bago talikuran. Naglalakad na kami papuntang kubo nang batukan ko ang sarili. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Ito ba ang epekto ng halik sa ‘kin ni Peter kagabi? Kung alam ko lang na magkakaganito ako, sana hindi na ako nag-offer na turuan niya akong humalik. Mukhang akala ko lang pala kaya kong maging si Briar— “Gusto mo tulungan na kita?” tanong ni Peter bigla. Nahinto ako sa paghampas sa ulo at dito binukas-sara ang mga mata habang nakatingin sa kanya. “Ilang batok ba ang gusto mo?” dagdag pa niya. Mukhang nakita niya ang ginagawa ko! Itinawa ko lang ito pero mabilis siyang lumapit sa akin. Bago pa ako makapagpaliwanag sa ginagawa, akmang babatukan na niya ako. Tuloy ay napapikit ako ng mariin. Hinintay ko ang pagtama ng kamao niya sa ulo ko, baka sakaling matauhan ako, nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. “Tara na sa loob. Gutom lang ‘yan,” sabi niya sabay hila sa ‘kin papuntang kubo. Mukhang pinigilan lang niya akong hampasin ang sarili. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Kung bakit parang gusto ko ang ugat-ugat na nakikita ko rito ngayon na abot hanggang braso, ay hindi ko rin maintindihan kaya napailing ako ng ilang beses. Hindi ko na rin napigilan pang manigurado. “Nagsalita ba ako habang natutulog? May ginawa ba ako—bukod dun sa kanina?” Inunahan ko na siya dahil baka mabanggit na naman niya ‘yong pagkurot ko sa kanya! Umiling lang siya agad kaya rito ako nakahinga kahit papaano. Binitawan niya ako at ako na ang nagbukas ng pinto ng kubo para sa amin. Bago nga lang siya pumasok ay nagsalita pa siya. “Peter, kalmahan mo lang.” Para akong naimbitahan sa impyerno. “Sa susunod, may charge na ang pagtuturo ko. Abot pala kasi sa panaginip mo,” dagdag pa niya kaya tuloy napatakbo ako sa banyo para mai-flush ang sarili at matakasan ang kahihiyan! *** It was just a dream. Ito ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili. Ayaw kong bigyan ng kahulugan ang panaginip ko. Imposible namang ma-attract ako sa kidnapper ko. Tsaka mahigit isang Linggo pa lang kaming magkasama. ‘Ni hindi pa nga namin lubos na kilala ang isa’t isa. Si Kyle nga, ilang buwan din ang lumipas bago ko nagustuhan. ‘Yung paghalik namin ni Peter sa isa’t isa, one time lang. Kaya hindi dapat bigyan ng malisya. I was just curious. And he happened to be there to help me out. That’s it! “Ah… iha. Okay ka lang ba?” tanong ni Aling Dolores na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nasa lamesa kami ngayon at kumakain ng almusal. Katabi ko si Peter at kaharap namin ang mag-asawa. Lahat sila ay nakatingin pala sa akin. “Makakain mo pa ba ‘yan?” tanong pa niya at dito ako napatingin sa plato ko. Lasog-lasog na pala ‘yong bangus na kinuha ko. Kung anu-ano kasing iniisip ko. Dapat simula ngayon, kalmahan ko lang. Hindi ako dapat masyadong nagiging close kay Peter— Pinagpalit ni Peter ang plato namin. Pagtingin ko sa platong binigay niya sa akin ay nakahiwalay na ang laman ng isda sa tinik. Nilapit din niya sa akin ang sawsawan na may kamatis. “Masamang pinaglalaruan ang pagkain. Kumain ka na,” sabi pa ni Peter. Napatalon ang puso ko; hindi handa sa malambing na pakikitungo ni Peter sa akin. Muntik na akong madala rito nang mapatingin ako sa mag-asawang kaharap namin. Nagsikuhan sila at nagtinginan; mukhang kilig na kilig sa amin. Mukhang kung ano man ang ginagawa ni Peter na pag-arte para mapaniwala silang mag-asawa kami ay epektibo. Kaya dapat ay ibabalik ko sa kanya ang plato niya nang tanggapin ko na lang ito. “Thank you,” sabi ko at dahil dapat give and take sa bawat relasyon ay ako naman ang nag-offer sa kanya. “Gusto mo ng kape?” tanong ko. Tumingin siya sandali sa akin at tumango “Pagkatapos mo nang kumain,” sabi naman niya kaya tipid akong ngumiti at nagsimula na ring kumain. *** Pagkatapos mag-umagahan ay umalis din agad sina Aling Dolores at Mang Cardo. Nagpunta na sila sa kanila para ayusin ang kanilang bahay. Maghahanda pa rin kasi sila para sa kaarawan ni Aling Dolores bukas ng gabi. Inimbitahan niya kami at nangako naman kaming magpupunta. Siguro’y isang oras din akong nagtago sa loob ng kwarto nang may kumatok sa pinto. Pabukas ko nito ay nakita ko ang likod ni Peter habang naglalakad siya palabas ng kubo. “Magpalit ka na. Tuturuan pa kitang lumangoy,” sabi niya at dito ko naalala ang usapan namin noong gabi kaya nalaglag ang panga ko. “Ngayon na ba talaga?” paniniguro ko. “Oo hangga’t hindi pa masyadong mainit at malakas ang alon.” Napabuntong-hininga ako dahil alam kong may punto siya. Kaya naman sinunod ko ang kanyang gusto at nagpalit ng panligo. Tiningnan ko ang mga damit na mayroon ako at nakakita ng isang one-piece na swimsuit. Ayos naman sana ito. Nakapagsuot na nga ako ng naka-underwear noon. Pero hindi ko alam kung bakit medyo hindi ako kumportableng magsuot nito ngayon. Kaya naman kumuha na lang ako ng white shirt na pinares ko sa maigsing itim na shorts. Pinusod ko ng isa ang buhok ko at dito lumabas ng kubo. Hindi ko ma-imagine na matututo pa akong lumangoy sa edad kong ito – lalo na’t sumubok na ako noon pero napangunahan ako ng takot kalaunan. Pero siguro may dahilan din talaga kung bakit ako napadpad sa islang ito. Baka ito na ang sign na subukan ko ang mga bagay na hindi ko pa nasusubukan noon; mga bagay na natatakot akong gawin. “Basta, focus ka lang sa goal mo, Briar.” Naglakad ako papuntang tabing dagat at dito parang bumagal ang oras. Nangyari na sa akin ito noong minsan ko siyang nakitang nagsu-surfing. Pero mas malala ngayon dahil bawat detalye ng katawan niya ay kita ko. Ngayon ay totoong wala na siyang suot na t-shirt dahil lalangoy nga kami. Nakatayo siya sa tabing dagat at dito ako dahan-dahang naglakad palapit. Bawat hakbang papalapit sa kanya ay nakakaubos ng lakas. Being around men other than my father and Kyle was a whole new experience for me. And with everything that's going on with Peter right now, it's oddly unsettling, for some reason.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD