Chapter 15 (Part 2)

2061 Words
“Save your breath and go to sleep,” sabi ni Peter habang nakabusangot ang mukha. “Anong save your breath, save your breath ka dyan?” Muntik na ‘kong matawa sa paggaya sa kanya. “Hindi nga tayo pwedeng matulog ng magkahiwalay. Baka makita nila tayo.” Panay kasi ang paggamit ng banyo nung mag-asawa kaya hindi ito malabong mangyari. “E ‘di magkatabi tayong matulog.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Wow. Feeling close agad? Baka magkapalit tayo ng mukha,” komento ko dahil kanina lang, halos ‘di ako makakilos katabi siya. Paniguradong parehong sasakit ang katawan namin paggising. Tuloy ay tamad na tamad akong tiningnan ni Peter. “E saan mo gusto mo matulog? Sa labas?” tanong niya na alam kong dahil asar lang siya. Pero rito ako tumango na lalong nagpadepina ng lukot sa noo niya. “Iyon nga ang isa-suggest ko. Magtanan tayo. Sa labas tayo ng kubo matulog!” Nakangiti ako habang hinihintay ang sagot niya. Huminga naman siya ng malalim at nailing na para bang wala na akong pag-asa sa buhay. At mukhang hindi siya payag dahil nilagpasan lang niya ako. Bumalik siya sa sala, samantalang naiwan ako sa kusina. Yumuko tuloy ako at bagsak-balikat na sumunod sa kanya. Akala ko pa naman masusubukan ko nang matulog sa tabing dagat. Bagong experience ito sa ‘kin kung nagkataon— Nahinto ako dahil sa pagbato niya ulit ng unan. Mabuti at nasapo ko bago tuluyang nalaglag sa sahig. Pag-angat ko ng tingin, nakita kong karga na ni Peter ‘yong kumot at throw pillows. Binukas-sara ko naman ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Ibig sabihin ba nito… “Akala ko ba sa labas mo gustong matulog? ‘Wag kang iiyak-iyak dyan kapag nagkasakit ka,” pagkumpirma niya sa iniisip ko at dito unti-unting umangat ang magkabilang dulo ng labi ko. May kinuha pa siyang panlatag bago ako nilagpasan palabas ng kubo. Patalon-talon naman akong sumunod sa kanya bitbit ang malambot na unan. Dumiretso kami sa tabing dagat. Mas ayos din pala rito dahil mas presko at malamig kaysa sa loob ng kubo. Hindi rin ganuong nakakatakot dahil bukod sa may ilaw naman galing sa kubo, maliwanag ang buwan ngayong gabi. Tinulungan ko si Peter maglatag ng sapin sa buhangin at tsaka pinatong ang unang dala ko. Ganuon din ang ginawa niya sa mga throw pillow. Nang matapos siya sa pag-aayos, napatitig ako sandali rito. “Bakit? Nagbago ang isip mo?” tanong ni Peter at agad akong umiling habang nakangiti. “Sayang lang wala akong phone na dala. Gusto ko sanang kunan ng picture. First time ko lang kasing matutulog sa tabing dagat,” pag-amin ko. Lalo namang nagsalubong ang kilay niya bago inabot ang cellphone niya sa ‘kin. “‘Yan ang gamitin mo,” sabi niya kaya halos mapunit na ang labi ko sa pagngiti. Agad kong kinuha ang phone niya bago pa magbago ang isip niya. Gumamit na ako ng flash para makuhanan ‘yong higaan malapit sa dagat. Tapos ay nadamay na rin siya sa ibang pictures. At sa huli, nag-selfie pa kaming dalawa. “Akin na nga ‘yan. Magbubura ako,” sabi niya pagupo ko sa tabi niya. At hahablutin na sana niya ang kanyang phone nang ilayo ko tuloy ito. “Ang daya naman. Sabi mo gamitin ko ang phone mo. Bawal magbura!” Napabuntong-hininga na lang siya sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan ko. Inabot ko na ang cellphone sa kanya at tinabi lang niya ito bago siya nahiga sa throw pillow kaya nakuntento ako. Pumasok naman ako sa loob ng kumot pagkatapos. Mas kumportable rito kaysa sa inaasahan ko. “Ikaw? Magkumot ka rin.” “Hindi na,” pagmamatigas niya. Wala nga lang siyang nagawa nang takpan ko na rin ng kumot ang beywang niya hanggang paa. “Ang tigas ng ulo,” mariin niyang bulong na ‘di ko pinansin. Basta masaya akong nahiga sa tabi niya. Hindi tulad sa loob ng kubo, may sapat na distansya pa kami sa pagitan ng isa’t isa. Nilagay namin ‘yong isang throw pillow dito dahil dalawa ‘yong dala niya. Para lang makasiguradong ‘di kami magdidikit. Natahimik kami sandali. Namangha kasi ako habang nakatingin sa langit. Ang dami talagang bituin ngayong gabi. Ang saya lang dahil naririnig namin ng mas malapit ang alon at hampas ng dagat sa mga bato. Maya-maya’y sumilip ako kay Peter at nakitang nakapatong na naman ang isang braso niya sa ibabaw ng mga mata. “Tulog ka na?” tanong ko at nang umawang ang labi niya, tinakpan ko na agad ang dalawang tainga ko. “Ano pang kailangan mo? Lumabas na tayo katulad ng gusto mo. Bakit ‘di ka pa matulog?” Magkalapit kasi kami masyado kaya narinig ko pa rin ito. Pero paglingon niya sa ‘kin ay naabutan niyang nasa tainga ko ang dalawang kamay ko kaya agad ko itong inalis. “Ganyan ka ba talaga kakulit?” tanong niya, mukhang ‘di na nakapagpigil pa. Muntik na akong matawa dahil hindi niya alam kung gaano siya ka-cute kapag naiirita ng ganito. Pero pinigilan ko dahil baka tuluyang pumutok ang bulkan. “Oo na. Matutulog na nga po. Salamat sa pagpayag na makipagtanan sa ‘kin,” huling beses kong pang-aasar kay Peter sabay pikit at higa ng maayos. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang hindi talaga ako ganito kaligalig pero hindi ko na ginawa pa. Malamang ay hindi siya maniwala at isiping nagbibiro lang ako. Totoo naman. Bilang Wendy, hindi ako pwedeng kumilos at magsalita katulad ng ginagawa ko ngayon. Kailangan maayos bawat salitang sasabihin ko. Kailangan isipin ko muna ang mararamdaman ng taong makakarinig bago ang sarili ko. Kailangan lahat ng gagawin ko alam ko kung ano ang kahahantungan. Hangga’t maaari kasi ay dapat iwasan kong magkamali para hindi mahusgahan. Ang masasabi ko lang ay masyadong boring maging Wendy. Ilang minuto pa ang nakalipas, malapit na akong makatulog nang marinig kong magsalita si Peter. Akala ko nauna na siya sa ‘kin kaya ikinabigla ko ito. “Gusto mong malaman kung bakit nandito ako sa islang ‘to?” Napadilat ako kahit inaantok na. Tumagilid ako at dito naabutang ganuon din pala ang pwesto niya. Nakatalikod nga lang siya sa ‘kin. “Hmm?” simpleng balik ko para malaman niyang nakikinig ako. Naghikab ako pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko at iniwasang makagawa ng ingay. “Dahil nandito ang bahay ko.” Kumunot ang noo ko dahil parang joke time ‘yung sagot niya. Magkokomento sana ako nang dugtungan niya agad ang paliwanag. “Sina Aling Dolores… pati na iba pang nakatira rito, ang pamilya ko. Kaya hindi ako mag-isa.” "This island is where I felt whole, and that's why I chose to live here. I never want to feel incomplete again,” huli niyang paliwanag. Habang tumatagal na kasama ko si Peter, mas lalo akong nagiging curious sa kwento niya. Ibig ba niyang sabihin ay ulila na siya kaya nandito siya sa islang ito? Kung para sa akin ay paglaya ang kahulugan ng islang ito, para kay Peter naman ay pagbuo. Nakaramdam ako ng kakaibang init sa puso ko dahil sa kanyang sinabi. “Then keep living here,” balik ko. Dito siya dahan-dahang umikot hanggang sa magkaharap at nakatitig na kami sa isa’t isa. “Hindi mo kailangang iwan ang islang ‘to kung dito mo nabuo ang sarili mo. Isang araw, darating din ang tamang tao na handang samahan ka.” Siguro hindi lang talaga sila ang destiny ni Elle. Nakita ko rin naman kasi ‘yung saya ng kaibigan ko sa napangasawa niya. Masasabi kong tama ang naging desisyon ng kaibigan ko dahil dito. Ayon lang ay kapalit nito, may nasasaktan siyang tao. Sana lang makapag-usap sila isang araw, para mabigyan ng closure ang relasyon nila. Ilang segundo kaming napatitig sa isa’t isa ni Peter hanggang sa nagulat ako’t kinuha niya ‘yong unan sa pagitan namin at hinarang sa mukha ko. “Matulog ka na,” sabi niya. Sinubukan kong alisin ‘yong unan pero ayaw niya. Talagang hinarang niya ito sa pagitan ng mukha namin. “Kita mo ‘to. Ikaw ‘yung biglang nagsalita e. Kinakausap ka ng maayos.” “Ilang beses ka pa lang nakipagrelasyon. Kung makapagsalita ka, akala mo ang dami mo nang experience sa buhay.” Panay pa rin ang hila ko. “Porke isang beses lang nagka-jowa, bawal nang magpayo? Ang dami ko kayang nabasa at napanuod na may mga life lessons,” pagyayabang ko. “Mukha lang akong walang experience, pero marami akong alam.” Sa wakas ay naagaw ko ‘yong throw pillow! Nabigla nga lang ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. “Marami kang alam?” mapang-asar niyang tanong. “Oo! Mukha lang akong inosente,” pagyayabang ko pa. Bumaba nga lang ang tingin niya sa labi ko kaya medyo kinabahan ako. “Paano mo nasabing ‘di ka inosente?” “Hinalikan nga kita kanina e.” “Ah… halik ‘yon.” Pinuno ko ng hangin ang bibig ko. Kung iniinis niya ako ay epektibo. Pagkatapos ko siyang bigyan ng magandang payo, ganito lang pala ang isusukli niya. Tsaka, for his information, first time ko lang ‘yon nagawa! Kahit si Kyle ay never kong nahalikan in public! “Tsaka… Tsaka nanuod din ako ng mga pinapanuod niyo,” dagdag ko. He let out an amused look. “Pinapanuod?” “Oo. Akala mo hindi ko alam na lahat ng lalaki, nanunuod ng porn?” Pinagdikit niya ang labi niya na para bang muntik nang matawa. “Saan mo naman nabasa at napanuod ‘yan?” tanong niya. Hinampas ko tuloy siya sa braso. “Anong nakakatawa, ha? Totoo kasi ‘no? Huling-huli ka.” “So, you watch porn?” paglilinaw niya. Kung gusto lang niya akong asarin para manahimik ay umepekto na ito. “Ewan ko sa ‘yo. Matulog ka na nga.” Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Ramdam ko ang pagdikit ng daliri niya sa bandang leeg ko kaya may kung anong kuryenteng biglang dumaloy sa sistema ko. “Kung marami kang alam, bakit hindi ka marunong humalik ng tama?” Parang biglang nakalimot tumibok ang puso ko. Nawala ‘yung yabang ko. “I’ve only kissed one person my entire life…k-kung mali, e ‘di sorry!” sabi ko. Muntik nang lumitaw si Wendy kaya agad kong binalik ang personalidad ko bilang Briar. Kunwari’y iritang-irita na, kinuha ko ‘yong throw pillow kanina at balak iharang sa pagitan namin. Kaya lang ay nagsalita siya. “If you made a mistake, don’t you think you should correct it?” Bumigat ang paghinga ko dahil sa lalim ng tingin niya. Panay pa ang pagbaba nito sa labi ko kaya napalunok ako. Wendy would have pushed him away… she would have asked about the kind of relationship there was before doing anything drastic. But Briar would have seized the moment – whatever it meant; no matter how impulsive. “Then help me correct what I know,” sabi ko, at para bang ito lang ang hinihintay ni Peter, napapikit ako nang mabilis niyang angkinin ang labi ko. Kung kanina’y ako lang halos ang nag-effort humalik, ngayon ay naramdaman ko ang pagtugon niya. Akala ko hindi ako makakasabay dahil kapag hinahalikan ako ni Kyle noon, sa sobrang pusok ay madalas napag-iiwanan ako. Halos higupin din niya kasi ang labi ko. Puro dila rin siya humalik na abot hanggang leeg ko. Pero pagdating kay Peter, dahan-dahan lang siyang nagsimula, para bang nag-iingat. Hinintay niya hanggang magkapareho ang galaw—ang diin—ng pagtatagpo ng labi namin. At mula rito’y unti-unti kaming bumilis. Nakisabay tuloy maging ang t***k ng puso ko. Habang tumatagal ay parang mas nagiging malambot ang labi niya; parang matutunaw sa ibabaw ng akin. Ramdam ko na ang paghinga namin sa ibabaw ng labi ng isa’t isa nang humiwalay siya. Humiga siya ng diretso at muling tinakip ang likod ng braso sa ibabaw ng mga mata. Nakita kong naghahabol pa siya ng hininga pero hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Ginaya ko na lang din siya, hiniga ko ang likod ng diretso at tumitig ako sa langit. Mukhang tama nga si Peter… mali ang paghalik na alam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD