Chapter 6

3518 Words
Tumakbo ako papalapit sa gown pero huli na ang lahat. Napasinghap ako nang magliyab pa ito ng mas malakas sa harapan ko. Bumagsak ako sa buhangin dahil sa pagkabigla. Ang alam ko’y iniwan ko lang ito sa labas ng banyo, kaya bakit ito napunta sa labas ng kubo at ngayon ay nasusunog na?! Nalaman ko agad ang sagot nang sa likod ng malaking apoy, nakita ko ang pagsulpot ng lalaking nang kidnap sa ‘kin. Mukhang siya ang may gawa nito! Nakaramdam ako ng matinding inis kaya nagmadali akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakasibangot siya, parang siya pa ang may ganang magalit pagkatapos ng ginawa niya. “Hoy! Bakit sinunog mo ang gown ng kaibigan ko?! Alam mo ba kung magkano ‘yan? Ibabalik ko pa ‘yan sa kanya!” reklamo ko dahil ‘yung gown lang talaga ang inaalala ko ngayon. Lalapitan ko pa sana ‘yong gown nang hawakan niya ‘ko ng mahigpit sa magkabilang braso. Bahagya niya ‘kong inalog at hinila palapit sa kanya kaya napirmi ako. “That gown deserves to be burned in hell,” mariin niyang saad. Hinigit ko ang hininga ko nang mapatitig sa mga mata niyang parang nagdidilim habang nakatingin sa ‘kin. Gusto ko mang mag protesta pa ay hindi ko na nagawa dahil umurong ang dila ko sa takot. Mukhang paubos na ang lakas ng loob ko. “So, shut the f*ck up before I do the same to you,” dagdag pa niya. Nanayo ang buhok ko sa batok at braso. Kung gusto niya ‘kong matakot ay nagtagumpay na siya sa pagkakataong ‘to. Ayon lang ay kapag natatakot ako, kasunod na agad nito’y luha. Kaya naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko habang nakikipagtitigan sa kanya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ito pero nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Kumunot ang noo niya kaya baka guni-guni ko lang ito. Bakit naman siya makakaramdam ng awa sa ‘kin? Hinila niya ‘ko pabalik sa loob ng kubo. Wala na akong nasabi nang ibalik niya ‘ko sa kwartong pinagdalhan niya sa ‘kin. Sinarado niya ang pinto ng wala ring sinasabi at nanatili akong nakatayo sa harapan nito. Pinalis ko ang luhang tumakas sa gilid ng mga mata ko. “Hindi naman kasi sa ‘kin ‘yung gown tapos sinunog mo. Nakidnap na nga ‘ko, may utang pa ‘ko sa kaibigan ko!” mangiyak-ngiyak kong reklamo. *** Oo’t nakidnap ako. Dinala ako ng kidnapper ko sa isang islang hindi ko alam kung saan matatagpuan. I tried to make a mental list in my head of the good things that might come from my situation. Una, may libre akong matutuluyan. Hindi man kasing laki ng bahay ni Elle, mukhang kumportable naman dito at kayang mabuhay ng tao. Pangalawa, nasa isla ako. Kung mabudol ko ang kidnapper ko, baka magkaroon ako ng unlimited access ako sa beach na minsan ko na ring pinangarap. Pangatlo, may seafood dito na paborito ko. Siguro naman kung kailangan pa ‘ko ng kidnapper ko, pakakainin niya ‘ko. Hindi naman kasi ako pwedeng bumili ng sarili kong pagkain kaya siya na ang bahala rito. At dahil nasa isla kami, paniguradong fresh ang seafood dito! Pang-apat, hindi ko kailangan magtrabaho. Oo’t nakakahinayang ang ipinasa kong project sa Stellar. Hindi ko man lang nalaman kung nakapasa ako. Pero ngayong nakidnap ako, negatibo man ang maging resulta nito ay hindi na ako maaapektuhan. Kahit ‘di ako makahanap ng trabaho, ayos lang. Pwede ko kasing idahilan na: “Sorry, wala pa ‘kong trabaho kasi nakidnap ako.” Mababaliwala na ang expectations ng mga tao sa ‘kin. Hindi ko na kailangan pang ma-pressure. Pang-lima, hindi ko kailangang harapin ang consequences ng pakikipaghiwalay ko kay Kyle. Sa totoo lang, lasing man ako noong nakipaghiwalay ako sa kanya, may parte sa loob kong nakahinga dahil nagawa ko rin ito sa wakas. Dahil sa alak at kay Elle, nabigyan ako ng sapat na lakas ng loob. Sa pitong taon kasi, tulad ni Kyle, ay hindi na ako sigurado kung tama pa bang magpatuloy kami sa relasyon namin. Pakiramdam ko pinanghahawakan na lang namin ‘yung tagal kahit pareho kaming hindi na masaya. And to be honest, it felt like I was already moving on, even when we were still together. I didn't get a chance to process it or talk to anyone about it because I wanted my dream to happen. Lahat umaasang ikakasal kami at iyon ang gusto kong mangyari. Pero siguro nga tama si Elle. Kung iisipin ko ng iisipin na dapat mangyari ang isang bagay katulad ng nasa plano ko at ng mga tao sa paligid ko, hindi ako totoong magiging masaya. And yes, sometimes unexpected sh*ts happen in life. Katulad na lang ng pagkidnap sa ‘kin. Malamang nga kung hindi nangyari ‘to, nagpunta na ‘ko kay Kyle pagkatapos ng kasal at nag-apologize. Kahit alam ko sa sarili kong dapat tapusin na namin ang relasyon namin lalo na pagkatapos kong marinig kung paano niya ako hindi respetuhin sa harap ng ibang tao. Bukod sa mga nabanggit kong advantages, ang nasa pinakataas ng listahan ko ay ang pagkakataong maging ibang tao. Ngayong nandito ako sa isla kung saan walang nakakakilala sa ‘kin, hindi ko kailangang maging si Wendy. Pwede akong bumuo ng panibagong pagkatao katulad ng pangarap ko. And of course, I also had a list for the bad things that might come from getting kidnapped. Una, baka mamatay ako, makuhanan ng internal organs, mabenta sa sindikato, o ‘di kaya ma-torture. Hindi ko alam kung anong plano ng kidnapper ko. Baka kung anong gawin niya sa ‘kin lalo na kapag hindi na niya ‘ko kailangan. Pangalawa, baka mapagsamantalahan ako lalo na’t lalaki ang kidnapper ko at babae ako. Aminado naman akong gwapo siya at maganda ang pangangatawan, pero hindi naman sapat ang mga ito para makipags*x ako sa kanya. Lalo na’t marriage before s*x ang gusto ko – bilang Wendy. Sabagay, kung hindi ako si Wendy sa islang ‘to, walang masama kung susubukan ko ‘yung sinasabi nilang one night stand. Tutal nasa isla na ‘ko – baka matupad na ang mga beach fantasies ko! Tinampal ko ang pisngi ko sabay iling. Kung anu-anong naiisip ko. Pangatlo, mag-aalala sa ‘kin ang mga mahal ko sa buhay lalo na sina mama’t papa. Kapag nalaman nila ang nangyari sa ‘kin, hindi ko alam kung paano nila ito matatanggap. Ito ang pinaka-inaalala ko sa ngayon higit pa sa kaligtasan ko. Ano pa nga ba? Parang wala na ‘kong maisip. Kung maayos naman ang magiging trato sa ‘kin ng kidnapper ko, walang magiging problema. Sana bigyan nga lang niya ‘ko ng chance makausap ang mga magulang ko para ma-update ko man lang sila na ayos lang ako. *** Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto kung nasaan ako ngayon. May malaking bintana sa ulunan ng kama. Lumapit ako rito at sinubukan ko itong buksan. Ayon nga lang ay mukhang nakasarado ito mula sa labas dahil hindi ko matulak. Napabuntong hininga ako sabay higa sa kama. Tumitig ako sa kisame at nabingi sa katahimikan. Wala naman kasi akong magawa rito sa kwarto dahil bukod sa maliit na lamesa katabi ng kama, lampshade, electric fan at cabinet lang ang gamit dito. Naisipan kong tumayo. Lumapit ako sa cabinet. Pagbukas ko nito, bukod sa extra na kumot at unan ay wala nang ibang gamit. Kung bahay ito ng kidnapper ko, mas boring pa pala ang buhay niya kaysa sa ‘kin. Parang tulugan lang kasi talaga ang kwarto niya. Kahit isang libro wala akong makita. Narinig ko naman ang pagkulo ng tyan ko. Naisuka ko na kasi lahat ng laman nito kaya gutom na gutom ako ngayon. Oras naman na kasi para magtanghalian pero wala pa ring paramdam ang kidnapper ko. Kaya pa naman ako nagpapakabait ngayon. Baka kasi hindi niya ‘ko pakainin kapag ininis ko siya. Minsan kailangan din nating makisama. Sinubukan ko pang maghintay ng ilang minuto. Pero nang ‘di ko na talaga kaya ang sakit ng tyan ko ay tumayo ako malapit sa pinto at dito nagsalita kahit walang kausap. “Hay naku. Gutom na gutom na ‘ko,” sabi ko sabay dikit ng tainga sa pinto. Wala akong naririnig na kahit anong ingay kaya nagsalita pa ‘ko. “Grabe! Mamamatay na yata ako sa gutom! Parang kailangan ko ng crab, shrimp, o ‘di kaya squid!” Nilakasan ko ang boses ko para masigurado kong maririnig ng kidnapper ko. Naghintay akong makarinig ng ingay galing sa labas ng kwarto pero wala pa rin talaga. Mukhang iniwan na naman niya ‘ko rito. Tuloy ay bagsak-balikat akong naglakad pabalik sa kama. Paghiga ko, tumitig ako ulit sa kisame. Nanlaki ang mga mata ko. Napasigaw at napatayo ulit ako dahil sa ahas sa kisame! Napatakbo ako papunta sa pinto ng kwarto. Kahit ayaw kong magalit ang kidnapper ko, mas ayaw kong mamatay sa tuklaw ng ahas. Pagbukas ko ng pinto, hindi ko nga lang inasahang makakaharap ko ang kidnapper ko. Napatalon ako sa kanya sa sobrang takot. Pinulupot ko ang mga braso’t binti ko sa kanya. Siniksik ko ang mukha ko sa bandang leeg niya sabay pikit ng mariin. “May ahas!” mangiyak-ngiyak kong sigaw. Ito kasi talaga ang kinatatakutan ko ng sobra. Nanginginig ang buong katawan ko at para namang naestatwa ang kidnapper ko. “Wala kang balak bumitaw?” malamig ang boses niya nang tanungin ako. Dito ako unti-unting napadilat, pagtingin ko ay nakataas ang dalawang kamay ng kidnapper ko, ayaw talaga akong hawakan. Nagmadali naman akong bumitaw sabay tago sa likuran niya. “Hindi ako babalik sa kwarto hangga’t hindi nawawala ‘yung ahas,” sabi ko sa kanya. Para namang pwede akong maging demanding. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim bago pumasok sa loob ng kwarto. Tinuro ko agad kung nasaan ‘yong ahas at walang kahirap-hirap niya itong kinuha. Gumilid ako paglabas niya ng kwarto. Masama naman ang tingin ng kidnapper ko sa ‘kin habang palabas siya ng kubo. Hindi ko alam kung paano niya naatim hawakan ‘yung ahas! Sinundan ko siya para malaman kung saan niya ‘to balak dalhin. “Sunugin mo rin ‘yan!” sigaw ko pero imbes na gawin ito ay nagpunta siya sa isang puno. Hinayaan niyang gumapang dito ‘yong ahas. Nalaglag tuloy ang panga ko. Pagbalik niya sa kubo ay hindi ko napigilan ang sarili magreklamo. “Paano kung bumalik ‘yung ahas na ‘yon sa kubo?” tanong ko na hindi niya sinagot. Dumiretso lang siya sa kusina at dito uminom ng tubig. “Paano kung matuklaw tayo habang natutulog?” Kung anu-ano pa ang tinanong ko hanggang sa harapin niya ‘ko. "Just because something is different from you doesn't mean you have to kill it; you just have to bring it to where it can live." Aba’t nagawa pa niyang mangaral! Hindi pa rin ako kumbinsido at mukhang nahalata niya ito sa pagbuntong-hininga ko at pag-irap. “Hindi niya ginustong maging ahas,” paglilinaw niya. “Kung papatayin ko siya dahil sa ahas siya, ganuon din ba ang gagawin ko sa iba pang tulad niya dahil lang nakapasok sila sa kubo?” Nanlaki ang mga mata ko. “Ibig sabihin marami pang ahas sa islang ‘to? Saan mo ba kasi ako dinala? Sa isla ng mga ahas?” Nagsalubong ang kilay niya. Mukhang ubos na naman ang pasensya sa ‘kin. “Bumalik ka na ulit sa kwarto,” utos niya pero umiling ako. Lalo tuloy lumukot ang mukha niya. “Papasok ka o magdadala ako ng maraming ahas dito?” Magsasalita pa lang ako nang kumulo ang tyan ko. Bumaba ang tingin ko rito, ganuon din siya. Sabay kaming nag-angat ng tingin sa isa’t isa. “Narinig mo na ang sagot ko,” sabi ko sabay ngisi. “Hindi pa ba tayo kakain? Anong oras ka ba nanananghalian dito? For sure, kahit 24/7 kang kidnapper, may time ka pa ring kumain.” Napapikit siya ng mariin sabay himas sa kanyang sentido. Mukhang pinagsisisihan na niya agad ang pagkidnap sa ‘kin. *** Naglapag ng inihaw na bangus ang kidnapper ko sa kama. Napalunok ako sa amoy pa lang nito. Hindi ko alam kung siya mismo ang nagluto nito dahil pinabalik na muna niya ‘ko sa kwarto pagkatapos kong magtanong kung kailan kami kakain. Pagbalik niya ngayon sa kwarto, dala na niya ang pagkaing inuungot ko. Gusto ko sanang sa kusina kumain pero baka magbago pa ang isip niya kaya ‘di ko na ginawa. “Iyan lang ang mayroon ako rito. Siguradong sanay ka sa mamahaling pagkain sa Maynila—” “Wow! Ang laki naman ng bangus mo!” komento ko dahil iba ang laki nito sa karaniwang nakikita ko. “Wala ba kayong—” “Wala nang ibang pagkain bukod dyan,” pagputol ng kidnapper ko. “Ito naman. Okay na okay kaya ‘to. Hindi naman ako mapili sa pagkain. Ako na nga ‘tong kinidnap mo, magde-demand pa ‘ko?” sabi ko dahil kuntento naman talaga ako sa pagkain. “Tatanong ko lang sana kung wala ka bang toyomansi?” Binukas-sara ko ang mga mata ko sa kanya. Pero bumuntong-hininga siya sabay iling. Parang nairita pa siya sa ‘kin dahil tinalikuran na niya ‘ko. “Mas masarap ‘to kapag may toyomansi!” pahabol ko pero sinarado na niya ang pinto. Nagkibit-balikat na lang ako at itinuon ang pansin sa pagkain sa harapan ko. Natuwa naman ako ako dahil kahit bangus lang ito na nakakain ko naman noon sa amin, pagtikim ko ay iba ang lasa nito dahil sariwa. Ang laki pa ng taba na gustong-gusto ko rito. Naisip ko nga lang kung kumakain din ba ngayon ‘yung kidnapper ko. Oo nga ‘no… bakit kaya ako kinidnap? Akala ko noong una dahil sa gown. Kaya lang ay sinunog naman niya ito. Wala rin namang pera ang pamilya ko kaya hindi siya makakahingi ng ransom. Ang sabi niya, hindi ako ang dapat nandito ngayon. Kung hindi ako, sino? Napasinghap ako. Tuloy ay nasamid ako at naubo. Pagbukas ng pinto ay nakita ko ‘yung kidnapper ko na may dalang tubig. May dala rin siyang maliit na tasa na may lamang toyomansi. Napalunok ako bago nagsalita. “Si Elle ba dapat ang kikidnapin mo?!” pasigaw kong tanong at dito muling nagsalubong ang kilay niya. “Talagang ngayon mo lang nalaman? Akala ko ba matalino ka?” seryosong balik niya at napahilig ang ulo ko sabay kunot ng noo. Paano naman niya nalamang matalino ako eh hindi naman kami magkakilala? “Sino ka ba?” tanong ko sa kanya kahit alam kong imposibleng magpakilala siya. “Peter.” Tipid niyang sagot. Sabi na’t ‘di niya bubuuin ang pangalan niya sa takot na i-report ko siya sa mga awtoridad. Ayos na rin na sinabi niya kahit first name niya. At least matatawag ko na siya ng maayos, totoo man o hindi ang binigay niya. “I’m We—” Umiling ako. “I’m Bra—yer, as in B-R-I-A-R. Just call me, Bra, for short.” Second name ko na lang ang binigay ko na ‘di ko madalas gamitin. Inabot ko ang kamay ko sa kanya pero nakita kong may mga kanin-kanin pa pala ito dahil nagkamay ako. “Ay sorry. Mas madali kasing kumain ng nakakamay kapag walang lamesa,” ngumisi ako sabay bawi ng kamay. Nanatili namang tikom ang bibig ng Peter. Nakasibangot pa rin siya habang nakatingin sa ‘kin. Ang hirap mabasa kung anong iniisip niya. Pero mas concerned ako sa ibang bagay ngayon. “So, bakit mo kikidnapin ang best friend ko? Para makakuha ng ransom sa pamilya niya? Sabagay, mayaman sila. Pasensya ka na, ako lang ‘to. Mas marami kaming utang kaysa pera. Baka singilin ka pa ng pinagkakautangan namin.” Umawang na ang labi niya pero nagsalita pa ‘ko. “Heeep! Bago ka mabwisit, pwedeng bigay mo na sa ‘kin ‘yung toyomansi?” Binukas-sara ko ang mga mata ko sa kanya na lalong ikinasama ng timpla ng mukha niya. Inabot naman niya sa ‘kin ‘yong hinihingi kong sawsawan. “Thanks—” “Dito ka lang. At ‘wag kang magsasalita.” Pinagdikit ko ang labi ko at iniwan na naman niya ‘ko. Nadismaya ako pero naisip kong marami pa naman sigurong pagkakataon para malaman ko ang sagot sa tanong ko. May ilang araw pa para maging close kami ng kidnapper ko. *** And now what? Wala pang isang araw pero nabuburyo na ‘ko sa loob ng kwarto. Ilang oras na kasi ako rito. Nakatulog na ako at nagising ng ilang beses. Wala akong ideya kung anong oras na pero may kutob akong gabi na dahil nakakaramdam na naman ako ng gutom. Ano bang dapat ginagawa kapag nakidnap? Dapat umiiyak, sumisigaw, o humihingi ako ng tulong ngayon. Pero wala namang ginagawang masama sa ‘kin si Peter. Ang sabi lang niya, ‘wag akong lumabas ng kwarto at magsalita. Naisip ko lang tuloy, paano pa ‘yung ibang nakidnap na kung hindi tinatali ay pinapahirapan? Maswerte na ‘ko dahil bored lang ako sa kwartong ‘to. Hinahanap na kaya ako ngayon ni Elle? Malamang. Dala ko ‘yong gown niya at ako pa sana ang maid of honor niya. Kaya imposibleng hindi niya malamang nawawala ako. Baka nga hindi pa natuloy ang kasal niya dahil sa nangyari. Ano kayang pwede kong gawin para hindi ako mamatay sa pagkaburyo? Wala naman akong kahit anong pwedeng gawin sa kwartong ‘to. Sobrang tahimik pa. Biglang nagkaroon ng bumbilya sa ibabaw ng ulo ko. Nakaisip ako ng magandang gawin. Sabi naman ni Peter, don’t speak a word. Hindi niya sinabing don’t sing a word. Tumikhim ako bago nagsimulang kumanta. “Every night in my dreams, I see you… I feel you!” Pinagpatuloy ko pa ang pagkanta. Tumayo ako para maabot ko ‘yong matataas na nota. Nakakahiya naman kasi kapag pumiyok ako. “Near, far, wherever you are…” Lumapit pa ‘ko sa pinto at dito sinakto ang lyrics. “Once more, you open the door!” Aba’t bumukas nga ang pinto. Ayon lang ay hindi ko inasahan nang bumagsak si Peter sa ‘kin. Muntik na kaming matumba pareho kung hindi ko siya nasalo ng maayos. “Grabe naman. Nakakapagpatulog na ba ‘yung boses ko ngayon? Dati nakakapagpaiyak lang ng bata ah,” komento ko pero nang suminghot ako. Nalaman ko na agad ang totoong dahilan ng pagbagsak ni Peter. “Uminom ka ba?!” sigaw ko. Pinilit naman niyang tumayo ng maayos. Gumilid ako at nakita kong pabagsak siyang nahiga sa kama. Nakalimutan yata niyang may hostage siya o ‘di kaya’y masyado na siyang naging kumportable sa ‘kin. Tiningnan ko ang mukha ni Peter. Nakapikit na siya. Namumula ang buong mukha. Mukhang lasing na lasing talaga ito. Alam kong pagkakataon ko na ito para tumakas. Pero hindi ko alam kung nasaan ako. Parang mas natatakot akong lumabas mag-isa kaysa manatili sa kubong ‘to. “No, Wendy. Kailangan mong umalis dito. Iyon ang tamang gawin,” sabi ko sa sarili. At maglalakad na sana ako palabas ng kwarto. Ayon lang ay hindi ko inasahan nang bigla akong hinawakan ni Peter sa palapulsuhan at hinila papuntang kama. Pumaibabaw na naman siya sa ‘kin at sa pagkakataong ito ay awtomatiko niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang labi sa leeg ko. Nang subukan ko siyang itulak ay mabilis niyang nahawakan ang dalawang kamay ko, pinirmi niya ang mga ito sa ibabaw ng ulo ko. “Peter! Tumigil ka!” pakiusap ko. Ramdam ko ang matinding takot dahil alam kong lasing siya. Hindi niya alam kung anong ginagawa niya. “Kapag ginawa mo ‘to, hindi ka lang kidnapper – rapist pa! Alam mo ba kung ilang taon kang makukulong?!” pananakot ko pero wala siya sa sarili. Wala siyang naririnig. Nang mapunta sa pisngi ko ang labi niya ay agad kong iginilid ang mukha ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim bago napapikit ng mariin. “Ang baho mo,” sabi ko pa dahil amoy alak siya. Pero rito na ako humagulgol sa takot. Bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Gamit ang buong lakas ng mga binti ko ay tinadyakan ko siya papalayo. Nagulat nga lang ako dahil saktong huminto siya sa paghalik sa ‘kin. Kaya tuloy bumagsak siya sa kama sa lakas ng tulak ko. Naghahabol ako ng hininga pagkatapos ng nangyari. Hindi ako makapaniwalang muntik nang may mangyari sa ‘min. “Elle…” Kumunot ang noo ko. Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko kaya sumilip ako kay Peter na nasa sahig na ngayon. Pagtingin ko’y nakaharang ang braso niya sa ibabaw ng kanyang mga mata habang paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ng best friend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD