Natapos ang birthday ko na wala namang gulong nagyari kasi hindi na rin namin nakita yung kuya ni Micah. Grabe noh? Sinong mag-aakala na satagal na ng panahon, may trace pa na maiiwan si Micah. Ang huling balita ko sa kaniya yung pag transfer niya lang sa Macau.
Hindi ko naman alam kung sino talaga siya eh, alam mo naman sa school puro basag-ulo mga tao dun.
Ngayon alam ko na kung bakit dun siya nag-aral kasi kuya niya basag-ulo din ^___^
Namamalengke kami ni Kathy, ewan ba't wala si Dave. Naghanap na siguro ng kapalit.
Hahaha... Selosa nito.
"Magkano po to?" tanung ko sa tiderang kanina pa ang ingay.
"150 ang kilo Miss, bili na." grabe ang mahal na ng kilo ng isda ngayon.
Bumili ako ng 2 kilo, stock na rin para sa bahay. Si Kathy kasi di kumakain ng karne, puro isda. Ewan nga.
"Eh eto teh?" turo ni Kathy dun sa clams.
"160 yan Sir." sabi nung tindera.
"Maam ako teh, pabili niyan isang kilo." haha...Imbyerna tuloy tong si Kath. Ewan ba ba't mukhang lalaking-lalaki to ngayon. Ah tama! Kasi palengke ang pupuntahan namin.
Kring~!
-_- Yes. May bago akung cellphone dahil kaka birthday ko lang. Bwuahaha!!!
Pokemon:
Pikachu nasaan ka?
TT_____TT Patay! Naghanap na si boss.
"Hoy tara na babae. Teka. Sino yan?" sinilip pa ni Kathy yung phone ko, chismosa nito... "Ai, naghahanap si Papa Dave."
"Malamang may kailangan na naman to." sabi ko. Malamang talaga. Naghanap eh. Tsaka, pasulpot-sulpot lang talaga yun.
Reply Pokemon:
Kasama ko si Kathy, namamlengke kami.
"Alex, san ba dito yung may gulay something?" nah! Nawawala na tuloy kami.
"Dun ata sa may bandang dulo..." ilang beses na kami namalengke hindi pa rin namain tanda ang mga daan dito.
:| Loser.
Kring~!
Pokemon:
Bakit ka namamalengke?
Anung bakit? -_-
Ang slow naman nito.
Reply Pokemon:
Uhm...Kasi kailangan naming kumain? Naman eh!
( _ _") Ano naman bang binabalak niya?
"Oh bakit parang bothered?" tanung ni Madam Kathy habang namimili ng mga gulay.
"Si Dave." sabi ko lang tapos nag pout. Ano naman ba yun? May kasalanan na naman siguro.
Tagal pang mag reply.
"Chos! Buti na lang ako single..." -_-
"Oh sige! Ikaw na teh, iyo na ang korona." sira talaga to.
_________________
Pauwi na kami. Feeling ko talaga naghihintay sa bahay si Dave eh, hindi na nagreply. Galit na ba yun? Kasi di lang ako nagpaalam? Eh siya nga kahit san na lang nakakaabot.
"Hala friend. Anjan na si Prince Charming..." O _ O Anjan nga siya sa bahay. Sa harap ng gate, naninigarilyo, feeling ko galit. Nag-aabang na ata sa'kin ( _ _") Patay na ako nito.
Palapit na kami sa bahay, waaahhhh!!! Ba't kasi di na lang nagsabing pupunta pala???
Pinark ni Kathy ang kotse niya sa tabi ng nakaparada ring kotse ni Dave. Hindi siya lumilingon. Patay na talaga ako nito. Hindi man lang tumingin, eh kung nasagasaan na pala siya ni Kathy?
Pagbaba namin ng kotse, "Friend, mauna na ako sa loob..." dali-daling kinuha ni Kathy lahat ng pinamili at pumasok na sa loob TT____TT Lang hiyang kaibigan yun, iniwan ako sa ere.
Nilapitan ko si Dave na hanggang ngayon di pa rin ako tinitingnan.
"Oi..." sabi ko tapos lumingon siya.
"Ba't di ka nagpaalam?" seryoso talaga ang pagkasabi niya ( _ _")
"Eh kasi naman hindi ko alam na pupunta ka eh..." kailngan mabait ako ngayon. Super bait dapat.
"You do know that Lance is in the country right?" yung Lance na naman. Ano bang pinoproblema niya dun. Oo nga, kuya siya ni Micah, pero I don't think na sasali siya sa gulo ng mga babae.
"Oo, pero parang mabait naman yun eh." sabi ko pero bigla niya na lang akung binigyan ng cold stare ( _ _") Bad move again.
"Hindi mo siya kilala Pikachu. Nababaitan ka pala ha, eh gusto mo siya?" O_O
"Heh! Nababaitan lang nga ako, bakit nagseselos ka?" ai nakow! Kaya pala bantay sirado ako, nagseselos lang pala.
"Ako? Nagseselos?" nagmaang-maangan pa.
"Eh bakit? Halata naman ah." sabi ko tapos hinawakan ko yung kamay niya. Ang daming iniisip ng Pokemon ko.
"Shut up Alex, you're not thinking straight. Pinoprotektahan lang kita." chos! Ayan na naman siya sa pagiging seloso niya.
"Seloso ka kasi..." hahaha...Namumula na yung tenga niya.
"Hindi ako nagseselos Pikachu, kasi ako pag nagseselos, simple lang naman. Kakausapin ko yung pinagseselosan ko sabay bulong, bala o distansya." -_-
Ganun?
Speechless ako dun ah.
Sabagay may point naman siya, parang gangster to eh.
"Tara na nga..." hinatak ko na lang siya papasok ng bahay. Dami pa kasing sinasabi. Wala na tuloy akung matukso.
"Tss." yun lang ang sinabi niya.
Pag pasok namin sa bahay. Naririnig ko na yung mga kalabog ng plato sa kusina, nagluluto na ata si Madam Kathy.
"Pokemon dito ka lang muna tulungan ko lang si Kathy..."
"Bilisan mo."
Che! Para namang maghihintay talaga to. Baka nga mayamaya makatulog na to eh.
Pumunta na lang ako ng kusina para tulungan si Kathy. Narinig ko na lang ang pagbukas niya ng TV sa sala. Tama yan, manood ka muna ng TV.
30 minutes later...
Sinilip ko siya kung anung ginagawa niya.
O_O Bakit parang p**n ang nasa TV?
"Oi Dave! Ano ba yang pinapanood mo?" sabay palo ko pa sa kaniya. Ang basto neto, nanonood pa ng p**n sa bahay namin.
Hinaharang niya lang yung kamay niya tapos nanonood pa rin.
"Dave!" sigaw ko.
Ano ba naman to? Pano pag nakita ni Kathy to? Siguradong iisipin nun na mabubuntis ako ng maaga.
"Wag kang magulo Pikachu..." ha! At ako pa dapat ang hindi magulo ha.
"Patayin mo nga yan..." tapos pinatay niya nga. Ai naku!
"Bakit ka nanonood ng ganiyan dito?" tiningnan ko pa siya ng masama.
"Ano ba babe. Ang gulo mo naman eh, please wag magulo, busy ako kakaisip sayo.." O_O Nanonood ng p**n tapos ako ang iniisip?
"Bad! Bad!Bad!" sabi ko habang pinapalo ko siya.
(//_) Lord ba't ganito ang boyfriend ko???
"Aray Pikachu tama na..."
"Bad! BAd!" pinapalo ko talag siya.
"Ano ba naman..oh tama na, masakit na baby ha..masakit na.." nagreklamo pa. Pero pinapalo ko pa talaga siya ang bad talaga ng batang ito. Isusumbong ko to eh.. "Sige na..sorry na nga, tama na." tinigilan ko na ang kakapalo sa kaniya at tiningnan na lang ng masama ~__~
"Wag ka ng magalit, ang dami mo na ngang palo oh..." pinakita niya sakin yung namumula niyang braso. Medyo masakit siguro ^_^
"Kasalanan mo." sabi ko na kunwaring seryoso.
"Oo na, sorry na nga, kiss mo na lang ako." -_- Ah ganun
"Ayoko." sabi ko tapos tumayo na pero hinila niya pa ako.
"Papa Dave, ayaw niya daw ako na lang kaya.." bigla na lang sumulpot si Kathy na may dala-dala pang sandok.."kayo ha, kanina pa kayo. Nilalanggam na.."
(//_) Kung alam mo lang..
___________
After tumambay ni Dave sa bahay at umalis. Ai hindi, sinabihan pa ako ng wag kang gagala pag wala ako at umalis na. Nagpahatid ako kay Kathy sa Abreeza, kailangan ko kasing pumunta sa Western Union kasi may pinadlang wawarts si Tita Beth.
At oo, hindi ako nagpaalam sa boss dahil hindi naman talaga ako gagala.
Kaya eto ako, nag-iisang naglalakad pauwi na.
"Alex!"
O_O Sino yun? Patay sana hindi sila Elle o Ash, alam ko kasing magkukwento yun kay Dave eh.
"Alex!"
Tuloy lang ang lakad Alex, wag mong pansinin. Hindi ikaw yun.
Imposible naman si Dave yan kasi kahit sa malayuan mararamdaman ko talagang anjan siya eh, parang WiFi hotspot lang.
"Alex!" lilingun ba ako?
Dahandahan akung lumingon tapos (//_)
"Hoy Alex!"
Alam niya ang pangalan ko?
"Ahh..ehh.. Hello Lance."
Kung sinuswerte ka nga naman.
-_-
"Mag- isa ka lang?" tanung niya. Feeling ko siya rin lang magisa eh.
"Ah oo, pauwi na rin may binili lang.." sabi ko. Don't get me wrong pero parang ang bait niya lang talaga. Napaka amo ng mukha tapos makikita mo talaga ang resemblance nila ni Micah.
"Ah talaga? Tara! Sumabay ka na sa'kin." ha?
Sabi pa naman ni Dave na ayaw niya dito sa kapatid ni Micah, ewan rin nga eh.
"Ah hindi, wag na, magtataxi lang ako." sabi ko tapos dahan-dahan ng paalis.
"No, I insist. Don't worry, wala akung binabalak." nag smile lang ako. Na feel niya rin siguro na parang hindi pwede.
"Ah..ehh.. baka si Ano kasi eh." aaaiii.... Ano na bang gagawin ko?
"Si Prince ba? Don't worry. Hindi niya naman malalaman." he said. Super bait niya, nararamamdaman ko talagang wala naman siyang masamang intensyon eh.
"ha? Uhm... Sige na nga." nginitian niya na lang ako tapos sumama sa kaniya sa parking lot.
Weird man, pero tlagang okay lang sa'kin eh. Feeling ko naman talaga hindi siya tulad ni Micah, parang ang bait niya naman.
--- We drove to the house in such awkwardness. o ako lang talaga ang nakakaramdam?
Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko eh, siya lang naman yung nagtatanung tapos nagkukwento, buti na lang nga di niya nababanggit si Micah.
"Diyan na lang ako..." sabi ko sa kaniya at tinuro yung bahay.
Yep, nakapasok siya sa village. Ewan ko kung paano niya nakausap ang guard.
"Ah okay." tapos tumigil na.
Nginitian ko siya tapos nagpasalamat.
"Dito pala village nyo. Malapit lang dito yung hotel na tinutuluyan ko, diyan sa may Waterfront." sosyal. Mahal dun eh.
"Ah ganun ba. Salamat sa pag hatid ha." sabi ko tapos bumaba na.
Kinakabahan ako, ewan kung bakit.
"No problem. I hope to see you soon Alex." sabi niya tapos nag smile lang ulit ako. Ang bobo kong kausap no. Hindi pa rin kasi umaalis eh.
"Sige na, alis na" hinihintay ko rin siyang umalis pero kinakausap kasi ako sa window. Ano beyan?TT__TT
"Alex!" O_O Hindi ako pwedeng magkamali.
Pag lingon ko, galing sa loob ng bahay si Dave, nandito siya. Tapos nandito rin si Lance. Bakit di man lang nagtext si Kathy?
Wait, naiwan ko pala phone ko. Tanga!
"D-Dave?" ngumiti ako na parang engot habang papalapit siya sa'min.
Sinilip niya si Lance sa loob ng kotse, pero poker face pa rin. Nginitian lang siya ni Lance.
( _ _")
"Hey bro!" sabi ni Lance.
Wala man lang siyang sagot. Tahimik lang ako. Alam naman siguro nila kung bakit ( _ _") Super tanga ko na talaga.
Hinawakan ako bigla ni Dave sa bewang tapos lumabas naman sa sasakyan si Lance.
"Dave, hinatid lang ako ni Lance dito, nagkasalubong kasi kami sa mall, may kinuha lang ako." sinabi ko na agad bago pa magkagulo.
Hindi pa rin siya nag-salita at hinawakan lang ako sa bewang.
"Yeah bro, chill" sabi ni Lance na naka pangalumbaba pa sa atip ng kotse niya at ngumingiti.
"Lets get inside.." Dave said with the same poker face and a cold voice, sumunod na lang ako, tapos tumigil kami at nilingon si Lance na nakatingin lang sa'min, "Thank you for bringing my WIFE home." tapos pumasok na kami sa bahay. With emphasis talag yung 'wife' ha.
Pero sigurado ako sermon na to eh. ( _ _") Lagot na.