"Sabi ko na nga ba dapat hindi na lang ako pumayag eh," yuko lang Alex, wag kang titingin sa kaniya.
Eto kami ngayon, sa loob ng kotse niya, hindi ako nag-sasalita. Sinesermonan pa ako eh. Kanina pa talaga.
"Nasanay naman talaga ako eh." sabi ko na lang, para hindi na magalit.
"Nasanay? Kulang na lang nga sampalin ka ng babaeng yun eh." galit na talaga ( _ _")
"Galit ka?" tanung ko. Aist! Para na talaga akung bata na pinapagalitan ng tatay.
"..."
Walang imik.
"Oi!" ano ba hindi ba ako papansinin nito?
"Wag ka ng magalit, sorry na." sabay poke ko sa braso niya.
"Why are you apologizing?" suplado ng mukha nito.
"Kasi ano...kasi galit ka?" tama ba? Oo nga naman, hindi ko rin alam ba't sorry ako ng sorry dito eh. Kanina pa, ano ako echo?
"Hindi ako galit" hindi daw galit -__- Psh!
"Eh kulang na lang lapain mo ako dito eh!" sigaw ko sa tenga niya.
"Ano ba Alex, wag kang sisi--"
TOK! TOK!
Napalingon kami sa window, kumakatok si Lornie, yung classmate ko. Aist! Ano na naman ba? Nagalit na ba ang mga highschool classmates ko sakin?
"Ibaba mo," senyas ko kay Dave para ibaba niya yung window.
Hindi naman ako sinunod. Ang tigas ng ulo.
"Dave, isa!" galit kung sabi.
Effective naman, binababa nga ni Dave ang window sa side niya, dun kasi kumakatok si Lornie.
"Hi Lorn" bati ko kay Lornie na may weird na smile....kay Dave.
Eto namang isa hindi man lang nagawang ngumiti, nakatingin lang ng diretso.
"Ahhh...Pasensya na kayo kay Stephanie ha, nagbibiro lang naman yun..Anoo...Ahh...Balik na kayo sa cottage natin.." -__- patay na! It's official sa way pa lang nang pagsasalita ni Lornie, alam ko na na nakuha na siya ng kung ano mang kamandag ang meron si Dave.
"Wag na." malamig na sabi ni Dave. Hindi man lang tumingin kay Lornie -__-
"Aii, hindi Lorn, sige, susunod na kami." sabi ko.
"Aahhh..Sige Alex, hihintayin namin kayo." ako ang kinakausap tapos titingin kay Dave. Wala na! Wala na talaga!
Umalis na si Lornie at sinara na naman ni Dave ang window, tapos binuksan ko ang pinto sa passenger side.
"San ka pupunta?" tanung niya na nakataas pa ang kilay.
"Uhhmm... Babalik, tara na" yaya ko.
"Hindi pwede." he said firmly.
Eto na naman tayo.
"Dave..." I sighed.
"Hindi ka na pwedeng bumalik dun." sabi niya.
"Don't you trust me?" pinakawalan ko na ang pinaka-cute kung mukha na pwede kung magawa, dapat effective to.
Yun nga lang!
Hindi naman nakatingin sakin!
"I trust you, but I don't trust her." sabi lang niya.
*___* UUUHHHH!!! Kinikilig na naman ako!
Kelan pa ba ako makaka getover nito?! Ang tagal na namin ni Dave, pero kinikilig pa rin ako.
"Kinilig ka naman?" tumingin siya sakin tapos ngumiti. Ah! Wala na, my heart melts again.
"Tumigil ka nga diyan Weinstein!" pinipigil ko na talaga ang ngiti ko. Lord! Ayokong kinikilig! Ang baduy!
"May sasabihin ako babe." biglang sumeryoso ang mukha niya.
Sabi sa inyo bipolar to eh.
"Ano?" kunwari seryoso din ako. Baka magalit eh.
"Nagkikita ba kayo ni Lance, do you remember him?" O_O Anung klaseng tanung ba yan?
Teka. Alam niya kaya?
Yung mga instances na accidentally kaming nagkikita ni Lance?
(//_)
Imposible!
"Aahh...Ano, Oo, siya yung kuya ni Micah diba? Hindi naman..." Ang loser mo talagang umarte Alex!
Tumango-tango lang siya.
"Ayokong lumalapit ka sa lalaking yun." ayan na naman ang aura niyang nakakatakot. Kung ano mang meron sa kanilang dalawa ni Lance, sigurado akung hindi maganda ang nangyari sa pagkakaibigan nila.
Sana lang, hindi yun sa nangyari samin ni Micah.
1 day later.
Pagkatapos naming magusap ni Dave kahapon sa kotse niya, hinatid niya na agad ako sa bahay.
Take note: hindi niya na ako pinayagang bumalik dun sa mga highschool classmates ko. Patay na naman ako nito sa next na reunion, yun kung aattend pa ako.
Umuwi na rin siya sa Davao kahapon kasi may aasikasuhin lang daw na importante, nagmamadali nga eh. Ayaw namang sabihin kung ano yun.
Malapit na kami sa terminal ng Davao, susunduin niya daw ako eh, kaya tinext ko na siya na nandito na ako.
Hindi naman nagrereply, basta kung anung kulay pula na Hyundai Accent na kotse, yun na yun. Natatakot kasing mabombahan pag mamahalin ang kotse na dadalhin niya sa mga terminals.
Sa lagay na yun di pa mamahalin sa kaniya ha.
Pagbaba ko mismo sa bus, nakita ko na agad ang nakaparadang red na kotse.
At dahil ang lakas ng ulan, pumasok na ako bigla. Sama ng ugali nito di man lang kumuha ng payong tapos---
O____O
"Oh my God!Sorry! Sorry talaga hindi ko alam...teka--"
Si Lance?
"Hi Alex" bati niya sakin na naka ngiti.
"Naku! Sorry talaga Lance, akala ko kasi talaga sasakyan ni Dave eh. Kaya bigla na lang akung pumasok... Sorry talaga..." bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse kaso---
"No, it's okay. Ikaw nga ang pinunta ko dito eh." Ako?
Bakit ako? Paano niya nalaman na nandito ako.
"Before you start thinking about anything, nagkapalitan kami ng phone ni Prince nung huli kaming nagkita, and nabasa ko ang text mo so, ako na lang sumundo sayo."
...
Wala akung masabi.
So much for kailangan kung iwasan si Lance na segway.
-___-
Sana naman hindi na to malaman pa ni Dave.
Sus! Baka ano pang isipin nun.
"Sorry talaga sa abala ha, pwede naman akung sumakay na lang ng taxi eh..." nakakahiya talaga ako.
"No, I insist. Baka ako pa ang sisihin ni Prince eh, don't worry, we'll head home right away." sabi niya tapos pinatakbo ang kotse.
( _ _") Ano pa bang magagawa ko?
Habang pauwi kami, parang ang awkward ng silence.
"Ah Alex, you know I haven't had the chance to say sorry." bigla niyang sinabi.
"Ha? Sorry para saan?" ano kaya yun?
"You know, the thing about my sister..." aaahhhh... ngumiti lang ako. At least hindi siya tulad ng kapatid niyang parang psycho.
"Okay lang, matagal na yun. Buti nga nakilala mo pa akung buhay eh" natawa lang kaming dalawa.
"You're funny..." tawa lang talaga siya ng tawa. Nagmukha na akung clown dito.
"Teka. Diba sa ibang bansa ka nakatira, san nga ba yun? Wala ka bang ginagawa dun?" malay mo baka nagaaral pa pala siya, or something.
"Sa Macau, may trabaho na ako, very young at my age pa nga, pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon you need education. Pa-petiks muna dito sa Pilipinas..." natawa ako dun sa 'pa-petiks' na term niya.
Malapit na kami sa bahay.
Teka...
"Lance, sandali, parang kotse yan ni Dave eh..." sa kaniya ba yan? O kina Elle?
Naku! Patay ako pag nalaman ni...
*ppppeeeppp*
Nagulat na lang ako ng biglang may bumusinang kotse sa likod.
Paglingon ko, O___O s**t!
Eto na talaga yung seryosong kotse ni Dave. Patay na ako.
"Teka, bababa lang ako." sabi ni Lance.
"Umuulan, dun na lang kayo mag-usap sa bahay." nag-alalang sabi ko. Hindi ko alam, pero parang kinabahan na lang ako bigla.
"I think there's no need for that..." sabi niya.
Tapos biglang bumukas ang pinto ng kotse sa tabi ko.
"Let's go home." diretso ang tingin niya sakin.
May hawak siyang payong at hinihintayy na lang akung bumaba sa kotse ni Lance.
"Salamat La---"
"I said, let's go!" dali-dali na akung bumaba dahil alam kung galit na si Dave.
Pagkasara ko ng pinto, umalis na agad ang sasakyan ni Lance.
(//_) Parang feeling ko matutunaw na ako eh. Kasalanan ko na naman. Sermon again!