Pumasok kami sa loob ng bahay, hindi kami nag uusap simula nung umalis si Lance. Malakas pa rin ang ulan, hindi ko alam kung sa lamig lang ba o talagang kinakabahan ako.
Hindi ko naman talaga kasalanan eh.
"Oi ang mga lovebirds! Welcome back bakla!" bigla na lang sumulpot si Kathy. Kaya parang mas lalong naging awkward.
-____-
"Ai LQ ata" bulong pa niya sabay alis.
"Dave..." tawag ko sa kaniya na paakyat na ata sa kwarto ko para ilapag yung mga bag ko.
Sinundan ko na lang siya, hindi naman ako pinapansin.
Pag pasok ko sa loob ng kwarto nakita ko siyang nilapag ang mga bags ko, pero hindi niya pa rin ako nilingon.
"Dave?" tawag ko ulit. Parang feeling ko, ngayong moment na to pwede na akung mahimatay at matapos na ang lahat ( _ _")
"Dave naman kausapin mo naman akooooo...." (//_)
Hindi niya pa rin ako kinakausap, tinitingnan niya lang ang view sa veranda.
"Galit ka ba sa'kin?" nilapitan ko siya tapos niyakap patalikod, "...Pokemon ko galit ka ba? Sorry na, hindi ko naman talaga alam na---"
"Don't explain. It's all right." Matipid niyang sagot. Kahit na sabihin niya pang okay lang parang nagi-guilty pa rin ako.
Kainis naman!
"Yung cellphone mo kasi, nagkapalit daw kayo tapos tinitext kita tapo-"
Bigla na lang siyang humarap, kamuntikan na akung tumilapon buti na lang nahawakan niya ako -_-
"My phone is here." Tapos pinakita niya sakin yung phone niya, yun nga. Yun nga yung cellphone niyang dinikitan ko pa ng sticker ni Hello Kitty.
"P-pero...Sabi ni Lance -"
"I told you, masama siyang tao Alex." Napayuko na lang ako. Eto na naman. Nagpapakabobo na naman ako. Hindi kasi ako nakikinig eh. Ang tigas kasi ng ulo ko.
"Sorry" mahina kung sabi.
"Stop saying sorry." Niyakap niya ako, nawala agad yung lamig ng paligid. Alam mo yung feeling na parang bata ka, yung parang feeling mo protected ka talaga. Eto yun eh, "... sige na, mag bihis ka na."
Bumitaw na agad kami sa isa't-isa na parang wag muna... para talaga akung bata :|
Tiningnan ko lang siya, akala ko lalabas na, pero umupo lang sa kama ko.
"Teka, Pokemon lumabas ka muna. Magbibihis ako diba?" sabi ko.
"Oo nga, so bihis na. I'll stay." Sabay kindat niya pa.
"P-pero...hindi pwede" anung stay? Maghuhubad ako! Tapos stay?!
"Bakit?" humiga pa siya sa kama tapos nilagay ang kamay sa ulo na parang wala lang.
"Anung bakit? Magbibihis ako, lumabas ka." hinili ko pa ang paa niya, napabangon siya agad. Hehehe. Natatakot atang bumagsak sa kama.
"Kiss muna." sabay strike ng infamous smirk niya. Alam ko, alam ko talagang namumula na naman ako.
"Heh! Labas na Dave!" papaluin ko na sana tapos bigla na lang akung hinila kaya napabagsak kaming dalawa sa kama. Nasa taas niya ako.
"Dave!" hindi ako makabangon kasi hinahawakan niya ang magkabila kung kamay.
"Kiss ko nga, ang damot." kumunot agad ang noo.
"Hindi pwede. Ikaw napaka-spoiled brat mo, nagiging isip bata ka na naman." pagkasabi ko nun, bigla na lang tumayo, kaya nahulog ako sa kama.
"Aray!" sigaw ko. Feeling ko ata yung ilaw sa baba, nahulog na sa lakas ng pagkakabagsak ko, pero the great Dave Weinstein dumiretso lang sa labas at hindi man lang ako pinansin.
Nagtampo na naman.
At talaga namang ang pinag-aawayan namin ngayon ay ang dakilang halik ni Alex -__-
Hmp!
Sinara ko na lang agad ang pinto at nagbihis na.
Nagtatampo na naman. Aist!
Dave talaga, wala man lang asenso ~_~
Bumaba na ako at inabutan ko si Dave at si Kathy sa sala na nanonood ng TV. Hindi man lang nila ako pinansin.
Ano bang pinapanood nila?
Umupo ako sa tabi ni Dave at nanood din ng TV. Bale si Ako tapos si Dave tapos si Kathy.
( _ _") Wala man lang may pumansin sakin.
"Kathy hindi ka ba aalis ngayon?" tanung ko na lang. Ako na lang nga mauuna.
"Ah. No friend, dito muna me. Kamusta pala ang friends from the other side of the world?" aaahhh...Himala, lagi kasing wala to, kung wala sa mga gay bars, nasa bahay ng mga boylets niya.
At naalala niya pa pala na galing ako sa reunion na dapat kaming dalawa ang magkasama.
"Ayun, okay naman" tumahimik na lang ako tungkol dun sa nangyari samin ni Steph, baka sumugod pa si Kathy sa GenSan at parang hindi niya rin alam ang tungkol sa pagpunta ni Dave dun.
Sumimple ako ng silip kay Dave. Sigurado bang nanonood talaga to ng TV o ini-ignore lang ako?
( _ _")
Ayaw na talaga akung pansinin.
Alam ko na!
Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa tenga, kahit alam ko namang wala talagang tumatawag tapos...
"Hello LANCE?" sabay emphasize ko pa ng name, at ganun lang kabilis ng mawala din ang cellphone ko sa kamay ko... "..t-teka.."
Tiningnan ni Dave ang phone, lagot na. Napansin niya atang wala talagang tumatawag.
"Sinong Lance, friend? Siya ba yung nakasabay natin sa mall nung isang araw, yung nagha--" lumundag ako kay Kathy sabay takip ng madaldal niyang bunganga.
Isipin mo yun ha, nasa gitna pa namin si Dave.
Ako naman kasi, aist! Nagkunwari pa ako. Nakalimutan ata ni Kathy na hindi dapat malaman ni Dave na may mga times na nag accidentally meet kami ni Lance.
Baka ano na namang isipin nito.
"Anung sabi mo?" hindi ko maintindihan ang tono ng pananalita ni Dave. Hindi ko alam kung galit ba o wala lang.
"Aahh.. W-wala. Yung ibang Lance yung sinasabi ni Kathy..." ako na lang ang sumagot para sa kaniya kasi tinatakpan ko pa nga si Kathy. Tumango-tango lang si Kathy na parang alam na ang nangyayari.
Hindi na lang pinansin ni Dave at hinawakan na lang ako sa bewang sabay hatak palayo kay Kathy, nahihigaan ko na rin kasi ang kalahati ng katawan niya ( _ _")
Tumahimik na agad pagkatapos nun.
Feeling ko sunod-sunod na lang agad ang kasalanan ko sa kaniya eh. Ang sama kung girlfriend!
2 days later
Dalawang araw na ang nakalipas ng huli kung nakita si Dave. Meaning nung nasa bahay pa kami. Pero alam mo naman ako, masyadong ma pride, hindi ko naman tinatawagan o hinahanap kay Elle or Ash.
-__-
Kaya eto ako ngayon, feeling miserable.
BEEP! BEEP! BEEP! *ringtone ng cellphone, walang mangingi-alam*
Dali-dali kung hinanap ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Hay salamat! Si Dave na sana to! Anak ng tokwang kumag na yu--
O_O
*+6391782186**: Alex, please pumunta ka dito sa park. Need 2 tell u something. Please. Lance
(//_) Paano niya nakuha ang number ko??!!!
Aist!
Shit!
Magagalit sa'kin si Dave pag nakipag kita ako sa kaniya!
At sa park pa talaga? I mean, umaga naman. Pero bakit dun? The last time I went there I almost got r***d! Thanks to her sister!
At ngayon siya naman ang nagpapa-punta sakin dun?
What's with them and this park thing?!
Pero teka, nagpapa-panic na ako! Anung gagawin ko?!
Pupunta ba ako dun?!
Ano?!
Sabi ni Dave wag na daw dapat aku---
KRING! KRRIIINNNGG!!!
Shit! Tumatawag na siya! Sasagutin ko ba? Hoy ano Alex! Magisip ka!
"Hello?" so sinagot ko nga! ( _ _")
"Alex? Did you receive my text?" tanung niya sakin.
"Uh-huh" sagot ko.
Ano na?!!!
"Are you coming?" mahinahon masyado ang pagkakatanung niya, na parang hindi niya naman ako pinipilit. Okay naman talaga siyang kausap, pero...
"Ehh... Ano kasi..eehh..." Ah! Tanga! Magsalita ka Alex! Wag kang boba.
"I know, your boyfriend didn't want you near me. Fine with me. But please? For the last time? May ibibigay lang ako." (//_) eto na nga ba eh! Ang power of please sakin! Nakaka-gggrgrrrrr!
HUHUHUHUHU patay na naman ako kay Dave nito.
"Aahh... Sige, pupunta na." binaba ko na ang phone.
Talaga bang pupunta ako dun?
Ano bang pinag-kaiba ng psycho niyang kapatid sa' kaniya? Baka ano pang gawin sakin nun.
Pero hindi naman siguro, mukhang harmless naman siya eh, at kung meron naman siyang balak na masama sakin, ehdi sana hindi niya na ako inuwi nung hinatid niya ako dito sa bahay. Sana na salvage na ako.
Ai naku!
Ano ba tong pinag-iisip ko!
Bumaba ako at nakita ko si Kathy sa sala na nanonood ng TV.
"Kathy, labas lang ako." nagpaalam ako sa kaniya, pero parang hindi niya lang ako narinig.
Palibhasa kasi si Johnny Depp ang artista.
Nagdala na rin ako ng barbeque stick na nakita ko sa kusina. Mabuti ng ay hawak kesa sa wala.
At talaga namang ito pa ang napagisipan kung dalhin ha. Isang karampot na BARBEQUE STICK.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang Park.
Maya-maya pa nakita ko na ang magarang sasakyan na naka-parada malapit sa puno, dun din mismo sa park.
Parang Deja Vu lang. Naalala ko tuloy si Micah, yung kapatid niya.
Nakita ko na rin siyang nakatayo sa harap ng sasakyan. Nakita niya rin ako at nginitian.
"Hello" bati ko.
"Hi. Oh ano yan?" tumingin siya sa kamay ko. Hawak-hawak ko pala yung barbeque stick. Bad trip!
Isipin pa nito, sira-ulo ako.
"Ah wala, kumain kasi kami ng barbeque ni Kathy, kanina lang..." plus awkward ko pang tawa -_- priceless!
"Oh...Right! Eto pala, pakibigay na lang kay Prince." parang bumenta naman ang palusot ko. Inabot niya sakin ang isang brown envelop, akala ko para sakin, kay Dave pala -___-
"Okay... teka, ba't di mo na lang ibigay sa kaniya?" tinanung ko. Though alam ko namang di sila magka sundo.
"Long story." sabay smirk niya lang. Kamukha niya si Micah kapag mag smirk, parang ang bait.
"Aahh...Lance?" may gusto akung itanung.
"What is it?" Lance
"Uuhhmmm... Yung sa terminal, yung ano..yung paghhatid mo sa--"
"Oh that? Yeah, I lied." casual niyang sabi.
"Huh? B-bakit?" tanung ko. Inaamin niya talaga sakin na nagsinungaling siya?
"You'll soon find out. You know Prince is not really a good person." patawa niyang sabi sabay sindi niya ng sigarilyo. Naalala ko ang sinabi ni Prince, parang tulad din ng sinabi niya.
Moments of silence...
"Paano Lance, aalis na ako, ibibigay ko na lang tong envelop sa kaniya pag nagkita kami..." sinabi ko habang papalayo na sa kaniya.
"Oh okay..." sabay buga niya ng usok galing sa sigarilyo, "you can keep that thing if you want too."
Tumalikod na ako.
Anung ibig niyang sabihin?
Ano bang laman nito?
Stranger's POV
"Oh ano? Nabigay mo na?" I asked, naiinip na talaga ako.
"Oo! Lintik! Ano ba paulit-ulit na lang?" he shouted back. Punyeta talaga to, inuutusan na lang nga.
"Don't cuss at me okay? Or hindi ko na ibibigay ang contacts na kailangan mo sa Japan!" at pag ginawa ko yun, hihina ang influence ng grupo niya sa mga Yakusa. And dad will be so pissed of him.
"b***h! Why didn't you tell me that there is a f*****g girl involved?" Ugh! He really don't get me!
"Didn't I tell you nga? That you just have to expose the real Prince to someone, and that someone is the girl!" What a bobo!
"Whatever. Ibigay mo lahat ng contacts kay Earl, ngayon na!" fine! At least he did his job. And I shall make my comeback when everything is set.
"Fine!"