"Hello Ash?" tinawagan ko si Ash. Actually kanina ko pa talaga silang tatlo kino-contact. Si Dave, siya pati si Elle. Tatlong araw na ha. Tatlong araw na simula ng huli kaming nagkita ni Dave. Natiis niya ako ng ganun katagal?
Tatlong araw?~__~
Hindi ako possessive!
Hindi lang ako sanay! Okay?
Kahapon nagkita kami ni Lance kasi dun sa binigay na folder. Hindi ko naman binuksan eh, kasi para kay Dave yun, baka magalit pa yun sa'kin. Kilala niyo naman yun. Kaso, wala siya. Hindi man lang ako pinuntahan kung okay lang ba ako.
-___- Kung tatanungin niyo kung bakit hindi ko na lang siya puntahan sa condo niya o kaya sa bar ni Ash. Dahil! Dahil, ayoko! Ayokong sabihin niyang patay na patay ako sa kaniya. In short, PRIDE.
Pero eto na nga, tinatawagan na si Ash.
"Oh Alex? Napatawag ka." Sagot ni Ash. Parang wala lang sa kaniya na ilang araw na akung parang invisible.
"Asan ba kayo? Si Dave?"
"Andito kami sa golf-course. Si Dave? Hindi pa siya dumadating eh, hindi ka ba tinatawagan?" sa golf-course. Malamang kasama naman si Elle, pero nasaan si Pokemon ko???
"Hindi niya pa nga ako tinatawagan eh. Tatlong araw na kami hindi nagkikita." ( _ _") at namimiss ko na siyaaaaaa!!! Huhuhuhu
"Ha? Hindi niya ba sinabi sayo? Nasa US siya ngayon." O_____O
"Ano?!" seryoso ba siya? B-bakit? Seryoso??!
"You mean, hindi mo alam? Yeah, he's been gone for three days. Hindi rin nga sinabi sa'min kung bakit, and we thought nagpaalam siya sayo." ...speechless
"Hindi ko alam! As in, hindi ko talaga alam, nagkita kami before siya umalis pero di niya sinabi." AAAHHH!!! Ano ka ba naman Dave! Ano to? Break up?
"I'm really sorry Alex, hindi talaga namin expected na hindi mo alam. But the good thing is pabalik na siya ngayon." Bumalik siya! ~___~ pero umalis pa rin siyang hindi nagpapapaalam. Buti sana kung Cagayan or Manila lang, pero kahit na!
Ako, kailangan kung magpaalam sa kaniya kung aalis, pero siya? Andun!
"Ahh... Salamat Ash. Sige, text niyo na lang ako kung dumating na siya." Sabi ko tapos pinatay na ang cellphone.
~___~ Ang sama mo talaga Weinstein! Lagot ka sakin pag balik mo!
AAAHHH!!! Nakakainis ka! Hindi ka man lang nagpaalam.
Hindi mo alam na halos irehab na ako sa kakahanap sayo.
"Oh bakit mukhang bad trip?" tanung ni Kathy, kakapasok niya lang sa kwarto ko.
"Wala, nasa US pala si Dave kaya hindi nagpapakita." ~___~
"What? You mean, you two broke up?" huhuhuhu naman Kathy! Advance!'"
"Hindi! Hindi lang siya nagpaalam bago umalis, pero pabalik na rin daw siya ngayon." Buti na lang, kung nagkataon! AAAHHH!!!! Hindi ko rin pala siya masusundan kasi poor to the max pala ako.
"Ah okay." Sabi niya lang tapos umupo sa kama ko.
"Teka, anung ginagawa mo dito?" sabi ko.
"Ewan nga ba't nandito ako--- este, yung si Tita pala, nagpadala ng pera sa account ko, for enrolment." Ay oo nga pala. Enrolment na naman. May na eh. Sa June na naman. Aist!
Makikita ko na naman ang mga kaklase kung walang magawa sa buhay.
Sana iba na naman ang block ko para malayo-layo naman ako sa kanila.
"Ah, salamat. Bukas na diba ang enrolment?" bukas na ata eh. Para sa course ko, ewan kay Kathy.
"Yep. Anyway, umayos ka ha. Wag kang parang napo-possess diyan." Sabay tayo niya palabas.
"Possess?" o_o?
Anung possess?
"Oo, alam mo ba. Dinig na dinig ko ang tili mo sa baba. Yun din pala ang reason kung bakit ako nandito. Babalik yun. Don't worry." Tapos umalis.
Naririnig niya pala. ( _ _")
Nawala na lang ang araw at napalitan ni Mr. Moon, ganun pa rin. Wala pa ring balita kay Dave. Kaya tinawagan ko na si Ash kung may balita na ba kay Dave. Kung ang hinayupak niya bang eroplano eh lumapag na.
Hindi niya daw alam kasi hindi naman daw tumawag si Dave, hindi rin ma-contact. Wala naman daw sila Tita Viel para pagtanungan ng mga bagay-bagay dahil nasa Japan. Ewan nga bakit nandun at yung anak nasa US.
Kaya hinihintay ko na lang sila Elle at Ash na pumunta dito dahil sabay daw kaming pupunta sa bahay nila Dave. Kumag nun!
"Lex andito na ang mga asawa ko---Aray!" narinig ko si Kathy sa baba, sigurado nasapak na naman yun ni Elle. Talaga atang ayaw talaga ni Elle sa kaniya ^__^
"Wait lungs..."
Pagbaba ko, nakita ko na nga si Elle at Ash dun sa labas. Bakit di pumasok?
"Yo!" bati sakin ni Elle.
"Tara na?" Ash
"Bakit saan kayo pupunta? Gabi na." ( _ _") Oo nga pala, di ko pala nasabi kay Kathy.
"Pupunta kami sa bahay ni Dave. Sama ka?" sabi ko. Kesa naman maiwan siya dito, parang tulad ng ginagawa niya sakin. Iiwanan tapos sasama sa mga prends niya sa club -___-
Wow! Sama ng loob lang.
"Ah talaga? O sigee..." -__- abot tenga pa ang ngiti.
"Wag na. Maiwan ka na dito. Baka kung ano pang...can we just go?" #__# patay na, nagreklamo na si Elle, nauna nang naglakad, wait, lumingon, "...you stay here." Tumingin siya kay Kathy.
Hahaha. Ewan ba pero natatawa kaming dalawa ni Ash sa kanilang dalawa.
"Oh pano ba yan iwan ka daw, next time na lang." tinukso pa ni Ash tapos pumunta na sa sasakyan. Kawawa naman si Kathy.
Tumingin lang ako sa kaniya.
"Buti na lang gwapo sila. Sige ikaw na lang nga bakla, solo mo naman ang mga boys. Sayang." Parang wala lang din sa kaniya na naka-piso na naman siya kay Elle. Hahaha...
"Oo na, sige. Mag lock ka. Bye." Naglakad na rin ako papuntang sasakyan.
Si Elle ang nasa likod. Si Ash ang driver tapos ako sa harap na upuan.
Tapos umalis na kami.
"Teka, ano ba yang hawak mo?" tanung ni Ash.
Tumingin din ako sa hawak ko. Ah yung folder.
Ibabalik ko na rin kasi it okay Dave eh, diba nga sabi ni Lance.
"Ah... wag kayong maingay ha, ibabalik ko daw kasi to kay Dave, galing to kay Lance, baka kasi magalit. Ala---AAAHHH!!!" O___O
Kamuntikan na akung bumalintong, buti naka seat belt ako.
"Aray Ash. Dahan-dahan naman." Parang humiwalay na ang ulo ko.
"Give me that." Kinuha ni Elle sa kamay ko ang folder.
"Te-teka! Ibigay mo yan kay Dave ha." Sabi ko na lang, sa tingin ko kasi hindi ko na makukuha yun ulit eh. Tinago na eh.
"Nakita mo na ba ang laman nito?" tanung ni Ash.
Well, nakita ko na ba?
"Hindi pa, bakit ano bang laman niyan?" tanung ko. Oo nga, hindi ko nabuksan yan eh.
"Ah wala, tara lets go. Gabi na." sabi lang ni Elle tapos pinaandar na ulit ni Ash ang kotse tapos umalis na kami.
Sa byahe, wala ng nagsalita. Ano ba kasing laman ng folder na yun? Aist! Na curious na tuloy ako.
Sana binuksan ko na lang nung nasa bahay pa ako.
9487588874882628402 years later
Mayamaya, nakarating na rin kami sa Marco Polo, ang condo ni Dave. Ito pa lang ang ikalawang pagkakataon na napunta ako sa condo ni Dave. Oo nga, bakit kaya hindi niya ako pinapapunta dito.
~___~ baka may tinatagong babae.
Sumakay kami sa elevator papunta sa penthouse.
TING!
Nagulat pa ako sa tunog.
"Okay ka lang?" tanung ni Elle.
Tumango-tango lang ako.
Naglakad kami ng konti tapos hanggang sa nasa pinto na kami ni Dave.
Pinindot ni Ash ang doorbell.
Hindi bumukas ang pinto.
Pinindot niya ulit.
Tapos bumukas ang pinto, pero...
"Hi" isang magandang babae ang bumati sa'min. Parang ka-edad ni Tita Beth. Pero mas bata tingnan. Teka. Anung ginagawa niya dito.
"Hello beautiful is Prince there?" si Elle ang unang nagsalita.
"Yes, please come in. Paalis na rin ako. Are you his friends?" tanung ng babae.
"Yes. Aalis ka na agad? We'll see you again." Sagot ni Elle habang papasok sa kami tapos palabas naman ng condo yung babae.
Sinara na agad ni Elle ang pinto.
"Sino yun?" tanung ko.
"Ewan. Baka tita." Sagot ni Ash.
"Oh baka sugar mommy." -___- Elle talaga.
"Dun yung kwarto niya Alex. Dito na lang kami sa labas, tingnan namin kung andito siya." Sabi ni Ash sabay turo sa isang door sa gilid.
Naglakad naman ako papunta dun sa pinto. Imbis na mainis ako, para akung kinabahan...may nagyayari ba kay Dave na hindi ko alam?
Aist! Bakit ba ako kinakabahan ng ganito.
Dave may nangyayari ba satin?
Iiwan mo na ba ako?
Bakit umalis ka ng hindi man lang nagpaalam sakin?
Dave?
Sabay sa pagtanung ko ang dahan-dahan kung pagbukas ng pinto...
Patay ang ilaw....
Kinapa ko ang ding-ding para sa switch, hanggang sa naramdaman ko nga. Pinindot ko tapos umilaw.
Nilibot ko ang mata ko para sa isang bagay, sa isang tao. Para makita siya. Dave?
Pero...