"Tara babe."
Sumakay na ako sa sasakyan. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto tapos tiningnan ko siyang umikot papuntang driver's seat.
Pupunta kami sa concert.
Ewan ko nga kung anung nakain niya, alam niya namang ayaw ko sa mga concert na ganiyan. Ayoko ng maraming tao yah know.
Masyado akung...preserved.
"Sinasabi ko sayo Dave, tutulugan ko lang talaga yang concert na yan." sabi ko sa kaniya habang nagda-drive.
"Ang baby girl ko talaga," sabay gulo sa buhok ko. Anubey, nagda-drive pa naman, "...mga mellow naman na song yun dun eh."
Ah tama. Kasi kay Sitti pala. Promise. Ayoko talagang pumunta dito, kung hindi lang sa pag-tantrum nitong isa eh hindi talaga. Never!
Short drive lang, nakarating na agad kami sa SM, since dito naman gagawin ang concert. Ang dami ng tao. Aist! Ito na ba ang ayaw ko.
"Hold my hand." he said then held my hand.
Sumunod sunod naman ako sa kaniya habang hawak niya pa rin ang kamay ko tapos pumunta kami sa linya. Buti na lang talaga hawak niya ako, kasi kung hindi, hindi ko talaga alam kung nasaan siya. Naka-hood kasi niya, ang hirap nga niyang makita eh.
"Pokemon..." Nag whisper ako enough para marinig niya.
Nilingon niya naman ako at tinaas ang kilay niya na parang tinatanung ako kung ano yun.
"Uwi na tayo." tapos nag smile ako na parang hopeful talaga.
"Tino-topak na naman. Hahalikan kita dito eh. Gusto mo?"
Ayan na naman siya sa mga pagbabanta niya.
"Oo na nga. Teka, ba't hindi na lang natin tawagan sila Elle at Ash?" tanung ko. Ang tagal ko na rin hindi nakita yung dalawa eh.
Joke lang. Kanina lang, dapat nga kasama namin sila dito eh. Ang kaso, sila ang nag bigay ng tiket kay Dave na sila naman ang bumili dahil hindi na daw nila maasikaso pang panoorin. Hay naku!
"May importante ngang gagawin diba?" he said na parang, 'as a matter of fact'.
I just shrugged.
Pumwesto naman siya sa likod ko at pinatong ang dalawa niyang kamay sa shoulders ko tapos sinandal niya yung ulo niya sa ulo ko. Para kaming nag hihintay ng pagkain.
"Prince!" napalingon kaming dalawa ng may tumawag sa pangalan niya. Talaga namang napansin pa siya ha, kahit na with all the get-up na parang nagtatago na si Dave.
Tapos may nakita akung lalaki na may kasamang dalawang babae. Tumingin ako kay Dave para tanungin sana kung kilala niya. He just wrapped his hands around my waist at tumango sa paparating na grupo.
"Kamusta na bro! Haven't seen you around. Bakit ka nandito sa labas?" the guy said while they did the awkward eye-to-eye greeting. Nagtatanung ba naman kung bakit nandito sa labas si Dave. Ignorante lang ba?
"It's been a long time Flin." sabi naman ni Dave.
"Hi Prince." bati nung isang babae na kasama ni Flin.
Nagulat lang ako sa reaksyon ni Dave. Tumagilid kasi siya tapos humarap sakin. Uhm. Okay?
"Don't you remember me? Maria." the girl said again at pinakilala niya ang sarili niya.
Parang may awkward moment na naman kasi hindi sila pinapansin ni Dave.
I gently squeezed his hands, sign na SANA kahit papaano, pansinin niya naman.
"Hi Maria." finally nagsalita naman si Dave.
"Ah so you're going into a date?" nagsalita naman si Flin.
"Yes, this is my wife, Alex." pagpapakilala sakin ni Dave. The W- word just kept tinggling in the air na para bang tumunganga yung tatlo.
"You got married? Are you serious?" tanung naman nung isang babae na parang kanina pang hindi nagsasalita.
"Yes." matipid na sagot ni Dave.
"Well hello there Mrs. Weistein." inabot ni Flin ang kamay niya para makipag-hand shake.
Ngumiti naman ako at nakipag-handshake sa kaniya kaya lang imbis na hand-shake. He flipped by palm and about to kiss my hand.
"I'm not going to do that if I were you."
Napatigil si Flin sa sinabi ni Dave.
Inalis ko naman agad ang kamay ko.
"Of course. We shall get going now. We'll see you around." parang natakot pa ata si Flin.
Umalis naman agad sila at naiwan kaming dalawa ni Dave sa pila.
"Ikaw talaga Pokemon, wala ka pa ring pinagbago."sabi ko tapos pinisil ang ilong niya.
"OMO! Is that Prince Dave Weinstein? Bakit nandito siya sa labas? " I heard a harsh whisper from afar. Haist! Pati ba naman dito. Oo nga naman, isang 'kakaibang' tao si Dave. Bakit hindi ko naisip *facepalm*
"Wag kang maingay! Baka marinig ng ibang tao, swerte na nga tayo na nakikita natin siya eh." I heard another voice. Ahem! Naririnig ko kayo -_- pero parang oblivious naman yung mga tao sa paligid. Ano ba naman to, parang nagtatago ako ng artista.
"Yeah! Tara lapitan natin." I heard another audible shriek.
"Ugh! She's with 'the wife'..." about time nung lumingon ako I saw the girl made a quotation about 'the wife' thing.
Hindi talaga ako masasanay sa mga ganito pag kasama ko si Dave sa publiko. Feeling ko kailangan ko na lang palaging malait. Feeling ko I'm not good enough for Dave na kailangan na lang may humusga sakin.
I suddenly felt a warm breath in my neck kaya napalingon ako, his eyes met mine, then he kissed me. He pulled me closer deepening our kiss. Kamuntikan ko ng makalimutan na nasa publiko pala kami.
He gently pulled away then kissed my forehead.
Feeling ko ang pula ko na naman ( _ _")
I just looked at him, tapos nakangiti lang siya na parang walang nangyari. Ai naku! Ilan ba ang naka-kita samin? Aist!
Ngayon ko lang na realize na kahit papaano, maswerte ako. Dahil hindi ko man akalain kung paano, boyfriend ko si Dave, akin siya, sino nga ba naman ako nung dati pa? A typical nobody na walang kaalam-alam sa mundo.
Tapos ngayon, I'm holding hands with someone na pinapangarap ng lahat. Pero ni minsan hindi niya pinaramdam sakin na ako yung nag benefit sa relasyon, na I was made somebody dahil girlfriend niya ako. No, he always makes me feel na parang everything is for me, na parang siya pa yung naka-panalo ng prize. Alam mo yun.
"Ang daming tao." I whispered to myself.
"Oo at hanggang ngayon andito pa rin tayo sa pila. Ang tagal." naiinip na ata sa sobrang tagal ng pila. Eh pano ba naman, ang daming tao.
"Hayaan mo na ga-- Teka! San tayo pupunta?" bigla ba naman akung hinila. Nag pass na kami sa mga nauna samin hanggang sa makarating kami sa entrance kung saan yung mga guard.
"Andrei!" may tinawag siya sa loob.
May nakita naman akung nakatawag atensyon.
"Oh boss! Andito na pala kayo. Tara na po." sabi ng lalaki tapos may dalawang guard na nagpapasok sa amin sa loob.
Ganun lang? Eh bakit pa kami pumila eh may mas madali naman pala.
"Pokemon ba't pa tayo pumila? Eh pwede naman pala to?" tanung ko habang nili-lead niya ang way namin papunta sa table. Para kasing bar ang set-up dito eh, may mga tables, hindi yung parang concert na concert talaga. Ano daw?
"Si Ash pala ang nag fund ng concert. Pwede naman tayong pumasok agad..." sabi niya habang paupo na kami sa isang mesa na malapit sa stage. May nakalagay pang, 'Reserve for Mr. and Mrs. Weinstein.' Kinilig naman ako dun. Hindi pa kami kasal nito ha, "...Sorry I forgot about that Pikachu."
Ngumiti lang ako pagkatapos niya akung halikan sa noo. Itinabi niya ang seats namin tapos hinawakan ang kamay ko. Para namang ang sikip no, kailangan magsiksikan!!!
Kami lang nga ang nasa table eh.
Mayamaya pa nag start na ang show. Grabe ang mga tao, palakpakan talaga.
Tama nga si Dave. Pwede na akung matulog dito ngayon, mellow talaga ang mga songs.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Dave.
Yun ko lang narinig na kumakanta pala siya, sinasabayan niya si Sitti. Napatingin lang ako sa kaniya habang nakatingin pa rin siya sa stage at nanonood. I squeezed his hands tapos napatingin siya sakin.
"Dapat pala sa bahay na lang tayo. Mas gusto ko ata ang concert mo." sabi ko then he smiled.
We stayed by each other hanggang sa kamuntikan na nga akung makatulog, kung hindi lang talaga nilalaro ni Dave ang buko ko o ang mga daliri ko.
"Wait baby," tumayo siya sa part nung may nag intermission. Nag ad-lib ata si Sitti, change custome muna.
Tiningan ko lang siya na lumapit sa organizer ata ng event. Teka, si Ash ba yun? Tapos si Elle? Teka, ano bang nangyayari?
Then, umakyat na lang agad sila sa stage. Hindi, si Dave lang at si Elle tapos mas lalong lumakas ang tilian.Napatingin naman ako dun sa mga taong naka tayo sa likuran ng venue.
O_O
May mga banners pa?
Teka, alam ba nilang magpe-perform sila ngayon? Ba't hindi ko man lang alam.
Grabe ang mag tilian ng mga tao, mostly girls. At hindi ako nagbibiro. Pwede na atang mag artista si Elle at Dave eh. Hahaha.
"Hello everybody!" sigaw ni Elle sa mic at nagsigawan naman ang mga tao.
Concert ni Sitti o concert nila?
Anubey?
"Hoy!" napatingin ako kay Ash. Umupo siya sa tabi ko.
"Teka, akala ko ba concert ni Sitti." sabi ko na natatawa na talaga.
"Hindi ka talaga nagbabasa ng poster..." pailing-iling pa si Ash, "...special guest sila. Nasa poster yun no." tapos kumindat sakin.
Napatawa lang ako.
Pinanood ko naman si Elle na hindi maubusan ng pa-charm sa mga tao.
Grabe, hindi talaga ako makapaniwala.
"So who wants to hear our resident hot guy number 2 here?" sigaw naman ni Elle sabay turo kay Dave. Sira talaga to.
Sigawan na naman ang mga tao.
"A while ago, I was just watching my love sleep..." Dave spoke na parang natatawa pa, kinikilig na naman ako, "...akalain niyo yun, nakakatulog siya sa ingay." natawa na naman siya, pati nga rin ako.
"So Alex, baby goodnight..." he said. Tapos nag play na yung song.
O_O Baby Goodnight ni GD and TOP yung kanta.
Talagang going Korean si Pokemon ko ah.
"Baby good night... baby goodnight..." he sang sending goosebumps on me. I think I'm inlove again....for a billionth time.