"Bakit tayo nandito?" I managed to say the words without looking at him after what seem like years of driving. We didn't talk, we didn't say our hey and hi to each other. Nahihiya ako sa kaniya. Parang... basta.
He just smiled at me then went out of the car and opened mine, which probably showed the major awkwardness.
Sumunod na lang rin ako sa kaniya papuntang elevator, buti na lang nga may mga tao rin sa loob, kundi awkward na naman.
Any moment nag open na ang elevator at dali dali na naman kaming lumabas, napansin kung siya na pala ang nag bitbit ng pinamili ko sa mall kanina, kita mo, ni hindi ko naman lang naalala.
Pumasok kami sa condo unit ni Dave, hindi ko alam kung bakit kami pumunta dito, eh sa pagkaka-alam ko nandun sa bahay nila sa village isi Dave.
Pumasok na rin ako. Tapos nakita ko si Dave na may sinusulat sa terrace niya, medyo madilim nga dun maliban sa dim na light.
Dahan-dahan akung lumapit sa kanya, hindi niya nga kami napansin na pumasok, masyado atang busy sa sinusulat niya. Bakit kaya siya nandito?
"Dave?"
Napatalikod siya ngumiti lang tapos tumayo at niyakap ako, "Ba't ka nandito?" tanung niya sakin.
"Namiss kita eh." sabi ko na lang, hindi ko pa sinabi na hinatid ako ni Duke dito. At nandito na siya. O alam niya kaya.
"Andito si Duke?"
Nagulat ako sa tanung niya. So alam niyang umuwi na nga sa Pilipinas ang kapatid niya.
Tumango lang ako, "Nakita niya ako sa mall tapos sinama ako papunta dito."
Hinalikan niya na lang ako bigla sa pisngi tapos hinawakan ang kamay ko at pumasok sa loob. Umupo kami sa sofa tapos nakaakbay lang siya sa'kin.
"Kamusta ang check up?" tanung ko.
"Sabi ng doctor kailangan na daw natin gumawa ng baby."
Napatingin ako bigla sa kaniya. Hanggang ngayon ba naman yan pa rin ang goal niya? Really?
Kumunot lang ang noo ko na nakatingin sa kaniya, tapos niya naka tingin lang ng diretso.
"Dave..." I started.
"Totoo! Billliiss nnnaaa... Kelan natin gagawin? pag nakalimutan ko na ang mga posisyon?"
(//_) Nakakahiya talaga to. Sana naman hindi to naririnig ni Duke kung saan man siya.
Nagtabon na lang ako ng mukha sa sobrang kahihiyan.
Tapos ang magaling kung Pokemon tumatawa lang, tinawanan pa ako.
"Alis muna ako."
Inalis ko agad ang kamay ko sa mukha ko ng marinig ko ang boses ni Duke. Nakita ko na lang siya na lumabas sa unit at naiwan kami sa loob.
Hhhaayy. Ni hindi man lang kami nag usap. Ewan ko ba, pero nahihiya talaga ako sa kanya.
Ang tagal na rin naming hindi nag kita eh.
"Nag usap na ba kayo?" tanung sa'kin ni Dave, umiling lang ako at nag sad face, "Well, you should, he miss you." tapos kinindatan niya ako.
Ngumiti lang ako na parang wala lang.
"Teka, kelan pa sya dumating?"
"Hindi ko alam." sagot niya.
Ah baka hindi niya naalala. Okay.
Tumahimik na lang ako at nag concentrate sa pag poke ng pisngi niya habang nilalaro niya naman yung kabilang kamay ko. Ang weird namin no.
"Ano yung sinusulat mo kanina?" naalala ko kasi yung dumating kami ni Duke dito na may sinusulat siya.
"Wala." sabi niya sakin na parang wala lang talagang importansya. Okay, baka advice na rin ng doctor.
Pagkatapos nun, tumahimik na naman kami.
Alam mo, minsan pag magkasama kami, ganito lang. Hindi naman kami nagsasalita pero alam namin na okay kami, yung parang silent talking.
"Teka..." napabitaw ako bigla sa kaniya ng tumayo agad sya.
"San ka pupunta?" tanung ko habang nakatingin lang ako sa kaniya na papasok sa kwarto niya.
"Wait lang babe."
: Uhm okay.
Hindi naman matagal ng lumabas agad siya sa kwarto at may tinatago sa likod niya.
"Ano yan?" nacurious tuloy ako.
"Close your eyes."
Kumunot lang ang noo ko at tumingin na kaniya.
"Aist! Bilis na."
Pumikit na lang ako, hhaayy. Nag reklamo na eh, ano bang magagawa ko?
Ikaw, ayaw mong pumikit?
Hahaha.
Naramdaman ko na lang na tumayo siya sa likod ko at tinaas ang buhok ko tapos may naramdaman akung malamig na bagay na dumampi sa chest ko, kaya nabuksan ko ang mata ko.
Kwintas.
Hinawakan ko, tapos tiningnan ko. Totoo ba to? Binibigyan niya ako ng kwintas?
(//_) Waaahhh!!! I feel like crying.
"Happy Anniversary Pikachu." bulong niya sakin. Hinarap ko siya agad at niyakap.
Hindi ko alam kung anniversary ba talaga namin tong araw na to o talagang gumawa lang siya ng sariling date, pero grabe! Ang saya ko.
"Sigurado ka anniversary natin to?" natatawa kung tanung habang yakap pa rin sa kaniya.
"Hindi. Pero mas gagawin ko pa sanang romantic to, kaso bigla kung naramdaman na mahal talaga kita eh."
AAAAHHHH!!!! Kinikilig akooo!!!
Ako na! Ako na talaga!
"Pokemon kinikilig ako." sabi ko habang nagpipigil ng tili.
Tumawa lang siya tapos inalis ang pagkakayakap namin at hinawakan ang magkabila kung pisngi.
AAAHHH!!! My ggggaadd!!! Feeling ko ang pula ko na.
Tumingin siya sa mga mata ko, wait, delete, he looked at my soul tapos dahan-dahan siyang lumapit.
"Eh paano pag ginawa ko pa to?" he said then kissed me.
My love story defintely isn't something we see in the movies.
We make every movie jealous.
Hinalikan nya ako na para bang petal ako ng rose, slow and gentle.
"I love you." he said between kisses, hindi niyo lang alam kung anung naramdaman ko nun, words can't tell.
"Mas mahal kita." I said.
He let out a chuckle then said, "Gaano mo ba ako kamahal?" he asked.
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti, "Hindi ko alam eh, why don't you stick around and find out." I said. Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang isasagot ko eh maliban sa ganun nga.
Hindi ko na kaya pang itest ang pagmamahal ko sa kaniya, baka ano pang test yan eh.
He smiled at me and let me turn around, napaharap ako sa malaking salamin habang nasa likod ko naman siya.
Hinawakan niya ang pendant ng kwintas na binigay niya sakin, dun ko lang nakita na star pala ang pendant na kumikinang pa.
"Ang ganda." I whispered with amazement. I saw him smile at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
"I want to be a star when I die baby. I will be your light in the dark, I will shine when you miss me...just look up baby. I'll be there."
Gusto ko mang umiyak sa sinabi niya, I can't. I made a promise.
I smiled whole heartedly na para bang mayamaya sasabog na ang puso ko, hindi ko alam kung sa tuwa o sa lungkot.
I'm just glad that I have him.
I have him. Until the end.