Chapter 16. Paranoid

1322 Words
"Sa tingin mo ba makakaya mo princess?" tumango lang ako at ngumiti sa tanung ni Tita Viel. Andito ako sa bahay nila Dave, kausap ko si Tita Viel. Si Dave naman naglalaro ng video games. Hindi ko pa nga nakita si Dave na naglaro ng video games, ever. Ngayon lang. Sabi kasi ni Tita Viel, ganiyan daw talaga, minsan, babalik sa pagkabata. Pinag-uusapan namin ni Tita Viel ang tungkol sa'min ni Dave. Nag-aalala lang siya para sa'kin, baka hindi ko daw makaya ang mga susunod na mangyayari. Handa naman ako eh. Mas nagulat pa nga ako sa reaksyon ko. Ewan nga kung normal ba to, sinusulit ko na lang lahat. Tama nga si Dave, mas okay yung sulitin na lang kesa sa mag-alala. "Okay naman po ako eh, wag po kayong mag-alala." sabi ko kay Tita Viel, Oh diba, ang bait ko. "I know princess." ngumit siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam, pero feeling ko mas nasasaktan sila kesa sakin.  Hindi na rin mag-aaral si Dave ngayong sem kasi baka mahirapan lang siya, naiintindihan ko naman yun. At napagusapan na rin namin ni Dave yun, sabi niya mas okay yun para sa kaniya kaya pumayag na rin ako. Si Ash at Elle na lang daw ang bahala sakin sa school, at sabi niya nga wag na rin akung mag-alala dahil siya naman daw ang magsusundo sakin. Kitams. "Pikaccchhuuu!!!" narinig naming tinatawag ako ni Dave. Tumayo ako. Tumango naman si Tita Viel para ipaalam na puntahan ko na si Dave. "Oh bakit?" tanung ko sa kaniya. Natawa pa ako ng makita ko siyang nakatihaya sa sofa at kagat-kagat ang wire ng controller. Sira talaga. "Baby my head hurts." Nilapitan ko agad siya. "Eh paano hindi sasakita ang ulo mo? Nakabaliktad ka diyan..." tumabi ako sa kaniya tapos umayos naman siya sa pagkakaupo. Naka-cross ang paa niya tapos sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Kukuha ba ako ng gamot? San ba ang masakit?" hinahawakan ko yung ulo niya. Hindi ko pa rin matago ang pag-alala kahit na sabihin ko pang dapat iniiwasan ko na dahil mas lalo rin siyang mag-aalala. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa kaliwang dibdib niya, "Dito...dito ang masakit."  Kahit anung pigil ko, hindi pa rin maiwasan na tumulo ang luha ko. Naiintindihan ko naman siya. "Wag ka na kasi masyadong mag-alala." bulong ko sa kaniya habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. "Mahal na mahal kita Alex, kahit anung mangyari satin. Mamahalin kita."  Hinawakan ko lang ang pisngi niya habang nakasandal pa rin siya sakin. Ayokong tumingin siya sakin. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang kasi baka kung ano pang isipin niya. "Ako rin, mahal na mahal. Sobra, kaya hayaan mo na lang ako, kasi kaya ko pa naman." kakayanin ko pa naman. "Paano pag nakalimutan kita?" tanung niya. oo nga, paano pag nakalimutan niya na ako?  Hmm. Nung una ko pa lang nalaman na may alzeimer's si Dave, alam ko namang darating sa punto na baka hindi niya na ako maalala, baka may magbago rin sa kaniya, pero handa naman ako eh. "Hindi yun mangyayari, kasi hindi mo papayagan ang sarili mong umabot dun." ngumiti lang ako. Pero deep inside, alam ko namang hindi ganun ang mangyayari. "Tama ka Pikachu. Nakapag-propose na ba ako sayo?" tanung niya. Tumawa pa ako ng mahina kaya napaupo siya ng maayos at tumingin sakin. "Oo Pokemon. Kaya dapat ikasal ka sakin." sabi ko. "Buti na lang pala." sabi niya tapos hinalikan niya ako. Hinintay ko munang mag-5:30 at nagpasundo kay Kathy.  Si Dave kasi, alam niyo bang nakipag laro pa ako sa kaniya ng Super Mario.  At dahil magaling ako, nanalo ako. Mwuahaha!!! Victory is mine!!! Kaya ayun, nagtatampo. "Kamusta naman si Papa Dave friend?" tanung ni Kathy habang nagdadrive siya pauwi. "Ayun, okay naman siya." matipid kung sagot. Okay naman talaga siya, yun nga lang parang medyo naging masumpungin, parang naging asal bata nga eh. "Oo nga pala, nakapag-enrol na ako friend." pagchi-change topic ni Kathy. Sabagay mas okay na rin yun na iba ang pagusapan namin. "Ah talaga." hhhaaayyyy... Nakaka-sad. Wala ring kwenta na iniba niya ang topic kasi ganun rin naman. "Teka Alex, sumama ba sina Papa Elle at Papa Ash satin?" tanung ni Kathy. Lumingon ako sa back seat. Wala naman. Nag shrug lang ako sa kaniya. Wala naman dito sila Elle at Ash, heeelllooo.... "Gaga, di diyan. May sasakyan kasi na kanina pa nakabuntot sa'tin." tumingin naman ako sa likod gamit ang side mirror. Meron nga, isang Mercedez. Imposible namang sinusundan kami niyan. Kung si Tito King at Tita Viel yan, magtitext sana yun at kung si Elle at Ash naman, sigurado sasabay na lang yun. "Baka pareho lang ang pupuntahan natin Kathy. Wag kang paranoid." Oo nga, baka kung sino pa yan. Wala akung pakialam. Wala naman akung ini-expect na  maka-meet eh. "Oo nga, sabi ko nga." Kailangan maka balik ako agad mamaya after kung kumain. Kawawa naman si Dave dun, ewan ba pero minsan hindi na siya nagsasalita eh. Minsan naman hindi na siya nakikisali sa usapan nila ni Tito King. Mayamaya pa dumating na kami sa bahay. Buti na lang nga nakapag-luto na si Kathy  "Oi Kathy salamat ha. Ikaw muna ngayon." sabi ko kay Kathy habang kumakain kami. Masarap magluto si Kathy no. Dati nga nilalait ko pa ang luto niya. Pero masarap nga talaga, ngayon ko pa talaga ina-aapreciate ha. "Okay lang yun friend, ako na ang bahala dito. Basta take care of my Papa Dave ha."  Ngumiti lang ako, hhaaayyy... Oo naman, babantayan ko si Dave. Pagkatapos naming kumain, may biglang nag text sakin. 091782186** Alex, nasan ka? Nilagay ko na lang agad sa bulsa ko. Hindi ko na ni-replayan kasi hindi ko naman talaga kilala ang nagtext at napapahamak lang ako pag nagrereply ako sa mga di ko kilala eh. Sabi ng ani Ash, magnet ako sa gulo. "Kathy aalis na ako, dadaan muna ako sa mall." sabi ko habang papalabas sa pinto. Nanonood pa kasi siya ng TV. "Oi teka... Sinong kasama mo?" tanung niya. Teka, ba't naka make up siya? Eh sa bahay lang naman. Kathy talaga. Ang weird. "Ako lang." sabi ko. "O sige, ingat." sabi niya tapos lumabas na ako at pumara ng taxi. Naisipan kung dumaan muna ng mall, bibili ako ng prutas para kay Dave. Nag research kasi ako, at sabi sa net mas okay daw na kumain ng sari-saring fruits para sa sakit ni Dave. Hindi na rin kasi ako maka-punta sa palengke kasi gabi na. Teka anung oras na ba? 7:30 na O_O Ang bilis naman ng oras. Pero okay lang, 10:00 naman nagsasara ang mall eh. Pagdating ko sa mall, binayaran ko na agad ang driver at dumiretso sa grocery. Pero ewan ba, simula ng bumaba ako sa taxi parang hindi ako mapakali, parang may nakatingin sakin. O_O omo! Baka nandito si Dave? Sinundan niya ako? Pero hindi eh, imposible at iba ang pakiramdam pag alam kung nandiyan si Dave. Sabi sa inyo para kaming WiFi connection eh. Hay naku! Napapa-paranoid ka na rin Alex. Hinayaan ko na lang yung 'feeling' at namili na ng mga prutas. Kinuha ko yung pomelo, saging, dragon fruit, kahit hindi ko naman talaga alam kung ano yun. Pumunta na rin ako sa coffee section tapos bumili na rin ako ng ice cream para midnight snack na rin namin, alam ko kasing dadating yung dalawa mamaya. Yep, yung dalawang parang kambal. Papunta na sana ako ng counter ng may bigla na lang mahagip ang mata ko. Teka...si ano ba yun? Imposible. Hindi pa siya nakakabalik, namamalikmata ba ako? Nilingon ko ulit pero wala na siya.  Namalikmata lang siguro talaga ako. "Ahh.. Hi!"  Napatingin ako sa gilid ko. Sya? Hindi ko siya ini-expect na makita dito. "Hello. Ikaw pala Ian, kanina ka pa nandito?" baka siya lang talaga yung nakita ko. "Ah bago lang. Gabi ka na mag grocery ah." sabi niya sakin habang nakangiti.  Tumango lang ako. Hindi kaya siya yung sumusunod sakin kaya naiilang ako? Pero bakit? Hindi naman siguro, napapa-paranoid lang talaga ako, sa takot ko lang na pinapasundan na ako ni Dave. Hindi niya naman siguro gagawin yun, never niya pang ginawa sakin yun. "San ang cart mo?" our of the blue, natanung ko yun. Aist! *facepalm* Bakit ko naman itatanung yun? "Kadarating ko lang kasi tapos nakita kita." ah kaya pala. See? Sabi sa inyo ako lang talaga ang paranoid dito, "...sige Alex, mauna na ako, marami pa akung bibilhin eh. Mag ingat ka." "Ikaw rin." kumaway ako sa kaniya habang palayo na siya at naglaho sa crowd. Dumiretso naman ako sa counter para mag bayad.  Kailangan ko ng bumalik agad kasi hinihintay na ako ni Dave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD