Chapter 15. Forgetting

1124 Words
I don't exactly know kung anung dapat maramdaman. Wala akung maramdaman. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o kung tatalon na lang mula sa taas ng building. Basta ang alam ko lang hindi ako masaya. Sino ba ang magiging masaya kung ang iniisip mo sa bawat umaga, sa pagmulat pa lang ng mata mo ay kung maaalala ka pa kaya ng pinakamahalagang tao sa buhay mo. "Okay lang ako tita beth, sige po." pagkatapos namin mag-usap ni Tita Beth pinatay ko na agad ang cellphone.  Tumawag kasi siya dahil nabalitaan niya nga yung kay Dave. Hindi pa rin kasi siya nagigising. Andito na ako sa labas ng hospital, at papunta na sa elevator. Umuwi lang kasi ako saglit para makapagpalit na rin ng damit, naiwan na rin sa bahay si Kathy dahil magpapa-enrol pa siya. Sana naman magising ka na Dave kasi malapit na ang pasukan. *rrriiinnnnggg* Kinapa ko sa bulsa ang cellphone ko, siguro si Tita Beth lang. Ai hindi, si Elle. "Hello Elle?" "Alex nasan ka? Si Prince nagising na." Nung oras na sinabi niya yun, parang nabuhayan agad ako ng dugo. Buti na lang bumukas agad ang elevator. Aist! Ang tagal pa talaga. Gising na si Dave. Kinakabahan ako, naaalala niya pa kaya ako? Diyos ko!  *TING!* Sabay bukas ng elevator. Tumakbo na ako agad, ngayon lang ako tumakbo ng ganito na parang hinahabol. Dave! Malapit na ako. Hanggang sa nasa harap na nga ako ng pinto. Kinakabahan ako. Gising na si Dave, maaalala niya pa kaya ako? Aist! Oo naman! Mahal niya kaya ako! Bakit naman hindi?! Alex talaga... Dahan-dahan kung inikot ang door knob  Ewan ko pero parang ang tunog lang ng puso ko ang naririnig ko.  Dahan dahan akung pumasok sa loob.  Agad kung nakita si Tito KIng at Tita Viel na magkatabi, tiningnan nila ako at binigyan ng matipid na ngiti.  Tapos nakita ko ring palabas sa kwarto ni Dave si Elle at Ash. Hindi ko mabasa ang expression nila sa mukha, sana man lang kahit sa expression na lang ng mukha nila makita ko kung ano ba ang dapat kung iexpect. "Alex, pasok na." tawag sakin ni Ash habang hinahawakan ang pinto sa kwarto ni Dave. Mas lalo akung kinabahan ng maisip ko na naman ang pwedeng mangyari sa pagpasok ko. Naglakad ako papunta sa pinto, parang ang bigat ng paa ko. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Dave nung naospital din ako? Nagalala rin kaya siya? Ano na lang kaya nung nag-pretend akung merong amnesia noh?  Ang sama ko talaga nun, kaya siguro pinaparusahan ako ni God ngayon, pero naman! Pwede namang ako na lang bakit si Dave pa? Ganun ba kalaki yung kasalanan na yun? Huminga ako ng malalim at pumasok na sa kwarto ni Dave. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng bintana at tumitingin sa labas. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang lapitan o hintayin na mapansin niyang nandito ako, o maalalang nandito pa ako. ( _ _") Ano ba Alex! Ang OA mo! Lumapit ako sa kaniya, yung tipong hindi niya talaga mapapansin na nandito lang ako. Tumayo ako sa gilid niya, siguro naman napapansin niyang nandito na ako. Pareho kaming nakatingin sa labas, ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang view dito, kitang-kita mo ang Samal Island. Naalala ko nung dun ako nag birthday, akala ko pa nga nakalimutan na ni Dave na birthday ko nun eh. Naaalala niya pa kaya yun? Tumingin ako sa kaniya, nagulat na lang ako ng magkasalubong kami ng tingin. Ano kayang iniisip niya? Magsasalita ba ako? Sasabihin ko bang, "Dave ako to, si Alex. Girlfriend mo."? Nakita kung itinaas niya ang kamay niya at nilapat sa pisngi ko.  Hindi nyo lang alam kung anung pakiramdam ng ginawa niya yun, parang...parang ang sakit. Kasi hindi ko alam kung inaalala niya ba ang mukha ko o tuluyan niya na akung nakalimutan. Natatakot ako. Natatakot lang. "I know your face." sambit nya. Napapikit na lang ako at hinayang tumulo ang luha ko sa kamay niya, bigla niya akung niyakap. At that moment hindi ko na kailangan itanung kung naalala niya pa ba ako o kung kilala niya ba ako. Alam ko, alam ng puso ko. Cheesy. "Bakit ka umiiyak?" bulong niya habang yakap pa rin ako. "B-ba't di mo sinabi?" tanung ko. "Kasi mag-aalala ka lang." yun ang sagot niya, pero... "Tama ba yun? Parang kinuha mo lang ang konting panahon  na meron tayo para lang wag ako mag-alala." sayang ang mga panahon na yun, sana mas naalagaan ko siya, sana mas laging nandiyan ako sa tabi niya, sana lang. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at tinitigan ako, "Alam mo ba ang sakit ko Pikachu?" tumango lang ako pero deep inside parang maiiyak na naman ako kasi tinawag niya akung Pikachu. Naalala niya pa nga ako. OA na kung OA, pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, kahit kunting trait man lang iisipin mo na kung ganun pa rin ba o may ipinagbago na. "Kung ganoon. Ano bang sakit ko?" tanung niya habang nakatingin pa rin sakin. Kailangan pa bang sabihin yan? Pikachu..." naghihintay siya ng sagot. "A-alzheimers." mahina kung sagot sa kaniya. Parang tinusok na naman ang puso ko. "Tama. At walang gamot yun..." tinusok niya pa ang ilong ko ng daliri niya, feeling ko namumula na eh, "...kaya bakit ko pa sasabihin sayo. Parang dinagdagan ko na rin ang mga araw na mag-aalala ka."  Kahit sa ganitong sitwasyon, kahit na siya na nga yung may sakit. Ako pa rin ang inaalala niya. Napatahimik lang ako. Wala akung masabi. Hindi ko alam. Nung sumunod na araw pumunta kami ni Dave sa school. Kaso kahapon na rin siya nakalabas ng ospital, okay na rin naman daw sabi ni Dr. Margaret, kailangan lang ng regular check-up at in-take ng gamot. "Pokemon sino ba ang pupuntahan natin?" tanung ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway ng school. Magka-hawak kamay, at dahil dun ang daming nagtitinginan sa amin. Oo nga naman, hindi naman siguro pwedeng pilitin ang mga tao dito na tanggaping may karelasyon ang kanilang 'Prince'. "Yung secretary ng Dean, mageenrol pa ako Pikachu." sabay mahinang pisil niya sa kamay ko. Bakit siya magpapa-enrol eh okay naman kahit hindi na dahil sila naman ang may-ari nito? "Pokemon..." tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. "Oh bakit?" tanung niya. "Umuwi na tayo." mahinang sabi ko. Pero hindi ko pinahalata na nalungkot ako. Basta yun lang ang sinabi ko. "Bakit naman?" tanung niya ulit na nagtataka. Nilapitan niya ako at niyakap. Sa gitna ng hallway ng school which caused some whispers. Pero hindi naman talaga yun ang major concern ko. "Pokemon, diba nga hindi ka naman nag-eenrol eh." halos ibulong ko na lang nga sa kaniya. Hindi siya nagsalita, hindi ko makita ang expression ng mukha niya dahil magka-yakap nga kami, pero alam kung kahit siya nagulat. Ayokong ma disappoint siya. Sabihin na lang natin na, oo, nakalimutan niya nga. Ganun siguro talaga. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at ngumiti sa kaniya habang parang naka-poker face pa rin siya. "Tara na. Uwi na tayo." ako na lang ang humila sa kaniya. Handa naman ako na mag-alaga sa kaniya, alam ko namang mas may darating pang malaking problema na masasaktan talaga ako, pero ang gusto ko lang, ang hinahabol ko lang na oras ay ang ngayon. Bahala na yung bukas, basta sa oras na ito, naaalala pa ako ni Dave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD