Chapter 14. The Truth

2407 Words
Nagising na lang akung katabi si Dave sa kama. Tama. Dito kasi ako natulog sa condo nya,pero sa pagkaka-alam ko,dun ako sa sofa nakatulog. Baka nilipat nya lang ako. Buti naman nagising na sya kanina, ibig sabihin mayamaya magigising na naman to. Tinitigan kong mabuti ang mukha nya. Ang bait nya tignan habang naka-pikit. Pero... Ano ba tong tumutulo galing sa mata nya? Bumangon ako at nilapitang mabuti ang mukha nya. Dugo? Tumutulo ang dugo galing sa mata nya! Dave! Dave! Gusto kung isigaw ang pangalan nya pero walang lumalabas sa sobrang kaba. Dave! Sabay yugyog ko sa katawan nya,pero hindi sya gumagalaw. Dave! Inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan nya, may saksak! Duguan ang katawan nya. Dave! "Tulong!" naisigaw ko nga. Parang dumilim na ang paligid,hindi ko na kaya. "Alex!" may sumigaw. Ayan na ba ang tulong? "Alex!" sa sigaw na yun bigla akung naalimpungatan. Panaginip. Panaginip lang ang lahat. "Okay ka lang girl?" sa kaunting shade ng lamp,nakikita ko ang nag-aalalang mukha ni Kathy. Tumingin ako sa digital clock sa tabi ng kama. 4:39 a.m Napabangon agad ako,kinuha ko ang jacket at dumiretso sa baba. "Friend san ka pupunta?" narinig kung tanung ni Kathy habang palabas na ako ng pinto ng bahay. Hindi ko na sinabi kung saan,basta gusto ko lang makasigurado. Ang sama ng panaginip ko. Ayoko ng maulit yun,kahit panaginip o hindi. Hindi makayanan ng utak ko. Pumara ako ng taxi. Pag may minamahal ka,maiintindihan mo ako,pinapaikot ko na ang mundo ko kay Dave. Tama man o mali bahala na. "Sa Recto po." sabi ko sa mamang driver. Naka-pantulog pa ako,ni hindi pa nga ako nagsuklay o toothbrush man lang. Basta. Ang gusto ko ngayon ay assurance. Mayamaya pa,nakatayo na ako sa harap ng bahay ni Dr. Margaret Lutero Ph.D, ang doctor ni Dave. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ko ng pumunta dito kanina,tapos ngayon parang nahihiya na ako. "Alex?" Napatingin ako sa taas,nandun sa veranda ng bahay si Dr. Margaret. "Ah..eh... good morning po." Napangiti na lang ako sa sobrang kahihiyan. Ang dilim pa pero napunta na ako sa harap ng bahay niya. Paano ko nalaman ang address niya? Simple lang, nung nandun ako sa condo ni Dave at hawak ko pa yung cellphone niya, nakita ko sa contact address ni Dr. Margaret ang address ng bahay niya. Kaya andito ako. 437637 Years later "Naku Alex, you should not worry about anything. Talagang ako lang ang family doctor ng pamilya Weinstein and as their doctor I ought to do their check-ups." Halos matunaw na ako sa sinasabi ni Dr. Margaret. Nakakahiya talaga ako, ng dahil sa panaginip, akala ko may matinding sakit na si Dave. Pasensya naman, masyado lang nag-aalala ang lola niyo. "Eh bakit po nandun kayo sa condo niya nung napadpad kami dun nila Ash at Elle?" tanung ko ulit habang naguusap sa office niya. "Oh ano bang sinabi ni Prince sayo?" ano nga bang sabi ni Prince sakin? "Ano po, na kayo daw po ang nagmamasahe sa kaniya." Sinabi ko na lang kahit parang nakakahiya, total yun naman ang sinabi sakin ni Dave eh. "Ah yun ba," parang nagulat pa si Dr. Margaret sa sinabi ko, "...ah oo, yun diba yung galing siya sa America. Oo hija, kasi may certificate din ako as masseuse." Ah kaya pala. Baka siya na nga ang kinalakihan ni Dave kaya siya ang talagang doctor nila. "Ah ganun po ba. Pasensya na po ha at napasugod ako dito ng ganito kaaga. Akala ko po talaga kasi may sakit si Dave. Pasensya na po talaga." Haaayyy... Nakakahiya talaga ako. "Okay lang yun hija, naiintindihan kita. But at some point in your life, you have to accept the things that will happen." Napangiti lang ako sa sinabi ni Dr. Margaret kahit hindi ko naman alam kung anung tinutukoy nya. Mayamaya pa, nagpaalam na rin akung umalis. Nakakahiya na rin kasi ang itsura ko. At talaga namang naka-pajama pa ako eh no? Pag labas ko ng bahay nila, naisipan kung pumunta sa bahay nila Dave. Sigurado ako magigising nay un dahil mawawala na rin ang bias ng sleeping pills na tinurok sa kaniya. Sumakay ako ng taxi at mayamaya pa nakarating na ako sa tapat ng bahay nila. Pag pasok ko pa lang amoy na amoy ko na ang niluluto ng katulong nila. Nakita ako ng katulong nila at sumenyas sakin na nasa kwarto pa daw si Dave. Wala pa rin sila Tita at Tito, siguro matatagalan ang uwi nun. Kaya naman pala may sariling condo si Dave kasi nakaka bagot pag nag-iisa lang dito sa malaking bahay. Nadaanan ko rin ang mga picture frames nila. Nakita ko ang mukha ni Duke. Ang tagal ko na ring hindi nakita si Duke, kamusta na kaya yun? Kelan kaya siya babalik? Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Wala siya sa kama niya pero naririnig ko ang agos ng tubig sa banyo. Mabuti naman at gising na siya. Hinanda ko na lang ang mga damit niya, oh diba? Parang asawa ang drama. Eh pano yan? Ang bango na ni Dave, eh ako, halatang kakabangon ko pa lang. Alas-6 pa lang eh. Iba talaga ang epekto ng mga nightmares sakin. Napasugod ako ng wala sa oras. *sigh* Pagkatapos kung ilatag ang damit niya sa kwarto, lumabas na agad ako. Hihintayin ko na lang siya sa sala. Ash's POV "Ano? Pumunta si Alex diyan? What did you tell her?" patay! Ano naman kaya ang mangyayari? Kaya pala ang agang napatawag ni Dr. Margaret, akala ko kung ano na. "I didn't tell her anything Ash, I think you should tell her the truth."  "As much as we would like too Doc, kumukuha lang kami ng timing." pagpapaliwanag ko. At hindi lang timing ang kailangan namin, pati na rin si Prince. "Kelan pa ba ang timing na yun Ash? Remember we don't have enought time."  Huminga na lang ako ng malalim.  For the first time, I don't know what to do. Sa totoo lang hindi naman namin to problema eh, pero si Alex. Mabuti siyang tao, mabuti siyang babae, hindi niya deserve ang lahat ng to. "We'll see too it Doc." pinatay ko na agad ang phone. Tatawagan ko na naman si Prince. Alex's POV Sa sobrang tagal lumabas ng kwarto si Dave. Sa hindi ko malamang dahilan, ako na lang ang aakyat uli. Ano naman kayang nangyari dun? "Dave?" kumatok ako sa pinto. Imposible naman naliligo pa rin yun eh mag-iisang oras na. Walang sumagot. Kumatok ulit ako, pero wala pa rin. Kaya ako na lang ang bumukas. "Dave?" tawag ko. Nakita ko siyang palabas sa walk-in closet niya, pero hindi niya pa ako napansin. "Dave?" napatingin na siya sakin. Pero, nakatitig lang siya tapos naka-kunot ang noo na parang may iniisip. Nakatingin lang rin ako sa kaniya, hinihintay na mauna siyang magsalita. "Alex?" tinanung niya pa ako. Ngumiti lang ako at lumapit sa kaniya, parang nagulat pa siya. Anung problema nito. "Okay ka lang? Masakit ba ulo mo?" hahawakan ko pa sana ang noo niya pero bigla siyang lumayo na para bang umiiwas. Ano bang nangyayari sa kaniya. "Pokemon?" I almost whispered sa sobrang pagtataka sa inaasal niya. Tapos parang bigla na lang siyang ng lighten at niyakap ako. "Pokemon ano bang nangyayari sayo?" niyakap ko rin siya. Nagtataka na talaga ako sa kaniya. "Wala, akala ko kasi kung sino. Nagulat lang ako sa itsura mo." >.< Oo nga naman, sino ba namang hindi magugulat sakin. Itsura ko pa lang na parang bagong gising. "Sorry, akala ko kasi di ka pa gising kaya pag gising ko dumiretso na agad ako dito." I lied. Bumitaw naman siya sa pagkaka-yakap sakin tapos hinawakan ang magka-bilang pisngi ko. "Mahal mo nga ako." sabi niya. Ngumiti lang ako. Shonga to. Parang dahan-dahan ng iniipit ang pisngi ko ah. "Malamang, bitawan mo mukha ko." sabi ko -___- ang sama nito. "I love you never forget." sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Kung ikaw ang nasa lugar ko, makikita mo kung gaano siya ka sincere, kung gaano ka buo ang sinasabi niya. Niyakap niya ako ulit tapos binulong ang salitang, "never forget." Ganun lang kami for god knows how long.  Pero dahil KJ ang author, bumaba na rin kami at kumain. Hanggang sa tumawag na lang si Ash. Umalis pa nga eh, ano ba yung pag-uusapan nila na parang di ko pa dapat marinig. Baka may nabuntis na tong si Ash. Pumunta na lang muna ako sa sala para manood ng TV, since nasa labas naman siya. "Babe." narinig ko siyang papalapit. "Hhm?" sabi ko tapos tiningnan ko siyang umupo sa tabi ko. "I'm sorry." tinitigan ko lang siya habang nakatingin lang rin siya sakin. "Para saan?" nagtataka kung tanung. "Para sa lahat." tapos lumapit siya at hinalikan ako sa noo. "Alam mo ba ang lahat na sinabi mo, yun yung the best moment of my entire life. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Dave, halos hindi mo na nga kayang iconsume ang pagmamahal ko." tapos hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan. "Sana umabot tayo sa kasal." bulong nya. "Bakit naman hindi?" tanung ko. "Baka kasi mauna pa si Baby Boninay." tapos ngumiti siya na parang alam-niyo-na.  "Tumigil ka." sabay poke ko sa nose niya. Bigla niya na lang agad ako niyakap, "patayin na lang natin ang TV babe." Natawa ako sa tono ng boses niya, parang bata. "Bakit naman?"  "Kasi sabi ko..." sabi niya lang, parang spoiled brat na bata, biglang humigpit ang yakap niya. "Dave?" bulong ko. Hindi dahil sa nasasaktan ako sa yakap niya, kundi sa paninigas ng braso niya. Tumingin ako sa kaniya. "Anung problema?" nakapikit lang siya. Anung nangyayari kay Dave? Nakatikom ang palad niya na parang nagpipigil tapos nakapikit ang mata. Hinawakan ko ang pisngi niya.  "Dave?" tawag ko. Kinakabahan ako. Bigla na lang siyang nag losen up tapos minulat ang mata at tumingin sakin. "Masakit lang ang ulo ko babe, sa gamot pa siguro." sabi niya tapos tumango-tango lang ako. Nasabi na rin kasi ni Dr. Margaret ang tungkol dito, na baka sasakit ang ulo niya dahil sa gamot. Akala ko kung ano na? "Ikukuha kita ng tubig." tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko. "Ako na babe." tapos bigla na lang siyang tumayo. Pero, parang tumigil ang mundo ko ng makita ko siyang biglang bumagsak sa semento. Halos lumipad ako papunta sa kaniya, nawalan siya ng malay. 2 days later "Kumain na muna kayo," sabi ni Tita Viel sa amin ni Kathy.  Kahapon lang sila umuwi. "Okay lang po kami, nakakain naman po kami eh." sabi ni Kathy kay Tita Viel. Nakatingin lang ako kay Dave. Dalawang araw na simula ng sinugod siya dito sa ospital, 2 long tiring days. Hindi ko alam kung anung nangyayari o kung anung sakit ni Dave, hindi na ako nagtanung, hindi na rin ako nagbalak pa. Tama na nung pinuntahan ko si Dr. Margaret ng umagang yun. Wala akung paki-alam kung nagsinungaling siya o hindi. Hinihintay ko lang na sila na ang magsabi sakin. Gusto kung kusa nilang sabihin sakin. Para deja vu lang ng huli akung napunta sa hospital na to. Pero noon, ako ang nakahiga sa kamang ito, hindi si Dave. Noon, sila ang nag-aalala para sakin. Ngayon alam ko na kung anung pakiramdam. Kinagabihan, pinauwi muna ako nila Tito King para makapagpalit. Sumakay na lang ako ng taxi, ayokong may mag hatid sakin at ma-stuck ako sa isang sasakyan na alam ko namang walang ibang paguusapan kundi si Dave. "Alex?" napalingon ako habang nagbabantay ng taxi. "Oh?" yun lang ang nasabi ko ng makita ko siya, nakalimutan ko ang pangalan niya. "Ian, do you remember me?" Ah tama. "Oo, ikaw yung sa school diba?" mapakla kung sabi. Hindi sa pagiging rude, talagang masama lang talaga ang timing. "Oo, kamusta? Ba't nandito ka?" tanung niya. Huminga lang ako ng malalim. "Naospital si Dave eh."  sabi ko lang. "Bakit?"  I just shrugged. Kahit gusto ko man sagutin ang tanung niya, wala rin akung masabi dahil wala akung kaalam-alam. "Okay lang yan, malayo yan sa biituka. Be strong." nginitian ko lang siya. "May taxi na, I have to go." nagpaalam na ako ng may tumigil na taxi sa harap ko. Ilang minuto lang bumalik na rin agad ako sa ospital. Sa totoo lang, hindi na talaga ako nag-iisip. Parang wala na akung pakialam, bahala na. Kasi feeling ko kung mag-iisip pa ako mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko, mas lalo lang akung mag-aalala. Naniniwala naman ako na kaya yan ni Dave eh. Imposible namang seryosong may sakit siya. Hindi naman siguro cancer, ano ba tong story namin? Athena at Kenji na baliktad? *TING!* Tunog ng elevator, naglakad ako sa mahabang hallway. Hindi muna ako pumasok sa kwarto. Umupo muna ako sa mga steel chairs na naka hilira sa labas. Ang sikip sa loob, kahit na presedential suite na nga, kahit aircon parang ang init. Nakakalungkot. Bigla na lang lumabas si Ash galing sa loob at nagkatitigan kami. Tumabi siya sakin, wala akung planong kausapin siya, wala naman akung sasabihin. "Are you not planning to ask?" he broke the silence. For a moment, parang nakakabingi, mas nakakabingi pa sa sobrang tahimik. "Hindi." matipid kung sagot. Hindi ako galit. Ayoko lang malaman kung ano pang meron para sakin. Ash's POV Hindi ko alam kung galit si Alex o hindi. Pero ang alam ko, ito na yung oras na dapat malaman niya ang nangyayari. "Prince is not well." I said. Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa pinto. I know alam niyang may sakit si Prince, pilit niya lang kinukumbinsi ang sarili niya na okay lang ang lahat. "Alam ko." sabi niya kasabay ng buntong hininga. Yun ko lang napansin na nagpipigil siya ng luha, naawa ako sa kaniya. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ayaw sabihin ni Prince. "May alzheimer's disease siya Alex." at that moment, I saw a teardrop run on her face. I wanted to comfort her, pero alam kung hindi pa yun sapat. A moment of silence, dapat malaman niya ang lahat. "Napansin mo bang marami siyang nakalimutang bagay? Nung magkasama kayo? Susi, cellphone o kahit ano. Marami na rin siyang reminders dahil hindi niya na maalala ang iba, nakakalimutan niya na rin ang important events tulad na lang nung highschool reunion. Ang baro na isinuot mo, binili namin yun ni Elle, kami ang inutusan niya kasi baka makalimutan niya pa daw..." I paused, tahimik na umiiyak si Alex, parang ayoko ng dagdagan pa pero, "...sumasakit na rin ang ulo niya at minsan namumutla. Nakakalimutan niya na rin ang pangalan niya, alam mo bang 'Pokemon' na lang minsan ang pantawag namin sa kaniya kasi yun na lang ang narerecognize niya? Hindi niya na rin kami makikilala kung hindi niya pa kami tititigan ng matagal, ewan kung napapansin mo yun." Bakit ba ganito ang trabaho ko? Ang maghatid ng masamang balita. Hindi naman ako doctor. "Ayaw pang sabihin sayo ni Prince dahil akala niya masusulosyonan pa ng gamot. Nung umalis siya papuntang US, nagpagamot siya dun. Dapat nga nagpaalam pa siya sayo, pero I guess nakalimutan niya rin. Simula ng nagka-kilala kayo ni Dave, hindi na siya umuuwi sa condo niya, pero habang lumalala ang sakit niya, nakakalimutan niya na at minsang umuuwi na rin dun..." naalala ko ang huling tawag ni Prince, "...nung araw na nandun ka sa bahay nila, yung araw na tumawag ako bago siya nawalan ng malay, sinabi niya sakin na kung ano man ang mangyari sa kaniya, kami na ang bahala." napatigil ako ng nagbago ang emosyon ng mukha ni Alex at naiyak na nga. Naawa ako sa kaniya. Babae siya, tama nga si Prince, hindi niya deserve ito. Hindi ko siya mahawakan sa sobrang kaba at awa. Hinayaan ko lang siyang iiyak ang lahat. "G-gaano... Gaano kalala?" tanung niya between sobs. Ewan ko kung tama na sabihin ko pa sakaniya. "Stage 3... walang kasiguraduhan kung sa pag gising niya maaalala niya pa tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD