"Okay na siya, he just need some rest." sabi sa'min ng Doctor niya. Ang doctor niya, nakakapagtataka. Siya yung babaeng maganda na inabutan namin sa condo ni Dave nung pinuntahan namin siya noon. Yung umalis siya ng bansa.
"Can I talk to you for a moment?" sabi ng Doctor ni Dave sa'kin. Tumango lang ako, hindi pa talaga ako maka-get over na doctor siya ta hindi yung alam mo nang iniisip ko.
"Ah teka doc! Ako na po..." hinila agad ako ni Ash, nagulat naman ako, "...ako na dito Alex, bantayan mo na lang si Dave."
Ganun na lang at siya na ang kumausap sa doctor.
Teka, merong mali eh. May maling nangyayari dito pero hindi ko alam kung ano. Una, yung envelop na binigay ni Lance dati, sabi ni Lance para yun kay Dave. Ni hindi ko man lang nalaman kung anung laman nun, at bakit pagkatapos nun hindi ko na agad nakita si Lance?
Ikalawa, yung pag-alis ni Dave. Pinalagpas ko lang yun, pero hindi ko makalimutan na umalis si Dave na walang paalam papuntang America, anung meron dun at ang bilis niyang nawala. Natiis niya ako ha.
Ikatlo, yung doctor. Siya rin yung babaeng nasalubong namin papasok sa condo ni Dave noon. Anung meron sa kaniya at parang ayaw ni Ash na ako ang kausapin ng doctor? May nangyayari ba kay Dave na di ko alam?
"Oi Alex!" bigla akung naalimpungatan sa pag-snap ng finger ni Elle sa harap ko. "... kanina ka pa tulala diyan."
Ngumiti lang ako at tinabihan si Dave.
May bandage siya sa ulo, meron din sa katawan. Masyadong matindi ang pag-bugbog sa kaniya, hindi ko alam kung anung motibo ng mga 'kaibigan' niya, wala na rin akung balak alamin kasi andiyan naman si Elle at Ash para asikasuhin ang mga bagay na yan. Kahit na tanungin ko pa man, wala rin akung makukuhang matinong sagot.
Pero si Dave.
Anung nangyayari na hindi ko alam? Meron ba akung dapat ipag-alala?
Ito na ba yung moment na malalaman kung mamamatay si Dave dahil may sakit siya? At iiyak ako tulad sa mga nababasa kung sad story?
"Elle?" mahina kung tawag.
"What?"
"May nangyayari ba?" seryoso kung tanung.
"Well, technically. Yes, your boyfriend got beaten and you're speaking to me and..." hinayaan ko na lang mag mumble si Elle ng mga kung anu-ano. Sabi sa inyo hindi rin ako sasagutin ng matino eh.
Hinimas ko ang buhok ni Dave, sana magising na siya. Ah hindi, wag muna, kailangan niya pang magpahinga kasi alam ko pag gising niya, ako na naman ang aatupagin niya. Enrolment na sa school bukas, I mean sa school nila Dave.
Okay lang naman siya kahit na mahuli siya sa enrolment kasi sila naman ang may-ari ng school. Pero kahit na boyfriend ko siya, gusto ko ako pa rin ang nagpapa-enrol sa sarili ko, yun nga lang hindi ko alam kung paano, pero sabi nila Ash tutulungan naman nila ako, kasi nga 'scholar' nga daw ako dun, nino? eh di ni Dave ( _ _")
Mayamaya pa pumasok na si Ash.
"Oh asan na ang doctor?" tanung ko ng hindi ko makita na kasama ni Ash pumasok.
"Umalis na." sabi niya at umupo sa stool malapit sa kama. Oo nga pala, nandito kami sa bahay nila Dave, wala sila Tita Viel at Tito King kasi nasa ibang bansa pa daw, at napagdesisyonan namin na wag na rin sabihin sa kanila ang nangyari kay Dave.
"Oh anung sabi?" tanung ko ulit. Sana naman sabihin nila sakin kung may nangyayaring hindi ko alam.
"Wala naman, sabi niya okay naman daw si Dave." yun lang ang sinabi niya tapos nagtetext na kunwari.
"Ash may masama bang mangyayari?" hindi na ako nageexpect ng matinong sagot, gusto ko lang malaman nila na alam kung may nangyayaring hindi ko alam.
Huminto siya sa pagtetext at tumingin sakin, he leaned forward at nagbuntong hininga.
"You know what, you're strong, I know you can handle everything." nginitian niya agad ako at nagtext na naman, pero hindi ko maikaila ang pag change ng experession ng mukha niya. Kung ano man yun, hindi ko pa rin maintindihan...lalo na sa sinabi niya.
Kinabukasan, sinama na ako ni Elle at Ash papunta sa school. Antagal na rin nung bakasyon, kahit na last sem dito ako nag-aral sa school ni Dave, ganun pa rin ang feeling ko, parang outsider. Yung naglalakad ka lang sa daan pagtitinginan ka na, hindi dahil pangit ang suot mo o dahil baguhan ka, kundi dahil kasama mo ang mga sikat na tao sa paaralang pinapasukan mo. To think na hindi naman ako ganun kagandahan at kayaman.
"Ok ka lang?" tanung ni Elle sa'kin habang naglalakad kami sa hallway ng school.
"May magagawa ka ba pag sinabi kung hindi?" sabi ko lang, kasi naiilang na talaga ako sa mga titig ng tao.
"Sabi ko nga." ngumisi lang agad siya.
"Oi Alex, hayaan mo sila. Dun tayo sa secretary ng Dean pupunta, siya na ang bahala sa enrolment natin."
O_O Ganun lang? Ang bilis naman, wala bang struggling dito?
"Anung susunod na gawin natin?" tanung ko.
"Uuwi na." sabi ni Elle.
Uwi na agad? Okay yun ah. At least maalagaan ko pa si Dave, nagluto na nga rin ako dun, sabi ko sa katulong nila yun na lang ang ipakain kay Dave pag gumising.
Teka, "Mauna na kayo, iihi muna ako." sabi ko sa kanila, ano ba naman to, napa-daan kasi ako sa CR eh, kaya eto na naman.
"O sige, sumunod ka na lang samin." tumnago lang ako, alam ko naman kung saan yung office ng secretary ng Dean.
Bilis Alex! Lalabas na.
Pagkatapos kung mag-cr, lumabas na agad ako at hinanap ang Dean's office.
Saan nga ba yun? Ah tama.
"Miss yung pitaka mo." napalingon agad ako. Kasi naramdaman ko na wala nga sa bulsa ko ang pitaka ko.
Hawak-hawak siya ng isang lalaki, naka-extend ang kamay niya ta hawak ang pink na coin purse ko. Naku! Wala pa namang laman yan, buti na lang binalik niya, paano na lang pag nalaman niyang poor to the max ang pitakang yan? (//_) Nakakahiya.
Lumapit agad ako at kinuha sa kamay niya ang coin purse ko.
"Salamat" tapos nginitian ko siya.
Napansin ko na parang nakita ko na siya dati pa, o talagang feeling ko lang kasi gwapo siya?
Hindi, nakita ko na talaga siya eh, barkada kaya siya nila Ash?
"No problemo. Saan ka pupunta?" tanung niya sakin, nagulat pa ako sa deep voice niya, lalaking-lalaki. Parang nagmama-match sa jet black hair at alam mo yung strong looks.
"Sa ano..." aist! Saan ba ako pupunta? Bobo, "...sa ano pala, sa secretary ng Dean."
*facepalm*
"Ah, so dito ka na pala nag-aaral, akala ko dun ka sa kabilang academy." O_O alam niya?
"Ahhh... Hindi, nag-transfer ako. Last sem pa...P-paano mo nalaman?" tanung ko. Teka, stalker ba to?
"Nakita na kasi kita dati pa. Girlfriend ka ni Prince diba?" tumango lang ako na parang tanga, "Sabi ko na nga ba, tara samahan na kita." hindi na ako nakakibo ng hawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang office ng secretary.
Sino ba tong lalaking to at ang lakas ng loob na hilahin ako? Hindi ba siya natatakot kay Dave o kaya kay Elle at Ash man lang?
I mean, hindi naman sa feelingera ako, pero witness naman kayo kung gaano kabasag ulo yung tatlo.
"Forgot to tell you, my name is Ian...Ian Santiago." namalikmata pa ako sa ngiti niya habang hinihila ako.
"A-Ako pala si Alex. Nice to meet you." kahit na ngumiti ako hindi niya makikita kasi nauuna siya sakin, at hinihila nga ako daba?
"I know, hindi mo lang alam pero sikat ka dito sa school." O_O Ako? Sikat?
"Paano?" tanung ko with such disbelief.
"Nakalimutan mo na ata na ikaw ang girlfriend ni Weinstein." *facepalm* Oo nga pala, sino bang hindi makaka-alam. Kulang na nga lang may tarp dito para malaman at i-acknowledge ng lahat.
"Ahh..." yun lang ang sound na nagawa ko at tumahimik na.
"PolSci ka pala?" tanung niya out of the blue.
"Ha? Ako? Oo."
"Engineering ako, nasa likod lang ng building niyo ang building namin. Yung sa boyfriend mo, sa harap lang diba?" ang hirap pala ng course niya.
"Ah oo, mas malapit nga eh." sabi ko. Business Ad kasi si Dave. Alam niyo naman, may negosyo sila.
Kamuntikan na akung mabangga sa likod niya ng bigla siyang tumigil at humarap sa'kin.
"Oh pano? Dito ka na." sabay turo niya sa office. Ah! Dito na nga ako.
"Oo, dito na." -__- Inulit ko lang yung sinabi niya, "Pano? Papasok na ako, dito ka lang, I-I mean sige salamat." (//_) Aist! Ano ba tong pinagsasabi ko?!
"Okay. See you again, ingatan mo na ang wallet mo ha." nakita ko siyang nag-wave at umalis na.
Patay talaga ako nito kay Dave pag nalaman niyang nakipag-holding hands ako sa kakakilala ko pa lang, pero hindi naman talaga yun holding hands, siya naman yun. Hhaayyy... Ano ba naman to? Teka, baka may kumuha pa ng picture nun at ipakita kay Dave? ( _ _")Doomed!
"O Alex? Tara na." O_O Sinalubong lang ako ng dalawa sa pinto, paalis na kami?
"Aalis na tayo?" tanung ko kay Elle.
"Oo, aalis na tayo."
Uhhmm Okay.
Parang namasyal lang ako dito sa school ah.