Kabanata 13 Z A C H I A After class ay nagpaalam na ako sa mga kaklase ko at tinawagan ko na din si Caleb gaya ng napagkasunduan namin na tatawagan ko siya pagkatapos ng klase para masundo niya ako. Paglabas ko ng campus ay naabutan ko siyang nakasandal sa kanyang bagong SUV. Ngayon ko lang nakita ang sasakyan niyang ito, kaya naisip kong bago lang ito sa kanya. Ngumiti ako nang magtama ang mga tingin namin. Palapit na sana ako sa kanya nang biglang may humarang sa daanan ko, kaya sandaling naantala ang paglapit ko sa kanya. "Hi, Zachia!" nakangiting bati ni Jacob kaya agad ko naman ibinalik ang ngiti niya. Kaklase ko itong si Jacob at hindi naman sa pag a-assume pero matagal ko ng napapansin na may gusto siya sa akin. Hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin dahil wala naman akong inte

