Kabanata 14 Z A C H I A Kinabukasan ay gano'n pa din ang naging pasya ni Caleb kahit may konting lagnat pa siya ay hinatid niya pa din ako sa school. Hindi ko na yata mababago ang isip niya tungkol doon, kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na ayos lang akong ang driver ang kasama. Ngunit hindi na siya pumasok sa opisina pagkahatid niya sa akin sa school. Magpapahinga na lang muna daw siya pero namilit pa din siyang sunduin ako after class. Hinayaan ko na lang naman siya dahil alam ko namang hindi magpapatalo ang isang 'yon kapag sa mga ganitong bagay. Wala namang naging kakaiba sa araw ko. Noong nag-lunch break ay sabay-sabay pa din kaming tatlo nila Moira na mag lunch tulad ng nangyari kahapon. Mas mabuting ganito na lang, para maiwasan na ang isyu tungkol sa amin ni Lawrence. Mu

