Kabanata 15 Z A C H I A "What's wrong?" tanong niya napansin siguro ang pag-irap ko habang nakatutok pa din sa phone niya. Inis na ibinalik ko sa kanya ang cellphone. Ayoko na. Naiinis lang ako sa mga nakikita ko. Baka mamaya madelete ko pa lahat ng mga friend niyang babae. Tsk! Hindi pwede, Zachia! Hindi naman kayo! Wala kang karapatan! "Ang dami mong babae. Ang gaganda pa. Lalo na iyong Lea," sabi ko pilit na ngumingiti sa kabila ng inis. "Hmm… I'm not sure. Mas maganda ka pa doon." Parang wala lang niyang sinabi. Kung hindi ko lang alam na binobola niya lang ako ay baka kinilig na ako dito pero alam ko namang bola lamang iyon. "Yeah right," sarkastikong sang-ayon ko. Umirap ako. "Hindi ka naniniwala?" "Paano naman akong maniniwala kung sinasabi mong mas maganda ako sa babae

