Kabanata 63 Z A C H I A "Alam kong magagalit ka kapag sinabi ko sayo ito kaya hindi na ako nagtangka pang magsabi sa’yo at alam ko din naman na wala akong pag-asa sa'yo dahil pagkakaibigan lang ang gusto mo at kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa taong hindi ako gusto, kaya hindi na ako nagtangka pang magtapat dahil akala ko mawawala din itong nararamdaman ko pagnagtagal. Saka alam kong may mahal kang iba at nirerespeto ko iyon, pero kung nakikita kong ginaganito ka niya hindi ako pwedeng manahimik na lang. Hindi ko kaya,” aniya, mariing umiiling. Sa totoo lang hindi ako makapagsalita sa mga inaamin niya. Hindi ako makapaniwala na may ganito siyang itinatago sa akin. Halos palagi kaming magkasama tapos may tinatago pala siyang ganito

