Kabanata 62 Z A C H I A "May problema ba?" Sa mababang boses na tanong niya. Titig na titig pa din siya sa mga mata ko. "Wala, Lawrence." Umiling-iling pa rin ako kahit na alam kong halata naman na sa mukha ko na may problema nga talaga ako. Hindi talaga ako marunong magtago ng totoo kong nararamdaman o kahit iniisip lang. "Hindi pwedeng wala, nababasa ko sa mga mata mo kung ano ang totoo. Huwag mo ng subukan pang itago kung ano ang totoo mong nararamdaman." Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napaluha nang sabihin niya iyon. Siguro hindi ko na napigilan ang pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman ko mula pa kanina, ngayon na nabuksan ang usapin tungkol dito. Agad siyang humakbang palapit sa akin. "Siya na naman ba?" tanong niya, sa marahan na paraan, habang sinusubukang

