Kabanata 61 Z A C H I A Hindi na ako nakapag-almusal pa sa bahay nina Moira dahil hindi nagmadali na akong umuwi. Malakas ang pakiramdam ko na naroon si Caleb ngayon, hinihintay akong makauwi. Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag nagtanong siya kung saan talaga ako nagpunta kagabi. Hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil paniguradong alam na niya ang totoo ngayon. Ang tanga lang talaga. Nagpaalam na ako sa mga magulang ni Moira at umalis na. Pinahatid ako ni Moira sa driver nila kahit na gusto pa mag presinta ni Lawrence na siya ang maghahatid sa akin. Tumanggi ako dahil paniguradong mag-aaway kami lalo ni Caleb kapag nalaman niyang si Lawrence ang naghatid sa akin pauwi. "Saan ka nagpunta kagabi?" Bungad sa akin ni Caleb nang maabutan ko siya sa sala na mukhang ka

