008

2014 Words
Kabanata 8 Z A C H I A Hindi pa man kami nakakalayo sa bahay ay binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi kasi talaga ako sanay na ganito kami at hindi nagpapansinan. "Are you mad?" Matalim ang titig niyang bumaling sa akin bago muling ibinalik sa daanan ang tingin. "May rason ba para magalit ako, Zachia?" Umiling-iling ako ng mabilis. "Wala kaming relasyon ni Lawrence. I swear!" sabi ko sabay taas ng kanang kamay na parang nangangako. "He's just a friend to me,” dagdag ko pa, pilit siyang kinukumbinsi. "Mas matanda siya sa akin kaya imposibleng magustuhan niya ako." Gaya ng imposibleng magustuhan mo rin ako. "Malayo ang agwat naming dalawa. Hindi kami pwede,” sabi ko pa kahit na sumasakit ang dibdib ko sa mga sinasabi. Naiisip ko kasi ang sitwasyon naming dalawa. Tulad mo Caleb, malayo ang agwat natin kaya hindi tayo pwede. Sa ngayon. Naniniwala pa din ako na kahit hindi tayo pwede ngayon, balang araw darating din ang panahon na pwede na tayo sa wakas at kapag dumating ang panahon na ‘yon, ako mismo ang aamin ng nararamdaman ko para sa'yo. Bigla niyang inihinto ang sasakyan sa isang tabi at bumaling sa akin. May sakit akong nakita sa kanyang mga mata nang tumingin siya sa mga mata ko pero sandali lang iyon at nawala na din agad, sa halip ay napalitan iyon ng galit at iritasyon. "You know nothing, Zachia. Bata ka pa kaya wala ka pang alam. And so what kung malayo ang agwat niyong dalawa? Bata ka pa nga talaga. Hindi imposible sa mga kasing edad ko na magkagusto sa mga kasing edad mo. Lalo na at maganda ka! Damn it!" iritadong sabi niya, halos mapasigaw na sa inis. Sa gulat ko ay hindi ko na napigilan ang pag-awang ng mga labi ko. Mangha ko siyang tinitigan habang pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Halos makaramdam na ako ng sakit dahil sa marahas na pagtibok ng aking puso sa mga sinabi niya. Alam kong hindi dapat ako nag re-react ng ganito sa sinabi niya. Hindi dapat ako nag a-assume ng kung ano dahil lang sa sinabi niya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano. Lalong hindi ko mapigilan ang sarili kong umasa sa sinabi niyang iyon. Napatanga lang ako sa kanya ng ilang sandali bago siya muling magsalita. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa sinabi niyang iyon. Nagulat lang din ako. "Hindi mo alam ang nasa isip naming mga lalaki, kaya 'wag kang basta-bastang magtitiwala sa kahit na sinong lalaki! Maari ka niyang gamitin at pagsamantalahan lalo na at bata ka pa. Wala ka pa masyadong alam sa mundo. Madali ka lang niyang masasaktan at mauuto… subukan niya lang." "Ibig sabihin kaya mo din gawin sa akin yun?" Biglang naging blanko ang kanyang mukha sa naging tanong kong iyon. Agad akong nag-iwas dahil as usual hindi ko nanaman kayang makipagtitigan sa kanya. Hindi ko kayang saluhin ang malalamig niyang titig. Ang hirap. "I'm sorry pero hindi ko kayang iwasan si Lawrence. He's my instructor at hindi tama na bigla ko na lang siyang ignorahin dahil lang inutos mo. Dahil akala niyo may relasyon kami! Wala kaming relasyon, I swear, wala talaga bukod sa pagiging magkaibigan! He's a good man, Kuya Caleb. Tulad mo may malasakit din siya sa akin at hindi ako naniniwala na may iba siyang pakay sa akin dahil hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya. Kaya kahit ano pa mang sabihin niyo ni Mommy, pasensya na pero hindi ko magagawa ang gusto niyo," malungkot akong tumungo. Ito ang unang pagkakataon na hindi ako nakinig sa gusto ni Caleb kaya alam kong galit siya sa akin ngayon at hindi ko siya masisisi kung gano'n ang nararamdaman niya sa akin sa mga oras na ito. Hindi naman kasi tama ang gusto nilang ipagawa sa akin. They want me to stay away from Lawrence! From my friend! At alam kong hindi 'yon patas para kay Lawrence, lalo na at wala naman talaga siyang masamang pakay sa akin. Wala siyang masamang ginagawa sa akin. Masyado lang talagang protective sila Mom sa akin, lalo na ang isang ito. "Bahala ka," malamig niyang tinuran bago muling binuhay ang makina ng sasakyan. Wala na akong nagawa nang mabilis niyang pinaandar ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa campus. Wala siyang imik kahit nang bumaba na ako sa sasakyan niya. Nagpaalam na ako sa kanya at hahalik pa sana sa kanyang pisngi nang bigla siyang umiwas. Napayuko na lang ako at malungkot na pinanood ang kanyang sasakyan na unti-unting nawawala sa aking paningin. May mga luhang namuo sa mga mata ko nang tuluyan ko nang hindi matanaw ang sasakyan niya. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit siya galit sa akin pero masama bang hilingin kong gawin ang gusto ko, kahit ngayon lang? Masama na ba 'yon? Kailangan ba talaga iwasan ko ang kaibigan ko para lang matuwa sila? Paano naman ako? Porque ba bata pa ako ay tingin nila mabilis na akong mauuto ng kung sino? Wala ba silang tiwala sa akin? Akala nila basta basta na lang akong magpapaloko sa kung sino dahil ayon sa kanila bata pa daw ako at wala pa akong masyadong alam O karanasan. Gano'n ba talaga dapat? Porque wala pang karanasan ay tanga na agad at uto-uto? Bakit hindi na lang sila magtiwala sa akin? Wala naman akong gagawing masama. Gusto ko lang may mapagsabihan ng mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa kanila. Masama na ba 'yon? Hindi ba pwede 'yon? Hindi ko na alam kung pang-ilang araw na mula nang huli kaming mag-usap ni Caleb at hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagpaparamdam sa akin. Bago ito sa akin dahil hindi naman siya ganito kalupit sa akin noon. Oo minsan nasusuway ko ang kagustuhan niya pero hindi naman umabot sa puntong tulad nito na hindi na talaga siya nagpapakita o nagpaparamdaman man lang. Gusto kong mainis at magalit sa kanya dahil sa parusang binibigay niya sa aking ito pero hindi ko naman siya masisisi kung galit talaga siya dahil hindi ko siya pinakinggan at ginawa ko pa din ang gusto ko. "Here." Inilapag ni Lawrence sa harap ko ang mga pagkaing inorder niya para sa aming lunch pero sinimangutan ko lang siya. Nilibre niya pa naman ako pero wala talaga akong ganang kumain ngayong araw hanggat hindi ko nakakausap si Caleb ng maayos. Hindi ako sanay na ganito kami katagal nag-aaway. Hindi ko na ikinwento kay Lawrence ang tungkol sa pinag-awayan namin ni Caleb dahil alam ko namang magiging awkward lang ang lahat at ang samahan namin kung ikukwento ko pa iyon sa kanya. "O, ayaw mo?" takang tanong niya. "Wala akong gana. Hindi pa din ako pinapansin ni Caleb, mula no'ng mag-away kami." Ngumisi si Lawrence sa akin. "Ah, that guy again. Kung ayaw mo edi ako na lang kakain nitong lahat," aniya habang nakangisi ng malawak. "Fine! Gutom na din naman talaga ako, eh. Wala lang talaga akong gana." "Tsk! Ganyan ba talaga ang mga teenager mainlove? Hindi na halos makakakain? Bata ka pa nga marami ka pang dapat matutunan sa mundo. Unahin mo iyon kaysa sa love life na 'yan," kumento niya. "Parang hindi ka nagdaan sa pagiging teenager, ah!" inis na sabi ko. "At least hindi ako naging kasing korni mo noong kasing edad mo ako." Ngumisi pa siya tila nanunuya. The nerve of this guy! Hanggang ngayon di ko pa din alam kung paano kami naging magkaibigan nitong lalaking ito, gayong hindi naman kami kahit kailan nagkasundo. Mahilig kasi siyang kumontra palagi. Para siyang kontrabida palagi sa buhay ko. Ewan ko ba dito may tinatago yatang galit sa akin. "Tignan natin kapag ikaw naman ang na-in love. Ewan ko lang kung hindi ka maging korni dyan," sabi ko sabay irap. "Trust me; that will never happen," aniya na mukhang mayabang pa. Binalingan ko ang pagkain sa harap ko at balak na sanang simulan iyon nang mahagip ng tingin ko ang papasok na lalaki sa fastfood na kinakain namin ni Lawrence. Nakatiim bagang itong lumapit sa lamesa namin ni Lawrence at marahas akong hinigit patayo sa kinauupuan ko. Hindi na ako nakapag react nang bigla na lamang niya akong hilahin palabas ng fast food at bago pa man kami makalayo doon ay may isang mainit na kamay ang humawak na din sa kabilang wrist ko upang pigilan si Caleb sa paghila sa akin. Sabay kaming napabaling ni Caleb kay Lawrence. Hindi ko inasahan na susunod siya. "What the heck is your problem, dude? She's with me bago ka nagpasya na basta-basta na lamang siyang hilahin paalis doon," mariing sabi ni Lawrence. Nagulat ako sa galit na pinapakita niya. Tinignan ko siya ng makahulugan upang iparating sa kanyang hayaan na lang niya at huwag nang patulan pa si Caleb na mukha namang mainit ang ulo sa mga sandaling ito. "I don't care if she's with you, man. I'm taking her home." Matigas na sabi ni Caleb pero hindi siya pinakinggan ni Lawrence. "Instructor niya ako at ako ang nagdala sa kanya dito, ako na ang maghahatid sa kanya," pagmamatigas ni Lawrence na mukhang wala yatang balak magpatalo kay Caleb. "Oh, really? Trabaho mo din ba ang isama kung saan saan-saan ang estudyante mo?" May halong sarkasmo sa pananalita ni Caleb. "Just a reminder Mr. Instructor, bago mo pa naging estudyante si Zachia, nauna na siyang naging responsibilidad ko," mariin niyang sambit bago ako binalingan. "Let's go, Chia." Marahas na kinalas ni Caleb ang pagkakahawak sa akin ni Lawrence bago ako muling hinila palayo. Mabilis kaming nakarating sa sasakyan niya na malapit lang din sa fast food na kinainan namin ni Lawrence at agad niya akong pinapasok doon. Wala na akong nagawa kundi tanawin na lang si Lawrence mula sa bintana ng sasakyan ni Caleb. Nakita kong nanatili lamang siya doon sa pwesto niya na pinag-iwanan namin sa kanya. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya dahil sa trato sa kanya ni Caleb. Hindi naman talaga siya ang nag-aya sa akin doon. Ako ang nagsasabing ilibre niya ako, hindi naman siya, tapos napahiya at naiwan lang siya doon. Naisip ko tuloy kung bumalik pa kaya siya sa loob after no'ng nangyari o umalis na lang din siya dahil sa kahihiyan. I'm so sure na nakagawa kami ng eksena doon at sobrang nakakahiya no'n. Baka isipin pa ng mga taong nandoon na nagloloko ako at nahuli ako ng boyfriend ko! Damn it! Nilingon ko si Caleb sa tabi ko na mukhang kalmado naman na. "Galit ka pa din ba?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. "Alam mong hindi ko kayang magalit sa'yo ng matagal," aniya habang naka-focus pa din sa daan ang mga mata. Bumilis ang tahip ng dibdib ko kaya naman agad akong napahawak sa aking dibdib. "Kailangan ba talaga lagi mong kasama ang lalaking iyon?" "Eh, ano naman? Ikaw nga ang tagal mong hindi nagparamdam." Nagtatampong sabi ko. "That's because I'm still..." Di niya matuloy. "You're still what? You're mad? Akala ko ba di mo kayang magalit sa akin ng matagal?" "Chia, hindi nga ako galit sa'yo." "Then what?" Sandaling nagkaroon ng katahimikan bago siya magpasyang sumagot. "Nagtatampo ako," mahina niyang sabi na parang napilitan lang sumagot, may kasunod pang mura sa dulo na para bang inis na inis sa sinabi. May umusbong na ngiti sa aking mga labi kaya naman agad akong humarap sa bintana ng sasakyan upang itago iyon sa kanya. Alam ko namang walang kahulugan iyon sa kanya pero di ko talaga mapigilan ang sarili kong kiligin. "Bakit ka naman magtatampo dahil lang sa teacher ko?" mahina kong tanong. "May teacher ba na lumabas kasama ang estudyante niya, Chia? Halatang-halatang gusto ka ng lalaking iyon. Tang ina, subukan lang niya," aniya. Ano naman ngayon kung gusto niya ako, Caleb? Gusto kong sabihin iyan pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mamaya mas lalo lang magalit ang isang ito sa akin. Ayokong lumala pa itong away namin. Gusto kong magkasundo na kaming dalawa. Hirap na hirap na kasi ako sa totoo lang… Hindi ko talaga kaya nang magkagalit kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD