007

2103 Words
Kabanata 7 Z A C H I A "Where have you been, young lady, and why are you late?" Salubong ang kilay ni Caleb nang sabihin iyon. May bakas ng galit sa kanyang ekspresyon. I knew it! Alam kong iyon kaagad ang una niyang itatanong kaya mabilis akong nag-isip ng maisasagot ko sa tanong niya. "Sa birthday ng classmate ko…” sabi ko ngunit hindi makatingin ng diretso sa kanya. Sobrang gamit na yata ng dahilan na iyon kaya parang hindi naman naniwala ang lalaking ito na nasa harapan ko. Halata sa mukha niya ang sobrang pagdududa. "Really, huh? At bakit hindi ko alam ang tungkol sa birthday na ‘yan?" "A-Ano kasi, eh. Kanina ko lang din nalaman na invited pala ako kaya hindi na ako nakapagpaalam sa’yo. S-Sorry." Yumuko ako, lalo nang hindi makatingin sa kanya. "And you're late. Hindi mo ba naisip kung anong oras na, Chia?” "I'm sorry, medyo nag0enjoy lang sa party kaya hindi na namalayan ang oras pero hinatid naman ako ng classmate ko." Nagsalubong ang kilay niya. "Where's your driver?" "Ayoko nang istorbohin si manong saka nag-offer na din naman ang kaklase ko na ihatid ako." "Lalaki?" Tumaas ang dalawang kilay niya. Dahan dahan akong tumango. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya sa sagot ko. "Baka naman nanliligaw sa’yo ‘yan," aniya habang pinaniningkitan ako ng mga mata. Mabilis akong umiling ng paulit-ulit sa sinabi niya. "Hindi hindi! Kaibigan ko lang siya. Mabait lang talaga siya sa akin," sagot ko medyo kinakabahan na baka mahalata niyang nagsisinungaling lamang ako. "I don't want this to happen again, Chia. Kung may lakad ka, I want you to tell me first at ako ang maghahatid sa’yo sa pupuntahan mo at ako na din ang magsusundo sa’yo pagkatapos. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Hindi naman kailangan. May driver naman kami. Makaka-abala pa ako sa’yo, alam ko naman na marami kang ginagawa sa opisina mo,” agad na sagot ko. "Do you understand, Zachia?" Ulit niya at inignora ang sinabi ko. Mabilis akong tumango-tango at parang naging sunod-sunuran na lang sa mga sinasabi niya. Damn it! "Pero, di ba, busy ka naman? Sabi mo marami kang tinatapos sa opisina ngayong araw. Kaya ayaw na din kitang istorbohin,” paliwanag ko. Tumalim ang tingin niya sa akin sa pagpipilit pa din sa aking gusto. Gusto ko din naman na lagi kaming magkasama pero ayoko namang kunin lahat ng oras niya. Tulad ngayon alam kong pagod siya sa trabaho pero pumunta pa din siya dito para mabisita ako. "Do what I say Chia, please. Wag ka nang kumontra," aniya sa matalim pa ding titig. "Are you mad?" nakasimangot na tanong ko. "Yes,” walang paligoy ligoy niyang sagot. "I'm sorry. Ayoko lang talagang istorbohin ka pa." "Are you sure hindi nanliligaw sa’yo ‘yong lalaking naghatid sa’yo?" biglang bago niya sa usapan. Mabilisan akong umiling-iling. Kung alam niya lang na instructor ko lang iyong naghatid sa akin, hindi siya magdududa ng ganito, o baka mas lalo pa siyang magduda dahil bakit nga naman ako ihahatid ng instructor ko, eh ang paalam ko galing ako sa birthday ng classmate ko. "Hindi nga." Malambing na sabi ko. "Tandaan mo ang sinabi ng dad mo, hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend." "Alam ko naman ‘yon. Magtatapos muna ako sa pag-aaral bago iyon." "Good to know,” aniya na para bang nakahinga ng maluwag. “Sige na matulog ka na at uuwi na din ako." Napasimangot ako. Kadarating ko lang at uuwi na agad siya pero bigla kong naisip na pagod na pagod nga pala siya sa trabaho niya kaya siguro gusto na niyang umuwi at makapagpahinga na agad. Inabutan ko na nga siyang tulog dito kanina kaya siguradong pagod na talaga siya. Kaya labag man sa loob ko ay nagpaalam na din ako sa kanya. Ang mahalaga nakita ko siya ngayong gabi. Binisita niya ako kahit sandali lang. Ayos na ako doon. Masaya na ako do’n. Monday morning, naghahanda na ako sa pagpasok sa school nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin si Mom na medyo dismayado ang mukha. My mom is always sweet to me at kapag papasok siya sa room ko sinisigurado niya na palagi siyang nakangiti bago humarap sa akin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit tila iba yata ang tingin niya sa akin ngayon na tila ba binigo ko siya at may nagawa akong labag sa kalooban niya. Nagtatakang tinignan ko siya at bago pa man ako makapagtanong ng kung ano sa kanya ay nagsalita na siya. "Is it true that you have an affair with your new instructor?" dire-diretso ang tanong ni mom. My lips parted. Sobrang gulat na gulat ako sa tanong na iyon ni mom. Hindi ko inasahan na ito ang bubungad sa akin ngayong umaga. What the hell? Alam ko nitong mga nagdaang araw ay naging malapit ako kay Lawrence pero hindi ko maisip na may kakalat na issue about us. I never imagine us being an item. I can't believe those people na mahilig magkalat ng fake news. What the hell is wrong with them! Napakadumi na ba ng isip ng mga tao sa panahon ngayon? Kapag naging malapit ka sa instructor mo may mag-iisip na agad na may relasyon kayong dalawa, kahit wala naman talaga, like what the hell? Isa lang naman ang lalaking gusto ko at si Caleb iyon, wala ng iba! Kung pwede lang sanang ipagkalat ang nararamdaman ko para kay Caleb ay ginawa ko na para wala ng kumalat pang rumors about me dating other guys. Nakakaloka! Si Lawrence pa talaga ang naisip nilang iugnay sa akin. "Hindi ‘yan totoo, Mom! What the hell!" "Look Zachia, alam kong sinabi ko sa’yo na payag akong makipag-date ka pero wala akong sinabing pwede sa sarili mong instructor. My god, Chia kapag nalaman ito ng ama mo paniguradong pareho tayong malilintikan. Wala ka pa ngang eighteen. Ilang taon na ba ang instructor mo na ‘yon?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo para depensahan ang sarili ko. "Mom, nagsasabi ako ng totoo. I'm not in a romantic relationship with him! He's just a friend to me. Walang ibang namamagitan sa amin ng lalaking iyon kundi pagkakaibigan lang." Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Mom. "Magkaibigan kayo ng instructor mo?" tila may dudang tanong niya. Ano ba naman ito! Pati ba naman si mom mag-iisip na ng kung ano-ano tungkol sa amin ni Lawrence. Oo, nitong mga nakakaraang araw medyo naging maayos ang tungo ko kay Lawrence, naging malapit din ako sa kanya ngayon, pero wala namang ibig sabihin iyon. Gusto ko lang talaga siya bilang kaibigan dahil masarap din naman siya kasama kahit ang hilig mang-asar. "Why? Bawal ba? Masama na bang makipagkaibigan sa teacher? Is it a sin to be friends with your instructor? May batas bang nagbabawal na bawal makipagkaibigan sa teacher mo? Tell me, Mom, meron bang gano’n, kung meron edi lalayo ako pero kung wala bakit naman issue pa ito?" I asked. "Well wala na tayong magagawa kahit na hindi totoo ang mga kumakalat na balita sa campus niyo nandyan na ‘yan kaya mag-ingat ka na lang sa mga galaw mo." "At bakit naman? Wala naman akong ginagawang masama, Mom, bakit ako mag iingat? Sila itong may masamang iniisip lagi." "I don't know basta medyo lumayo ka na lang muna sa instructor mo na ‘yon bago pa lumaki ang issue, hindi din kasi talagang magandang nakikita kayong laging magkasam lalo na’t lalaki siya at mas matanda pa sa’yo." "Bakit ko naman gagawin ‘yan? Bakit ko siya iiwasan? He's my friend and there's nothing wrong with that," inis na sabi ko. Totoong kaibigan na ang turing ko kay Lawrence ngayon lalo na at palagay na ang loob ko sa kanyang magkwento ng kung ano-anong bagay, tulad na lang ng nararamdaman ko para kay Caleb. Sa mga kaibigan ko siya lang ang matiyagang makinig sa walang kasawaan kong kwento about kay Caleb. Ang mga kaibigan ko kasing kasing edad ko at kagaya ko ng kasarian, naiinis na kapag palagi kong binabanggit ang pangalan ni Caleb kaya naman sobra kong happy na nagkaroon ako ng kaibigang tulad ni Lawrence na handang makinig sa mga kwento kong puro naman tungkol kay Caleb. Kahit madalas niya akong tuksuhin na hindi raw ako magugustuhan no’n. Hindi ko din naman akalain na magiging malapit na magkaibigan pala kami dahil naalala ko pa kamakailan lang, iritado pa ako sa kanya. Pero mula nang magpanggap akong girlfriend niya ng isang gabi, doon ko siya mas nakilala at gumaan ang loob ko sa kanya after no’n. Sa totoo lang di naman pala siya nakakainis or something, to be honest masaya nga siya kasama, eh. Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa kapag magkasama kami. Tumawa at mag-asaran. Sometimes sabay kaming kumain ng lunch sa labas, sa isang mall malapit sa campus namin kaya siguro kung ano-ano nang naiisip sa amin ng mga tao sa school. Ang dudumi naman kasi ng utak nila. Wala namang malisya ang pagsabay naming mag-lunch ni Lawrence. Ang OA lang nila. "Alam kong hindi ka makikinig sa akin kaya sinabi ko na kay Caleb ang tungkol dito." Is she serious? Bakit kailangan niya pang sabihin kay Caleb ito? "Mom! Why did you do that?" tarantang tanong ko. "I know you very well, Zachia. You won't listen to me, kaya nanghingi ako ng tulong sa Kuya Caleb mo since alam kong kapag siya ang nag-utos sa’yong layuan ang lalaking ‘yan ay agad agad mong gagawin." "What the! Mom!" Napadabog ako sa sinabi niyang iyon. Seryoso ba siya? Bakit niya ginawa ‘yon? "At oo nga pala, he's here. He's waiting for you downstairs. Bilisan mo na d’yan at ihahatid ka niya sa school niyo," dagdag pa ni mom hindi na pinansin ang pagtutol ko sa ginawa niya. Oh my god! Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi naman yata pwedeng basta ko na lang ignore-in si Lawrence dahil lang sa utos ni Mom! That's not fair! He's just my friend! Bakit ba kailangan nilang mag-over react sa bagay na ito? Wala naman akong nalalabag na rules sa school sa pakikipagkaibigan ko kay Lawrence, ah. Di ko naman din napapabayaan ang pag-aaral ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang maging big deal nito sa kanila. Nagpaalam na si Mom at lumabas na din naman agad ng kwarto. This is so unfair! Hindi ako makapaniwala na aabot sa ganito ang pakikipagkaibigan ko kay Lawrence. Wala kasi talaga akong makitang mali doon. At talagang nagsumbong pa si Mom kay Caleb dahil alam niyang hindi ko siya susundin pero kapag si Caleb ang nagsabi ay susundin ko agad? Napailing-iling ako. Mabilis akong nag ayos ng sarili at bumaba ng kwarto para maharap si Caleb na alam kong nag-aantay sa sala. Matalim niya akong tinitigan habang bumaba ako sa hagdan. Napalunok ako at napayuko sa klase ng tingin na ipinapakita niya sa akin. Alam kong galit siya sa akin, sa mga tingin pa lang niya ngayon. Hindi ko alam kung anong sinabi sa kanya ni mom para magalit siya sa akin ng ganito. Mabibigat ang mga paang nagtungo ako sa pwesto niya pagbaba ng hagdan. "Kanina ka pa?" I managed to ask. Isang malamig na tango lang ang isinagot niya sa akin bago tumayo sa sofa at tinalikuran na ako. "Ihahatid kita,” aniya ng may diin. Sa itsura niya pa lang at sa pananalita niya alam kong badtrip siya. Pero nagulat ako na ihahatid niya pa din ako. "H-Huh? Eh, nandyan naman si manong—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bumaling siya sa akin at nakitang may talim ang mga tingin niya. "Ano bang sinabi ko, Chia? Ang sabi ko ihahatid kita." May diin pa din sa pananalita niya na para bang nawawalan na ng pasensya kaya hindi naman na ako nagmatigas pa at sumunod na lamang hanggang sa kanyang sasakyan. Ayokong dagdagan pa ang kinaiinis niya. Alam kong nagkwento na sa kanya si Mom kaya ganito siya kapikon ngayon. Pero bakit naman kasi nila pinag-iisipan ng masama ang pakikipagkaibigan ko kay Lawrence hindi ko talaga magets. Kahit galit ay nagawa niya pa din akong pagbuksan ng sasakyan. Mabilis akong pumasok doon sa takot na may masabi pa siya, mabilis naman siyang umikot para makaupo sa driver's seat. Bumuntong hininga ako nang marinig kong pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi ako sanay na ganito siya. Ayaw ko ng nagagalit siya sa akin o may sama siya ng loob. Nahihirapan ako kapag ganito kaming dalawa. Hindi nanaman ako mapapakali nito sa klase kapag nagpatuloy pang ganito ang trato niya sa akin. Hindi pwede ito. Kakausapin ko siya at magpapaliwanag ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD