006

2145 Words
Kabanata 6 Z A C H I A Kinabukasan ay naging normal naman ang araw ko except sa hindi ko nakasama si Caleb buong araw dahil marami daw siyang inaasikasong trabaho sa opisina niya. Wala tuloy akong gana buong maghapon hanggang sa maggabi na at sinundo na ako ni Lawrence sa tapat ng bahay namin. Nagmadali akong pumasok sa sasakyan niya dahil ayokong may ibang taong makakita sa aming magkasama. Baka kung ano pang isipin ng iba kapag may makakita sa akin na pumasok sa sasakyan ng lalaking ito. Gusto pa nga niyang bumati sa mga magulang ko kung hindi ko lang siya pinakiusapan na umalis na. Paano ko naman kasi ie-explain kila Mommy na may lakad kami ng instructor ko di ba? Baka kung ano pang isipin samin nina Mom at Dad. Ayokong mag-isip sila ng kung ano sa lakad naming ito ni Lawrence. Saka ang weird kaya na lalabas ako kasama ang instructor ko. "Saan ba kasi tayo pupunta?" "Family gathering,” walang ganang sabi niya. Nagulat ako. Ano naman ang gagawin ko doon at bakit niya ako dadalhin sa family gathering nila? Then, naalala ko, oo nga pala, girlfriend niya nga pala ako kunwari. Pero bakit ba kasi kailangan niya ng magpapanggap na girlfriend niya? Hindi ba siya pwedeng pumunta doon ng single? Bakit? Ipinagbabawal ba sa gathering nila ang single? May sumpa ba sa kanila ang single? Kapag pumunta ka sa family gathering ng single ka may mangyayaring masama? Gano’n ba iyon? "I don't understand. Bakit kailangan mo pa kong isama sa family gathering niyo?" "Because you're my girlfriend." "Correction, ngayong gabi lang at hindi mo ako totoong girlfriend. Nagpapanggap lang ako dahil may atraso ako sa’yo," pagtatama ko. Ngisi lamang ang naisagot ni loko. Ngumuso ako. "Eh, bakit ba kasi kailangan ko pang magpanggap bilang girlfriend mo? Bakla ka ba? Kailangan mo ng magpapanggap na girlfriend mo para hindi nila malaman ang totoong kasarian mo? Why? Hindi ka ba proud sa sarili mong kasarian? Wala namang masama maging bakla, ah? May mga kaibigan nga ako na bakla din at sobrang proud naman sila sa sarili nila,” tuloy-tuloy na sabi ko kahit itong kasama ko ay parang sasabog na sa inis. "For f*****g sake, I'm not gay!" iritado niyang asik. "Then why am I here? Why do you need me to pretend to be your girlfriend?" "Dahil sawang-sawa na akong ipa-blind date ni Mom sa kung sino-sinong babae lang. I'm fine being single. Hindi ko kailangan ng girlfriend na kokontrolin lang naman ako. Gusto ko malaya kong magagawa ang gusto ko. 'Yong walang nakikialam at walang kumukontrol. Gusto nila magkapamilya agad ako dahil lang gusto nila ng apo," naiiling na sabi niya. "Ang arte mo naman kasi. Bakit kasi di mo na lang ibigay sa mom mo ang gusto niya?" Umirap ako. Para hindi na ako nadadamay pa dito. Panira din kasi ang isang ito. Nadadamay pa ako sa kaartehan niya imbes na nagpapahinga lang ako ngayon sa bahay nandito ako at magpapanggap ng girlfriend ng lalaking hindi ko pa naman kilala ng lubos. "Ano ako tanga? Bakit ko wawakasan agad ang pagiging malaya ko? Gusto ko pang mag-enjoy. Hindi pa ako handa sa pagpapamilya na 'yan." "Ang sabihin mo ayaw mong matali sa iisang babae lang." "Exactly!" "Sabi ko na nga ba, eh. Gano'n ba talaga kayong mga lalaki? Hindi niyo kayang walang babae na magpapainit sa kama niyo?" Bigla akong nairita dahil naalala ko nanaman iyong naabutan ko sa condo ni Caleb. Ngumisi siya. "Bata ka pa talaga. Wala ka pang alam sa mundo," aniya. Muli akong napairap. Naiinis talaga ako kapag sinasabihan akong bata pa ako. "Alam mo pare pareho kayo na ang tingin sa akin ay bata pa at walang alam sa mundo. May isip na po ako, ano! Saka kung bata pa ako sa paningin mo bakit ako pa ang napili mong pagpanggaping girlfriend?" "I don't know. Desperado na siguro talaga ko." "Kaya pati ako dinadamay mo sa problema mo? Paano kung may makakita sa atin, eh di, issue pa. Baka mapatalsik pa ako sa school. At ikaw din! Dahil wala pa akong eighteen ginagawa mo na akong girlfriend," may bahid ng inis na sabi ko. Nakita ko ang pagsilay ng pilyo niyang ngisi. "'Wag kang mag-alala sagot kita. Walang mangyayari sayo, at isa pa ngayong gabi lang naman. Magtiis ka na muna." Talaga! Anong akala niya papayag pa akong magpanggap na girlfriend niya ulit? No way! Ito ang una at sisiguraduhin kong ito na din ang huli. Hindi pa nga ako totoong nagkaka-boyfriend tapos pagpapanggapin na niya akong girlfriend niya at ipapakilala pa sa pamilya niya? Ang swerte naman niya! "Talagang ngayong gabi lang ito! Malaman pa ni Caleb ito tiyak na malalagot ako," sbai ko. "Boyfriend mo?" he asked. Napangiti naman ako kaagad nang sabihin niyang boyfriend ko si Caleb. Kung pwede lang. "Hindi pa." Nagsalubong ang kilay niya habang naka-focus pa din sa daanan ang kanyang mga mata. "Manliligaw?" "Nope." Umiling iling ako. Sana nga. "Hmm, mukhang alam ko na. Crush mo, 'no? Mga kabataan nga naman ngayon," aniya habang umiiling at may ngising mapang-asar. Anong ibig niyang sabihin do'n? "Anong meron?" "Ang hilig niyong umasa sa isang taong malabong mapasainyo. May pa hindi pa hindi ka pa diyan. Bakit sigurado ka ba na magugustuhan ka niya? Bata ka pa nga." "Alam mo ang KJ mo! Eh ano naman ngayon kung umaasa nga akong magugustuhan niya ako? Hindi naman malabong mangyari 'yon, ah. Maganda naman ako, eh," inis na sabi ko habang tinataasan siya ng kilay. Tumawa siya. "Sige nga ilang taon na ba iyong Caleb na 'yon?" "Twenty seven." "At ilang taon ka na nga?" "Seventeen pero malapit na akong mag-eighteen." "See? Wala ka pa nga sa legal age kung ano-ano nang iniisip mo dyan. Isa pa ang layo ng agwat ng edad niyo tingin mo ba papatulan ka no'ng Caleb na 'yon? Paniguradong ang mga tipong babae no'n ay iyong mga kasing edad niya din o mas matanda pa sa kanya. Nene ka pa lang sa paningin no'n. Huwag mo ng pangarapin pa. Bakit di mo muna kaya atupagin ang pag-aaral mo, huh, hija?" aniya. Tignan mo itong isang ito. Siya nga itong pinagpapanggap akong girlfriend niya kahit na alam naman niyang bata pa ako at wala pa sa tamang edad. "Walang pakelamanan pwede? Saka sa'yo na nga mismo nanggaling na bata pa ako kaya bakit ako ang ipapakilala mo sa pamilya mo? Are you out of your mind? Tingin mo ba maniniwala ang parents mo sa mga kalokohan mo?" I said as I rolled my eyes. "That's the point. Kapag nalaman nila na bata ka pa hindi nila tayo ipagtutulakang magpakasal." "What the heck? Kasal agad?" "Yep, kaya 'wag ka nang magtanong pa d'yan at gawin mo na lang ang pinapagawa ko sa'yo. Ngayong gabi lang naman kaya gawin mo ng maayos ang trabaho mo. Pagkatapos nito hindi na kita guguluhin." I rolled my eyes. Sino ba siya para sundin ko? Kung makapag-utos akala mo napakalaki ng atraso ko sa kanya. "What if magtanong sila about us? Kung paano tayo nagkakilala or kung saan tayo nagkita? Ilang buwan na tayo and whatsoever." "Don't worry about that, ako na ang bahalang sumagot nyan. Napagplanohan ko na ang lahat kaya pwede ba itahimik mo na lang muna 'yang bibig mo?" aniya, iritadong-iritado na. "Humanda ka sa akin kapag nalaman 'to nila Dad, lalong-lalo na ni Caleb." "I am your instructor and ganyan ka makipag-usap sa akin. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon," naiiling niyang sabi, dismayado. "Akala ko ba girlfriend mo ako ngayon?" "Yeah, but I'm still your instructor. At mas matanda ako sa'yo. Dapat iginagalang mo ako." Bigla kong narealize na tama nga siya. Instructor ko siya at ganito ko siya kausapin. Ano, Zachia, wala ka ng manners ngayon? Hindi ko lang siya basta instructor, mas matanda pa siya sa akin. Napailing-iling na lang ako at hindi na siya pinansin pa. Ngayong gabi lang naman ito kaya pagtiisan mo na. Isang gabi lang ito at hindi na muling mauulit pa kaya pagbigyan mo na siya tutal may atraso ka naman talaga sa kanya. Naging maayos naman ang planong ginawa ni Lawrence at hindi naman kami nabuko ng parents niya hanggang sa makauwi na ako sa amin. Nagpasalamat lang siya sa akin at inihatid na niya ako dito sa bahay. Hindi naman na masama ang experience na 'yon, medyo hindi na rin ako inis kay Lawrence ngayon. Ewan ko ba pero parang gumaan ang loob ko sa kanya kahit papaano at mas nakilala ko din siya kanina nang na-meet ko ang parents at ilang kamag-anak niya. Medyo weird lang ang pakiramdam kasi ang dalas akong tignan ng mga tita at pinsan niya na para bang sobrang kuryoso sila sa akin. Tapos minsan ang tingin nila parang may halong panghihinayang at awa, o baka akala ko lang iyon? Bakit naman nila ako titignan ng ganoon, di ba? Saka bakit sila manghihinayang at maaawa sa akin? Anong meron? Natigilan ako sa pag-iisip nang maabutan si Caleb sa sala namin na natutulog. Napangiti ako ng malawak pagkakita sa kanya doon. Hindi ako makapaniwala na aabutan ko siya dito ngayong gabi. Hindi talaga ako matiis nitong hindi makita kaya kahit busy pinipilit pa ding dumalaw. Sinong hindi mai-inlove niyan sa'yo, huh, Caleb Craig? Kahit sino yatang babaeng pakitaan mo ng ganito mahuhulog at mahuhulog, eh. Nakatingkayad akong lumapit sa kanya para hindi siya magising sa kanyang mahimbing na pagtulog. Kawawa naman kasi mukhang masarap pa naman ang tulog niya. Nang makalapit sa pwesto niya at mas natitigan ko ang kanyang mukha nt malapitan ay mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ko. Ang gwapo talaga ng prinsipe ko. Sana palaging ganito, na sa tuwing uuwi ako sa bahay ay maabutan ko ang aking pinakamamahal na nag-aantay sa akin. Soon, Zachia. Mapapasayo din ang lalaking 'yan kaya konting tiis pa. Hayaan mo muna siyang mag-enjoy sa mga babae niya kahit masakit para pag pwede na kayo sa'yong-sa'yo na lang siya. Napangiti ako sa isiping iyon. Alam ko namang 'di pa siguradong magugustuhan din ako ni Caleb pagdating ng araw pero gusto ko pa ding umasa. Handa akong isugal ang lahat para sa kanya kahit alam kong mahihirapan akong mahalin siya ng palihim. Alam ko walang kasiguraduhan ang lahat ng ito pero wala namang masama kung magbabakasakali di ba? Pinagmasdan ko pa lalo ang mukha niya. Saktong kapal ng kilay, matangos na ilong, mapupulang mga labi at ang mapupungay na mga mata… Ilan lang ito sa mga magaganda niyang katangiang lalong nagpahulog sa akin sa kanya. Pero bukod sa panlabas niyang katangian ang talagang nakapagpahulog sa aking damdamin sa kanya ay ang pag-aalaga at pagmamalasakit na pinaparamdam niya sa akin. Natatandaan ko, bata pa lang ako no'n at tuwang-tuwa ako kapag dadalaw siya dito sa amin dahil kaibigan siya ng kuya ko. Palagi akong inaasar ng kuya ko kaya palagi akong naiinis sa kanya noong bata ako at si Caleb ang palagi kong kakampi laban sa kanya at s'yempre ang ate Kira ko na girlfriend ni Kuya Zach. Sayang lang hindi man lang ako nabigyan ng chance na maging close sa kuya ko bago siya kinuha sa amin. Kung alam ko lang na mangyayari iyon sa kanya sana pala di ko na lang siya pinapatulan noon kapag inaasar niya ako. Sana pala di ko inubos ang oras namin sa isat-isa sa pag-aaway. Sobrang miss ko na ang kuya ko sana nga totoong buhay pa siya kahit imposible. Sana buhay pa siya para makabawi manlang ako sa kanya. Mahal na mahal ko siya kahit parati kaming magkaaway noon. Napasimangot ako nang bigla ko siyang maisip, hindi ko na tuloy namalayan na nagising na pala si Caleb. Nakadilat na siya nang bumaling akong muli sa kanya. Agad akong lumayo sa kanya nang makitang nakadilat na siya. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakahilig sa couch at mariin akong tinignan. Kita ko ang inis sa kanyang ekspresyon at habang nakatingin sa akin at sa suot kong halatang kagagaling lang sa kung saang party. Napakagat ako sa aking labi at napayuko sa klase ng kanyang titig. Sa itsura niya ngayon alam kong galit siya dahil ginabi na ako ng uwi at hindi ko man lang nasabi sa kanya na may lakad ako ngayong gabi. Hindi ko naman kasi akalaing dadalaw siya ngayon dahil ang sabi niya busy siya ngayong araw kaya hindi na din ako nag paalam. Hindi ko din naman kasi alam kung anong ipapaalam ko sa kanya. 'May lakad ako ngayong gabi, family gathering ng bago naming instructor' Parang nakakapagduda naman di ba kung ganyan ang magiging paalam ko sa kanya. Like what the hell? Anong gagawin ko sa family gathering ng bago naming instructor? Bakit ako invited doon, di ba? Nakakapagtaka kaya di na talaga ako nagpaalam. At ngayon, sa tingin na ibinibigay niya sa akin parang gusto kong pagsisihan na hindi ako nagpaalam sa kanya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD