005

1811 Words
Kabanata 5 C A L E B I left Zachia's room, confused. I don't know why I kissed her. What was that for? That's the first time I kissed her without reason. I don’t know. All I know is that it bothered me when I saw her sad face. Hindi naman ako sanay na gano’n siya. Kapag magkasama kami never ko naman siyang nakitang malungkot. Ibang-iba talaga siya kanina hindi tulad ng dati na napakapilya at palagi pang nakangiti. ‘Yong Zachia na nakasama ko kanina parang hindi ang Zachia na halos araw-araw kong kasama. Ang lungkot ng mukha niya mula nang sunduin ko siya sa school niya. Tapos ang lamig pa ng trato niya sa akin na para bang may sama siya ng loob sa akin. Para bang nagtatampo siya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pumasok sa kwarto niya upang siguraduhing ayos lang talaga siya. Alam ko hindi tama ang ginawa kong iyon. Dapat ay bigyan ko siya ng privacy dahil hindi naman na siya tulad ng dati na bata pa. Dalaga na siya ngayon at hindi tama na basta na lamang ako pumapasok sa kwarto niya nang walang pasabi pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kanina. Hindi ko siya kayang tiisin. Hindi ko kayang umalis na lang basta nang hindi ko alam kung bakit siya malamig sa akin. Kailangan kong alamin kung bakit siya galit. Kailangan kong ayusin ito ngayon. Hindi ko kayang ipagpabukas pa. Nang makita ko ang mukha niya na parang ang lungkot-lungkot hindi ko talaga mapigilang mag-alala. Hindi ako sanay na may itinatago siya sa akin. Nasanay kasi ako na kapag malungkot siya at may iniisip ay sa akin agad ang takbo niya ngunit ngayon ay tila gusto na niyang itago sa akin ang kung ano mang problema niya. Hindi ako sanay ng gano’n. Ayoko ng gano’n. Dapat kapag may problema niya sinasabi niya agad sa akin at hindi niya itinatago. Pero naisip ko din na hindi na siya bata tulad ng dati. May mga bagay na hindi na niya pwedeng ikwento sa akin. Lalo na't isa akong lalaki. S’yempre mas gugustuhin niyang magkwento sa mga babae niyang kaibigan kaysa sa akin. Ano ba naman kasi ang makukuha niya sa akin kung magkukwento siya sa akin tapos hindi ko din naman maiiintindihan. Parang bigla akong nanlumo nang maisip kong nag dadalaga na nga talaga siya at hindi na namin pwedeng gawin ang ibang mga bagay na ginagawa namin noon. Naisip ko din bigla, paano pala kung lalaki na ang pinoproblema niya ngayon? Kaya ba hindi siya makapagkwento sa akin? Kasi lalaki ako at hindi siya komportableng magkwento sa akin tungkol sa ibang lalaki? Hindi kaya may nanliligaw na sa kanya sa school nila? Hindi malabong mangyari dahil maganda siya. Paniguradong maraming nakaabang sa kanyang mga lalaki. Nahuli ko pa siyang may ka-text sa phone kanina sa kwarto niya. Paano pala kung may boyfriend na nga siya at iyon talaga ang pinoproblema niya ngayon? Ngunit bakit ko ba ‘to iniisip ngayon? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Siguro iniisip ko ito ngayon kasi nag-aalala ako ng sobra sa kanya. Nag-aalala ako na baka lokohin lang siya ng kung sino. Subukan lang nila… Hindi ako pumapatol sa bata pero kung gagaguhin nila si Zachia, ibang usapan na ‘yon. Dadaan muna sila sa akin bago nila mahawakan kahit dulo ng daliri ni Chia. Isa pa, hindi pa ako pumapayag na mag boyfriend siya. Masyado pang bata si Chia, kaya hindi pa pwede. Hindi ako papayag. Kahit papaano ay may karapatan naman siguro akong pagbawalan siya dahil para na niya akong nakakatandang kapatid. Nakababatang kapatid siya ng matalik na kaibigan ko, tungkulin kong protektahan siya mula sa mga maaring manakit sa kanya. Nagpaalam na ako sa mga magulang ni Chia at lumabas na ng mansyon nila. Imbes na dumiretso sa bahay ay nagtungo ako sa bar na madalas naming tambayan noon ng mga kaibigan ko. Isa pang inaalala ko ngayon ay ang kapatid kong matigas din ang ulo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa babaeng iyon. Akala ko pa naman aayos na siya at titigil na sa paghahanap sa kaibigan kong matagal ng wala kapag naging sila na ni Sander, pero nagkamali ako. Hanggang ngayon si Zachary pa din ang pinagtutuunan niya ng pansin kahit na limang taon na ang lumipas. Kung buhay pa nga ito, bakit hanggang ngayon hindi pa din siya bumabalik? Imposible talaga. “Anong sa’yo, sir?” anang babaeng bartender nang lumapit ako sa bar counter. “Pwede bang ikaw?” I smirked. Ngumiti siya pero agad na umiling. “Martini, please.” Agad naman niyang ginawa ang order ko. Kinindatan pa ako pagkatapos iabot ang martini. I shook my head, still smirking. What a cockteaser. “Matagal ka na dito?” tanong ko pagkatapos sumimsim. Nagtaas siya ng kilay. “Matagal na matagal na. Nasa kolehiyo pa lang kayo ng mga kaibigan mo nandito na ako. Hindi mo ako natatandaan?” Napaawang ang labi ko, nagulat sa naging sagot niya. Really? Kung gano’n ilang taon na pala siya dito? “Kung sa bagay paano mo naman ako matatandaan sa dami ng naging babae niyong magkakaibigan?” Tumawa siya. “Really? Gano’n ka na katagal dito?” Tumango siya. “Yep. Ayaw mo maniwala?” “Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa’yo, hindi lang ako makapaniwala. Ang tagal mo na pala dito. Ilang taon ka ba no’ng nag start ka dito kung gano’n?” “Bakit ka curious?” Napangisi ako. Ibang klase din ang babaeng ito. “Bakit hindi ba pwedeng magtanong?” “Eighteen pa lang ako no’ng nag start ako dito.” “Really? Ang bata mo palang nagtrabaho.” Nagkibit balikat siya. “Gano’n talaga kapag mahirap lang. Kailangang magtrabaho ng maaga para makatulong sa pamilya.” Napangisi akong muli. “Really? Ang bait mo pala kung gano’n?” Umiling siya. “Akala mo lang ‘yon.” “Akala ko ba nagtrabaho ka ng maaga para makatulong sa pamilya? O, edi ibig sabihin mabait ka.” “Eh, malamang pamilya ko ‘yon. Kahit naman siguro ang pinakamasamang tao sa mundo lumalambot pagdating sa mga mahal nila sa buhay. Ano ka ba, hindi ka nag-iisip.” Natawa ako. Ibang klase din ang babaeng ito. Ganito ba siya makipag-usap sa mga customer niya. “Eh, bakit mag-isa ka nga pala ngayon? Nasaan ‘yong mga tropa mo? Saka bakit hindi ko na nakikita iyong isang tropa niyo. Lagi kayong kulang kapag pumupunta dito. Anong nangyari doon sa isa? May asawa na kaya hindi na pinapayagang sumama sa inyo? Kung sa bagay, kung asawa ko ‘yon, tapos alam kong puro babaero ang kaibigan niya, hindi ko din siya papayagang sumama sa mga iyon sa ganitong lugar, ano? Ang wild niyo pa namang magkakaibigan kapag nalalasing. Isa lang yata ang matino sa inyo.” Natawa ako habang naiiling. Hindi ako makapaniwala sa babaeng ito. Ngayon ko nga lang siya nakilala tapos ang dami pala niyang alam sa aming magkakaibigan? Ang dami pang kumento na para bang alam na alam niya ang mga nangyayari sa buhay namin. “Ano, tama ako, ‘no? Nag-asawa na ‘yong isa? Sa bagay, di ba may girlfriend na iyon? Kasal na ba sila kaya hindi na nakabalik dito?” “Nope.” “Huh? Hindi pa sila kasal pero pinagbabawalan na agad ng babae?” Umiling akong muli at inubos na ang lamang ng alak na hawak. “Isa pa nga.” Agad naman siyang kumuha ng panibago at inabot sa akin. Nakakunot ang noo niya, tila naghihintay na magkwento ako tungkol sa kaibigan kong hindi na raw niya nakikita dito. Hindi ko na kailangang isiping mabuti kung sino ang tinutukoy niya dahil halatang-halata naman na si Zachary ang tinutukoy niya. “So… ano na ngang nangyari doon sa isa niyong kaibigan? Alam mo iyon pa naman ang una kong natipuhan sa inyo. Alam mo kung bakit?” “Bakit?” Kunwari interesadong tanong ko. “Kasi mukhang loyal sa girlfriend.” “Mukha palang loyal sa girlfriend, bakit mo pa nagustuhan.” “Tanga mo naman! Iyon na nga, eh. Loyal! S’yempre kaming mga babae gusto namin ng loyal na boyfriend kahit medyo bastos,” aniya sabay kindat. Napailing ako. “Wala na siya.” Kumunot ang kanyang noo. “Anong wala na siya? Nasaan nagpunta? Nangibang bansa ba?” Diniretso ko ang panibagong bigay niya bago ko siya sinagot. “Patay na siya.” Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ng malaki ang kanyang bibig, napailing ako sa naging reaksyon niya. Agad niyang tinakpan ng palad niya ang kanyang bibig. “Weh? Hindi nga? Nagbibiro ka ba?” “Sa tingin mo magbibiro ako ng gano’n?” Nilapag ko ang baso ng martini at nagpakuha pa ulit ng panibago. Bakas pa din ang gulat sa kanyang ekspresyon habang nilalapag sa harapan ko ang panibagong martini. “Grabe, hindi ako makapaniwala. Sayang naman. Kumusta naman ang girlfriend niya kung ganoon?” “Kapatid ko ‘yong girlfriend niya.” Nanlaki muli ang mga mata niya. “Talaga ba?” Tumango ako. “Kumusta ang kapatid mo? Gaano katagal na ba siyang patay? Huling kita ko sa kanya dito siguro mahigit limang taon din.” “Limang taon na siyang patay at kung tinatanong mo kung kumusta ang kapatid ko, ayon, hanggang ngayon hindi pa din nakakalimot. Umaasa pa din na babalik ang kaibigan ko kahit limang taon na ang nakalipas.” Hindi ko alam kung bakit ako nakakapagkwento ng ganito sa babaeng ito pero magaang naman ang loob ko sa kanya. Saka hindi ko naman siya kilala kaya ayos lang siguro na magkwento ako sa kanya. Natutunan ko na mas magandang magkwento sa mga taong hindi mo kilala, mas madali iyon dahil wala kang pakialam sa iisipin nila sa’yo. “Kawawa naman pala ang kapatid mo kung gano’n. Siguro mahal na mahal niya kaya hanggang ngayon hindi pa din siya maka move-on. Intindihin niyo na lang, mahirap talaga mawalan ng taong minamahal.” “Paano naman kaming nagmamahal sa kanya kung hindi niya tutulungan ang sarili niya? Mahirap din sa aming tanggapin na wala na si Zach pero mas mahirap sa aming nakikita siyang nahihirapan at nasasaktan.” “Iyon ba ang iniisip mo kaya ka nagpunta dito ng mag-isa?” Umiling ako. Oo, iniisip ko ang kapatid ko pero mas iniisip ko pa din kung bakit malamig sa akin si Zachia. “Eh, ano pala?” Hindi ako kumibo. “Babae? Girlfriend mo?” “Wala akong girlfriend.” I shook my head. “Pero babae?” Hindi ulit ako kumibo. Hindi na din siya nagtanong pero nakatitig lamang siya sa akin na para bang hinihintay na magkwento ako. Napabuntong hininga ako at hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla na lang akong napakwento sa kanya tungkol kay Zachia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD