Kabanata 22 Z A C H I A Umuwi ako sa bahay na tulala. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina sa opisina ni Caleb. Mas lalo kong nakita kung anong klaseng lalaki talaga siya. Yes, aware ako na playboy siya at maraming babae pero ibang usapan na nakita ko ng harapan kung paano niya sigawan ang mga nagiging babae niya na para bang wala man lang siyang pakialam sa nararamdaman nito. Naisip ko ang sarili ko. Alam kong masyado pang maaga para isipin ko ito. Pero naisip ko lang bigla. Paano kung ako ang babaeng iyon? Paano kung ako ang nasa sitwasyon niya? Papayag ba akong tratuhin ako ng ganoon ni Caleb? S’yempre, hindi, dahil naniniwala akong hindi naman niya iyon magagawa sa akin. Kasi nga parang kapatid na ang tingin niya sa akin, pero paano kaya kung magtapat ako sa kanya at ma

