Kabanata 23 Z A C H I A Niloloko niya lang yata ako, hindi naman yata totoo ang sinabi niyang iyon. Parang ang hirap naman kasing paniwalaan ng mga sinabi niya. Iniisip ko pa lang parang ako ang nahihirapan para sa kanya. Kaya niya ba talaga iyon? I mean… hindi naman na ako inosente sa mga bagay na ganyan. Alam ko naman na may pangangailangan din ang mga lalaking katulad niya. Lalo na siguro sa edad niyang ito. Saka nakasanayan niya ang buhay na ganoon, kaya baka hanap-hanapin na niya iyon. Hindi ko siya masisisi kung mababali niya ang pangako niyang ito sa akin pero umaasa ako na sana ay hindi. Kung pwede lang sabihin ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya na hintayin na lang niya ako. Siguro naman kapag eighteen na ako pwede na kami… Kung

