Kabanata 24 Z A C H I A Tulad ng nakasanayan, sabay-sabay kaming nag lunch nina Moira at Lawrence. Hindi namin siya professor sa taong ito pero sumabay pa din siya sa amin ng lunch. Nasanay na rin siguro siya sa aming dalawa ni Moira. Hindi naman kasi ganoon kahirap makalapit si Lawrence dahil marunong naman siyang makisama. Suplado lang siguro sa una pero pag nakasundo mo na ng isang beses ay mabilis niyang makukuha ang loob mo. Kaya nga kahit paulit-ulit akong pinapalayo ni Caleb sa kanya ay hindi ko pa din magawa. Ang unfair lang kasi wala namang ginagawang masama 'yong tao. At magkaibigan lang naman talaga kami. Mas nakakapagkwento pa nga ako sa kanya kaysa kay Moira dahil madalas na ginagawang biro ng kaibigan kong iyon ang mga kinukwento ko sa kanya. Tulad ng biro niya kanina sa a

