Kabanata 25 Z A C H I A “OMG! Ang daya! Bakit ikaw lang ang meron? Nasaan ang akin?” ani Moira kay Lawrence, nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa VIP ticket na binigay sa akin nito. Agad nagliwanag ang mga mata ng kaibigan ko nang itinaas ni Lawrence ang isa pang ticket at inabot iyon sa kaibigan ko. Tinanggap agad iyon ni Moira at pinagmasdang maigi kung totoo. Nang nakasigurong totoo iyon ay agad siyang tumayo sa kinauupuan niya para yumakap kay Lawrence. Umiling si Lawrence, kunwari pang hindi nagustuhan ang ginawa ng kaibigan ko pero napapangiti din naman. Tumawa ako at natuwa din para sa kaibigan ko. “Pero hindi nga? Ibibigay mo talaga sa akin ito? Hindi ba sa’yo ‘to?” ani Moira nang kumalas sa pagkakayakap kay Lawrence. “Iyo na.” “Ibig sabihin para sa’yo nga talaga ito? Dat

