Ten

2401 Words
Marcus I just got back from Brazil, but I didn't return to the condominium building where I used to live, because it was being renovated. My father and three brothers would be coming to Philippines soon, as my father decided to have a vacation here in the Philippines, while we are still looking for my long lost cousin. Kagagaling ko lang sa isang 24 hour store upang bumili ng grocery, at dahil walking distance lang naman ito sa apartment na rerentahan ko ng tatlong buwan, ay naglakad na lang ako. Mabuti na lang may dala akong payong dahil biglang bumagsak ang ulan nang pabalik na ako sa apartment. Dis-oras na rin ng gabi kaya hindi ko inaasahang na may tao pa sa daanan, pero napansin ko ang isang petite na babae na naglalakad sa ulan at yapos ang sarili nito. Naawa ako at lumapit. "Miss," sabi ko. Pero napatili siya sa gulat. "Miss, teka. Gusto mo bang sumilong?" alok ko kaagad.  Bahagya kong inangat ang payong ko upang kausapin ang babaeng nilapitan ko para ma-assure ko siya na hindi ako gagawa ng masama, pero laking gulat ko nang makita ko si Pinkie.  "Are you ok?" alala kong tanong at hahawakan sana siya sa braso, pero umatras siya. "Are you in trouble again?" I asked. Hindi siya nagsalita pero tumango tango siya sa akin, habang ginaw na ginaw sa pagkabasa ng ulan. "Come, malapit lang ang apartment ko dito. " Walang pasubali kong aya sa kanya. Mabuti naman dahil sumunod siya sa akin. Siguro sa ilang beses ko na siyang tinulungan ay pinagkakatiwalaan na niya ako na hindi ko magagawang saktan siya or mag-take advantage sa kanya. "Hindi ka na ba doon nakatira sa condominium?" takang tanong niya habang yapos pa rin ang sarili.  Naglalakad na kami ngayon papunta sa apartment ko habang magka-share sa payong. "Pansamantala lang ako dito sa apartment habang pinapa-renovate yung condo ko. Darating kasi ang family ko after 3 months." Paliwanag ko. "Ikaw, bakit nandito ka at nagpapabasa sa ulan?" "May humahabol sa akin, pero natakot yata sa ulan." Sagot niya, bago kami nakarating sa bago kong apartment. Pinapasok ko siya sa loob ng apartment, at inalok muna siyang maupo sa sofa. "Hindi na, basang basa kasi ako. Magpapatila lang ako ng ulan." Sabi niya at nakatayo lang sa may bandang pintuan. "Baka magkasakit ka." Sabi ko at umakyat ng kuwarto. Kumuha ako ng tuwalya, t-shirt at jogging pants at mabilis na bumaba para ibigay sa kanya ang mga ito. "Heto, kung okay lang sa'yo, puwede mong gamitin ang t-shirt at jogging pants ko." Sabi ko sa kanya. Tinanggap niya iyon at nagpalasamat. Tinuro ko sa kanya kung nasaan ang bathroom at pumunta naman siya doon. "May shampoo na rin diyan at sabon kung gusto mo na rin maligo." Sabi ko, saka nagbrew ng kape para sa kanya. "Umiinom ka ba ng kape?" tanong ko pa. "Ha?" tanong niya at binuksan ang pintuan ng bathroom. Sinadya kong hindi lumingon dahil baka isipin niya na sinisilipan ko siya. Mahirap na. I understand that she's been through a lot these past months, from the jerk of a boyfriend, to the s*x video, and losing her baby with him. Kawawa naman talaga si Pinkie, kaya I wanted her to feel that mayroon pang lalake na hindi ganuon. "Do you drink coffee?" malumanay kong tanong habang hindi nakatingin sa direksyon ng bathroom. "I drink anything. Huwag mo lang ako painumin ng Guyabano juice." Sabi niya at saka ko narining na lumabas na siya ng bathroom. "Sinampay ko muna yung mga damit ko sa bathroom saka yung towel..." nahihiya niyang sabi. "Okay lang ba?" "Okay lang yon. Tara dito," hinarap ko na siya at inaya na maupo sa dining table. I offered her the cup of coffee. Tahimik lang siyang sumunod sa akin sa table at kinuha ang kape. "It's decaf." Sabi ko. "Thanks," nahihiya niyang sabi, at saka naupo para inumin ang kape. Pakiramdam ko sa kanya ay ino-observe niya ang kilos ko. Napakamot ako ng ulo, habang umuupo kami sa dining chair at magkaharap. Deep inside me, natawa ako. Hindi ko kasi sigurado kung bakit niya ako ino-obserbahan. Kung sa palagay niya ay gagawa ako ng masama, sana hindi na lang siya sumama sa akin, hindi ba? At kung may gawin man ako, may magagawa ba siya? Puwede naman na may nilagay ako sa kape niya katulad ng last time na ininom niyang alak mula sa stranger na kumausap sa bar. Si Pinkie talaga, hindi na natuto. Dapat dito pinapaalalahanan. "Pinkie, wala akong gagawing masama sa'yo kaya you can relax." Sabi ko. "Alam ko... kasi kung may gagawin ka sa akin na masama, noon pa. Saka... kahit ano naman siguro ang gawin mo sa akin, wala naman ng mawawala sa akin..." sabi niya saka ulit uminom ng kape. Napa-iling ako. "What are you saying?" kunot noo kong tanong. "You should value yourself." Sabi ko. "Value myself?" parang natatawa siya, at napa-iling. "After all that I've been through? Ewan ko..." sagot niya. "Yes, Pinkie. Your worth is not based on how your ex-boyfriend sees you." Sabi ko. Hindi siya nakakibo. Tumingin lang siya sa baba. "I don't base it on that..." tanggi niya, pero nakita ko sa mukha niya na alam niyang tama ang sinabi ko. Muli siyang nagsalita. "Kung magsalita ka, parang alam na alam mo kung ano ang saloobin ko, ha?" Sabi niya na hindi pa rin tumitingin ng direcho sa akin. "I don't know, Pinkie... pero sa tuwing you get into trouble kasi, ako yata ang sumasaklolo sa'yo... Siguro napagtagpi tagpi ko lang kung ano yung puwede mong maging reaksyon sa sitwasyon ..." paliwanag ko sa kanya. "Bakit ba kasi parati kang naroon kapag I'm in trouble?" asar niyang irap sa akin. Napatawa ako at nagkibit balikat. "Hindi ko rin alam. Beats me." Sabi ko. "Nakulong pa nga ako eh..." natatawa ko pang iling. "Natatawa ka pa sa nangyari sa'yo!" Namula niyang sambit, saka bumuntong hininga. "I'm really sorry about that, M-Marcus, ha?" "Wow, you know my name!" Ngiti ko at inilapag ang baso ko sa table. "Does that mean we're friends na?" eager kong tanong at ipinatong ang dalawang siko ko sa lamesa, bahagyang nag-lean towards her direction to wait for her answer. Matipid na ngumiti sa akin si Pinkie. I felt my heart fluttered habang tinitigan ko ang mukha niya. Sa isip ko, Pinkie is cute when she smiles. I remembered the first time I saw her in the bakeshop. She captured my attention already the very first time. It's just sad na naunahan ako ng ex-boyfriend niya. Dahil sa bawat pagkakataon na nakikita ko siya after noong araw na iyon, parang unti unti ay nagbago na si Pinkie. Nawala na yung saya sa mga mata niya. At ngayon nga ay nangayayat pa siya. I felt a certain pang of pain inside me. Nakaramdam ako ng pagkagalit sa gumawa sa kanya nito. Pakiramdam ko nga ay nagpalpitation ako sa naramdaman ko. Kung ako lang ang naging boyfriend ni Pinkie, aalagan ko siya. "Pwede naman," sabi niya. "Huh? You mean, boyfriend puwede?" naguluhan kong tanong. Napatawa siya. "Boyfriend? Bilis ah! Friends lang ang tanong mo kanina..." sabi niya, sabay kinagat ang labi niya at namula. "Bakit ka namumula?" I couldn't help but tease her. Alam ko puwede siyang maasar sa akin at mag-walk out, pero I just had to ask her, because I found her cute. "Hindi ako nagba-blush!" Mabilis niyang tanggi at saka tumingin sa akin, pero mabilis din niya itong binawi. "May naisip lang ako..." defensive niyang sagot at tumingin ulit sa cup niya. "And that is?" tanong ko to keep the conversation going. Napabuntong hininga siya. "Naisip ko lang yung ex ko. Kasi ang bilis eh! Naging girlfriend niya ako kaagad." Sabi niya. "Those were my stupid days..." sambit niya habang nakatingin sa malayo. "You're not really stupid. Don't think of yourself that way." Sabi ko. "It's okay. I really was stupid! Pero ngayon, hindi na..." sabi niya at napatingin sa akin. "Oo nga pala, just a few weeks back, you saved me from those men who tried to do something bad, and it was my fault because I was drunk..." pag-amin niya. "Salamat sa pagtulong..." "My pleasure to help, my princess..." sabi ko. "Siguro I'm your knight in shining armor..." hirit ko pa. Hindi ko mapigilan. Alam ko fini-flirt ko si Pinkie. Pero gusto ko kasi siya, e. It was just subtle flirting. Pero alam ko, puwede siyang mapikon sa akin at mag-walk out. She just stared at me and I worried. Pero bigla siyang napatawa at namula. "Yeah, right!" She rolled her eyes, at saka pinagtuunan ng pansin ang kape niya. "Pare-pareho lang kayong mga lalake..." halos bulong niyang sinabi. "Hindi naman..." sabi ko. "If you say that, does it mean your dad is a jerk, too?" malumanay kong tanong. Hindi siya sumagot. "Kita mo..." marahan ko pang sabi. "Huwag mo kaming i-generalize. Nagkataon lang na na-inlove ka sa isang jerk." Sabi ko pa. "Kung sabagay... tama ka..." sambit niya habang nakatingin sa baba. "He's such a jerk... kaya I turned out to be a bitch." Pabulong pa niyang sabi. "Siya ba ang tinatakbuhan mo kanina kaya ka nasa ulanan?" I curiously asked. Matagal bago siya sumagot. "Yeah." Sabi niya at nagkuwento kung ano ang ginawa niya at ng kanyang kaibigan kaya hinabol siya ng kanyang ex. Napatawa ako sa ginawa niya, at nagkuwento pa siya kung ano ang ginawa niya bago pa itong recent na plan niya to take revenge on her ex. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tawa ako ng tawa. "Pilya pala kayo ng kaibigan mo." Sabi ko, habang natatawa. Siya rin ay napatawa na sa mga pinagagawa niya. "Hay! Ewan ko. I just want to get even with him after all the pain he has caused me." Sabi niya saka niya pinaliwanag kung ano ang nangyari at kung bakit siya nagkaganoon. "And in the process... I think I lost me..." she said fiddling with the handle of the cup, and suddenly, a tear fell from her eyes. I reached out for her hand, across the table, kahit iniwas niya ito. I held her hand tight, at hindi nagsalita. "Can you let go of my hand?" sambit niya at sinubukan ialis ang kamay niya from my hand. Hindi naman siya nag-panic. Pero hindi rin niya maintindihan why I covered her fist with my hand. "Hindi kita ile-let go hanggat hindi tumitigil ang pagluha mo." Nasabi ko. I really don't know why I did that, but a part of me told me to hold her tight, because I couldn't bear to see her cry. Pakiramdam ko kailangan ko maging bolder kay Pinkie dahil hindi basta basta si Pinkie. She has a mind of her own, and a strong will. I felt that I have to do something to alter her way of thinking, or else mapapahamak na naman siya kapag umalis na siya ng bahay ko na ganoon ang estado ng kanyang pag-iisip. Pakiramdam ko, I have to make her realize that her way was not the way to go. She could do better than take revenge on her ex. "I'll tell you a story," I said. Napakunot noo siya sa sinabi ko. "It's a story I've read na may magandang lesson." Sabi ko at pumunta sa aking refrigerator para kumuha ang itlog at carrot. Tapos kumuha ako ng coffee beans at pinakuluan silang tatlo sa magkaibang pans. Hindi siya umalis sa upuan niya. Pinanood lang niya ako na may pagtataka sa mukha. Nang maluto na ang loob ng itlog, napakuluan na ang carrots, at ang kape ay humalo na sa tubig ay dinala ko ang mga pans sa table. "Anong meron diyan?" takang tanong niya habang tinitigan ang tatlong pans. "Basta." Sabi ko. "Anong napansin mo sa kanilang tatlo?" "Yung itlog, nabuo na." Kagat labi niyang sabi. Hindi ko alam kung tama ako ng hinala pero parang sa hirit ni Pinkie, nagpapaka-green siya. Parang dinidistract niya ako sa gusto ko sanang matutunan niya. "Okay," sabi ko lang. "Eh yung carrot?" "Malambot na..." sabi lang niya na may kaunting ngiti sa kaniyang labi, tapos napatingin sa may bandang zipper ng pantalon ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon, pero pakiramdam ko, she was flirting with me. Pero it doesn't make sense that she was doing that. I think she had a plan of her own. She wanted to flirt with me, at kapag kumagat ako sa pangfi-flirt niya ay parang papatunayan lang niya na wala akong pinagka-iba sa ibang lalaki. Which was what I wanted to change from her. "How about the coffee?" "Kape na siya... humalo na sa tubig. Puwede na tayo magkape." Sabi niya at saka kinuha ang mug. "Each of them, Pinkie, faced the same hardship, and it was boiling water. But each reacted differently." Sabi ko. "The carrot was strong at first and even unrelenting, pero after niyang mababad sa kumukulong tubig, naging malambot na siya. Naging weak na. Yung itlog naman, diba napaka-fragile niya? Yung thin outer shell niya protected yung liquid sa loob ng shell. Pero nang ilagay siya sa boiling water, naging hard siya sa loob." Sabi ko habang siya ay nakatitig lang sa mga pans. "Parang may kilala akong ganyan sa totoong buhay..." sabi ko at napatingin siya sa akin. "Pero itong kape..." marahan ko ng sabi. "Well, napaka-unique niya! Dahil nang ilagay ko siya sa tubig, imbis na siya ang magbago ng hitsura, ang nagbago ay ang tubig." Sabi ko. "Katulad din yan ng tao kapag humaharap sa problema or challenge ng buhay. It's either maging hard boiled egg ka, malambot na carrot, o ikaw ang mag-impluwensya sa paligid mo to be positive. Kung ikaw ang tatanungin, my princess, kapag nagkaroon ng adversity o challenge sa buhay mo, sa palagay mo alin ka sa tatlong ito?" Hindi kaagad nakapagsalita si Pinkie. Tumikhim siya, at pumikit. "I became a hard boiled egg..." sagot niya at napaluha. I reached out for her hand again, and she attempted to pull it from me again. Kinuyom niya ang kamay niya pero binalot ko ang kamay niya ng dalawang kamay ko. "I won't let your hand go as long as you are crying, my hard boiled egg princess..." I teased, almost in a whisper. At kahit na lumuluha siya ay napatawa siya at napailing. "You are one weird guy..." sabi niya. "And I'm one weird girl too for letting you get through me..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD