Nine

3525 Words
Phoemela Nagising ako sa katok sa pintuan. "Pinkie?" katok ng pamilyar na boses. Si Rainbow iyon. "Pinkie, buksan mo ang pinto, please?" narinig ko naman si Jackie at Tanya na parang nagko-korus. Kahit umiikot ang paligid ay pinilit kong tumayo sa kama, at napansin na nasa isa akong hotel suite. "Ba't ako nandito?" natanong ko sa sarili ko habang sapo ang pisngi at bandang panga ko na kumikirot. I remember glimpses of what happened last night. Kahit lasing ako, naalala ko na may dalawang lalaki ang pilit akong ipinasok sa loob ng comfort room at balak akong pagsamantalahan. Mabilis kong tiningnan ang sarili ko. Suot ko pa rin naman ang mga damit ko, at saka ko lamang naalala yung lalaking tumulong sa akin kagabi habang nagsusuka ako sa sobrang kalasingan at hilo.  Si Marcus!  Yun ang lalaking tumulong din sa akin noon nang magka-head injury ako because of Jeremy. "Walang hiyang Jeremy na yon!"Hinanakit kong sambit. "Oh my gahd! Hindi kaya nagpakamatay na si Pinkie?" narinig kong worried na tanong ni Jackie. "Hindi gagawin ni Pinkie yon!" Si Rainbow. "Naku, huwag naman! Pinkieeee!" Katok naman ni Tanya. "Phoemela, nagsuicide ka na ba diyan?" asar na tanong ni Rainbow. "Pag nagsuicide ka diyan, lagot ka sa amin! Kala mo tatanggapin ka pa sa langit? Hindi no! Magiging White lady ka na lang at mananakot ng mga taxi driver forever! Gusto mo ba yon ha? Routinary kaya yon!" Tuloy tuloy na daldal ni Rainbow. "Nakuuu! Huwag naman! Pinkie! Buksan mo ang pinto!" Alalang katok nila Jackie at Tanya. "Oo na! Nandyan na! Tatayo na!" Asar kong sigaw. "Oh! Kita nyo! Buhay pa yang babaitang yan! Emotera lang yan, pero nasa matinong pag-iisip pa yan! Slight!" Si Rainbow iyon. Ako naman pagewang gewang na pumunta sa pintuan para buksan iyon. Pag bukas ko ng pintuan ay napatili naman ang mga kaibigan ko. Nakasandal kasi sila sa pintuan at napadapa sa sahig sa pagbukas ko ng pinto. Natawa ako sa mga kaibigan ko at sinubukan silang hilahin patayo, pero pati ako ay napa-upo sa sahig dahil sa bigat nilang tatlo. Nagtawanan kami ng malakas. It's been a while since I laughed this hard. I kind of... missed this. Naisip ko. I used to be a happy and positive person. Ako pa naman yung tipo ng tao noon na kahit may problema, parang baliw ako na nagpapatawa at tumatawa. I laughed my way out of my problems, and used to believe that nothing is solved by worrying and feeling negative. Kesa magmukmok at mag-alala, I believed and had proven in the past that, sometimes, problems get solved on their own in His perfect time. Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko na makumbinsi ang sarili ko na applicable pa rin ang dati kong pananaw sa sitwasyon ko ngayon. The old me is gone at sa dami ng naranasan ko, hindi ko na maalala kung paano bumalik sa dating ako. My world is shattered and I'm broken. I don't know how to build my world again, and I don't know how to pick up the pieces. Wala na yung dating Pinkie. Namatay na siya kasama ng baby ko. At dahil dito, nanaghoy ang puso ko sa galit at hinanakit kay Jeremy. Puno na ako ng sama ng loob at galit sa puso. Ang gusto ko lang gawin ay maghiganti. Yun ang isinisgaw ng buong pagkatao ko... ng buong puso at isip ko. Gusto ko ng hustisya para sa pangbababoy ni Jeremy sa akin, at sa pagkamatay ng baby ko! Patuloy ako sa pagtawa na halos manakit ang tiyan ko at hindi makahinga. Pero parang nacho-choke din ako habang nararamdaman ang hapdi sa puso ko. Ang sakit sakit... at hindi magamot ng pagtawa ko ang sakit na iyon. Habang tumatawa kaming apat ay napahagulgol ako. Niyakap ako ng mga kaibigan ko habang umiiyak ako. Pati rin sila ay umiiyak na rin. Walang tanong tanong pero nagkaintindihan kami. Siguro totoo nga yung sinasabi nila tungkol sa totoong mga kaibigan. Yung kahit hindi kami mag-usap... kahit tahimik lang kami at pare-parehong umiiyak, nagkakaintindihan kami na umiiyak sila dahil nasasaktan ako. Umiiyak sila dahil nakikiramay sila sa akin. Umiiyak sila dahil nararamdaman nila yung sakit na hindi ko masabi. Maya-maya pa ay may narinig akong humahangos papunta sa bukas na pinto. "Oh, my bloody gosh! Whatever happened to your face, Phoemela?" Si Rori iyon na hila hila si Shayla. "Anong nangyari sa'yo?" sumisinghot naman na tanong ni Jackie at tumayo na para tingnan ang braso ni Shayla. Dumudugo kasi ang siko ni Shayla. "Wala ito. Nadapa lang ako paglabas namin ng parking ni Rori." Mahinang paliwanag ni Shayla. At dahil sa umiiyak ang iba kong mga kaibigan, kasama ko, pati sina Rori at Shayla ay naiiyak na din. Lumuhod din sila sa carpeted na sahig at umakap sa akin. Umiiyak din sila katulad ko. "Ano ba kayo? Bakit niyo ba'ko sinasabayan umiyak?" hikbi ko. "Lalo tuloy akong naiiyak eh!" Napahagulgol na ako. Hinigpitan lalo ng mga kaibigan ko ang pag-akap sa akin. "We love you, Pinkie." Marahang sambit ni Shayla sa akin. "Oo nga, we love you Pinkie!" Humihikbing iyak naman ni Jackie at humalik pa sa pinsgi ko. Nagsisisunuran naman ang ibang mga kaibigan ko at humalik din sa pisngi ko. "Aray!" Reklamo ko. "Masakit pisngi ko!" I touched my cheek and remembered that one of the two bad men hit me on the face. "Kahit maalat ang pisngi mo, hahalikan ka pa rin namin, best friend Pinkie. Love na love ka namin!" Si Rainbow iyon at humalik din sa akin. Pero ang paghalik niya ay may kasamang pagdagan sa aming lahat kaya napahiga kami parepareho sa sahig. "Ang bigat mo, Rain!" Reklamo ni Tanya at kiniliti ito. Kami naman ay nagsisunuran sa pagkiliti kay Rainbow na nanlalaban sa amin. "Waaaaah!" Tili ni Rainbow na parang uuod na sinabuyan ng asin sa pangingiliti namin. *** Makalipas ang mga ilang segundong kulitan ay tinantanan na namin si Rainbow, dahil may pumunta nang guwardiya sa room namin. Akala kasi ng guwardiya kung ano na ang nangyayari sa amin sa loob dahil sumisigaw si Rainbow. Tumayo na kami sa sahig at ako naman ay pinahiga ng mga kaibigan ko para gamutin ang pumutok ko labi. Naalala kong sinapak nga pala ako kagabi nung lalaking gusto akong halayin. Humingi ng first aid kit si Shayla sa admin ng hotel, at idineliver naman ito sa amin. Ginamot nina Jackie at Tanya ang sugat ko sa bibig, at si Rori naman ay ginamot ang sugat ng lampa kong kaibigan na si Shayla. Naguilty pa nga ako dahil nasugatan pala si Shayla sa pagmamadali nila ni Rori nang malaman ng mga ito na nasa isa akong hotel at walang malay. "Paano ninyo ba nalaman na nandito ako sa hotel na'to?" tanong ko habang ginagamot ang sugat ko at marahan naman nilalagay ni Jackie ang ice pack sa bandang pisngi ko. "Someone sent me a text message. It's the same number of the guy who called us up when you had a head injury." Paliwanag ni Jackie. "Si Marcus Pontes? Remember? Yung lalaking pinakulong namin?" "Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit parating siya ang kasama mo kapag nadidisgrasya ka? Siguro malas sa'yo yung lalaking yon." Komento naman ni Rainbow. "Kailangan magpaliwanag yang Marcus Pontes na yan. Hindi kaya stalker mo yan?" worried na tanong ni Tanya. "Eh, pero teka, bakit nga ba wala dito yung Marcus Pontes na yan para makapagpaliwanag siya?" "Sabi niya hindi na raw siya makakapag-stay para intayin tayo dahil may flight daw siya na kailangan niyang habulin, pero iniwan niya daw ang mobile phone niya, just in case we need to contact Pinkie." Paliwanag ni Jackie. "Teka, Pontes nga pala apelyido ni Shay, ano?" napansin ni Tanya. "Hindi ko kamag-anak yun." Sagot naman ni Shayla. "Kung kamag-anak ko yun eh di sana kilala ko yun." "Eh paano mo naman nasigurado na hindi mo kamag-anak yun, eh wala ka naman kontak sa mga kamag-anak mo sa Brazil." Sagot naman ni Rainbow. "Asan ba yung mobile phone nun?" sabi ni Rainbow. "Para matigil na ang mga speculations natin, tawagan natin ang phone ni Marcus Pontes." "Bakit mo naman tatawagan?" takang tanong ni Rori. "Eh diba he left his phone here for Pinkie?" "Ay, oo nga ano!" Sabi ni Rain, habang nasa mobile phone ito. Bago pa ma-end ni Rainbow ang pagtawag sa phone ay tumunog ito. Tumayo na si Rori sa kama para hanapin ang tumutunog na phone. Nasa may side table pala ang mobile phone ni Marcus. "Wow! In fairness to Marcus, he's galante ha? Look at this mobile phone naman! It's brand new, but he left it with Pinkie. Isn't that good Samaritan touching?" sabi ni Rori. Tiningnan ko ang hawak ni Rori na phone. It was the latest Iphone. At may nakuha pang papel si Rori kasama ng phone kaya binasa iyon ni Rori. "Kyaaaaaah! Kilig!" Tumiling sabi ni Rori. "Baket? Anong nakasulat?" curious naman na tumayo si Rainbow at Shayla para basahin ang nakasulat sa note, tapos kinilig naman si Shayla. Si Rainbow naman ay napangiti pero saglit na hindi kumibo. "May point naman siya..." komento nito. "Ano yun?" Na-intriga naman sina Jackie at Tanya at tumayo para basahin rin ang note. "Baka gusto niyo naman i-share sa akin kung ano yung nakalagay diyan, diba?" hirit ko naman sa mga matatalik kong kaibigan. "Sa palagay ko naman para sa akin yung note, hindi sa inyo, 'nu?" Kinuha ni Tanya ang papel at binasa sa harapan ko. "There's a saying that a true man will ruin your lipstick, not your mascara. And the only man worth your tears will never make you cry. - Marcus." Kinikilig na basa ni Tanya. "Oh! Eh anong nakakakilig dun?" tanong ko. "Hindi mo ba na-get? May pinapahiwatig siya sa'yo!" Si Jackie iyon na humiga na sa kama sa tabi ko. "Sus! Nagsabi lang ng quote, may ibig sabihin na?" I rolled my eyes. "Gaga ka talaga! Ano yan? Biterella ka na?" tanong ni Jackie. Hindi na lang ako nakakibo dahil ayoko naman maging basag trip sa mga kaibigan ko, maliban kay Shayla na matatakutin sa lalake and don't believe in fairy tales, knight in shining armor, prince charming, and even love. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmasdan ang iba kong kaibigan lalo na yung mga conservative, NBSB, pero believe in fairy tales. Ang kulang na nga lang sa fairy tale world nila ay yung Prince Charming- kung merun pa ngang ganun, but I doubt. Pero siyempre, I don't want to burst their bubble. Malay ko naman kung maiba ang love story nila, someday. Who knows, diba? Basta I will just wish my best friends well. Pero sa case ko, I really don't know if I still believe in happy ever after dahil nang makita ko ang prince charming ko, he eventually turned into a frog. I don't want to love anymore. I don't want to waste my time, and hurt myself again. All I want to do is get even. *** Hindi na kami nagtagal sa hotel. We decided to check out before 12nn, and Rori was about to take care of the hotel bill because I didn't have my credit card with me. Naiwan ko yata sa bar kagabi. But, when we were in the lobby, waiting for Rori, pinuntahan kami ni Rori at sinabing it was already covered by Marcus Pontes. Kinilig na naman ang mga kaibigan ko, habang ako ay hindi mapangiti. Kasi ang nasa isip ko, ayokong magkaroon ng utang na loob kay Marcus Pontes. Sobrang dami na ng ginawa niya para sa akin. Baka mamaya gamitin niya pa yon sa'ken. Mahirap na magtiwala ngayon sa mga lalake. At kasalanan lahat ito ni Jeremy. Kaya naman nang maka-recover na ako sa pasang inabot ko sa pananapak ng hindi ko kilalang strangers na balak akong pagsamantalahan noon ay tinuloy ko na ang pagtratrabaho bilang dj. Anyway, wala naman akong ibang gagawin dahil nag-drop out na ako sa school. At dahil wala naman madalas ang aking magulang sa bahay namin, I decided to get my own pad, which was just adjacent and parallel to the condominium building of Jeremy. I even bought binoculars just for this. I wanted to watch his every move. I wanted to know his schedule. I planned to spy on him. I even bought binoculars to watch his every more, and learn his schedule, para maisagawa ko na ang mga plano ko. I wanted to make him miserable sa paraan na hindi man lang niya malalaman na ako ang gumagawa sa kanya non. Hindi rin alam ng mga kaibigan ko ang aking plano dahil pihadong kokontra ang mga ito. Actually, si Rainbow lang ang nakakaalam ng paglipat ko sa pad na ito. Sinasamahan pa niya ako maglipat kapag may free time siya. Sinasama niya rin ako sa mga illegal niyang drag race. Pero may isang gabi na nahuli kami sa drag race ng mga pulis at pinanyansahan lamang kami ng kapatid niya. Siyempre galit na galit ang tatay niya dahil kaisa isang babae si Rainbow sa pamilya, pero ito pang si Rainbow ang pinakapasaway. Hindi tuloy siya ngayon binibigyan ng ama ng allowance niya dahil ginagamit lang niya ito pangbili ng mga gamit para i-set up ang kotse niya pang drag race. Kung minsan, dito sa pad ko natutulog si Rainbow, kapag may drag racing siya. At habang wala siyang allowance ay natuklasan kong nagdo-donate ng dugo sa Red Cross si Rainbow para magkapera, pero nung malaman kong ginagawa niya iyon, sabi ko pauutangin ko na lang siya, kesa naman magkapasa pasa ang braso niya, at ma-ubusan pa siya ng dugo para magkapera lang pang supporta sa bisyo niyang paninigarilyo, at pambili ng parts ng kanyang kotse. Mabuti na lang at nakahanap siya ng trabaho. It's just a bit odd though dahil mekaniko siya sa isang talyer ng kaibigan. Bukod dito, ang pinagkakakitaan ni Rainbow ay makipagpustahan sa drag racing. Pero ngayon araw na ito, sinabi ko kay Rain na I was going to hire her for a job. I told her I was going to pay her Php 30,000.00 kung gagawin niya ang request ko. "Ano ka ba, Pinkie! Bakit kailangan mo pa ako bayaran? Ano ba yang request mo?" tanong niya sa akin habang nag-aayos siya ng mga gamit niya. Pinuntahan ko kasi siya sa talyer na pinagta-trabahuhan niya, bago pa ako pumasok sa trabaho. "Basta. Dalin mo na lang ang mga gamit mong pang-mekaniko. May aayusin tayo. Tapos punta tayo sa bar. Inom tayo mamaya." Aya ko. I gave her direction to Jeremy's condo. She drove us there, and I asked her to go to the parking lot. Reluctant noong una si Rainbow kasi baka makita kami ni Jeremy lalo pa't sa gabi ay umaalis iyon para gumimik. "Seryoso ka ba dito?" tanong ni Rainbow sa akin bago kami bumaba ng kotse niya. "I've never been this serious in my life, Rain." Sagot ko. "Okay." Kibit balikat lang na sabi ni Rainbow, at ngumisi. Napangiti na rin ako. Madali kasing kausap itong si Rainbow pagdating sa ganito. Isa pa, alam kong gusto rin niya itong gawin para makaganti sa lalakeng nakasakit sa akin. Nag-park kami ng sasakyan sa malayo at sumimple ng punta sa kotse ni Jeremy. At dahil sa pilya nga si Rainbow, alam nito kung paano mabubuksan ang pintuan ng kotse at magpa-andar ng sasakyan kahit walang susi. Kung tutuusin, puwede na ngang carnapper si Rainbow! Kinalikot ni Rain ang hubcaps ng sasakyan ni Jeremy at may nilagay na gauge jumper wire sa horn ng sasakyan nito papunta sa brake switch na nasa likod ng pedal ng sasakyan ni Jeremy. Tapos, ni-lock namin ang mga pintuan ng sakasyan nito at mabilis na bumalik sa sasakyan namin. Sakto naman na si Jeremy at ang mga barkada nito ay bumaba sa elevator at tinungo ang kotse nito. Mukhang gigimik sila. Pag pasok ni Jeremy sa sasakyan ay pinaandar nito ang sasakyan. Bahagya itong nag-break pero tumunog ang busina ng sasakyan ng pagkalakas lakas. At hindi lang basta tumunog ang busina nito. Umaalingawngaw pa sa lakas, kaya naman ang ibang mga sasakyan na sensitive sa ganuon kalakas na tunog ay nag-react din. Pinaandar muli ni Jeremy ang sasakyan at nag-break tapos tumunog na naman ng malakas ang sasakyan nito. Kami naman ni Rainbow, tawa ng tawa sa sasakyna niya. Pinaandar naman ni Rainbow ang sasakyan niya at dumaan sa lugar kung saan nakatigil ang sasakyan ni Jeremy. Nakita namin si Jeremy na nagmumura sa sasakyan habang ang mga kaibigan niya ay abala rin dahil nagtataka ang mga ito kung bakit tumutunog ang sasakyan ni Jeremy kapag inaapakan nito ang brake. Bahagyang tumigil si Rain sa tabi ng sasakyan ni Jeremy, at tinapakan ang gas ng sasakyan niya. "Oh, no, Rain!" Sabi ko, dahil na-catch ni Rain ang atensyon ng mga lalaki sa sasakyan ni Jeremy. Pati si Jeremy ay napatingin na rin sa direksyon ng sasakyan namin. Sumandal ako para hindi niya ako makita. Si Rainbow lang ang naanig ni Jeremy dahil kumindat pa ito sa mga lalaki, saka muli na naman tinapakan ang gas ng sasakyan. Pag ganito ang ginagawa ng isang driver sa sasakyan nito, at nakatapat pa ito sa isa pang sasakyan, ang ibig sabihin nito ay naghahamon ito ng race. Nakuha naman ni Jeremy ang ibig sabihin ni Rain, na talaga naman nagpapawis sa kili kili ko. Hindi pa ako handa na makita si Jeremy, kahit galit na galit ako sa kanya. Ewan ko ba, pero kahit gusto kong maghiganti at pahirapan si Jeremy, ayokong malaman niya na ako ang may dahilan ng mga iyon. Siguro kasi pag nalaman kasi ni Jeremy, tiyak gaganti rin iyon sa akin--- and I'm still not done with him yet. Masisira ang mga plano ko. "I'm going to f*ck you hard, dela Merced!" Sabi ng best friend ni Jeremy na nasa passenger's seat. Kilala nito si Rainbow dahil sikat si Rainbow sa underground drag racing. "If you don't eat my dust..." sagot lang ni Rainbow at saka humarurot ng andar ng sasakyan. Humabol naman si Jeremy na maingay ang sasakyan kapag nagbe-break ito. At dahil sa expert namin si Rainbow sa racing, naiwan namin ang sasakyan nila Jeremy. Hindi nila kami maabutan. Sa sobrang tuwa namin ni Rainbow, sumigaw kami pareho sa hangin. Tapos nag-yosi kami, at kumanta kanta pa, habang papunta kami sa kainan ng paborito naming Pares bago, pumunta sa bar kung saan ako nagtatrabaho bilang dj. Pag dating namin sa bar ay nag-park na si Rainbow at bumaba na kami. Kinakantyawan niya ako tungkol sa big favor na ginawa niya para sa akin. Sabi niya ayaw daw niya ng Php 30,000.00. Gusto daw niyang malango ngayon gabi, at matulog sa pad ko. Pumayag naman ako, basta sabi ko sa kanya na huwag niya akong susukahan sa biyahe. Habang nag-uusap kami ni Rainbow papasok ng bar, ay napatigil siya at umatras papunta sa pintuan. Who would have thought na pagdating namin sa bar kung saan ako nagta-trabaho ay matatagpuan namin si Jeremy at ang mga kasama nito na nag-aantabay pala sa pagdating namin. Dahil hindi pala kami maabutan ng mga iyon ay dumirecho ang mga ito sa bar. Nakita pala ni Jeremy na kasama ako ni Rainbow. "s**t! Labas, Pinx!" Sabi ni Rain na naunang tumakbo papalabas ng bar. Ako naman ay paatras na rin at tumakbo na rin papalabas ng bar. Nakasakay na si Rainbow sa sasakyan at ako naman ay kasunod na rin. Pero sa tantya ko ay aabutan kami ng mga kaibigan ni Jeremy kaya nagdesisyon ako na tumakbo sa ibang direksyon at hindi na sumakay sa sasakyan ni Rainbow. Mas mabuti nang ako ang habulin ng mga iyon, kesa naman ang best friend kong si Rainbow. Ayoko nang mapahamak ang kaibigan ko. "Pinkie!" Sigaw ni Rainbow sa akin at pinaandar ang sasakyan niya para iharang ito sa mga lalaking hahabol sa akin. Bumusina siya ng pagkalakas lakas para makakuha ng saklolo, habang ako naman ay tumakbo papalabas ng parking na walang guwardiya at tinungo ang kabilang kanto ng parking lot. Takbo ako ng takbo hangang sa may humablot sa akin. Si Jeremy. "Bakit mo ko tinatakbuhan, ha?" galit na tanong ni Jeremy at hinila ako papunta sa isang eskinita, kasama ng isa pa niyang kaibigan. Yun yung lalaking may hawak noong ng kutsilyo na itinutok nito noon sa kaibigang kong si Shayla. Nagpupumiglas ako pero tinakpan ng lalaking iyong ang bibig ko. Nakaisip ako ng paraan. Sinipa ko ang kaibigan niya sa balls at kinagat ko ang kamay niya, saka ako kumaripas ulit ng takbo. At habang tumatakbo ay naramdaman ko ang mabilis na pagbuhos ng ulan. Lumingon ako sa likod at hindi ko na nakita na sinusundan pa rin ako ni Jeremy at ng kaibigan nito. "Mga duwag pala sa ulan yung mga yon eh! Palibhasa mga Gremlins!" Sabi ko habang naglalakad sa gitna ng ulan. Niyapos ko pa ang sarili ko sa ginaw habang binabagtas ang madilim na kalsada, nang may lumapit sa akin. "Miss," anito na may payong. Napatili ako sa takot. "Miss, teka. Gusto mo bang sumilong?" offer pa nito at iniangat ang itim na payong. Nakita ko ang pamilyar na mukha ng lalaking may hawak ng payong. Si Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD