Marcus
"Pare, diba siya yung nasa video?" excited na tanong ng isang lasing na lalake na tumayo mula sa bar para sipatin ang dj na nasa second floor dj booth.
"Oo nga, pare! Madali tayong makaka-score diyan! Intayin natin ang pagbaba niya. Magbe-break yan mamaya. Ayain natin uminom tapos alis na tayo dito." Nagpaplanong sabi ng lalake.
I, on the other hand, just minded my own business, dahil last time na sinubukan kong tumulong at maki-alam ay napahamak ako. Nakulong ako for attempted rape without bail. Mabuti na lamang at nasaklolohan ako kaagad ng aking ama.
Kakagalingko lang mula sa pag-impake ng aking gamit, dahil babalik ako panandalian sa Brazil. Gusto kasi akong kausapin ni Papai patungkol sa pagkakasangkot ko sa isang gulo. Saglit lang ako dito sa bar. Iinom lang ako ng kaunti, tapos babalik na rin ako sa apartment ko upang matulog ng maaga at makarating sa airport ng maaga upang makabalik ng Brazil.
Papai ang tawag ko sa aking tatay dahil ito ay salitang Portuguese. Isa kasi akong Brazilian na nananatili lamang sa Pilipinas upang mayroong magmo-monitor sa paghahanap sa pamilya ng namatay naming Uncle na si Manoel Pontes. Si Uncle Manoel ay kakambal ng aking ama na si Migoel Pontes na Brazilian Ambassador to the US. Kahit Brazilian Ambassador ang aking ama at, technically treated as a 'President' of Brazil in US soil, pinalaki kami ng aking ama na hindi kami nagre-rely sa kanyang kapangyarihan bilang ambassador. Kaya naman lumaki kaming magkakapatid na parang katulad rin lang ng mga regular na citizens. Walang special treatment, unless malaman ng mga tao kung sino ang aking ama.
Ginagamit lang ni Papai ang kanyang kapangyarihan at koneksyon upang mahanap ang pamilya ni Uncle Manoel, kaya heto ako ngayon sa Pilipinas. Madali akong nakapag-stay dito through the connection of Papai to the Philippine government. While my twin brother, Matteo, handles our family business, ako naman ang inatasan ni Papai na magmonitor ng mga updates ng hired detective dito sa Pilipinas.
Alam kong ikatutuwa ng lubos ni Papai kung matagpuan ko ang nag-iisang anak ng kanyang kakambal lalo na dahil nag-iisang babae si Shayla Milena Pontes sa aming pamilya. Pakiramdam ng aking Papai, kung matagpuan namin ang anak ni Uncle Manoel ay parang kasama na rin namin si Uncle Manoel. Bukod duon, Papai is not good in losing loved ones. Nayayanig ang universe ni Papai. Pero sino nga ba ang handa at hindi masasaktan kung ang mahal mo sa buhay ay mamatay? My father grieved for a very long time with the news of my uncle's death. He became even more depressed when my mother passed away in his arms due to cancer.
Noong una ay nakitaan ko ng kahinaan ang aking ama dahil muntik pa itong magpakamatay because of my mother's death. Mabuti na lamang at napigilan ito ng aking kakambal na si Matteo. But despite his sign of weakness noong panahon na iyon, malaki ang pagrespeto ko sa kanya dahil itinaguyod niya kaming magkakapatid after he snap out of his depression kahit mag-isa lamang siya. Kita kita ko kung paano nag-struggle si Papai sa pagkawala ng aking ina, habang sinasagawa ang tungkulin niya bilang Brazilian Ambassador, at ama sa apat na makukulit at pilyong mga lalaking anak. Mahal na mahal ko ang aking ama at hindi ko na gusto pa siyang makitang lumuha ng ganoon. Kahit lalaki ako, masasabi kong nadurog ang puso ko sa pagkakakita kung paano nag-struggle si Papai sa pagtanggap sa pagkawala ng kanyang kakambal, at makalipas ang ilang taon ay namatay naman ang aming Mae (mother/ina) because of cancer.
Kaya naman hinding hindi ko kayang hindian ang aking ama. Habang ang kakambal kong lalaki ang humahawak ng negosyo namin sa Brazil, ako naman ay naghahanap sa tiyahin at pinsan kong walang kasiguraduhan kung maghahanap ko pa, at walang katiyakan kung buhay pa nga sila. Kahit mahirap mapalayo sa aking pamilya ay nakasanayan ko na rin ito sa paglipas ng panahon. At sa loob ng limang taon kong pagtira dito sa Pilipinas ay natutuhan ko na ang lingwahe at kultura ng Pilipinas. Masasabi kong at home din ako dito. Pero kailan lamang ay na -home sick ako dahil namiss ko ang aking pamilya nang mapagbintangan ako na nanghalay at nakulong pansamantala for a mistaken identity. Nag-overnight ako sa kulungan dahil lamang sa tinulungan ko si Pinkie.
Si Pinkie... ang babaeng parating nakatulala. Una ko siyang nakita sa paborito kong bakeshop. Sumunod na pagkikita namin ay sa elevator ng condo unit kung saan ako nakatira. Duguan ang ulo niya noon at nahimatay siya kaya naman dinala ko siya sa ospital. At doon nga sa ospital na yuon ay sinugod ako ng dalawang kaibigan niya na nagngangalang Rain at Jackie, at pina-aresto ako sa mga pulis.
Hindi hindi ko makakalimutan ang pangamba na naramdaman ko noon sa loob ng kulungan, lalo pa't nasa ibang bansa ako. Mabuti na lang at mayroon pa lang pinadalang secret body guard si Papai para proteksyon ko dito sa Pilipinas. Hindi niya ipinaalam na nag-hire pala siya ng bodyguard para sa akin. Alam kasi ni Papai na hindi ako komportable na may sumu-sunod sunod sa akin na body guard. Ang body guard ko ang nagpaalam kay Papai na nagkaroon ako ng problema dito sa Pilipinas, kaya naman agad itong humingi ng tulong sa Philippine government upang palayain ako.
Dalawang lingo na ang nakalipas simula ng mangyari iyon, at pinapauwi muna ako ni Papai sa Brazil. Ayoko pa sana dahil gusto ko munang humanap ng pagkakataon na maka-usap si Pinkie. Ni hindi ko man lang kasi siya nakamusta. Ewan ko ba kung bakit ako ganito ka-concerned sa kanya? Hindi naman sa wala akong concerned sa ibang tao, pero iba yung pag-aalalla na nararamdaman ko para sa kanya lalo na nang makita ko ang nagsi-circulate na s*x video niya at ng boyfriend niya yata na nakita ko na minsan sa condominium.
While others would get excited with a s*x video, ako naman awang-awa kay Pinkie. Umpisa pa lang ng video ay kita ko na sa mukha ni Pinkie ang discomfort niya, at halatang sinusubukan ni Pinkie lumayo sa manyak na yon. Pero yung lalaki kasi, sira ang ulo. Alam kong pinilit lang ng lalaking iyon si Pinkie, at alam kong nagpa-ubaya lang si Pinkie dahil mahal niya yung lalaking yon. It was also obvious in the video that the guy knew that there was a camera, because he kept looking at it. I wonder why Pinkie didn't know. Perhaps it was because it was hidden somewhere. Siguro isang bintana o baka salamin.
"She doesn't deserve you!" Galit kong sigaw nang mapanood ko iyon at isinara ko kaagad ang aking laptop. Ayoko na ipagpatuloy pang panoorin iyon dahil baka mabato ko ang laptop ko sa galit doon sa lalaki.
Naalala ko tuloy ang turo ni Papai sa aming magkakapatid na ang babae ay galing sa tadyang ng mga lalaki. Hindi galing sa paa ang mga babae para apakan ang kanilang pagkatao, at hindi rin galing sa ulo para makipagtagisan ng galing sa aming mga lalake. Ang mga babae raw ay galing sa tagiliran na ang ibig sabihin ay pantay ang karapatan naming mga lalake at babae. At galing sila sa ilalim ng aming mga bisig hindi para saktan kundi yakapin at protektahan. At malapit din ang mga babae sa puso upang mahalin. I don't know if I am just old fashioned, but I know that women should be treasured. Perhaps I think this way because of my father's influence who treated my mother like a queen.
Hindi ako magmamalinis. I date and sleep with women, but I make sure I bring them home safe, and I treat them special, although there's no attachment.
Pero kay Pinkie, hindi ko siguro magagawang walang attachment, dahil sigurado akong gusto ko siya. Tinamaan ako sa kanya. Alam kong gusto ko siya, dahil hindi rin naman ako madaling magkagusto sa isang babae, lalo na at kusa naman silang lumalapit sa'ken. Pero kay Pinkie, willing akong gawin ang Filipino tradition na panliligaw. Sabi sa inaral kong Philippine Culture, ang isang lalakeng mangliligaw ay nag-iigib ng tubig, nagpapalakol ng mga kahoy, at kung anu ano pang gawaing bahay. Kung magkakaroon nga lang ako ng pagkakataon ay gagawin ko talaga ito para kay Pinkie.
Unfortunately, Pinkie likes that scoundrel, at wala naman akong magawa dahil wala kaming naging oportunidad na maging magkaibigan.
Gusto ko sana siyang kamustahin, pero wala akong ibang impormasyon sa kaniya maliban sa s*x video na naging viral.
I only learned that it was her boyfriend who she was visiting in another floor of the condominium when we first met. On the second time we met, I got surprised and worried for Pinkie when I found her with a head injury in the elevator. It seemed to me that her boy friend hurt her, which worried me. Kasi after lumabas ng s*x video, pumunta pa rin si Pinkie sa boyfriend niya. I guess she loved him that much for her to still return to the condominium of her boyfriend even after the s*x video went viral.
Naputol ang pag-iisip ko ng excited na nagsalita ang kahilera ko sa bar. "Ayan na, pare!" Anito.
"Pa- umpisa mo na ang gulo!" Ani ng isa sa limang lalakeng nagkumkumpulan.
Napalingon ako sa isa sa kanila na pumunta sa dance floor at may babaeng sinasayawan habang may kasayaw itong iba. Nagalit ang kasayaw ng babae at nanghamon ng away. Nagkakagulo na ang lahat sa dance floor. Ang iba nagpipigil ng away, at napaaway na din, ang naman ay nagsitakbuhan para makaiwas. Samantala, ang dalawan lalaking nagplano ng kanilang gagawin ay sinalubong na ang DJ na pagewang gewang na bumaba ng hagdan. Madilim kasi ang paligid kaya hindi ko maaninag kung sino ba ang tinutukoy nila.
But, out of curiosity, tumingin ako sa direksyon ng dalawang lalaki na nag-aabang sa DJ. Hindi ko sila gaanong maaninag sa dilim ng bar at sa iba't ibang kulay ng ilaw na nagpapatay-sindi. Nakita ko na nilaptian nila ang babaeng DJ pero tinulak sila nito. Sa pakiwari ko ay parang sinasabi nitong leave her alone. Napansin kong may dalang goblet ng liquor ang isa sa mga lalaki at inalok naman sa babaeng DJ na agad naman itong nilagok.
"Foolish woman," napailing ako dahil sa palagay ko inilalagay ng babaeng iyon ang sarili niya sa kapahamakan.
Sa direksyon nilang iyon ay napabalik naman ang mata ko sa iniwan na puwesto ng mga lalaki sa bar, malapit sa'ken. Nakita ko ang isang tablet o pills na durog na sa lamesa. Agad kong naisip na baka nilagyan ng mga lalaking iyon ng gamot ang inumin na inalok nito sa babae.
Nag-alala na ako at tatayo na dapat, pero may isang DJ na lumapit sa nagkumpulang lalake at kinukuha ang DJ na babae.
Nakampante ako dahil alam kong may sumaklolo na sa DJ na babae. Pero sinuntok ng isa sa mga lalake ang DJ at bumagsak ito kaagad. Yung babaeng DJ naman ay nagsimula naman manapak at manipa. Mapapataw sana ako dahil ang isa sa mga lalaki ay sinipa ng babae sa groin nito. Pero ang isa sa dalawang lalaki ay matapang at sinapak ang babaeng DJ. Napatinging ako sa dance floor kung nasaan ang bouncer at nagkakagulo pa rin doon. Kahit na ayaw ko sanang makialam sa mga ito, hindi ko naman matitiis na malaman may isang babaeng sinapak ng lalake. Tumayo na ako sa bar, at naaninag na kinakaladkad ng dalawang lalake ang babae sa may CR ng mga babae, at sinarado ang pintuan nito.
Mabilis akong pumunta doon sa pintuan ng mga female rest room at narinig ako na parang nanlalaban ang babaeng DJ at maingay ang dalawang lalake na parang nanlalaban yung DJ sa kanila. Pinihit ko ang doorknob pero nai-lock na ito. Kailangan kong makaisip ng paraan upang buksan ang pinto. Malapit doon ang fire extinguisher at sinira ko ang glass ng lalagyanng extinguisher tapos pinalo ko sa door knob. Nasira ang door knob at sinipa ko ang pintuan.
Nakita ko na nakatuwad ang babae habang hawak ng lalake ang batok at ulo niya. Nakatanggal na rin ang suot niyang pantaloon at underwear at nakataas na rin ang damit niya sa likod, exposing her brassiere na wala na din sa puwesto dahil ang lalaking hawak ang ulo niya ang lumalabastangan sa kanyang dibdib, at ang isa naman ay ipapasok na dapat ang ari nito sa may bandang likod niya. Kaawa awa ang hitsura ng babaeng DJ.
Mabilis akong kumilos at hinampas ko kaagad ng fire extinguisher sa likod ang lalaking nasa may likod ng babae. Yung lalakeng nakahawak sa ulo at batok naman ng babaeng DJ ay sumugod na sa akin pero nahampas ko na rin ang mukha niya ng fire extinguisher. Parehong napunta sa sahig ang dalawang lalaki, samantalang ang babaeng dj na lasing ay napahawak sa dingding habang nahihilo. Pilit nitong hinihila ang pantalon pataas sa kanyang bewan at patakbo na palabas ng pintuan. Duon ko lang napagtanto na si Pinkie iyon.
"Pinkie!" Napahawak ako sa braso niya, saka lamang siya napatingin sa akin.
"You again-" she whispered, bago nawalan ng malay.
Agad ko siyang binuhat palabas ng bar habang nagkakagulo na ang mga tao. May parating ng sasakyan ng mga pulis kaya mabilis akong umiwas at pumunta sa kabilang kanto ng bar kung saan naka-park ang sasakyan ko. Inilagak ko siya sa passenger's side at sumakay na din. Pinaandar ko ang makina saka ko ito pinaandar. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalin. May dugo ang bibig niya na sinyales na pinagbuhatan siya ng kamay ng lalaki. Kung dadalin ko siya sa hospital ay baka mapag-bintangan na naman ako. Kung dadalin ko naman siya doon sa condominium ay baka makita kami ng boyfriend niya at magkagulo din kami. Wala na akong naisip kungdi ang dalin siya sa hotel ng naging fling ko dito sa Pilipinas na si Dana Ponce who's father is cousin of the President of the Philippines.
When I was in jail, hindi ko siya naisip hingan ng tulong kahit na alam kong kayang kaya niya akong matulungan sa problema ko. Pero naisip ko kasi na hihingan ko na lang siya ng tulong if I was in dire need. Habang nagda-drive ako papunta sa hotel ni Dana ay napaisip ako kung ano nga ba sa dalawa ang mas 'dire need'? Ang makulong ako for a crime I didn't commit, o ang mailigtas ang babaeng gusto ko?
Napatinging ako sa walang malay na si Pinkie at napa-iling.
"Ano bang merun sa'yo at mas importanteng matulungan kita, kesa sa sarili ko?" Nasambit ko.
Tila naman parang narinig niya ako at sumagot. "Mahal na mahal kita..." hikbi niya at may tumulong mga luha mula sa nakapikit niyang mga mata. Sa pag-iyak niya ay nasira ang kanyang mascarra at dumaloy ito sa kanyang makinis na pisngi. She looked wasted but it made me feel good to realize that despite her looking that way, I still adore her. Pero and I could send she was heartbroken. .
"Bakit mo ko ginanito?" sambit ni Pinkie. "Mahal na mahal kita Jeremy...pls come back..."
Hindi na ako nakapagsalita. Pakiramdam ko, para akong nasupalpal sa mukha. Klaro ang sagot sa tanong ko. Si Pinkie ang nag-iisang babaeng nagustuhan ko, pero hindi ko makukuha, dahil may mahal siyang iba.
Tinawagan at naka-usap ko si Dana. She was excited that I called her. Alam kong hindi niya inaasahan ang tawag ko dahil may katagalan na rin kaming hindi nagka-communicate after we slept together, and she started visiting my place. Pero dahil sa busy ako ay hindi na niya ako madalas matagpuan sa condo unit ko.
Gayon na lamang ang disappoint niya nang malaman niyang kaya ako tumawag ay para humingi ng tulong na papasukin kami sa hotel ni Pinkie na wala ng tanung tanong o komosyon mula sa receptionist. Pero may kondisyon ang pagpayag niya sa akin. Gusto niya na magkita kami pagbalik ko sa Pilipinas after one month. Pumayag ako.
Pag dating namin sa hotel ay inaccomodate naman kami ng receptionist at may hotel service boy na nag-assist sa amin sa private elevator ni Dana papunta sa isa sa mga executive suites. Kinarga ko ang walang malay na si Pinkie papasok sa executive suite at umuungol pa rin siya.
"Nasusuka ako..." na sambit niya na nakapikit. Inalalayan ko siya na makarating sa bathroom at duon siya nag-blow. Matapos iyon ay kinarga ko siya papuntang kama at kumuha ako ng towel para punasan ko ang mukha at braso niya. Tapos ginamot ko yung putok niyang labi.
It was almost 5:00am. Kinailangan ko nang umalis at bumalik sa condo ko para kunin ang gamit ko at dumirecho sa airport. Pero bago ko ginawa iyon ay nagbilin ako sa receptionist na kung ano man ang kailangan niya ay ikarga na lamang sa akin at pagbalik ko ay babayaran ko ang lahat ng gastos ni Pinkie.
Matapos kong ayusin ang lahat ay tinitigan ko siya habang mahimbing na natutulog. Gusto ko sana magpa-alam. There was a need inside of me na ma-recognize niya ako, at ma-appreciate niya ako... na bigyan niya ako ng importansya. Pero ako mismo ang pumigil sa sarili ko. Para saan pa na ma-recognize ni Pinkie na ako ang nagligtas sa kanya sa tiyak na kapahamakan? Mamahalin ba niya ako kung malaman niya ito? Ilang beses ko na nga palang naililigtas si Pinkie sa kapahamakan? Tatlong beses?
Pero sinita ko na rin lang ang sarili ko. Aanhin ko ang papuri o acknowledgement , kung ang kailangan ko ay ang pag-ibig ni Pinkie? Pero kahit na ano man yata ang gawing kasamaan ng Jeremy na iyon ay mahal pa rin ito ni Pinkie. She will never look at other men or give them a chance, because her heart is with that man who did not see her worth.
Naguguluhan ang isip ko, and I needed to think clearly. Tamang tama ang pag-alis kong ito sa Pilipinas upang makapag- isip. Kailangan ko rin mag-isip kaya tumayo na ako sa tabi ni Pinkie. Kumuha na lang ako ng pen at papel at saka nagsulat, bago ipinatong ang mobile phone niya sa sinulatan kong note.
"There's a saying that a true man will ruin your lipstick, not your mascara. And the only man worth your tears will never make you cry."