NILUWAGAN ni Andrei ang pagkakabukas sa pinto ng hotel room na hinintuan nila. "Come inside." Anito. Sumunod naman si Louisa papasok sa loob ng silid at inikot ang paningin sa paligid. Katamtaman lang ang laki niyon. May kama sa gitna, closet sa sulok, flat screen TV sa pader at bedside table. Naupo siya sa gilid ng kama nang sumenyas si Andrei bago pumasok ang binata sa restroom. Tulalang napatitig si Louisa sa labas ng salaming pader. Mula kasi sa kinauupuan niya ay matatanaw ang view ng beach at karagatan. Ngunit kahit ano pang ganda niyon, hindi magawang matuwa at humanga ni Louisa. Mas nangingibabaw kasi ang nananakit niyang anit. Pakiramdam niya, nakulot ulit ang mga buhok niya. Nanghahapdi rin ang balat niya. Hindi na niya malaman kung pa'no pa siya nagawang kalmutin ni M

