KUMUNOT ang noo ni Louisa nang makita ang dumating na bisita na walang iba kundi si Ace. Ano na naman bang problema ng lalaking 'to? Nag-he-heavy drama na sila ni Andrei bigla na lang itong e-eksena. Parang gusto pang balyahin ang pinto sa lakas ng katok nito, ah? Nagtatakang nilapitan ni Louisa ang magkapatid. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa bago iyon huminto kay Ace. “Anong ginagawa mo rito?” Bumaling ito sa kaniya. Nagulat pa siya nang bigla na lang hawakan ni Ace ang kaniyang braso at higitin siya palapit rito sabay humarang sa kaniyang harapan. "What did you do to her, huh?" Humakbang si Ace palapit kay Andrei. Bakas ang pag-aakusa at galit sa tono ng boses nito na hindi maintindihan ni Louisa kung para saan. "What do you mean by that?" Ganting tanong ni Andrei. "A

