Napalingon si Ace kay Louisa nang makita sa sulok ng mga mata na lumaylay ang ulo nito. Pag-check niya, nakatulog na pala ang dalaga. Marahan niyang sinapo ang pisngi nito at gigisingin sana nang mapatitig siya sa labi nitong bahagyang nakaawang. Napalunok si Ace ng sunod-sunod nang maalala ang ginawang panghahalik sa dalaga no'ng nasa sinehan nila. Bumilis ang pintig ng pulso niya. Alam niya namang delikado siya kapag silang dalawa lang— dahil nawawala ang kontrol niya. Pero inaya niya pa rin itong manood ng pelikula. Bumilis ang pulso ni Ace nang gumalaw si Louisa at bumaling paharap sa kaniya. Nalaglag ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Du-dum! Du-dum! Du-dum! Damn! Hindi siya ang tipo ng taong mapagsamantala. But her lips is so tempting. Unti-unting yumuko si Ace. Ngu

