Sebastian's POV Mali na unahin ko yung sarili ko at lumayo muna sa mga panahong dapat naka alalay sana ako kay Tin, pero mas maganda na lang muna siguro kung ganito yung gagawin ko pagsamantala. Parehas naming kailangan ang oras at space para mapag isipang mabuti kung paano nga ba ihaandle ang situation namin ngayon. Bumalik ako sa Italy, hindi para iwan yung responsibilidad ko sa Pilipinas kundi dahil para huminga at mag isip-isip muna at para na rin maka balik sa trabaho at makapag paalam kung papalaring payagan. Pag-uwi ko naman sa apartment nadatnan ko si Lion sa labas. Na sa Pilipinas pa lang ako kilala ko na siya at nagkataon din nang tanggapin ko yung offer sa akin ni Mr. Zenko, eh nandito na rin pala siya kasama ang Mama niya. "Seb, kumusta?" Nakatayo siya sa bakuran nila hab

