Sebastian's POV Naguguluhan ako at hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni France hanggang sa nakita ko na lang na nakatayo si Tin, malapit sa table namin habang tumutulo ang mga luha. Ang tanga mo Seb, bobo ka at walang kwenta dahil hinayaan mo na naman na umiyak si Tin ng dahil sa akin. Alam kong hindi reasonable yung mga sinabi ko kay France, pero hindi ko talaga natatandaan na si Tin yung kasama ko nung gabing 'yun pero wala na akong magagawa dahil nasabi ko na at naksakit na naman ako. Hahabulin ko sana siya para kasuapin kaya lang tinulak ako ng dalawang lalaking kasama nila. Minura ako at pinagbantaan nung isa saka sumunod kila Tin, pero yung isa nanatili sa harapan ko habang tinititigan ako. "Hindi kita kilala pero galit din ako dahil sa mga sinabi mo at kung nagsis

