Celestine's POV Tulad ng nangyayari sa akin sa araw-araw ang pag susuka ang gumigising sa akin sa umaga. Nang maramdaman kong parang maduduwal na ako kahit pa saglit pa lang naka mulat ang mata ko agad na akong bumango at dumiretso sa CR. Hanggang kailan kaya ang ganitong pakiramdam? Pag balik ko ang himbing pa rin ng tulog ng dalawa nakaka inggit tuloy. Na upo na muna ako sa sofa habang binabalik yung lakas ko na nawala nung nag duwal ako kanina. Gusto ko pa sanang matulog pero alas sais na rin kasi ng umaga at wala naman kami sa sarili naming bahay para gumising na lang kung kailan namin gusto kaya after kong makagayak ginising ko na rin yung dalawa. Pagbaba namin inaya kami nung katulong nila Jessy na kumain ng agahan pero tumanggi na ako kasi nakakahiya na rin at kailangan pa na

