Sebastian's POV Ang dami ko pang kailangan asikasuhin pero nandito ako ngayon sa anniversary ni Lolo at Lola kahit pa sinabi kong hindi ako pupunta lalo na kung nandito rin ngayon yung walang hiyang tao na 'yun. Pero dahil kailangan ko pang humanap ng mas maraming ebidensya na mag didiin kay Kenneth kaya naman nag titiis ako dito ako at nag tatago sa sulok para lang sa walang kwentang tao na 'yun. Para mapa payag ko si ate Sheila kailangan ko pang bantayan ang bawat galaw ni Kenneth ngayon at baka madagdag pa sa listahan ko si Lolo, dahil siya yung malaking dahilan kung bakit ganoon na lang ang naging takbo ng kaso. Hindi ko naman inaakala na sa pag punta ko dito ay makikita ko ulit si Tin, talagang nagulat ako ng husto ng makita ko na ang mukha ng babaeng nabangga ko. Ang akala ko desi

