Sebastian's POV Nakakatuwa naman dahil hindi ko na inasahan pang makita si Tin after niyang taggihan yung invitation ko para makipag kita ulit sa akin. Grabe yung frustration ko noon dahil gustong gusto ko talaga siyang makita pero ayaw talaga ng tadhanang payagan yung hiling ko. Kahit marami akong iniisip kabilang na doon yung pag punta ko kay Ate Sheila, yung kasong balak buksan ulit at kung paano madidiin ng husto sila Kenneth, para hindi na sila makalaya pa. Pero sa kabila ng mga 'to hindi naalis sa isip ko si Tin, lalo na nung halikan ko siya nung huling gabi ko doon sa Coron. Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit binabalik balikan ng isip ko yung pangyayaring 'yun siguro dahil parang pamilyar yung halik niya o baka namimiss ko lang talaga siya. Kung hindi siguro ako nak

