Chapter 50 Part 2

4140 Words

Celestine's POV Higit isang linggo na rin ang nakalipas ng makumpirma kong tama nga ang kutob ko na buntis nga ako. Nung gabing nakipag kita ako kay France, ang una naming naisip gawin ay bumili ng pregnancy test kit para matahimik na rin yung isip namin sa kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. Lahat na yata ng brand ng pregnancy test binili na namin para lang makasigurado sa resulta nito at hindi naman kami binigo ng mga 'to dahil sa limang test kit na sinubukan ko lima rin doon ang nag positive. Sa mga sandaling 'yun parang tumigil yung mundo ko at natulala na lang ako sa isang tabi na halos hindi na makatayo dahil yung mga tuhod ko unti-unti ng nanghihina at nawawalan na ng lakas kasabay ng pag tanggap ng isip ko sa mga nangyayari sa akin. Nang lapitan na ako ni France, doon lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD