Sebastian's POV Na sa kalagitnaan na kami ng hapunan ng lumabas si Tin mula sa kwarto niya. Sinulyapan ko siya pero this time hindi niya ako nakuhang tignan kasi nakatutok siya sa cellphone niya. Gusto ko sana siyang kausapin sa pamamagitan ng pag-aaya sa kanyang kumain dahil ilang araw ko rin siyang iniiwasang makita at maka-usap ramdam ko kasi na nagtatakha na siya at marami na rin siyang tanong sa isipan niya na hindi ko pa kayang sagutin. Nakita ko kung paano siya mag alala sa akin at ramdam ko rin yung effort niya to make sure na okay ako. Gusto ko mang ibalik sa kanya ang magandang pag trato niya sa akin kaya lang hindi ko kaya dahil palagay ko wala ako sa sarili ko nitong nakakaraang araw. Bumalik na ulit ang grupo nila Kenneth at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi siya

