Celestine's POV Sa mga sandaling 'yun biglang na blanko yung isip ko at sa unang pagkakataon parang nawala ako sa sarili ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung paano humantong sa ganito ang lahat basta ang natatandaan ko lang may kausap na grupo ng mga kalalakihan si Seb sa labas ng Altrove pero hindi ko masyadong nakita ang mga mukha nila dahil medyo may kadiliman yung lugar kung saan sila nag uusap at naka suot rin ng cap yung isang lalaking lumapit sa kanya. Masaya kaming lahat habang kumakain sa loob hanggang sa lumabas ng restaurant. Inaya ko ulit na bumaik si Seb sa loob para umiwas muna sa mga lalaking mukhang gusto siyang pag tripan, agad naman siyang sumunod sa akin pero hindi ko namalayan na hindi ko na pala siya kasama. Kasabay ng paghahanap

