Sebastian's POV Kakaibang panaginip at hindi ko maintindihan kung masama o maganda ba dahill ang tanging naaalala ko lang ay yung mukha ni Tin, habang yakap yakap ko siya, masyadong malabo kaya hindi ko alam kung anong itsura niya. Bumangon na ako at hinawi ang kurtinang nakaharang sa bintana. Madilim pa kaya sinubukan kong bumalik ulit sa pag tulog pero kahit anong gawin ko hindi na ako dinadalaw ng antok. Kainis naman, gusto ko tuloy siyang yakapin ngayon pero hindi pwede at baka sampalin na lang niya ako bigla. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Ah... dahil nga sa pumasok siya sa panaginip ko. May mga luha rin pala ang pisngi ko kanina kaya baka masamang panaginip nga at nakuha ko pang mapa iyak. Ngayon ko aayain sila Mang Teban na mag dinner para pasasalamat na rin dahil sa magand

