Chapter 42

2827 Words

Third Person's POV Matapos nilang maihatid si Rocco sa bahay nila at ipaliwanag na rin sa nanay niya ang nangyari agad na umuwi ang dalawa at habang na sa daan naman mapapansin ang tila ba malaking pader sa pagitan nila na dahilan naman ng hindi nila pagpansin sa isa't isa. Didiretso na sana sa kwarto niya si Seb nang bigla naman hablutin ni Tin ang braso niya dahilan para huminto at mapaharap ang binata sa kanya. "Bakit?" kunot noong tanong ni Seb. Walang imik na hinila ni Tin si Seb papunta sa sala saka marahang pinaupo ito, "Hintayin mo ako dyan at 'wag kang aalis!" Mahigpit na utos niya. Sinunod naman siya ni Seb at tahimik na nag hintay. Nang makita ni Seb na paparating na si Tin, na may hawak na medicine kit agad siyang tumayo, "Maliit lang 'to kaya hindi ko na kailangan niyan!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD