Sebastian's POV
Pagkalipas ng dalawang oras sa wakas narating din namin ang Pass Island. Maaga pa kaya wala pa masyadong tao dito at ang kwento pa sa akin ng isa sa mga crew ng boat hindi raw masyadong kilala ang Island kaya mas kaunti ang turista dito kumpara sa ibang Island tulad ng sikat na Kayangan Lake at mga beaches.
Wala naman akong pakialam kung sikat man siya o hindi basta nagustuhan ko dito dahil sa ganda ng beach nila lalo na kapag kukuhanan mo ang buong lugar gamit ang drone. Kung hindi ka pamilyar sa mga Island at tourist destination ng Pilipinas baka akalain mo pang sa ibang bansa ang lugar na ito.
Pag baba namin ng bangka agad namang may sumalubong sa amin na kulay tsokolate at mabalahibong aso, ma amo at mabait ito at para bang na train na siya na sumalubong sa mga turistang dadating.
Nilibot ako ng tour guide habang ang iba naman ay inaasikaso na ang pananghalian namin. Dinala niya ako sa mga magagandang spot dito para raw masulit ang dala kong mga camera.
Pwede rin daw akong mag snorkeling dito kung saan makakakita rin ako ng iba't ibang klase ng isda at halamang dagat. May mga hut o cottage kung tawagin ng iba na pwede kang mag overnight sa halagang 1,250 per night, hindi na masama para sa maganda at peaceful na lugar.
Sa sobrang tahimik dito pwedeng pwede ka ng matulog dahil may mga duyan namang nakasabit sa mga ibang puno at kung mahilig ka sa sports pwede ka rin makapag laro ng basketball at volleyball dito. Pero parang mas gusto ko ang matulog. Tahimik at magandang kapaligiran perfect para sa mga taong gustong lumayo sa ingay ng syudad at tamang tama 'yun para sa akin.
Habang lumalapit na ang tanghalian may mga nag sisidatingan na ring mga turista ang iba grupo ng pamilya at ang iba naman mag babarkada at mag kasintahan.
Ako lang ba ang nag iisa dito?
Nilibot ko muna ang buong beach at nag umpisa na rin akong kumuha ng mga litrato, mga coconut trees, nipa hut, white sand at ang kulay green nilang tubig na kahit yata mobile phone lang abg gamitin ko, eh sobrang perfect pa rin ng pag kakakuha.
Walang masyadong tao ang nag tatagal dito sa Pass Island dahil maliit lang naman siya kumpara sa ibang sikat na Island dito sa Coron pero pwede ka naman mag camping dito dahil pag dating ng hapon umaalis na rin ang mga turista kaya may posibilidad na masolo mo ang buong Island.
Pinalipad ko na ang drone ko at kinuhanan ang buong itsura ng island. Iba yung pakiramdam ng makakita ng mga magagandang bagay lalo na ang nature. Kapag feeling mo drained at stress ka na sa buhay pumunta ka lang sa Island o Beach na ganito katahimik at kaganda panigurado akong ma re-recharged ka.

Photo credit to Pinterest
Pag ka tapos mananghalian nag ayos na ulit kami ng gamit para pumunta naman sa next at last destination namin ngayong araw.
Kasama sana ang Black Island sa pupuntahan ko ngayon kaso lang na excite ako sa Shipwreck kaya doon kami dederetso ngayon. Kung mas mahaba ang oras mas ma eenjoy mo raw ang ganda ng Shipwreck sa ilalim kaya pinili ko na lang muna na i-cancel ang pangalawa sa listahan ko.
Nag lalakad na ako papunta sa bangka namin ng may dumating na mga bagong turista. Grupo ang mga ito kaya medyo may kaingayan sila. Na gulat na lang ako ng biglang may tumawag sa akin, pag lingon ko tinitigan ko pa ito ng mabuti dahil parang hindi ko siya kilala pero habang lumalapit siya sa akin parang natatandaan ko ang mukha niya pero hindi ko naman alam kung saan kami nag kita.
"Seb, grabe bilis makalimot ha. Si Casy 'to yung pinoy vloger na kausap mo sa recent exhibit mo."
Yung reaction ng mukha ko para bang namangha sa sinabi niya at medyo natawa pa ako kasi sa dinamirami ng tao sa exhibit ko dapat nga siya ang hindi ko makakalimutan kasi naki-usap pa siya sa akin kung pwede niyang isama sa vlog niya ang exhibit ko.
Mabilis lang ang pag-uusap namin dahil paalis na rin ako kaya sinabi niya agad kung saan sila nag s-stay at baka raw malapit lang ako doon para before naman daw sila umalis makapag bonding man lang kami.
Isang beses ko lang nakasama sila Casy, pero magaan na ang pakiramdam ko sa kanila yung tipong mapag kakatiwalaan mo. Grupo sila ng mga vloger, videographer at content creator at kaya sila nandito dahil naka 10 Million views ang isa nilang vlog kaya naman parang premyo nila ito sa lahat ng pagod at puyat nila.
Siguro dahil may similarities ang trabaho namin kaya magaan ang loob ko sa kanila?
Sinubukan kong i-search ang lugar kung saan naka check-in sila Casy, pero mahina naman ang signal ko kaya bumalik na lang ako sa pag tingin sa paligid habang na sa byahe kami.
Ito lang talaga ang mahirap sa nag to-tour mag-isa, medyo nakakaboring minsan dahil wala kang maka kwentuhan pero mababait naman ang mga crew na kasama ko kaya kapag napapansin nilang wala na akong pinag kakaabalahan palitan silang lumalapit sa akin at nakikipag kwentuhan.
Okay na kaya siya? Lumabas kaya siya o nag stay lang sa Villa?
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko si Tin, habang mag ka usap kami ng tour guide.
******
Ang East Tangat Wreck ang huli naming pinuntahan. Maraming Ship Wreck ang Coron pero ito muna sa ngayon ang uunahin kong i-explore mas mababaw kasi ito kumpara sa iba at dahil matagal na rin ang huling pag da-dive ko kaya mas safe raw ito para sa mga hindi sanay at baguhan pa lang.
Pwede ka ring mag snorkeling dito kung hindi ka marunong mag dive dahil marami namang nakapalibot na iba't ibang uri ng mga coral reef at mga isda na tiyak namang mag eenjoy kang pag masdan ng malapitan.
Nag bigay ng konting information ang tour guide ko bago kami lumusong sa ibaba na lagi nilang ginagawa bago pa man tuluyang i-explore ng mga turista ang kabuohan ng shipwreck.
Noong September 24, 1944 inatake ng US Navy ang mga Japanese ships na nag tatago dito sa Coron, 12 ships ang napasabog nila kaya marami ang pwedeng puntahang mga barko dito. Mukhang mabubusog talaga ang mata ko sa ganda at pagka mangha sa mga makikita ko ngayong araw na 'to.
Habang na sa ilalim parang feeling ko bumalik kami sa taon kung saan binomba ang mga barko ng mga Japanese, hindi man halata sa balat ko dahil na sa tubig kami pero habang tumatagal kinikilabutan ako. Dahil sa pag ka mangha sa ganda ng ship wreck na ito at dahil na rin siguro sa tragedy na inabot ng mga tao sa barko.
Medyo matagal din kami sa ibaba dahil ayaw ko naman masayang ang pinunta ko dito kaya nilibot ko na ang buong paligid ng barko hanggang sa pinaka loob nito.
Kumukuha ako ng picture habang nag e-enjoy sa pag sisid pakitamdam ko tuloy parang nag upgrade ang ginagawa kong pag kuna ng litrato, kumbaga may excitement! At dahil naman sa pag ka sabik na nararamdaman ko hindi ko nakita na babangga na pala ako sa bakal pero buti na lang na iwasan ko ito at braso ko lang ang tumama imbis na ang ulo ko.
Muntikan na 'yun! Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil sa kaba.
Maraming iba't ibang uri ng mga aquatic animals tulad ng Lionfish, giant batfish, camouflaged scorpion fish, mandarin fish, at hawksbill turtles ang ginawa ng bahay ang East Tangat Wreck kaya mas lalong dinadayo ng mga turista ang mga Ship Wreck dahil bukod sa history ng mga ito marami rin kasing iba't ibang uri ng mga isda at mga coral reef ang nabubuhay na dito na bihira nilang makita sa mga ordinaryong lake at beaches.
****
Habang na sa byahe pauwi binigyan ako ni Kuya Badong ng isang ice bag, ilagay ko raw muna sa balikat ko para hindi mamaga. Aaminin ko habang tumatagal sumasakit siya lalo at nag iiba ang kulay niya.
Kakabit na yata sa buhay ko ang aksidente, bata pa lang kasi ako madalas na aaksidente ako sa mga bagay na ginagawa ko kaya medyo nag karoon ako ng takot at doubt sa sarili ko lalo na sa mga pinapasok kong mga bagay at sitwasyon.
Dadaan sana ako sa restaurant para mag take out ng pag kain pero tinamad na ako dahil ang daming tao doon sa restaurant na madalas kong tambayan kaya sa tabing convenience store na lang ako bumili. Mga instant noodles, chichirya at cold beer ang binili ko. Masarap kasi ang mga ito lalo na kung pagod ka.
Pag-uwi ko diresto ako sa banyo para maligo pagkatapos pinatungan ko ulit ng ice bag ang balikat ko, nag suot lang ako ng sando dahil konting haplos lang ng damit medyo sumasakit ang braso ko.
Habang nag papainit ako ng tubig para sa cup noodles ko biglang bumukas ang main door at pumasok si Tin, nag katinginan kami pero walang reaction ang mukha niya.
Okay na kaya siya?
Hindi ko alam kung ano ang na sa isip niya at ganoon na lang kung makatingin siya sa akin, "Tin, gusto mo ba? Igagawa kita." Umiling lang siya at nag lakad papunta sa ref. Nag labas ito ng isang pitcher ng tubig at pinuno ang isang baso.
Nakatitig lang ako sa electric kettle habang siya naman abala sa pag inom ng tubig. Ito yung mahirap noong dumating siya dito, kapag naiiwan na kaming dalawa kung hindi kami mag babangayan hindi naman kami mag iimikan.
Alam kong awkward dahil sa naging relasyon namin noon pero sana kahit ngayong nandito kami sa ibang lugar sana ma set aside namin ang mga issue sa amin noon. Pero hindi ko naman pwedeng idikta sa kanya ang bagay na 'yun, dahil una sa lahat ako yung nagkaroon ng kasalanan sa kanya.
Wala nga pala akong karapatang mag demand.
"Ayaw mo talaga? Kumain ka na ba?" tanong ko ulit, tumingin lang siya at ngumiti. First time niya ginawa 'yun kaya napapaisip tuloy ako kung ano ang binabalak niya.
"No thanks, tapos na akong kumain. Yaan na ba yung dinner mo?" Ngayon naman parang ang curious ng tono ng boses niya at nakuha pa niya akong tanungin.
"Oo medyo sumama kasi yung pakiramdam ng sikmura ko."
"Kumain ka na naman siguro ng bawal?" Bakit parang pakiramdam ko ibang Celestine yung kausap ko ngayon?
"Hindi naman kasi maiiwasan 'yun." sagot ko.
"Pero pwede kung gusto mo. Uminom ka na ba ng gamot?"
Nag aalala ba siya?
"Hindi pa, pag kakain ko na lang—"
"Wait, dyaan ka lang kukuha lang ako ng gamot."
Ito na ba yung time na sasampalin ko na yung sarili ko dahil parang panaginip lang yung nangyayari ngayon?
Tin asking me in a calm and sweet way? Is she concern or what? Parang nag iba siya, bumait bigla o baka pinasasakay lang ako nito dahil gusto niyang gumanti dahil sa nangyaring pag hihintay niya kagabi.
"Oh, inumin mo na before ka kumain." Iniabot niya sa akin ang apat na piraso ng gamot.
"Hindi ka gagaling kung tititigan mo lang sila, don't worry chewable 'yan. Alam ko naman kasi na takot ka sa mga gamot, I mean ayaw mo ng mga gamot."
Bakit parang it sounds like she's teasing me, lihim pa siyang natawa akala niya yata hindi ko nakita. Tss.
Concern ba siya or nang-iinis?
"Thank you!" Tugon ko.
Tumango lang siya bilang sagot, ako naman lumakad na sa harap niya para bumalik sa kwarto.
"Wait, ano yang na sa balikat mo?" Bago ko pa siya sagutin nilapitan na niya ako at tinignan niya mismo ng malapitan ang pasa sa balikat ko.
"Nabangga kasi ako kanina habang na sa shipwreck—"
"Shipwreck? Nag dive ka, marunong ka ba, sinong kasama mo?"
Imbis na sagutin ang mga tanong niya natulala na lang ako sa naging reaction niya. Marami man ang nag bago sa buhay at sarili namin pero isa lang ang hindi nag bago sa kanya, that she's still care about me. Nakakagaan ng pakiramdam dahil kahit na may nagawa akong kasalanan sa kanya noon may malasakit pa rin pala siya sa akin hanggang ngayon.
"Sinabi ko sa'yo kagabi pero tulog ka na yata nun. Teka ano bang nangyari sa'yo kagabi?"
"Saan kang shipwreck nag punta?" Ma awtoridad niyang tanong.
"East Tangat Wreck. Okay ka na ba, ang putla mo kasi kagabi tapos pawis na pawis ka pa. Nightmare ba?"
"Next time mag pasama ka sa mga marunong mag dive at saka kung hindi ka sanay mag free diving ka na lang or snorkeling pwede naman 'yun."
Kung kanina para siyang nag aalala ngayon naman may konting pag sesermon sa tono ng boses niya.
"Kilala ni Mang Teban yung mga kasama ko at saka aksidente lang naman yung nangyari. Huwag mo na kasi subukang matulog ng walang nakasinding ilaw kaya ka binabangungot eh."
Marami kaming pag kaka-iba ni Tin at isa doon ang tungkol sa pag tulog. Hindi siya sanay na walang liwanag na nakikita kapag matutulog na siya, pakiramdam niya kasi hindi siya makahinga. Ako naman hindi ko kayang matulog ng may liwanag na nakikita lalo kasi nawawala yung antok ko at lalong nag ti-trigger ang insomnia ko.
"Sige, kumain ka na dyan mag papahinga na ako."
"Teka hindi mo pa sinasagot yung mga tanong ko!"
"Next time doble ingat sa mga ginagawa mo. Hanggang ngayon may pag ka lampa ka pa rin!"
"Concern ka?"
"Huwag kang mag assume, natural lang na maging concern ako dahil guess ka dito!"
Parang sa lahat ng tanong ko ni isa wala siyang sinagot? Tapos hindi man lang ako hinintay na makapag salita at lumayas na agad. Na sasanay na siya na mag walk out sa harap ko! Hindi pwede 'to.
Papasok na sana ako sa kwarto ng biglang may nag message sa IG ko. Sila Casy, ang mga group of vloger na nakita ko kanina sa Pass Island. Na sa Viewpoint Inn daw sila na ka check-in at kung may free time ako bukas mag kita raw kami sa coffee shop na malapit sa kanila.
Umupo muna ako doon sa tinambayan ko nung isang araw. Habang nag babasa naman napatingin ako sa langit. Bakit sobrang dami yata ng stars ngayon tapos ang liwanag din ng buwan. Anong meron?
Nag sunod sunod ang mga message sa akin dahil ngayon ko lang kasi binuksan yung phone ko dahil na lowbat ako kaninang pag-uwi ko at wala rin namang signal kanina sa pinuntahan ko kaya halos buong araw ding naging useless nag cellphone ko.
@DomValdez
Pangpasarap ng tulog! ?
Ang loko-lokong Dominic, nag send ng i********: picture ni Tin.