Celestine's POV
Concern daw? Hibang ba siya, wala pa nga sa kalahati yung pag arte ko naniwala naman agad ang lalaking 'yun.
Napansin ko lang yung pasa sa balikat niya concern na agad? Kundi lang dahil sa message ni Kuya hindi naman ako magiging mabait sa kanya at wala akong dahilan para maging mabait sa kanya!
Nag-aayos na ako ng damit pantulog ng makita kong nakapatong sa kama ang kumot at unan na gamit ko kaninang umaga. Tsk! Malamang kay Seb ang mga ito, amoy pa lang kasi alam mo ng lalaki ang may-ari. Mamaya ko na isosoli at maliligo na muna ako feeling ko kasi lahat ng usok sa BBQ House ni Chari, na absorb na ng katawan at buhok ko.
Habang na sa shower room biglang pumasok sa isip ko yung mga napag usapan namin ni Chari kanina, actually hindi naman napag usapan kundi yung mga tanong niya sa akin. Maliit lang ang town proper kaya hindi malayong makita niya si Seb, at dahil kamag anak yata niya si Dora kaya hindi malabong ma punta siya sa restaurant ni Chari.
Eh, bakit ba inaalala ko 'yun. Hindi naman kilala ni Chari ang pag mumukha ni Seb, kaya hindi niya rin ito makakausap. Bakit ba kasi napasok sa usapan namin si Seb, may pag ka chismosa pa naman si Chari kaya hindi ako titigilan nun hanggat hindi niya nakikita at nakikilala ang impaktong ex ko!
So what Tin, hindi mo kailangan mag overthink sa kung ano ang mangyayari at saka wala ka naman dapat ikabahala dahil in the first place si Seb ang nanloko sa'yo kaya siya pa nga dapat ang mag-alala sa bawat galaw niya dito, pero wala akong nakikitang pag aalala sa pag mumukha niya. Parang chill lang siya lagi at parang hindi na niya inaalala o naalala yung mga nagawa niya before lalo na yung recent lang!
Mabilis akong nag bihis dahil lumalalim na naman ang gabi at baka mamaya saniban ng demonyo si Seb, at kung ano pang maisipan na gawin sa akin!
Didiretso na sana ako sa kwarto niya pero nakita kong naka bukas pa ang ilaw sa veranda kaya sumilip muna ako.
Naka bukas ang laptop pero wala namang tao, na saan yung lalaking 'yun? Lalakad sana ako para tignan ang laptop niya ng bigla naman itong sumulpot galing sa likuran ko.
"Ay, impakto!"
"Tsk, tsk. Alam mo sabi nila kapag daw nagugulat ang isang tao ibig sabihn may ginagawang something."
Nag sisimula na naman siyang mang bwisit at pangisi-ngisi pa sa akin!
Lumapit pa siya sa akin kaya medyo naitulak ko siya kasabay ng pag abot ko ng mga gamit niya. "Hindi ko gawain yung ginagawa mo! Ibabalik ko lang yung unan at kumot mo!"
"Thanks ha, paano mo nalaman na akin 'to?" Hindi yata uso kay Seb ang sumimangot kahit minsan lang, lalo tuloy akong naiinis kapag ngumingiti siya!
"Tingin mo sino ba ang may amoy na ganyan dito?" Pa inosente pa! Alangan naman kay Mang Teban ang amoy na 'yun!
"So, inaamoy mo pala ako?" niyakap pa niya ang unan niya saka ngumiti na naman sa akin! Kung pwede ko lang talagang lagyan ng packaging tape ang bibig ng lalaking 'to para hindi ko na makita ang mga ngiti niyang nakakainis. Kung pwede lang talaga matagal ko ng ginawa!
"Huwag kang feelingero! Pinapaligo mo ba naman yung pabango so malamang ma aamoy kita."
"Tsk, tsk. Ikaw ha lihim mo akong pinapanuod!"
"Excuse me! Pinapanuod? Na nanaginip ka yata?!"
"Baka nga, paki kurot naman yung cheeks ko para magising na ako!"
Pagkakataon ko na 'to kaya naman hindi lang kurot ang inabot niya sa akin sinabunutan ko rin siya ng very light pero sinigurado ko na makakaramdam siya ng sakit para tumigil na siya sa mga pinag sasabi niya!
"Halatang may galit ah?" Kahit halatang nasaktan siya nakuha pa rin nitong matawa. Dahil sa sakit o dahil sa tanong niya? Ay, ewan!
"Hindi pa ako galit niyan, kasi malamang baka nalagas yung buhok mo kung gugustuhin kong gumanti sa'yo!"
Napayuko siya at biglang natahimik, natameme yata ang loko dahil sa sinabi ko, tinamaan ba siya ng husto o baka parte lang ng pambubwisit niya sa akin 'to?
"Hindi ko alam kung paano makakabawi sa'yo at hindi ko rin alam kung paano kukunin yung atensyon mo kaya sorry kung madalas kitang inisin yuon lang kasi yung alam kong way para mag ka usap tayo."
Jusko po parang maamong aso na humihingi ng tawad sa nagawa niyang kasalanan. Pero sorry siya hindi ako mahilig sa aso o sa kahit anong hayop kaya hindi effective sa akin ang ganyang drama!
Parehas kaming natahimik pagkatapos niyang mag salita. Binitbit na niya ang laptop, kumot, at unan niya saka pumasok sa loob. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at para bang may kakaiba akong nararamdaman at parang ayaw gumalaw ng katawan at paa ko.
Bakit feeling ko parang ako pa yung may mali, parang ako pa yung nakasakit? Hindi ko dapat maramdaman ito dahil wala naman akong kasalanan sa kanya pero bakit nakakaramdam ako ng guilt!
Na sa kwarto na ako at kasalukuyang nakatingala sa kisame, sinusubukang hanapin ang antok ko pero habang lumalalim ang gabi lalo namang lumalayo ang antok na hinahanap ko.
Bwisit!
Kung maka asta siya feeling naman niya may gusto pa ako sa kanya. Feeling niya yata katulad pa rin kami ng dati! Kailangan ko na yata talagang maging harsh sa kanya para hindi siya maging kampante sa harap ko!
Ito na ba yung right time para gantihan siya?
Huwag mong isipin ang bagay na 'yan Tin, dahil kapag nag pa apekto ka baka mas lalong lumakas ang loob ng lalaking 'yun na basta ka na lang kausapin at makuha pang mag biro sa harapan mo.
Ayaw kong maging kampante siya kapag kaharap ako, ayaw kong mawala ang wall sa pagitan naming dalawa, dahil kapag nangyari ang bagay na 'yun sigurado sa huli ako ang talo!
@CedCor
Ate okay ka lang?

@TinCortez
Oo, naman. Bakit gising ka pa?
@CedCor
Eh, ikaw bakit gising ka pa?
@TinCortez
'Di ako makatulog.
@CedCor
About ba doon sa pinost mo?
@TinCortez
Hindi, nagandahan lang ako sa quotes!
@CedCor
Ate alam mo ba kung ilang taon ka ng malungkot?
@TinCortez
Ha? Ako malungkot? Labo mo Ced!
@CedCor
10 years na!
@TinCortez
At paano mo naman na compute yan?
@CedCor
Ikaw na ang bahalang mag isp ng bagay na 'yun! Basta ate kung hindi ka okay lagi lang akong nandito para patawanin ka. Marami na kasi akong utang sa'yo at ang kaya ko lang i-offer, eh yung gwapo kong mukha at ang patawanin ka!
@CortezTin
Hindi ba mabigat upuan mo Ced? Haha
@CedCor
Grabe ka ate, mag ka mukha kaya tayo kaya kung chaka face ako ganun ka rin! Haha.
@CortezTin
Pero mas natawa ako doon sa chaka face!
@CedCor
Lakas maka gay 'no? Haha
@CortezTin
Oo, hahaha.
FYI, wala kang utang sa akin dahil bilang ate mo responsibilidad kong tulungan ang nakababatang kapatid ko. At please lang huwag mo ng banggitin ang mga ganyang bagay sumasama ang pakiramdam ko. Gusto ko lagi lang tayong masaya at sa positive side lang ng buhay tayo titingin. Okay?
@CedCor
Ang gusto ko lang naman maging happy ka ate, kasi alam ko deep inside may lungkot kang nararamdaman at ayaw kong makita ulit yung lungkot na 'yun. Kayo ni Mama ang pinaka mahalagang babae sa buhay ko kaya gusto ko lagi kayong naka ngiti... ng hindi pilit.
@CortezTin
Opo Kuya Cedrick! Napaka matalinghaga naman ng baby brother ko ngayon. Tell me may gusto ka ba?
@CedCor
Oo, ate gusto kong mag boyfriend ka na para naman may makabonding din akong lalaki, si Kuya Carlo kasi may sariling mundo kaya mahirap kausapin.
@CortezTin
Ito na naman tayo sa pag bo-boyfriend ko. Mas excited pa talaga kayo kesa sa akin 'no?
@CedCor
Naman ate, ang tagal na kasi nung una at huli mo. Pero aaminin ko mabait si kupal kaya medyo nakakapang hinayang yung nangyari sa inyo.
@CortezTin
Gulat nga ako at nagustuhan mo siya before, eh samantalang sa'yo ko pa kinukwento yung mga kagaguhan niya sa school dati.
@CedCor
Kapag kasi nakausap at nakasama mo na ang isang tao doon mo pa lang talaga malalaman ang totoong ugali niya.
@CortezTin
Alam mo gusto ko yung topic natin ngayon ang lakas maka matured, pero gabing gabi na at kailangan mo ng matulog.
@CedCor
Yes ate. Don't worry marami pa tayong conversation na ganito. Goodnight ate, love you!
@CortezTin
Goodnight, love you too. Kiss mo 'ko kay mama. Yung gamot mo huwag mong kakalimutan at saka huwag kakain ng mga bawal!
@CedCor
Yes ate!
*****
Sebastian's POV
"Hindi ko alam kung paano makakabawi sa'yo at hindi ko rin alam kung paano kukunin yung atensyon mo kaya sorry kung madalas kitang inisin yuon lang kasi ang alam kong way para mag ka usap tayo"
Saan galing ang mga 'yun Seb, parang kinilabutan pa ako sa sinabi ko sa kanya pero parang successful naman kasi natahimik siya, hindi ko man alam kung ano ang iniisip niya pero for sure may konting awa na naramdaman si Tin sa akin.
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga salitang 'yun. I feel sorry naman talaga sa nagawa ko sa kanya at maniwala man siya o hindi gusto ko talagang makabawi sa kanya. After kasi ng trip ko dito hindi ko na alam kung pag bibigyan pa ba ako ng tadhana na makita siya ulit at kahit siguro mag kita ulit kami baka deadmahin niya lang ako, kaya kailangan kong gumawa ng paraan para naman kahit papaano maging okay kami.
Kahit hindi na kami maging mag kaibigan basta maging okay lang kami masaya na ako doon. Pero paano mangyayari 'yun kung lagi na lang siyang nakasinghal sa twing makikita niya ako.
From Carlo:
10:11 pm
Seb, pag pasenyahan mo na ang kapatid ko kung nasusungitan ka man niya, hindi niya kasi alam ang set up sa pagitan nating dalawa kaya na shock lang 'yan, pero mabait si Tin, once na nakuha mo ang loob niya. Pero binabalaan kita oras na may gawin kang masama sa kapatid ko pupuntahan kita dyan kahit anong oras pa at dudurugin ko yang mukha mo. I pay you, so do your part!
Tss. Huwag kang mag alala wala akong gagawing masama sa kapatid mo, gagawa pa nga ako ng paraan para mapasaya ko siya.
@DomValdez
SDM kamusta ang buhay sa Coron?
@SDM_Gallery
Ulol, SDM ka dyan! Kilala mo ba si Carlo?
@DomValdez
Carlo yung nakalaro natin sa ML? Hindi bro, si Marco ang may kilala sa kanya. Bakit?
@SDM_Gallery
Kapatid siya ni Tin.
@DomValdez
Tin?
As in Celestine na ex mo?
Paano?
@SDM_Gallery
Oo!
Paano ka dyan, malamang parehas sila ng magulang!
@DomValdez
Ang bait nga naman ng tadhana sa'yo, chance mo na yan para humingi ng sorry.
@SDM_Gallery
Mukhang mahirap, ang ilap niya kasi.
@DomValdez
Masissi mo ba siya. Remember niloko mo kaya siya. Baka nga kung ako siya baka tinapok na kita unang kita ko pa lang sa'yo!
@SDM_Gallery
Gago kung ikaw siya hindi kita liligawan 'no! Yuck!
@DomValdez
Haha, gago! Magpaka tino ka dyan at baka sakaling bumait din sa'yo si Tin! Oo nga pala huwag kang gagawa ng ka manyakan este kalokohan para hindi na madagdagan ang mga kasalanan mo sa kanya.
@SDM_Gallery
Maka mga ka naman, isa lang ang natatandaan kong kasalanan ko sa kanya! Don't worry wala akong gagawing kalokohan at baka hindi na ako maka uwi ng buhay dyan!
@DomValdez
Yuon ang akala mo! Basta galingan mo na lang dyan. Goodluck sa muling panunuyo kay Tin. Ilabas mo na yung weapon na ginamit mo dati para mapasagot siya!
Weapon?
Anong weapon ang sinasabi nito? Kailangan ko bang gumamait ng sibat o pana para lang mapatawad na niya ako? Hindi ko napansin na kanina ko pa pala hawak ang unan at kumot na ginamit niya kagabi. Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil mukha akong tanga na inaamoy amoy pa ang mga ito.
Kahit malakas ang pabango na nilagay ko dito may naiwan paring bakas ng amoy ni Tin. Ang bango, hindi pa rin siya nag babago ng taste sa pabango kaya kahit siguro nakapikit ako malalaman ko kung na saan siya.
May mga random thoughts talaga tayong naiisip minsan at yung naisip ko na 'yun ang nagpalakas ng loob ko para mas lapitan at suyuin si Tin, kukunin ko ang atensyon niya kahit pa kailangan kong kapalan ang mukha ko.
Sabi nila kapag daw nakakaramdam pa ng sakit sa past relationship mo it means affected pa siya. Maybe because she wants revenge on me o baka hanggang ngayon may nararamdaman pa siya para sa akin. Pero kahit anong gawin ko hindi ko pa rin malalaman ang na sa isip ni Tin hanggat hindi kami nakakapag usap. Kaya sa ngayon puro maybe lang ang conclusion ko.
Maybe she's mad or maybe she's not?
***
Ito na yata ang the best morning simula ng dumating ako dito sa Pilipinas. Bakit? Kasi nakatulog ako ng maaga kagabi at nagising ako ng sakto sa oras ngayong umaga, kaya naman masasabayan kong mag almusal sila Mang Teban at ang pamilya niya at kasama na room si Tin.
Pag labas ko ng kwarto sakto namang nag hahanda na sila para sa agahan namin. Binati ko sila at laking gulat nila ng makita ako. Actually expected ko na ito dahil never pa nila akong nakakasabay kumain sa umaga kaya natural lang na magulat sila sa presenya ko.
Lumingon din si Tin na kasalukuyang nag aayos ng buhok pero binawi niya agad ng makita ako na may kasama pang pag-irap. Well I think that's her signature, ang samaan ako ng tingin, I'm getting used to it na nga to the point na parang hindi siya ang kaharap ko kapag walang irap na kasama.
"Seb, umupo ka na sa tapat ni Tin at kakain na tayo." Nakangiting utos ni Aling Ester.
Na upo ako at nangalumbaba sa harap niya habang tinititigan siya, "Umayos ka nga!" Mahinang sabi nito. Hindi ko siya pinakinggan at nanatili lang sa posisyon ko!
"Seb, tigilan mo yang ginagawa mo!" mahina pa rin ang boses nito at pilit na nakangiti. Umupo na rin kasi sila Rizza at Rocco at kasalukuyang naka tingin sa aming dalawa.
"Kuya Seb may lakad ka po ba ngayon?" tanong ni Rizza.
"Meron," sagot ko.
"Saan po?" tanong naman ni Rocco na ginaya ang posisyon ko, "May kikitain akong friend. Bakit?"
Parang nanghinayang ang dalawa sa sagot ko, pakiramdam ko may gusto silang sabihin sa akin dahil panay ang tinginan nilang dalawa sabay tingin din kay Tin at sa akin. Napansin naman ito ni Tin kaya hinarap niya ang dalawang bata saka nag tanong,
"May gusto kayong sabihin 'no? Ano 'yun?" Yung sama ng tingin niya sa akin kanina agad na napalitan nang ngiti ng harapin niya yung dalawang bata. Ang sweet talaga ni Tin, para sa akin lang kasi ang mga nagliliyab at nanlilisik niyang mga mata.
Nilagay na nila Aling Ester ang kanin at mga ulam kaya nawala na ang atensyon ng dalawang bata kay Tin at hindi na nila nasagot ang tanong nito.
Masayang nag kukwentuhan ang pamilya ni Mang Teban habang kami ni Tin tahimik lang na kumakain. Sinipa ni Rocco ang paa ko kaya napatingin ako sa kanya at ngumuso ito sa tabi niya kung na saan naman naka upo si Tin.
Nanlaki at naningkit na ang mata ko para intindihin ang ibig sabihin nito pero wala pa rin akong maintindihan hanggang sa natingin na sa aming dalawa si Tin. Pagtapos niyang tignan at ngitian si Rocco bumaling naman siya sa akin ng tingin, umirap ito sabay sipa sa paa ko.
"Aray!"
Tumingin sila Mang Teban sa akin habang si Tin naman pinanlakihan ako ng mata, "Nakagat ko lang po ang dila ko!" Pag kukunwari ko habang nakangiti.
Tapos na kaming kumain lahat at habang nag papahinga kinamusta ni Mang Teban ang naging tour ko kahapon. Napansin niya rin ang pasa sa balikat ko at nag alala naman si Aling Ester kaya sinuggest niya na mag pasama ako kay Mang Teban sa susunod na mag Shipwreck Diving ako.
"Malayo po ba ang Viewpoint Inn dito?" tanong ko pero bakit kaya sila natawa? Mali ba ang sinabi ko? Kaya muli kong tinignan ang message sa akin ni Casy, pero tama naman ang binabggit ko, Viewpoint Inn talaga ang naka lagay sa message niya.
"Bakit anong gagawin mo doon?" Ma awtoridad na tanong ni Tin.
"May kakilala kasi ako na naka check-in doon kaya pupuntahan ko sana," napapalakpak naman si Mang Teban, "Tamang tama dahil pag mamay-ari din nila Tin ang transient na 'yun."
Nice, mukhang kumakampi ang tadhana sa akin.
"Talaga po?"
"Mag sabay na kayong pumunta doon mamaya." Suhestyon ni Aling Ester.
"Sige po!"
"NO!"
Okay na sana kaso lang mag kaiba kami ng gusto. Tinignan ko siya at as usuall masama na naman ang tingin niya sa akin, sa talim ng pag kakatingin niya palagay ko ano mang oras may mga kutsilyo ng tatalsik sa direksyon ko.
"Uy, sila ate Tin at kuya Seb, parang love team sa TV. Ayiee!" Mukhang kinilig pa ang mga bata sa mag ka salungat na reaksyon naming dalawa. At dahil doon parang gusto ko silang ilibre mamaya.
"Matanda na po si Mr. Del Mundo at kaya na niyang pumunta mag-isa doon!" Iritadong sabi niya.
"Del Mundo ang apelido mo kuya Seb, paano mo nalaman ate Tin?" Takhang tanong ni Rizza. Sige Tin galingan mo pag lusot dyan.
"K-kasi nga... 'di ba friend siya ni kuya kaya alam ko!"
Naitawid naman niya ang pagpapalusot pero na utal naman ito halatang hindi nagulat sa tanong nila. Parang gusto kong matawa kaya lang baka lalo akong hindi isabay ni Tin, kaya sa isip ko na lang muna siya pag tatawanan.
Na una na akong nag paalam para maligo at mag ayos ng sarili at baka pag naunahan ako ni Tin, eh baka iwan ako nito at hindi malabong gawin nga niya 'yun.
Mabilis akong gumayak kaya habang nag hihintay nag laro muna ako sa cell phone ko. Natigil naman ako ng biglang mag message si Dominc ng picture
@DomValdez

@SDM_Gallery
Oh anong gagawin ko dyan?
@DomValdez
Pag nasaan mo.
@SDM_Gallery
Ulol, manyak mo!
@DomValdez
Manyak kasi friend ko, nahawa lang ako. Haha!
Tarantadong 'to ako pa ang naging manyak, eh samantalang sila ang gabi-gabing may ka seeping na mga babae!