Celestine's POV
Nang matapos akong mag ayos ng sarili dahan-dahan akong lumabas ng kwarto and not knowing na nasa veranda lang pala si Seb, pinag mamasdan ako kung paano ko siya takasan.
Nag mukha tuloy akong tanga!
"Hinahanap mo ako?" Bulong nito mula sa likuran ko. Muntik na akong makapag mura dahil sa gulat.
"No, bakit naman kita hahanapin?" Pag dadahilan ko. Ngumisi lang ito saka lumakad papunta sa harapan ko. Umayos ako ng tayo at iniwas ang tingin sa kanya, "Kasi nga sabay tayong pupunta sa transient niyo."
"Wala akong sinabing isasabay kita. Mag tricycle ka na lang pero kung gusto mo ang mag lakad pwede naman. 20 minutes away lang naman 'yun dito." Umiling iling lang ito at laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko saka ako tuluyang hinila palabas ng kwarto, siya na rin ang nag sarado ng pintuan ko.
"Ano ba 'wag mo nga akong hawakan!" Marahas kong tinanggal ang kamay niya at hindi naman ako nahirapan dahil kusa na rin siyang bumitaw.
"Sige mamili ka, hahawakan kita hanggang sa makarating tayo doon or sabay tayong pupunta sa transient niyo?" Kung makapag bigay ng choices akala mong amo ko siya!
Bwisit!
"Ang kapal mo rin talaga 'no! Bahala ka sa buhay mo!" Na una na akong umalis, binilisan ko ang lakad hanggang sa marating ko na ang gate. Ilo-lock ko na sana kaso lang na abutan niya ako.
"Huwag mo na akong takasan kasi hindi na kita pakakawalan ulit!"
Nang dahil sa sinabi niya hindi ko maiwasang isipin kung bakit niya ba ginagawa ang bagay na 'to, ang sundan ako, kulitin ako, at inisin ako? Anong ibig sabihin niya sa salitang "hindi na kita papakawalan ulit"
"Kapag ako sumigaw dito ng rape humanda ka ng damputin ng mga tanod!" Banta ko sa kanya sabay irap. Imbis na umayos nakuha pang ngumisi ng loko!
Shocks Tin, mukhang kailangan mo ng mahabang pasensya ngayong araw dahil nararamdaman ko ng hindi ako titigilan ni Seb dahil katulad pa rin siya ng dati sobrang kulit at hindi na papagod kahit ipag tabuyan pa!
"Sa gwapo kong 'to hindi sila maniniwala na rapist ako baka nga pag kamalan pa tayong mag-asawa!" Tatawa tawang sabi niya. Asiwa naman akong lumingon sa kanya, "Imagination mo rin talaga ang lawak, bakit hindi ka gumawa ng libro at doon mo ikwento ang mga kabaliwan mo!" Tinuon ko na lang ang tingin sa daan at nag simula ng mag lakad, "Saka na kapag may happy ending na ako!" Habol na sagot naman nito.
"Well sa itsura mo hindi ka mag kakaroon ng happy ending!"
"Wala pa naman sa isip ko 'yun kaya okay lang kahit wala pa. Ikaw anong gusto mong ending?" Tumigil ako sa pag lalakad dahilan para mabangga niya ang braso ko. Nilingon ko siya na walang kahit na anong reaction ang mukha, "Yung maka-alis na yung bwisit na guess sa Villa. I think yuon ang happy ending ko!"
Bumalik na agad ako sa pag lalakad ng makita kong parang nanlumo ang mukha niya. Hindi ko na pinansin pa kung sumusunod pa rin ba siya sa akin o hindi na, basta diretso lang ako sa pag lalakad pero much better kung hindi na siya susunod.
"Tin."
Napabuntong hininga ako at kusang bumagsak ang balikat ko ng marinig kong muli ang boses niya. Naka sunod pa rin pala siya!
"Ano?" Iritadong sagot ko. Pag lingon ko sa kanya bigla na lang may nag flash sa mukha ko kaya agad kong iniwas ang mga mata ko.
"Sorry, nakalimutan ko may flash pala but don't worry cute naman yung kuha mo. Parang candid shot pa nga, eh. Candid shot sa kalsada." Naka ngiti lang ito habang nakatitig sa camera niya.
"Alam mo hindi pa man din ako nakakarating sa office pagod na ako dahil sa'yo!" Muli akong bumalik sa pag lalakad pero this time hinabol na niya ako para mag kasabay kaming dalawa.
"Sorry na, mag be-behave na po ako." Nginitian niya ako na para bang may halong takot. Sana lang tumino na talaga siya dahil pakiramdam ko na sa 50% na lang ang energy ko ngayon. Hindi pa man din nangangalahati ang araw pagod na pagod na ako!
"Good morning Ma'am Tin." Bati sa akin ng security guard.
"Good morning po Sir, saan po tayo?" Hinarang si Seb kaya natigilan din akong mag lakad papasok, "He's with me manong, may kikitain lang siyang kaibigan." Tumango tango naman si Manong Edgar, kasabay nun ang pag hingi niya ng pasensya kay Seb.
"Kinilig ako doon sa "He's with me manong" sana hindi mo na dinugtungan para mas nakakakilig pa."
"Nasubukan mo ng mahampas ng folder?" Hindi ko pa man din siya nililingon awtomatik na 'tong dumistansya sa akin, "'Wag ganun Mars, binibiro lang kita." Kahit hindi ko tignan ang reaction ni Seb, sigurado akong nag babakla baklaan na naman siya tulad ng ginagawa niya dati kapag gusto niya akong patawanin.
"Hanapin mo na yung mga kaibigan mo at marami pa akong gagawin!" utos ko.
"Yes madam, ito na po tinatawagan ko na."
Mayamaya pa may isang grupo ng mga mag babarkada ang bumaba mula sa hagdan, kung titignan sila mukhang laking City at parang hindi nag kakalayo sa edad namin.
"Casy." Tawag ni Seb. Mabilis namang lumapit ang mga ito.
"Uy Seb, kanina ka pa ba?" Bati ng babaeng kulay abo ang buhok. Naka suot lang sila ng komportableng damit kaya malamang hindi sa island ang punta ng mga 'to.
"Akala ko mag isa ka lang, you're with someone pala." Sabad ng lalaking kulay pula naman ang buhok.
Akala ko sa TV ko lang makikita si Sakuragi, pwede rin pala sa personal.
"Girlfriend?" tanong din ng lalaking puro tattoo sa braso.
"Yes, she's my girlfriend—" Nilingon ko si Seb at sinamaan ng tingin pero hindi niya ito pinansin kaya naman siniko ko na lang ang tagiliran niya, medyo nilakasan ko para magising siya sa panaginip niya.
"Girl na friend... Actually sila ang may-ari nito." Pag lilinaw niya. Nanlaki naman ang mga mata ng kausap niya at tila ba nag babadyang mangantyaw.
"Wow, sayang naman beke nemen nakahingi pa kami ng discount before kami nag check-in dito, charot lang!" Feeling close naman ang babaeng 'to, pilit na lang akong ngumiti kahit hindi ko feel. Siya yata yung Casy na tinawag ni Seb kanina kasi mukhang sila ang close.
"By the way we're going to the nearest coffee shop sunod ka ha." Tumango si Seb bilang sagot at ng tumingin naman sila sa akin para mag paalam nginitian ko lang ulit sila sabay lakad na palayo kay Seb. Sinamantala ko na habang nakatuon pa ang atensyon niya sa kanila.
Pupuntahan ko muna ang nirerenovate na building dahil kung uunahin kong i-check ang libro ng transient baka maubos na yung natitirang energy ko. Tignan ko pa lang ang mga 'yun feeling ko na sa New York na ako. Bakit ba kasi nag prisinta pa akong gawin 'to, eh ang usapan lang naman namin ni Mama, yung renovation lang ang babantayan ko.
Bayani ka talaga Tin, pwede ka ng ilagay sa pera!
"Hintay naman. Bilis mag lakad may tinatakbuhan ka?"
Hindi ko na siya hinarap pa at sigurado namang kahit hindi ko siya tignan dadaldal pa rin ito hangga't gusto niya, hindi nga pala marunong mapagod ang taong 'to
"Ilang tao ang capacity ng transient niyo?"
"Matagal niyo na bang business 'to, para kasing hindi mo nabanggit noon."
"Mas maganda yung building na 'to kumpara sa luma."
Pinag handaan niya yata ang araw na 'to kaya naman punong puno siya ng tanong at energy sa katawan!
"Wala ka bang balak sumonod sa kanila?" Tanong ko.
"Wala, ikaw kasi ang balak kong sundan. I mean makasama." Lumingon ulit siya sabay taas ng dalawang kilay.
"Do you think gusto kitang kasama?" Sarkastikong sagot ko naman.
"Alam kong ayaw mo pero ipipilit ko pa rin."
"Sabihin mo na sa akin kung ano ang plano mo ng matapos na lahat 'to at para tumigil ka na."
Sa totoo lang pagod na talaga ako at pakiramdam ko habang kasama ko si Seb, hihigupin lang nito ang enerhiyang natitira sa akin ngayon.
"Nakatulog ka na nga ng sabihin ko sa'yo." Ang weird talaga ng lalaking 'to!
"Ang ano?" Naguguluhang tugon ko.
"Ang hirap pa rin talagang kunin ng loob mo 'no?"
"Wala akong sinabi sa'yo na kunin mo at kahit gustuhin mo man never kong ibibigay ulit sa'yo!"
"We'll see. Gusto mo patibayan tayo?" Sa tono ng boses niya parang determinado itong panindigan ang sinasabi niya.
"No, I don't want to play games with you!"
"Tsk. But I want to!" Tumingin pa ito sa akin na para talagang gustong makipag patigasan!
"Layas!" Bulyaw ko naman.
"Sabi ko nga mananahimik na ako."
Alam ko namang hindi titigil si Seb sa kadaldalan kaya imbis na mainis nakipag deal na lang ako sa kanya at baka sakaling mas guminhawa ang tainga ko sa kaingayan niya. Nakakapagod na rin kasing makipag talo!
Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha, "Sasagutin ko ang mga tanong mo at kakausapin din kita ng normal sa isang condition—" Hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko sumingit na agad 'to. Parang hindi naman eepekto kay Seb, ang ganitong usapan, 'wag ko na kayang ituloy?
"Sorry sorry, na excite lang. Ano yung condition mo?"
"Tigilan mo yung kalokohan mo and don't bring back the past. Ayaw kong pag-usapan at ayaw kong mapag-usapan. Pero kung hindi mo kaya you can leave!"
Nakikinig naman siya habang nag sasalita ako pero habang tumatagal nag iiba ang ekspresyon ng mukha niya, nagiging seryoso siya. Parang ngayon ko na lang ulit nakita ang ganitong pag mumukha ni Seb, sana lang talaga seryoso siya at hindi yung pinapasakay lang ako sa kunwaring kabaitan niya.
"Deal. Pero hindi maiiwasan ang pag-usapan ang past dahil magkakilala naman tayo. Pwede bang kahit ngayon lang mag panggap tayo na okay at walang nangyaring heart break sa pagitan natin noon... pwede ba 'yun, kahit sa harap lang ng ibang tao."
At siya pa talaga ang nag banggit ng heart break na kaya nangyari dahil sa kagagawan niya pero aaminin ko maganda yung idea niya at parehas na pabor sa aming dalawa 'yun, lalo na pala sa akin dahil habang tumatagal na nakakasama at nakikita ko siya lalong hindi ako makagalaw ng maayos sa harap niya.
"Deal!"
Una naming pinuntahan ang mga kwartong tapos ng pinturahan. Gusto ko kasing makita at mahawakan kung pulido nga ba silang gumawa at hindi lang sa picture maganda. Infairness maganda ang quality ng gawa nila. Hindi sayang ang bayad at perang nagastos namin.
"Calm and serene. Ang ganda ng combination ng kulay, feeling ko na sa hotel ako."
Ngayon lang yata may magandang lumabas sa bibig ni Seb. Mabuti naman at na appreciate niya ang kulay mas lalo tuloy akong naging confident na ipag yabang kay Mama ang design ko dito.
"Marunong ka pa lang tumingin ng kulay?" tanong ko, habang siya naman abala sa paglilibot sa loob ng kwarto.
"May alam lang. Interior designer kasi yung pinsan ko." Ah... kaya naman pala. Bilib na sana ako.
"Siguro dahil sa taas ng competition dito kaya kayo nag re-renovate?" Abala ang mata niya sa pag lilibot sa buong kwarto na tila ba nag iinspeksyon din kagaya ko. Dadaigin pa yata ako nito.
"Hindi. Two star hotel talaga dapat 'to kaya lang kinulang sa budget kaya ginawang transient na lang."
"Pwede ko bang picturan, don't worry hindi ko i-u-upload."
May social media account siya? Bakit wala kaming nakita nila Wax?
Tumango lang ako bilang sagot at nag lakad na papunta naman sa kabilang kwarto pero bago ako tuluyang lumabas nilingon ko ulit siya. Seryoso siya habang kinukuhanan ng litrato ang buong kwarto, sana lang tumagal ang ganyang ugali niya habang nandito siya.
"Kaya ka ba napunta dito dahil sa renovation?" tanong niya habang nakatuon ang atensyon sa camera niya.
"Oo," sagot ko habang hinahalo-halo ang isang gallon ng pintura.
"Buti na lang nirerenovate ang transient niyo, kundi baka hindi tayo nag kita." Nag taas siya ng dalawang kilay at saka ngumisi na para bang natutuwa ito sa ginagawang renovation ng transient ngayon.
Nag sisimula na naman po siya. Napa sapo na lang ako sa noo ko at tumalikod sa kanya. Sabi na nga at hindi kayang panindigan ni Seb, ang condition ko kaya naman hahayaan ko na lang siya at hindi na lang mag papadala sa mga hirit niya.
"Sana nga na cancel na lang para hindi na kita nakita!" Sagot ko.
Lumabas ako para puntahan naman ang kabilang kwarto na kasalukuyan namang pinipinturahan. Kinausap ko ang mga tao doon at kinamusta ang trabaho nila.
Mas matagal kong kinausap ang pintor dahil pa ulit-ulit kong sinasabi sa kanya na sana pare-parehas ang quality ng gawa nila hanggang sa matapos ang kontrata nila at habang nag-uusap kami nawala naman ito sa konsentrasyon niya at nabaling kay Seb na papasok naman ng kwarto.
"Sir, bawal po kayo dito." Sinenyasan pa niya ang mga kasama niya para pigilan si Seb na makapasok pero mabilis itong nag lakad papunta sa kinatatayuan namin.
Ngumiti si Seb at tumabi sa akin, "I'm with her po." Saka pilyong tumingin sa akin. Nag tinginan naman ang mga trabahador sa nakitang reaksyon ni Seb at pilit na tinatago ang pag ngiti nila, "Tourist po siya dito." Paliwanag ko bago pa man lumalim kung ano man ang mga na sa isip nila.
Mag lalakad na sana ako para lumipat naman sa kabilang kwarto na kasalukuyan ding pinipinturahan pero pinigilan ako nito at hinawakan ang kwmay ko, humarap ako sa kanya at handa na sana siyang pagalitan pero bigla naman siyang lumapit sa akin at tinakpan ng panyo ang kalahati ng mukha ko saka niya ito tinali sa likuran ng ulo ko.
"Masyadong malakas yung amoy ng pintura kung hindi ka mag lalagay ng protection baka mahilo ka lang ulit." Natigilan ako at bahagyang natulala dahil sa ginawa niya.
"Tara na, marami pa tayong kwartong papasukin este iinspeksyonin."
Nilibot ko ang lahat ng kwarto habang si Seb naman nakasunod lang sa akin. Kinakausap at kinukulit niya ako paminsan pero mas madalas naka tutok siya sa camera niya. Ewan ko ba sa kanya at panay ang kuha niya ng picture, eh samantalang wala naman akong nakikitang magandang view dito.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pumayag ako na sumama siya sa akin kahit wala naman talaga siyang gagawin dito kundi ang sundan at bwisitin ako!
Napatigil kami sa hallway para tignan naman ang mga tiles na pinapalitan pero habang pinapanuod ko kung paano nila ilagay ang mga bagong biling tiles bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.
Biglang nadikit sa akin si Seb, hindi ko alam kung sinadya niya ba o nagulat siya sa biglang pag buhos ng ulan, inirapan ko naman ito at agad na humingi ng sorry sa akin.
Nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang sa marating namin ang huling kwarto sa fourth floor. Wala pa masyadong nababago dito kaya naisipan kong kuhanan ito ng picture para i-send kay Mama. Habang nakatuon ang paningin ko sa cellphone ko, pansin ko naman ang kanina pang pananahimik ni Seb.
Sinapian ba siya at bigla na lang nanahimik?
Nag lalaro sa isip ko ngayon kung kakausapin ko ba siya o hihintayin na lang na mag salita siya. Pero hindi ako sanay na hindi siya nag sasalita at hindi rin naman ako pinapatahimik ng isip ko kaya napilitan na akong kausapin siya.
"Hoy, tahimik mo?"
Shocks tama ba sentence ko? Baka nag mukha na naman akong concern sa kanya?!
"Wala, ang ingay kasi nung ulan." Walang emosyong sagot niya.
Inaya ko na siyang bumalik sa kabilang building dahil marami pa akong kailangang i-check na mga documents. Ang dami rin kasing bilin ni Mama, mukhang nilubos lubos na talaga niya ang pag payag ko na manatili dito hanggang sa matapos ang renovation o baka dahil kaya niya ako gustong mag tagal dito para makakilala ng lalaking ipapakilala ko sa kanila bilang boyfriend ko?
Nabasag rin ang pananahimik ni Seb, "Kain tayo?" kumindat pa ito. Mukhang gutom lang yata siya kaya nanahimik kanina.
"Ikaw na lang may tatapusin pa ako."
Mag lalakad na ako papunta ng office ng bigla naman niyang hawakan ang kanang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pag lalakad at mapatingin sa kanya, "Lunch time na kaya kain muna tayo, mahirap mag trabaho kapag walang laman ang tyan."
Gusto kong kumain dahil nakakaramdam na ako ng gutom pero ang makasama siya habang kumakain hindi ko yata gusto ang idea na 'yun. Natulala ako ng sandali dahil nag-iisip ako kung paano ko ulit siya tatakasan pero bigla na namang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa hagdan.
Nasasanay ang lalaking 'to na humawak na lang basta sa kamay ko! Mukhang chill lang talaga siya habang ako nag bubuhol-buhol na ang mga iniisip!
"Hoy, bitawan mo nga ako at baka mamaya madapa pa ako kahihila mo sa akin!" Reklamo ko. Pero hindi niya ako pinakinggan bagkus nag dahan dahan na lang ito para maalalayan niya ako, "Hindi naman kita hahayaang masaktan –"
"Ah, talaga ba?" Nakaramdam yata ang loko at bigla na lang huminto at nilingon ako, "Akala ko ba don't bring back the past?" tinaas niya ang dalawa niyang kilay saka ngumisi sa akin.
"Bakit may ibang tao ba tayong kasama?" Sagot ko naman.
"Sabi ko nga wala." Muli niyang hinawakan ang kamay ko at nag patuloy sa pag lalakad.
Akala siguro ng lalaking ito bukas ang cafeteria ng transient kaya nag mamadaling umakyat sa third floor.
Pag dating namin nakasara ang pinto at may plakang nakalagay na CLOSED, napakamot siya ng ulo at bumagsak ang balikat. Humarap naman siya sa akin na dismayado ang mukha habang nakahawak sa tyan niya. "Bakit sarado, paano tayo kakain?" hindi ko napigilan yung tawa ko, kasi naman mukha siyang batang nag mamaktol. Nanlisik ang mata niya saka sumimangot.
Nagulat na lang siya ng buksan ko ang pinto. Dumiretso ako sa kitchen habang siya naman naiwang naka upo sa isa sa mga lamesang hindi pa na aayos. Mabuti na lang at nandito pa ang cook namin kaya siya na mismo ang nag offer sa akin ng makakain pero wala raw silang stock kundi mga pang umagahan lang.
Laking pasasalamat ko na sa kanya dahil sa lakas ng ulan mukhang hindi kami makakalabas para kumain at kahit delivery pa mukhang malabo.
"Pang breakfast lang daw yung meron sila, okay ba sa'yo 'yun?" pa ulit-ulit 'tong tumatango bilang pag sang-ayon, kulang na nga lang kuminang yung mga mata niya dahil sa tuwa.
Na upo na rin ako sa katapat na upuan niya. Habang siya naman abala sa pag kalikot ng camera niya.
Na curious ako sa ginagawa niya kaya hindi ko napansin na ang tagal ko na pa lang nakatingin sa camera niya, nahuli niya akong nakatitig sa kanya pero mabilis kong iniwas ang tingin ko.
"Feel free to stare at me, don't worry wala namang bayad!" Tatawa tawang sabi nito.
"Kapal mo, FYI sa camera ako nakatingin at hindi sa'yo!"
"Alam mo ba kung anong tawag dyan? Para-paraan." Binaba niya ang camera niya sa lamesa saka nangalumbaba habang nakatitig sa akin, tinaas pa nito ang kaliwang kilay niya saka ngumisi ng nakakaloko.
Bakit ba kasi napatingin pa ako sa kanya? Nakagawa tuloy ang lalaking 'to ng way para bwisitin na naman ako! After kumain kailangan ko na talaga siyang paalisin kundi baka tuluyan na siyang masanay sa ginagawa niya at ayaw ko mangyari ang bagay na 'yun.
Pagkain lang pala ang katapat niya para manahimik siya sana pala nag dala ako kanina para hindi na niya ako naharap na kausapin pa. Hindi pa man din ako tapos kumain naalala ko na naman yung pinapagawa ni Mama, ang nakakabaliw na bank reconciliation!
Nang matapos na kaming kumain pinakikiramdaman ko lang si Seb kung mag papaalam na ba siya para umalis pero mukhang wala itong balak lumayas dito, nakuha pa kasi niyang kuhanan ng picture ang lugar habang ako naman naka halukipkip at naka sandal sa upuan habang pinag mamasdan siya.
"Ikaw ha, you keep staring at me." Pumikit pikit pa ang mga mata nito na parang nag papa-cute!
"Feelingero! Umalis ka na at marami pa akong gagawin!" Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nag madali na akong umalis.
Bago ako makarating sa office nilingon ko pa ang likuran ko para tignan kung sumunod ba siya sa akin, pero wala akong nakita kahit anino niya.
Hinahanap ko na ang mga files ng bigla namang sabihin sa akin ni Ava, na hinatid daw sa cafeteria yung mga naiwan kong trabaho dahil akala nila doon ko gustong gawin ang mga 'yun. Nag madali tuloy akong umakyat pabalik sa taas.
"Kainis naman talaga bang lucky day ko na naman ngayon?" Napatingin pa ako para sana tignan ang langit kung na saan ang kaharian ni Lord, pero kisame lang ang nakita ko.
Pag balik ko sa taas nakita ko na lang na binubuklat na ni Seb ang mga documents na nakapatong sa lamesa, "Usisero!" Marahas kong kinuha ang hawak niyang folder saka tinignan siya ng masama.
"Bank recon?" Seryosong tanong niya.
"Oo... Teka bakit nandito ka pa? Umalis ka na at sulitin mo yung pag lilibot dito." Umupo na ako at binuksan na ang laptop.
"Gusto mo ba tulungan kita?"
Seryoso ba siya, may alam ba siya dito? Alam kong Business Administration ang tinapos niya pero hindi naman yata ito kasama sa mga subject niya.
"I don't need your help!"
"But I want to help you!"
Tinignan ko siya ng masama at nagulat na lang ako ng ibalik niya sa akin ang mga tingin ko sa kanya!
"First thing you do when doing bank reconciliation, get the bank records from the bank of course, SOA yun kung tawagin nila or Statement of Account tapos check mo yung mga receipts ng transient, income and outgoing kung ano yung pinag kaakagastusan at yung mga pumapasok na pera, better check the withdrawal and deposits ng account niyo. Medyo mabusisi nga lang at nakakapagod."
The whole time na nag papaliwanag siya literal lang ako na nakanganga. Siya ba talaga 'to, hindi ko tuloy mapigilang mamangha sa kanya. Ang dati kasing Sebastian na kilala ko, puro kayabangan at kalokohan lang ang alam, bukod sa gwapo eh, gago pa!
So sino itong na sa harap ko ngayon?
"Saan mo naman 'to natutunan 'yan?" Tanong ko habang nakatuon ang atensyon sa laptop at siya naman bumalik na sa sarili niyang upuan.
"Na assign ako sa accounting department before and na train din ng ilang buwan bilang bookkeeper before I decided to resign."
Tignan mo nga naman minsan din pala sa buhay niya kahit papaano naging matinong tao si Seb, pero bakit kaya siya nag resign?
No. Tin huwag mo ng tangkain pang itanong baka kung ano pa isipin niyan!
"Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nag resign?"
"Hindi!"
"Pero gusto kong sabihin. I decided to resign because I want to pursue my dream..."
Gumagawa lang yata siya ng paraan para mas mapatagal siya dito kaya pati ang tungkol sa pag reresign niya gusto na rin niyang ikwento sa akin na kahit hindi naman dapat.
"Wow, may pangarap ka pala?"
"Oo naman, ikaw... I mean ikaw bakit napunta ka sa New York?"
"At paano mo nalaman?"
"S-sila... Mang Teban nasabi nila sa akin. Anong work mo doon?"
Talaga bang kila Mang Teban niya nalaman o di kaya... Never mind huwag kang mag assume Tin, hindi maganda 'yun!
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo, we're not friends!"
"But we are lovers before."
Bwisit na 'to lahat na lang ng isagot ko sa kanya may pang tapat siya!
"Sabi mo nga before, na sa present tayo ngayon remember?" Ako naman ang ngumisi sa kanya ngayon with taas pa ng isang kilay. Taray 'di ba?
Nanahimik naman ang loko kaya nag umpisa na ulit ako sa ginagawa ko.
Pero panandalian lang pala ang pananhimik niya dahil nag-isip lang yata ito ng isasagot sa sinabi ko. Siguro kung may most talkative lang noong elementary for sure every recognition day yuon ang award ni Seb!
"It feels like we're on a date!"
Napa iling na lang ako sabay pag sapo sa noo ko.
"Nag iimagine ka na naman, sabi sa'yo mag sulat ka na lang!" Iiling iling na sabi ko.
Tumingin siya sa kaliwa at kanan niya saka tumingin sa akin pero hindi ko siya nilingon at patuloy lang sa ginagawa ko, "Walang tao dito kundi tayong dalawa lang tapos ang ganda pa ng view. Nagawa ba natin ito before?"
"Ewan!"
"Wala ka na bang natatandaan?"
Jusko po nag sisimula na naman siya, talaga bang mission niya ang ipaalala ang mga bagay na matagal ko nang kinalimutan!
"Wala kinalimutan ko na lahat!" mataray na sagot ko
"Gusto mo ipaalala ko ulit sa'yo." Kahit hindi ko siya tignan halata sa boses niya ang determinasyon. Hindi lang ako sigurado kung determinasyong sirain ang araw ko o determinasyong pahabain pa yung walang kwenta naming pag-uusap!
"No thanks, binaon ko na lahat kaya hindi na pwedeng maalala pa!"
"Eh, di hukayin natin?"
"Gusto mo ikaw ang ihukay ko?"
"Eh, di gawa na lang tayo ng bagong memories."
"Gagawa ako pero hindi kita isasama!"
"Sorry but I'm inevitable guy!"
Jusko wala yata talaga akong magagawa ngayong araw na 'to. Mali talaga na hinayaan ko siyang sumama sa akin dito at ang hayaan maging komportable kasama ako.
"Seb, please manahimik ka kung ayaw mong palayasin kita dito. Hindi ako makapag concentrait sa ginagawa ko dahil sa kadaldalan mo!"
"Distracted ka dahil sa akin? Oh my, huwag mong sabihing... Sabi ko nga mananahimik na ako." Natawa pa siya sa sarili niyang kalokohan!
Talaga yatang sinasagad nito ang pasenya ko pasalamat na lang siya at wala akong dalaw ngayon kundi baka naihampas ko na talaga sa kanya yung mga documents dito sa harap ko.
Habang tumatagal humahaba yung oras na mag kasama kami at lalo pang lumalakas ang ulan sa labas kaya naman hindi makalayas dito ang impaktong lalaking 'to. Buti na lang din at hindi naisipan ni Chari na dalawin ako dito kundi mag aabot pa sila ni Seb at dadagdag pa siya sa sakit ng ulo ko!
Pero infairness nakatulong ang mga sinabi niya kanina para ma refresh yung utak ko, nakalimutan ko na rin kasing gawin ito sa tagal ba naman na hindi ko nakakaharap ang mga documents na 'to for sure kahit naman siguro sino na walang basic knowledge sa bookkeeping, eh makakalimutan din 'to.
Dahil sa sobrang tutok ko dito sa laptop hindi ko napansin na nakatulog na pala siya, kaya pala biglang tumahimik.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang gusto ng mata ko na titigan siya, para kasing ang bait niya kapag tulog pero lahat naman ng tao mukhang mabait kapag tulog, sabihin na lang natin na para siyang yung Sebastian na malambing at clingy... noon.
Gusto ko sanang itanong sa kanya kung seryoso ba yung sinabi niya kagabi kaya lang natatakot ako sa isasagot niya. What if seryoso nga siya, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko at ang mararamdaman ko. Pero paano naman kung hindi naman niya talaga mini-mean yung sinabi niya at pinapasakay niya lang ako, baka lalo lang akong ma bwisit sa kanya o baka ma disappoint pa?
Para kang tanga Tin, ang mga na didisappoint ay para lang sa mga umaasa. Hindi ka umaasa kaya tigilan mo yung ganyang pag-iisip!
Hindi ko na lang itatanong at baka kung saan pa mapunta yung usapan namin. Hindi ako handang makinig sa mga paliwanag niya ngayon lalong lalo na sa mga palusot niya.