Third Person's POV
Magigising si Seb na wala na si Tin sa lamesa kung saan sila nakapwesto kanina. Habang kinukuskos ang mata niya kaliwa't kanan naman ang tingin nito sa bawat sulok ng cafeteria, "Grabe, iniwan talaga niya ako." Dismayadong napasandal na lang ito sa kinauupuan niya.
"Alam kong may something pa kay Tin, dahil lagi niyang iniiwas yung mga mata niya sa twing mag mag kakatinginan kami, ayaw niya ng eye to eye contact. Buti na lang nag pumilit akong sumama sa kanya kundi baka hindi ko napansin ang mga ganitong bagay," napabuntong hininga ito, "Alam kong may bakas pa sa kanya yung naiwan kong sakit kaya naman mas lalo pa tuloy akong ginanahang kunin ang loob niya at personal na humingi ng tawad sa kanya."
May lalaking kanina pa siya pinag mamasdan pero nahihiya itong lapitan ang binata, mabuti na lamang at nahagip ng mata ni Seb ang kanina pang lalaking nakatingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay na para bang nakakita lang ng kakilala niya. Lumapit ang lalaki at hindi na nahiya pang tanungin siya, "Sir, bakit ho dito kayo natulog?" Malumanay na sabi nito.
Napa awang ang labi ni Seb, dahil sa hindi inaasahang tanong ng lalaki, "A-eh, may kasama ako kanina kaso lang iniwan ako pero aalis na rin ako!" Mabilis na tumayo si Seb at nag lakad na papunta sa hagdan, "Hindi man lang ako ginising ni Tin, nakakahiya tuloy!" Iiling-iling ito habang nag lalakad pababa.
Nang makarating na siya sa first floor mas binilisan pa nito ang lakad niya palabas ng transient, ang hindi niya alam kanina pa nakaabang si Tin, sa bintana para tignan siya. Binilin ng dalaga ang janitor sa cafeteria na huwag aalis hangga't hindi nagigising si Seb. Mabilis naman siyang kinontak ng janitor para ipaalam na nagising na si ito at pababa na ng hagdan.
Nag lakad lakad lang si Seb at walang plano kung saan siya papunta mabuti na lang at nag message si Casy sa IG account niya kaya naman nag madali itong puntahan sila.
@Casy_Cat
Seb, sunod ka dito sa CC Bbq House.
Puno ang Resto Bar kung na saan sila Casy, kaya naman hirap si Seb na hanapin kung saan sila naka pwesto, bukod kasi sa malaki ang lugar may mga kubo pa itong nakapalibot kaya hindi niya alam kung saan sila unang hahanapin.
Habang palibot libot ang mata at kaliwa't kanan ang tingin na para bang nawawalang bata, hindi niya alam na may kanina pa palang nakatingin sa kanya. Nakuha ni Seb ang atensyon ng may-ari na kasalukuyang naka pwesto sa counter, "Gwapo! Mukhang bagong mukha lang siya dito." Bulong nito sa isip niya.
Papalapit na si Seb sa counter kaya naman bumuwelo na si Chari para i-approach ito, "Mag-isa lang po ba kayo Sir," Tanong nito na may halong lambing na hindi naman niya ginagawa sa ibang bagong customer nila. Tipid siyang nginitian ni Seb, "Hindi, may kasama ako kaya lang hindi ko sila mahanap—"
"Seb, kanina ka pa ba? Tara nandoon sila sa loob." Aya ni Pip sa kanya. Nilingon niya si Chari at tipid ulit na nginitian ito tumango naman si Chari bilang tugon sa ngiti niya kahit pa dismayado ito dahil hindi man lang niya naka-usap ng matagal ang binata.
"Sayang gwapo pa naman. Humanda ka sa akin mamaya!"
Pagdating ni Seb sa lamesa nila puno na ito ng alak at mga pulutuan, pina-upo siya ni Casy sa tabi niya at tinignan naman niya ito at muli matipid na ngumiti, "Last day na kasi namin dito at uuwi na kami bukas kaya sinusulit lang namin." Sabi ni Pip, habang si Uno naman pinag bubuksan na siya ng isang bote ng san mig light.
"Ilang araw na ba kayo dito?" tanong ni Seb, pagkatapos tumungga ng alak, "Five days." Sagot naman ni Casy na mahahalatang may lungkot sa tono ng boses. Sumimangot naman ang lahat pero binawi rin nila agad saka tinaas ang mga hawak nilang bote ng alak, walang idea si Seb kung ano na ang nagaganap kaya ginaya na lang niya ang mga ito at tinaas din ang hawak niyang bote.
"Para sa future success natin!" sigaw ni Anton na isang Content Creator. Pagkatapos kanya kanya na sila ng tungga ng alak.
Magaan ang loob ni Seb sa kanila dahil tulad niya sinusubukan din nilang tumayo sa sarili nilang mga paa at pinasok ang bagay kung saan sila masaya kahit pa walang kasiguraduhan kung mapapakain ba sila ng mga pangarap nila o mamamatay silang dilat ang mga mata. Pero nag pursigi sila at unti-unti nakukuha na nila isa-isa ang mga pinapangarap nila.
"Iba din yung lakas ng loob niyo, nakakabilib pero at the same time nakakatakot." Pahayag ni Seb, "Alam mo ba wala sa isip namin 'yan dati basta ang focus lang namin gumawa ng content at ipost sa channel namin. Pero kapag iniisip namin ngayon... sobrang delikado at nakakatakot pala ang ginawa namin." Tugon ni Anton.
"Ikaw ang nakakabilib kasi parang mas mahirap maging stable sa photography dahil sa dami na ng kilalang photographer dito at sa ibang bansa." Tanong naman ni Vera na isa sa mga editor ng channel nila, "Hindi naman, kasi may maliit na akong tinayong business bago ko pa i-pursue yung photography para if ever na hindi mag work yung gusto ko at least may plan b na akong naka abang,"
napatingin ang lahat sa kanya at mahahalata sa mga mata nila kung gaano sila ka interesado sa kwento ni Seb, "Anong business, sabay sabay na tanong nila," Nag tawanan pa ang mga ito dahil pare-parehas sila ng gustong itanong. "Maliit lang siya na bakeshop hanggang sa naging café na," nanlaki ang mga mata nila at sabay sabay na napahiyaw. "Wow!" Natawa na lang si Seb, sa naging reaction ng mga ito.
Napag-usapan din nila ang mga possible project na pwede nilang gawin sa hinaharap. Habang tumatagal ang usapan lalo namang napaparami ang mga bote ng alak sa lamesa nila. Bago umalis nag group picture pa ang mga ito at nag selfie naman ang dalawang babae kay Seb.
Paalis na sila ng biglang may mahalagang email na natanggap si Seb sa trabaho, pina-una na niya ang mga ito dahil kailangan niya ng malakas na connection ng internet kaso lang na lowbat naman ang cellphone niya at hindi nito dala ang laptop niya kaya kahit nahihiya kinapalan na niya ang mukha niya para manghiram ng charger sa resto bar.
Sakto namang nandoon pa rin si Chari sa counter na pinuwestuhan ni Seb kanina. Malamang nag abaang ito na makita ulit ang binata.
Napansin nito na parang nadidismaya si Seb, kaya siya na mismo ang nag tanong ng kailangan nito.
"Sir, okay lang po ba kayo, may kailangan po ba kayo?"
Kahit nahihiya pinilit na lang ni Seb na ngumiti, "Pwede po bang makahiram ng charger kahit 10 minutes lang, importante lang kasi." Paliwanag nito. Nag salubong naman ang kilay ni Chari, pero agad din niyang binawi ng makitang sumimangot na si Seb, "Sige, android ba o apple?" tanong niya, "Apple." Mabilis na sagot naman ni Seb, saka binaling ulit ang tingin sa cellphone na hawak niya, "Tss... sungit nito, mukhang mahirap landiin!" Bulong ni Chari sa isip niya.
Agad na kinuha ni Seb ang inabot na Charger ni Chari, dismayado naman ang dalaga sa pinakitang ugali ni Seb.
"Excuse me, wala man lang bang thank you?" Sarkastikong tanong nito. Natingin naman sa kanya si Seb, "Thank you, sorry miss importante lang kasi." Na pa buntong hininga na lang si Chari dahil sa maikli at walang emosyong sagot ni Seb.
Kahit anong gawing pag pa papansin ni Chari, wala namang paki alam si Seb, dahil nakatuon ang buong atensyon nito sa cellphone niya. Tungkol kasi ito sa kita ng nakaraan niyang exhibit kaya naman nag mistulang wala itong pakialam sa paligid niya
"Putik, pa hard to get ang lalaking 'to. Suko na ako!" Sabi ni Chari sa isip niya.
Nang matapos ang ginagawa ni Seb, binalik na niya ang charger kay Chari at nag tanong kung mag kano ang charge sa kanila pero hindi na nag pabayad si Chari, dahil bukod sa libre naman talaga ang charge, eh mukhang may gusto siyang ibang bayad mula sa binata.
"Bago ka dito 'no?" Tanong ni Chari, tumango naman si Seb, bilang sagot. "Saan ka na ka check-in?" naningkit ang mata ni Seb, na tila ba nag tatakha na siya sa mga tinatanong at kinikilos ni Chari, "Why? Sorry but I don't know who you are and hindi ako familiar dito sa place niyo kaya I hope you don't mind kung hindi ko sasagutin ang tanong mo,"
Natawa naman si Chari sa pagiging seryoso ng binata, "Sira wala akong balak na masama sa'yo. I'm the owner of this Resto Bar at alam ko kung sino ang mga dati ng customer at ang mga bago pa lang na turista at hindi ko iri-risk ang pangalan ng negosyo ko para lang gumawa ng masama sa baguhang turista gaya mo," tumango tango na lang si Seb at pilit na ngumiti, pakiramdam kasi nito napahiya siya dahil sa pagiging defensive.
"Don't worry okay lang 'yan, kung ako din naman ang wala sa teritoryo ko mag-iingat din naman talaga ako. But you are safe here so there's nothing to worry about!"
"I stay at Villa Levista."
Nanlaki ang mata ni Chari at tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ng binata, "Wait, pa ulit nga parang hindi ko narinig, eh!"
"Villa Levista!"
"Shemay, ikaw pala yung kasama ni Tin sa bahay!" Napa iling-iling naman ito habang si Seb naman ang nagulat sa sinabi niya.
"Tin, you know her?"
"Of course, best friend ko siya 'no! At ikaw pala yung ex niya?" Napatakip pa ng bibig si Chari. "Speechless? Kasi niloko mo best friend ko?!" Napapalunok na lang si Seb, sa sunod sunod na tanong nito, "Hindi naman ako makikialam sa naging break-up niyo kasi hindi naman ako kasali sa relasyon niyo, ang akin lang huwag mong gagawan ng katarantaduhan yung kaibigan ko! Tulad nga ng sinabi mo kanina wala ka sa teritoryo mo kaya mag ingat ka sa bawat galaw mo!" Kung kanina malambing at sweet ito ngayon naman unti-unti nang tumataas at nagiging seryoso ang tono ng boses nito.
"Pinag babantaan mo ba ako?"
"Bakit natatakot ka ba?!"
"Of course not!"
Hindi na matiis ni Seb ang ginagawang pag tingin sa kanya ni Chari, kaya naman hindi na niya pinatagal pa ang pag-uusap nila at nag paalam na ito.
"Daig niya pa ang pulis kung mag interrogate!" Bulong ni Seb sa isip niya.
"Salamat sa charger, ma una na ako."
Natawa si Chari sa madaliang pamama-alam nito, pakiramdam kasi niya umiiwas si Seb, dahil nalaman niyang magkaibigan sila ni Tin, pero habang tinititigan siya ni Chari, pakiramdam niya mabuting tao si Seb, at malayo sa nakwento ni Tin sa kanya noon.
"Wait, gusto mo bang maki-pag ayos kay Tin?" Napahinto si Seb, sa pag lalakad. Nag dadalawang isip ito kung muli siyang babalik o aalis na lang. Hindi na rin niya kasi alam kung mag kakaayos pa ba sila ni Tin, bago matapos ang bakasyon niya dito o baka pwede pa kung makikipag tulungan siya kay Chari na Bestfriend naman ni Tin.
"Paano?"
Tinuro ni Chari ang inuupan ni Seb, at agad namang sumunod ang binata sa pinagawa niya. Nang maka-upo na siya, tinawagan na ni Chari si Tin, at ni-loud speaker pa nito para marinig ni Seb ang pag-uusapan nila.
Tin:
Yes, Chari.
Chari:
Eh, bakit parang sungit naman ng boses ng bff ko?
Tin:
Sira hindi 'no, ang haba lang kasi ng araw ngayon tapos may asungot pa kanina!
Chari:
Do you eat na ba?
Tin:
Hindi pa nga eh, papa deliver na lang siguro ako katamad na kasi lumabas.
Chari:
Ano bang gusto mo?
Tin:
Wow, ililibre mo ako? Bait mo yata ngayon? May sanib ka ba?
Chari:
Sabihin mo na at baka mamaya biglang umalis yung kasama ko dito este sumanib sa akin.
Tin:
Hmm... Chicken kebab, ceasar salad at saka ube shake.
"Ube shake umuulam—" Mukhang nakalimutan ni Seb, na naka loud speaker ang phone ni Chari, buti na lang nailayo agad ng dalaga ang cell phone niya kaya hindi narinig ni Tin ang boses ni Seb.
Chari:
Sige wait mo na lang dyan.
Tin:
Teka libre ba talaga yan? Hoy baka naman dinadaan mo ako sa pag kain para lang makita yung guess ko dito sa Villa?
Nagkatinginan pa ang dalawa habang si Chari natatawa tawa na pero si Seb naniningkit ang mga mata na tila ba napapa isip sa usapan ng dalawa.
Chari:
Slight, haha. Sige na i-pe-prepare ko na yung food mo.
End of call...
"Bakit mo ako tinutulungan?"
"Sasabihin ko sa'yo kapag nag kita ulit tayo. Pero sa ngayon bayaran mo muna yung inorder ni Tin. Oo nga pala ikaw na bahalang dumiskarte!"
***
Sebastian's POV
Parang kanina lang kausap ko lang yung kaibigan ni Tin, na hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan tapos ngayon bitbit ko na yung mga pag-kaing gusto niya. Kung hindi ko lang gustong makasama si Tin, iisipin kong gusto lang akong bentahan ng babaeng 'yun. Pinag kakitaan lang yata ako?
Pero pasalamat na lang din ako sa kanya dahil magandang idea yung na isip niya. Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano niya hindi malalaman na mag kakilala na kami ng best friend niya na hindi sa akin galing ang mga pag-kaing ito.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay at ma ingat kong nilalakad ang mga paa ko sa sahig. Nakita ko naman na nandoon siya sa veranda at parang may kausap yata sa phone kaya sinamantala ko ng pag hiwalayin ang pag kain namin para hindi naman mag mukhang isa lang ang pinag bilan ko at para na rin hindi niya isipin na sa akin galing ang mga ito.
Nang makita niya akong na sa kusina lumapit na ito at walang imik na ininspeksyon ang mga paper bag na nakalapag sa lamesa, "CC Bbq House." Mahinang pag basa nito saka tumingin sa akin.
"Bakit hindi mo ako tinawag, dineliver na pala ito!"
Sungit pa rin talaga.
"Eh, anong gagawin ko umalis agad yung nag deliver, tinanong lang kung dito raw ba nakatira si Celestine Cortez, tumango lang ako tapos inabot na sa akin 'yan!"
Hindi na nag salita pa si Tin, at medyo padabog pa ito kung gumalaw at kinuha agad ang paper bag sa lamesa.
Napansin niya na parehas ng logo ang paper bag namin kaya naman natingin na naman siya ng masama sa akin. Kung makatingin siya para niya akong iihawin ng buhay. Mas nakakatakot magalit si Tin ngayon kumpara noon, o baka dahil matagal kaming hindi nag kasama kaya hindi lang siguro ako sanay sa kanya ngayon. Sa bagay lahat naman ng tao nag babago. Ako lang ba ang hindi?
Hindi man lang ako inaya, kumain na siya agad. Umupo ako sa katapat niyang upuan at muli sinamaan na naman niya ako ng tingin, "Gusto mo ba dyan na lang ako sa tabi mo?" nakangising sabi ko, "Sapak gusto mo?!" Aroganteng tugon niya.
"Masarap ba yung chicken nila?" tanong ko habang palihim siyang sinusulyapan.
"Bakit hindi ka bumili para natikman mo!"
Supalpal na naman ako.
Umipekto kaya ngayon ang paawa kong boses sa kanya, "Hindi mo man lang ako ginising kanina, nakakahiya tuloy sa nakakita sa akin."
"Isang tao lang yung nandoon! 'Wag kang feeling!"
Sabi ko nga hindi.
"Bakit mo alam, binilin mo ba ako sa kanya?" Ngingiti ngiting sabi ko habanag nakatingin sa spare ribs na hinihiwa ko. Pag ka subo ko natingin naman ako kay Tin, na kasalukuyan ng masama ang tingin sa akin.
"Oo, sabi ko may rabies ka, kaya pinabantayan kita at baka maka kagat ka pa ng mga guess."
Ganito ba talaga ang mga babae kapag nasasaktan, lalong tumitigas at ang hirap kausapin?
"Ako lang ang guwapang may rabies," Bulong ko. Pero malakas ang pandinig nito kaya muli na naman akong inirapan.
"Natapos mo na ba yung bank recon mo?" Umiling lang ito. Napansin ko naman na nakatitig lang siya sa pag kain niya kaya parang kinabahan na naman ako, hindi na naman yata siya okay.
"Bakit may problema ba?" Umiling lang ulit ito. Tumayo naman ako at kumuha ng tubig saka nilagay sa tabi ng plato niya, "Kung hindi ka okay pwede mo namang sabihin sa akin—"
"Bakit, kasi kapag may nangyari sa akin baka ikaw yung pag bintangan?!"
Pakiramdam ko hanggang ngayon sariwa pa yung sugat na iniwan ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin kaso lang hindi pwede, hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko na sa twing makikita ko siyang ganito parang nasasaktan ako. Alam ko sa sarili ko na moved on na ako sa kanya pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng ganito sa twing makikita siyang nahihirapan.
"Hindi ba pwedeng nag aalala lang talaga ako sa'yo."
"'Wag, hindi kailangan!"
"So, mag sisinungaling na lang ako sa sarili ko?"
"Oo, sinungaling ka naman talaga 'di ba?" Tumingin siya sa akin na seryoso ang mukha. Alam kong may bahid ng galit yung tono niya pero sa huli pilit siyang ngumiti at inalis ang tingin sa akin.
Hindi niya kayang makipag titigan sa akin ng matagal. Dahil ba naaalala niya yung past namin o dahil masama pa rin talaga yung loob niya sa akin? Pero parang parehas lang yata 'yun.
"Oo, sinungaling ako."
"Mabuti naman at umamin ka!"
Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko na kasi alam kung ano ang iisipin ko at kung ano ang sasabihin ko at kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman ngayon?
Nang matapos na si Tin, agad niyang inayos at hinugasan ang mga ginamit niyang plato at mga kubyertos pagkatapos umalis na lang bigla. Ako naman naiwan sa lamesa at parang hindi ko na kasi nalalasahan yung kinakain ko pilit ko na lang na inuubos at baka mamaya sumakit pa ang tyan ko dahil sa gutom.
Nang matapos na akong mag hugas ng pinggan pumunta naman ako sa sala kung na saan si Tin, naka on ang TV pero hindi naman siya nanunuod. Na sa ibang direksyon kasi siya nakatingin at parang malalim ang iniisip.
"Nanunuod ka ba? Pwede ko bang ilipat?"
"Sige."
Nilipat ko ang channel sa Thrill kung saan puro nakakatakot at p*****n ang pinalalabas. Ito kasi yung mga gusto kong genre kaysa sa mga drama parang ang OA (Over Acting) kasi. Kasalukuyan ng Hinahabol ng lalaking may hawak na palakol ang babae ng bigla namang mag salita si Tin, kaya naalis ang tingin ko sa Screen ng TV at hindi ko na nakita yung ginawa ng lalaki.
"Nang iinis ka talaga?!"
"Ano na naman yung kasalanan ko?" Iritadong tanong ko.
Nagtakha pa ako kung bakit naiinis na naman siya sa akin, eh samantalang hindi na nga ako nag sasalita at hindi ko na rin siya kinakausap! Yung kasungitan ni Tin, parang tatlong babaeng may period. Hindi ko na rin talaga maintindihan minsan kung saan talaga siya nanggagaling?