Chapter 25

3709 Words
Celestine's POV Mabuti na lang at tinawagan ako ni Chari, at nag padala pa ng pag kain. Kinukutuban man ako sa ganyang galawan niya pero sayang naman kasi kung tatanggihan ko ang grasya kaya pumayag na ako kahit pa alam ko naman na may kapalit yung mga pag kain na 'to. Pero kung hindi lang talaga ako napagod sa pag gawa ng bank recon na 'yan gusto ko sanang mag luto ng dinner namin sigurado kasi akong matutuwa sila Rizza at Rocco. Tapos nakaramdam na naman ako ng pag ka hilo na hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang yung nararamdaman ko. Baka sa mata ko kaya? Tumaas na naman kaya yung grado ng mata ko kaya ilang beses ko ng nararamdaman yung pag ka hilo? Na nanadya pa 'tong lalaking 'to at nilipat pa talaga niya sa ayaw kong channel. Ano 'to nakalimutan niya lang ba na ayaw ko sa mga nakakatakot at nakakastress na palabas o talagang sinasadya niyang bwisitin ako para kausapin ko siya?! At nakuha pa niya akong ismidan, siya na nga yung may ginawang nakakainis siya pa galit? Dapat talaga matapos na yung isang buwan para lumayas na siya dito at ma solo ko na 'tong buong bahay! "Hindi ka naman nanunuod tapos nung nilipat ko magagalit ka, ano bang problema mo lagi na lang mainit ulo mo sa akin?" At may gana pa talaga siyang mag tanong kung bakit? Hindi ko alam kung makapal lang ba talaga mukha niya o sadyang manhid siya sa mga nangyari! "Ang dami naman sanang channel tapos dyaan mo pa talaga gustong manuod?!" Binalik niya ang tingin sa TV at pagkatapos tumingin ulit sa akin na para bang wala siyang kamalay malay sa sinasabi ko! "Pumayag ka na ilipat ko tapos mag rereklamo ka ngayon? Ganyan mo ba itrato ang guess mo dito?" seryoso ang tingin nito sa akin na para nga talagang guess siya dito kung umasta! "FYI. Si Kuya Carlo ang may guess sa'yo at hindi ako kaya kung gusto mo ng magandang pag trato tawagan mo siya at papuntahin mo dito, kung gusto mo utusan mo pa siya na pag silbihan ka para masiyahan ka!" "FYI din Ms. Celestine Cortez, ikaw ang nandito at sabi mo nga pag mamay-ari niyo 'to, so technically ikaw ang may guess sa akin ngayon kaya dapat maging mabait ka sa akin at huwag mo akong sungitan." Tinaas pa nito ang dalawa niyang kilay pero this time hindi siya ngumiti o ngumisi man lang. Seryoso ba siya? "Sige I'll treat you well pero dapat mag bayad ka—" "Matagal na akong bayad—" "Kay kuya ka lang nakabayad at wala siya dito para itrato ka na parang guess kaya dapat sa akin ka mag bayad—" "s**t!" Hiyaw niya. Napahawak ako bigla sa dibdib ko ng pag taasan niya ako ng boses. Tinignan ko siya at kasalukuyan din naman siyang nakatingin ng masama sa akin kaya medyo kinabahan pa ako. Pero unti-unti naman siyang nguminguti at nakuha pang tumawa ng makita niya ang naging reaction ko. Bwisit! Pinag titripan na naman niya ako! "Tin, huwag ang katawan ko please, kung gusto mo sa'yo na ang isa sa mga camera ko pero huwag ang katawan ko Tin." Umarte pa ito na niyayakap niya ang sarili niya na para bang natatakot pa. Bwisit talagang lalaki 'to baka kung mas malapit lapit lang siya sa akin ngayon kinatusan ko na talaga 'to! At nakuha pa talaga niyang gawing biro ang tungkol sa bagay na 'yun! Insensitive ba talaga siya o talagang sinasagad niya yung pasensya ko sa kanya? Naku hindi lang talaga katus ang aabutin nito sa akin, sasabunutan ko pa siya hanggang sa matanggalan siya ng mga buhok! Sinamaan ko na lang siya ng tingin saka bumaling sa TV para ilipat ang channel nito ng bigla namang namatay ang mga ilaw... kapag yata talaga naumpisahang pangit ang araw ko damay na hanggang dulo! Wala pa naman sa tabi ko yung cell phone ko kaya wala tuloy akong makita kahit konting liwanag. Madilim at tahimik sa buong bahay kaya hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng mga nakakatakot pero alam kong mas lalo akong bubwisitin ni Seb, kapag nahalata niyang natatakot ako kaya kahit bumibilis na yung t***k ng puso ko at nag papanic na ako sa takot, pinigilan ko na lang ito saka pinikit ang mga mata ko at inisip na lang na maliwanag ang buong paligd ko. Halos mag-iisang minuto na yata pero kahit kaluskos o boses man lang niya wala akong naririnig. Iniwan niya ba ako? Saan naman kaya siya nag punta at kung kailan ko talaga kailangan yung ingay at kadaldalan niya saka naman siya nanahimik! Sinubukan ko na lang pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pag ka usap sa isip ko. "Relax Tin, chill ka lang at for sure mayamaya lang mag kakakuryente na rin." Tahimik at madilim pa rin ang paligid ng bigla namang may malamig na dumampi sa hita ko napasigaw tuloy ako ng malakas at napatayo pa sa kinauupuan ko. "S-sorry, kakapain lang sana kita—, I mean titignan... hindi, isu-sure ko lang kung nandyaan ka pa o wala na. Wala kasi akong makita kaya iba yung nahawakan ko." "Eh, bakit ba kasi ang lamig ng kamay mo!" Singhal ko sa kanya sabay balik sa pag upo. "Nakatutok kasi sa akin yung aircon kanina kaya malamig yung kamay ko. Actually pati nga ulo at mukha ko malamig, gusto mo bang hawakan?" Kahit madilim at hindi ko nakikita yung nakakainis niyang pag mumukha alam kong nakangisi na naman siya. "Mag hanap ka ng ilaw kesa bwisitin mo ako!" "Opo madam." Naramdaman kong tumayo na siya at dahan dahan na ring gumagalaw kaya tinaas ko naman ang dalawa kong paa para makadaan siya pero hindi ko naman inaasahan na sobrang lapit na pala niya sa akin kaya natisod ito ng itaas ko ang mga paa ko. Napatakip na lang ako ng tainga ng bigla siyang bumulyaw. Nadapa ang loko. Gusto kong matawa kaso lang medyo nakakaawa rin siya kasi sa laki at bigat ni Seb parang may malaking bagahe na nahulog mula sa taas. "Aray! Sinadya mo 'yun 'no?" Singhal niya. Na iimagine ko na yung mukha niya dahil sa tono ng pananalita niya. Umuusok na siguro yung ilong niya sa inis. "Paano ko sasadyain, eh wala nga akong makita, sana kasi nag excuse ka man lang para naman alam kong dadaan ka na pala sa harapan ko!" "Ikaw pa yung galit ako na nga yung nasaktan?" Parang siyang bata na malapit ng umiyak, sana talaga mag ka kuryente na agad para makita ko yung reaction at itsura niya ngayon, kasi pakiramdam ko hindi pa siya tumatayo at kasalukuyan pa ring nakasalampak sa lapag. "Sorry hindi ko sinasadya, tama na yung arte at tumayo ka na dyan." "Ang husay din, nasaktan na yung guess niya inuutusan pa niya ngayon na mag hanap ng ilaw!" Galit na yata siya. Seryoso na yung tono ng boses niya. Pero bakit parang nag eenjoy ako? Ang sarap lang sana makita na siya naman ang naiinis ngayon at ako naman ang nang bubwisit sa kanya! Sebastian's POV Nakikisama talaga ang panahon sa akin ngayon. Kanina kasing umaga nakasama ko si Tin ng matagal na oras at na solo ko pa tapos sakto pang nawalan ng kuryente ngayong mag kasama kami sa sala. Alam kong takot siya sa dilim dati kaya pinili kong manahimik at hindi gumawa ng kahit konting ingay para malaman ko kung hanggang ngayon kaya tulad pa rin siya ng dati o na overcome na niya yung fear niya sa dilim Kahit madilim at wala kaming makitang dalawa dahil naman sa katahimikan kaya naririnig ko ang bawat pag hinga niya ng malalim, ramdam ko na pinapakalma niya ang sarili niya ngayon. Napa iling na lang ako ng ma pag tanto ko na hanggang ngayon pala takot pa rin siya sa dilim. Hindi ko naman ma iwasang pag pawisan dahil sa gulat at ewan ko ba may kung ano akong naramdaman ng hindi sinasadyang mahawakan ko ang hita niya. Hindi naman nag init ang katawan ko pero may biglang pumasok sa isip ko na para bang nangyari na ang bagay na 'to. Deja vu? Okay na sana pero epic fail yung pag kakadapa ko, mabuti na lang din at madilim kundi pag tatawanan ako ni Tin sa nangyari sa akin. Pero hindi nga kaya niya sinasadyang mapatid ako, ito na yata yung way niya ng pag ganti sa akin. Nasaktan na nga inutusan pa ako. Na saan ang hustisya? Na pa iling na lang ako habang naka upo pa rin sa lapag kung saan ako mismong bumagsak. Medyo masakit yung kanang kamay ko dahil may kung ano akong nahawakan bago ako tuluyang bumagsak, hindi ko alam kung ano ang bagay na 'yun dahil ng subukan ko ng kapain hindi ko na siya mahagilap pa. Dahan dahan akong tumayo at naramdaman kong medyo masakit din ang kanang balakang ko kaya napahawak pa ako sa dulo ng couch kung saan naman na ka upo si Tin. Para makabawi tinakot ko na lang siya, "Alam mo ba noong wala ka pa at mag-isa lang ako dito feeling ko may mga tao akong kasama, kasi madalas may kumakaluskos sa kusina at parang may nag uusap naman sa veranda—" "Ano ba!" Sigaw niya. Hindi na ako nag salita pa at tuluyan ng nag lakad pero bigla namang may humawak sa bewang ko. Tagumpay Seb! Natakot nga siya kaya biglang napatayo sa kina-uupuan niya, mahigpit at medyo malamig na rin ang kamay niya ng hawakan ko ito pero agad niyang nilipat ang kamay niya sa dulo naman ng t-shirt ko. "Huwag mo nga akong hawakan!" Iritadong sabi niya. "Eh, ikaw kaya ang unang humawak sa akin. Ikaw ha may balak ka pang tsansingan ako, hinintay mo lang yata na mawalan ng kuryente para ma ka da moves ka sa akin—" "Aray! Ang sakit nun ha!" Daing ko ng bigla niya akong kurutin ng pino sa braso, "Kapag hindi ka tumigil ng pang bubwisit mo sa akin mas masakit pa dyaan yung aabutin mo!" Grabe talaga siya kung tratuhin ang guess niya, isumbong ko kaya kay Carlo 'to? Dahan dahan akong nag lakad habang kinakapa ng paa at kamay ko ang dinadaanan namin, naka sunod naman sa akin si Tin habang nakahawak pa rin sa dulo ng t-shirt ko. "Saan ba tayo papunta?" tanong niya. "Sa kwarto ko—" "Eh, bakit doon?!" Malapit na talaga akong marindi sa babaeng 'to, simula kaninang nawalan ng kuryente kanina pa rin niya ako binubulyawan. "Matutulog na kasi ako!" pang iinis ko sa kanya, bigla naman niya akong hinampas sa braso. Ang sakit, wrong move ka doon Seb. "Maiwan ka na lang kaya dito kasi baka pag dating natin doon malamang bugbog sarado na ako!" Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na tinatanggal sa pag kakahawak niya sa t-shirt ko pero masakit ang kamay ko kaya hindi ko kinaya yung higpit ng pag kakahawak niya. "Doon tayo pumunta sa kwarto ko!" Aroganteng utos niya. "Sige, palit tayo ng pwesto ikaw ang ma una at ako ang suusnod sa'yo." Lalakad na sana ako papunta sa likuran niya pero pinigilan niya ako at imbis na likuran ko sana ang itutulak niya mukha ko ang nahawakan niya. Ang lambot ng kamay niya! "Ayoko! Lumakad ka na, susunod na lang ako sa'yo." Singhal niya. Alam ko naman na susunod siya sa gusto ko dahil hanggang ngayon takot pa rin siya sa dilim. Sabi nga nila kailangan atakihin mo ang kahinaan ng kalaban mo para mapabagsak mo siya and this time kailangan kong sulitin ang pagkakataong mapasunod si Tin, at sasamantalahin ko na rin itong oras na 'to para mapalapit ulit sa kanya. Goodluck na lang sa akin kung tatalab pa sa kanya ang mga ginagawa ko before. "Bilis, buksan mo na yung flashlight ng phone mo?" Utos niya ng makarating na kami sa kwarto ko. "Takot ka pa rin sa dilim hanggang nagyon." Sabi ko naman habang kinakapa sa ibabaw ng kama ang cell phone ko. "Wala akong panahong sagutin yung tanong mo, mag focus ka na lang sa pag hahanap!" Sana lang tumagal pa ang brown out, palagay ko kasi hindi ko makaka-usap si Tin ng katulad ng gusto ko. Ayaw pa rin kasi niyang tanggalin yung malaking pader sa pagitan namin at hanggat nandoon 'yun hindi ako makakapasok ulit sa buhay niya. Tumayo ako mula sa pag kakayuko at hinawakan ang kamay niya para tanggalin mula sa dulo ng t-shirt ko, "Mas safe kung dito ka hahawak sa kamay ko at baka mamaya kung ano ang mahawakan mo dyaan, ikaw din baka magulat ka." Pilyong sabi ko. "Pag bibigyan kita ngayon dahil sa wala akong ibang makita pero oras lang na may gawin kang hindi maganda... sasamain ka talaga sa akin, Seb." Hindi naman niya ako nakikita kaya naman malaya akong ngumisi kahit pa mag katabi o mag kaharap kami ngayon. Nahanap ko na ang cellphone ko pero nag kunwari akong nahihirapang maghanap kaya natagalan pa bago mag hiwalay ang mga kamay namin. Pero hindi nga pala madaling lokohin si Tin kaya nakahalata agad ito, "Alam mo tutulungan na lang kita, mukha kasing ine-enjoy mo yung pag hahanap!" "Hindi kaya!" Pag tanggi ko naman. "Ang lamig ng kamay mo, nate-tense ka ba?" tanong ko. "Yung kamay mo rin kaya malamig 'no!" "Pero uminit na nung hawak mo." "Gusto mo sunugin natin para lalong uminit." Buti na lang talaga hindi naging gamer si Tin, kundi baka madalas na papa-away ito, ang galing kasi mang trash talk. "Grabe mapanakit ka naman, pero sige kapag nakahanap ka ng lighter ngayon papayag akong sunugin mo yung kamay ko." Hamon ko sa kanya na alam ko naman na hindi niya kayang gawin sa ngayon. "At sa tingin mo talaga makakahanap ako ng lighter ngayon. Hayaan mo kapag nag ka ilaw na maghahanap pa ako ng gas para lalong umapoy yang kamay mo!" Kahit mukhang yung ulo niya na ang nag iinit dahil sa akin hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang totoong reaction niya ngayong mag kahawak yung kamay namin. Hindi ko naman ine-expect na kinikilig siya dahil sa mga sagot pa lang niya sa akin halata ng gigil na gigil na siya, pero sana napapangiti pa rin siya kahit na nag tatalo kami. "Wala na akong makapa dito baka naman kanina mo pa hawak at niloloko mo na naman ako!" Na "naman" talaga? Bumuntong hininga ako bago buksan ang cellphone ko, nanghihinyang kasi akong bitawan yung kamay niya. Kung alam ko lang na mangyayari ito sana pala doon ko nilagay ang cellphone ko sa mahirap hanapin. "Ayan na po madam." Pag bukas ko ng cellphone ko agad kong nakita ang mukha niya. Pawis na pawis ito at medyo namumutla ang labi, ilalapit ko pa sana sa kanya ang cellphone ko para aninagin ang mukha nito kaya lang nabitawan ko naman at nahulog ito sa kama. Mabilis itong pinulot ni Tin, "Ako na ang hahawak at baka mamaya itago mo pa!" Nangiti na lang ako kasabay ng pag upo ko sa kama habang siya naman nanatili pa ring nakatayo habang hawak ang cellphone ko. Kahit medyo madilim halata sa mukha niya ang pag ka ilang, ni hindi nga niya alam kung saan siya titingin. Masyado ang iwas sa akin. "Upo ka." Tinapik tapik ko pa ang kama para ituro sa kanya. "Ayoko, doon na lang tayo sa labas umupo." Na iilang nga siya sa akin, hindi ko naman siya masisisi dahil kasama niya ang ex boyfriend niya na niloko siya sa madilim na kwarto ngayon. Iniisip niya kaya na may gagawin akong hindi dapat kaya siya nakadistansya sa akin ngayon? "Kung gusto mo ikaw na lang, matutulog na lang ako. Ibalik mo na lang sa akin 'yan kapag may kuryente na." Sagot ko naman. Sa totoo lang masakit yung pwetan ko at yung kanang kamay ko kaya hindi ko rin alam kung makakatulog talaga ako sa lagy ko ngayon. Habang tumatagal lalo kong nararamdaman yung sakit, hindi kaya nabaliaan na ako ng buto? "Doon ka na lang matulog sa sala." Na pa angat ako ng ulo dahil sa tono ng pakikipag usap niya. Na sa akin pa rin pala ang huling halakhak. Takot siya sa dilim kaya hindi niya kayang mag-isa kahit pa may hawak na siyang flashlight at dahil doon sasamantalahin ko na siya naman ang sumunod sa gusto ko. "Ayoko, masakit yung katawan ko dahil sa pag patid mo sa akin kanina." Nayayamot na sabi ko. "Ang arte mo, at saka hindi kita pinatid lampa ka lang talaga!" "Ganyan mo ba talaga itrato yung guess mo dito?" "Hindi, ikaw lang." Masisiyahan sana ako sa sagot niya kung hindi yuon ang tanong ko. Na aawa na ako sa kanya dahil kanina pa siya nakatayo kaya naman ako na ang nag hanap ng ma uupuan kahit pa gusto ko na talagang humiga. Hinila ko ang swivel chair na nasa kabilang side ng kama at siya naman ang pina-upo ko sa kama. Naka upo na siya sa kama habang ako naman sa swivel chair na malapit lang din sa kanya. Parehas kaming tahimik at tila ba nangangapa sa sitwasyon namin ngayon. Sinusulyap sulyapan ko siya pero ni minsan hindi niya ako tinignan kaya na isip ko na siguro ito na yung time para i-open kung ano man yung dahilan kung bakit may malaking pader sa pagitan namin ngayon. Kahit na alam ko naman talaga ang dahilan. "From 1-10 gaano mo ako ka hate?" Kung hindi ko pa siya tanungin ng ganyan hindi pa niya ako makukuhang tignan. Pero walang pag irap o galit ang naging reaction ng mukha niya, kaya siguro mas lalo akong kinabahan kasi mukhang hindi yung usual na Tin, na mataray ang makaka-usap ko ngayon kundi yung Celestine Cortez na girlfriend ko noon. "Seryoso gusto mo talgang malaman?" "Oo, gusto kong malaman para naman alam ko kung paano ako babawi sa'yo." "11!" 11 talaga? Mukhang umaapaw yung galit niya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya noon. Kakailanganin ko yata ng tubig at parang ako naman ang na te-tense ngayon. "Wow, at least hindi 100." Dinaan ko na lang sa biro para naman medyo gumaan yung awra sa pagitan namin. "Namimilosopo ka pa talaga?!" Bahagyang nabalot ng katahimikan ang buong kwarto dahil sa hindi ko malamang dahilan ng pag ka blanko ng isip ko pero mabuti na lang nag salita si Tin at nag tanong, pero hindi ko alam kung mabuti nga ba 'yun o parang nilagay ko ang sarili ko sa hot seat ngayon. Hindi yata magandang idea ang na isip ko! "Ako naman ang mag tatanong." "Go ahead." Mahina at alangang sabi ko. "Bakit mo ako niloko noon?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig at pakiramdam ko buong katawan ko ang nanlamig bigla. Hindi ko inakala na kayang itanong sa akin ni Tin ang bagay na 'yan ang akala ko kasi ayaw na niyang ungkatin pa ang mga bagay na nangyari na noon, lalo na ang tungkol sa naging break-up namin. Akala ko talaga puro pag iwas lang sa akin ang kaya niyang gawin. Pero hindi ko naman malalaman kung paano ako babawi sa kanya kung hindi ko alam ang nararamdaman niya ngayon. Kaya bahala na siguro kung saan papunta ang usapan namin ngayon! "Oh, bakit hindi ka makasagot. Huwag ka ng mag-isip ng idadahilan mo kasi tapos na tayo 'di ba, kaya wala ng effect kung ano man yung palusot mo." hindi ko alam kung confident ba siya o parang tonong sarkastiko? "Kapag sinabi ko sa'yo yung totoo hindi ka na ma aapektuhan?" tanong ko. "Oo naman." Sigurado ba siya, eh bakit parang nahahaluan na ng inis yung tono ng boses niya. Baka mamaya kapag sinabi ko yung totoong dahilan bigla na lang siyang mag hysterical at pag hahampasin ako ng unan. "So ano, bakit mo nga ako niloko noon?" "Kasi kinailangan kong gawin 'yun dahil yuon ang alam kong tama." "Ang manloko ng tao? Kailan pa naging tama ang gawaing ganun?" Expected ko na ganyan niya ako sasagutin dahil kahit sino namang tao ang lumagay sa sitwasyon niya ngayon ganyan din ang magiging reaction at sagot nila. Wala naman kasing tao ang gustong maloko at wala ring tao ang magugustuhan ang sinagot ko sa kanya ngayon. "Pero 'di ba minsan kinakailangan nating mag sinungaling para hindi na humaba o lumala pa ang sitwasyon." Sagot ko. "At yuon yung ina-apply mo sa atin noon?" "Oo, bata pa ako noon kaya may mga desisyon akong pabigla bigla at hindi napapag-isipang mabuti kaya yung outcome nakasakit ako ng tao." "Hindi lang naman ikaw yung nasaktan noon. Masakit din para sa akin 'yung—" dadagdagan ko pa sana ang paliwanag ko pero pinutol niya agad ang sasabihin ko. "Tignan mo nga naman, ikaw lang yata ang kilala kong manloloko na nasasaktan din." "Kahit naman niloko at sinaktan kita noon, nakakaramdam rin naman ako. Tao ako Tin, kaya kung ano yung naramdaman mo noon naramdaman ko rin 'yun." "Talaga, naramdaman mo rin ba yung pakiramdaman na trinaydor ng taong mahalaga sa'yo?" "Hindi natin pwedeng pag kumparahin yung mga naramdaman natin noon dahil mag kaiba tayo—" "Oo mag kaiba talaga tayo, kasi manloloko ka at niloko mo ako kaya mag kaibang bagay nga naman ang dalawang 'yun!" "Sige kung ayaw mong maniwala tatanungin na lang kita at doon na lang natin i-base yung sagot sa tanong mo. Palagay mo ba hindi kita minahal noon? O naparamdam ko ba sa'yo na kahit minsan hindi ka naging mahalaga sa akin? Except sa part na niloko kita." Kitang kita ko pa rin sa mga mata niya yung galit at sakit ng nakaraan namin. Tumayo siya at pabagsak na ibinaba ang cell phone ko sa kama. "Tigilan na natin 'to. Nag sasayang lang tayo ng oras!" Hinila ko siya pabalik sa inuupuan niya at marahas namang nag pumiglas ito, "Bitawan mo nga ako!" "Sagutin mo muna ako ng Oo o Hindi, saka kita bibitawan." Sinamaan niya lang ako ng tingin at pilit pa ring tinatanggal ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Ayoko!" Pilit ko siyang tinitignan ng diretso pero pilit rin niyang iniiwas ang tingin niya sa akin. "Nangangahulugan lang na alam mong minahal kita pero ayaw mo lang maniwala dahil ang nakatatak sa isip mo, eh yung panlolokong nagawa ko sa'yo. "Oo kasi yuon naman talaga yung pinag-uusapan natin dito 'di ba, kung bakit mo ako niloko?" "Alam ko pero Oo o Hindi lang yung hinihingi kong sagot." "Kapag nasagot mo yung tanong ko kung bakit mo ako niloko noon, sasagutin ko rin yung tanong mo!" Nag kusa ng bumitaw ang kamay ko sa pag kakahawak sa kamay niya kaya tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto ko. Dahil sa nangyaring ito baka lalong lumayo yung loob niya sa akin at baka mas mahirapan pa akong suyuin siya. Nahihirapan man ang kalooban ko dahil sa sagutan namin mas nangingibabaw naman ang sakit na nararamdaman ng kamay ko dahil sa pag kakadapa kanina. Sana lang talaga hindi ako nabalian ng buto o kung ano man. Bakit kasi ang lampa mo Seb?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD