Celestine's POV
Simula ng magising ako kaninang madaling araw hindi na ako nakatulog pa ulit, ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip sa nangyari kagabi. Ang buong akala ko hindi na ako maapektuhan ng nakaraan pero mali ako dahil habang tumatagal na kasama ko siya lalo ko lang naaalala ang lahat ng masasaya at malungkot na nangyari sa amin noon at ang kina-iinis ko pa hanggang ngayon hindi pa rin niya sa akin sinasabi kung bakit niya akong nagawang lokohin noon.
Ganoon ba talaga kahirap umamin sa kasalanan na tapos na at matagal ng lumipas?
Hindi ko na mapigilan yung pagiging emosyonal kagabi dahil habang lumalalim yung usapan namin parang bigla na lang naalala ng puso ko yung sakit na naramdaman ko noon kaya kahit hindi pa bumabalik ang kuryente at sobrang dilim ng buong bahay pinilit ko na lang na lumakad palabas ng kwarto ni Seb. Nakaka suffocate na kasi ang makita at maka-usap siya.
***
Kasabay ng pag labas ko ng kwarto ang pag pasok naman ng kusina ng pamilya ni Mang Teban. Nakangiting bumati sa akin si Aling Ester at nilapitan naman ako ng dalawang bata para bumati at sabay yakap sa akin.
"Ate, pupunta ka po ba ulit sa transient ngayon?" tanong ni Rizza, habang nag lalakad kami papunta sa kusina. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nginitian ko na lang siya, "Ate Tin, gusto mo bang sumama sa amin mamaya?" Aya ni Rocco, "Saan?" sagot ko naman, "Mag ice cream po tapos isama natin si Kuya Seb para mas masaya." Nag ngitian pa ang dalawa at tila ba nag kasundo sa plano nila.
"Mamaya niyo na kulitin si Ate Tin ninyo at kumain muna tayo." Agad na sumunod ang dalawa sa utos ng nanay nila. Umupo na rin ako sa pwesto ko at nag handa na kaming mag dasal bago kumain ng agahan.
Kakain na sana kami ng bigla namang dumating si Seb, nag si tingan ang lahat dahil hindi naman talaga siya sumasabay na kumain at dahil na rin sa napansin nilang pamamaga sa kanang kamay niya.
Agad na tumayo si Mang Teban at nilapitan siya para tignan ang kamay niya, pina upo niya na ito sa tabi niya at pinalapag ang kamay nito sa lamesa.
Dahil sa pamamaga kaya halos hindi mo na makita ang naka umbok na buto at ugat sa kamay niya.
"Kuya Seb, ano po ang nangyari dyaan?"
"Nakagat ka ba ng ipis?"
"Na pano ka ba Seb?"
"Nag tour ka ba kahapon, doon mo ba nakuha 'yan, saan ka banda na aksidente?"
Sunod sunod na tanong nila. Tanging pag ngiti na lang ang nagawa ni Seb sabay baling ng tingin sa akin. Nagulat ako kaya kinunotan ko na lang siya ng noo, nahalata naman nila ang pananahimik niya at ang pag titig niya ng matagal sa akin kaya naman bumaling din ang tingin nilang apat sa akin.
"Nag-away ba kayong dalawa?" nakapamewang na tanong ni Mang Teban, "Hindi po!" Sabay na sagot namin ni Seb, agad naman siyang umiwas ng tingin at parang may pag irap pang kasama. Ano 'to galit ba siya sa akin?
"Nawalan po kasi ng kuryente kagabi tapos—"
"Tapos nadapa po siya." Sabad ko.
"Anong nadapa, pinatid mo kaya ako!" singhal nito sa akin, "Hoy, hindi ko kasalanan na lampa ka!" sagot ko naman.
"Hindi sila mag ka away kanina tatay pero ngayon nag aaway na sila." Na tawa na lang sila sa sinabi ni Rocco. Habang kami ni Seb, nag papalitan naman ng masasamang tingin.
"Oh siya ganito na lang, kumain na muna tayo at pag ka tapos titignan ko 'yang kamay mo." Napansin kong parang gustong umapela ng mukha ni Seb pero inalis na ni Mang Teban ang tingin sa kanya kaya wala na itong nagawa kundi ang kumain na lang muna.
Para pa rin siyang bata na sa twing may masakit sa kanya halos ayaw niyang mag pa iwan at gusto nakatuon lang sa kanya ang atensyon mo.
Habang kumakain kami hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya, hirap na hirap ito habang nakikipag labang hatiin ang longganisa sa plato niya at everytime na hindi niya ito magawa kitang kita naman ang frustration sa mukha niya. Hindi niya alam na kanina pa rin siya tinititigan ni Mang Teban kaya siya na mismo ang humiwa sa mga ulam na nakalagay sa plato ni Seb.
Natapos na ang agahan at nag lalakad na ako pabalik sa kwarto ko ng bigla naman akong tawagin ni Mang Teban, mag papatulong daw siya sa akin dahil may ginagawa si Aling Ester at umuwi naman ang dalawang bata para maligo.
"Seb, subukan mong ideretso ng konti ang kamay mo at ilapag mo sa unan—"
"Teka saan po kayo pupunta?" nag aalalang tanong niya, "Kukuha ako ng yelo para malagay dyaan sa namamaga mong kamay." Sinenyasan naman ako ni Mang Teban para tabihan at tulungan si Seb.
Umupo ako sa tabi niya pero mukhang hindi niya ito napansin o ayaw niya lang talaga akong pansinin. Kumuha ako ng unan at nilagay ito sa kandungan ko, "Ipatong mo yung kamay mo dito," tinuro ko ang unan at napatingin naman siya sa akin, "Ayoko nga baka mamaya baliin mo pa!" napahawak na lang ako ng mahigpit sa unan dahil sa pag tataray na pinakita niya sa akin, "Babaliin ko talaga 'yan kapag hindi mo nilagay sa unan 'yang mataba mong kamay!" Hindi ko naman napansin na nakangiti at nag pipigil na pala ako ng tawa kundi lang ako sinita nito.
"Huwag ka ng mag pigil ng tawa kasi halatang halata naman!" Naka busangot na sita niya.
"Tin, ilagay mo yung kamay mo sa ilalim ng kamay niya para mas ma relax ito saka natin ipatong itong ice bag sa ibabaw ng namamaga niyang kamay." Ang akala ko makaka tutol pa ako sa sinasabi ni Mang Teban pero habang nag papaliwanag siya pinupwesto na niya ang kamay naming dalawa ni Seb.
Talaga bang kailangan nakasuporta rin yung kamaya ko, hindi pa ba sapat yung unan?
Yung mukha naman nung mokong parang natutuwa pa dahil sa pamamaga ng kamay niya!
"Be gentle ha!" pilyong bulong niya.
"Puro ka manyakan talaga ang alam mo 'no!" Nakuha pa nitong matawa sa kabila ng pamamaga ng kanang kamay niya. Bwisit talaga, "Gentle lang sabi ko, manyak agad? Parang ikaw ang may ibang iniisip ah." Halata namang iba ang iniisip niya dahil nakuha pa niyang kumindat. Tusukin ko kaya ang mata nito para mag tino siya!
Mas mainam pa kagabi dahil hindi ko masyadong nakikita yung mukha niya kumpara ngayon na malinaw pa sa sikat ng araw ang itsura niya. Habang tumatagal mas lalo yatang humihirap at nagiging komplikado ang sitwasyon ko ngayon. Ang tagal naman kasing matapos ng isang buwan ng makalayas na ang lalaking 'to dito!
Bakit ba kasi naisipan ko pa siyang tulungan, eh alam ko naman na kahit pa maging duguan siya dito hahanap at hahanap pa rin siya ng paraan para lang bwisitin ako!
"Tin, ikaw muna ang bahala kay Seb, at bibili lang ako ng bandage para dyaan sa kamay niya," aapila pa sana ako sa utos ni Mang Teban pero mabilis siyang umalis kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
"Next time kasi 'wag lampa!"
"Hindi ka ba naawa sa akin?"
"Hindi. Ang laki mo na para kaawaan pa!"
Sumandal siya sa upuan habang ako naman unti-unti ng hindi nagiging komportable dahil sa sitwasyon namin ngayon. Ang hawakan ang kamay niya kagabi sobrang awkward na nun para sa akin ano pa kaya ang ganito, na mukha na kaming mag ka holding hands!
"Bakit po kaya mag ka hawak ng kamay?" tanong ni Rocco. Parang bumilis bigla yung t***k ng puso ko dahil sa biglaang pagdating ng dalawang batong 'to.
Bigla naman na pa angat ang ulo ni Seb mula sa pag kakasandal at ako naman hindi malaman kung tatanggalin ko ba yung kamay niya na nakapatong sa kamay ko o mananatili kaming ganito. Bigla akong nataranta dahil sa biglaang tanong nila.
"Injured kasi ako dahil sa kagagawan ng isang tao dyaan sa tabi-tabi!" Madiin na sagot niya. Napatingin naman ang dalawang bata sa akin na para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan.
"Alam niyo kasi may taong lampa dyaan sa tabi-tabi na ang galing manisi!" Nabaling naman kay Seb ang tingin ng dalawang bata, "May mga klase talaga ng mga tao na manhid at kahit na ka sakit na sila parang balewala lang sa kanya!" Wow, look who's talking! "Bakit kasi ang hirap sa ibang tao na akuin at aminin ang kasalanan nila. Maninisi pa ng iba para lang mag mukha silang biktima!"
Lumapit si Rizza sa amin saka hinawakan ang kamay naming dalawa, "Time out muna Ate at Kuya. Umuusok na kasi yung tenga niyong dalawa!" Tumingin sa akin si Seb at sabay umirap at agad na binawi ang tingin. Wait ginagaya niya ba yung style ko?
"Nag-aaway po ba kayo?" tanong ni Rocco na natiling nakatayo sa harapan ng TV.
Umiling lang kami sabay nag iwas ng tingin sa isa't-isa. Gustong gusto ko ng pigain yung kamay ni Seb, pero dahil nandito ang mga bata kaya pipigilan ko na lang muna ang sarili ko. Pero once na mambwisit ulit siya pasensyahan kami sa gagawin ko sa kanya!
Dumating si Mang Teban at dali-daling nag punta sa kina-uupuan namin. Kinuha niya ang kamay ni Seb saka binalot ito ng bandage, "Nurse po ba kayo dati?" tanong nito.
"Hindi. Madalas kasi akong ma injured dati dahil sa pag lalaro ng basketball kaya sanay na ako sa mga ganitong bagay. " Hindi na nag salita pa si Seb, dahil ang atensyon nito ay nakatuon lamang sa namamaga niyang kamay.
Habang binabalot naman ni Mang Teban ang kamay niya parang nararamdaman ko naman yung sakit sa bawat pag iling at pag sasalubong ng kilay niya. Hindi pa ako na i-sprain pero dahil sa pinapakita niyang reaction parang feeling ko pati ang kamay ko nakakaramdam na rin ng sakit ngayon. Nakakahawa yung bawat pag ngiwi niya!
Nang matapos ng lagyan ng bandage ni Mang Teban ang kamay ni Seb, nag paalam na sa amin ito para pumasok sa trabaho. Naiwan naman ang dalawang bata sa sala kasama namin, kita ko sa mga mukha nila kung gaano sila naawa sa lagay ng Kuya Seb nila.
"Kuya kapag po may kailangan ka sabihin mo lang sa akin," wika ni Rocco. Nginitian naman siya nito, "Sabi mo yan ha, wala ng bawian," tumango tango naman si Rocco habang nakangiti rin.
Kung titignan ang dalawang ito para na silang totoog mag kapatid kung mag turingan at sa mga galaw pa lang nila para bang komportable na talaga sila sa isa't-isa.
Tumikhim naman ako para basagin ang ngitian sa pagitan nilang dalawa, "Teka wala ba kayong pasok?" umiling silang dalawa kasabay naman nun ang pag bukas ni Rocco ng TV pero binawal naman siya ni Rizza na kasalukuyan namang naka salampak sa sahig habang may hawak na ballpen at notebook.
"Ate kung gagawa ka ng assignment doon ka sa bahay. Kailangan nating libangin si Kuya Seb para hindi na sumakit yung kamay niya," nilingon ni Rocco si Seb at nag taas ng kilay habang pilyong nakangiti, "Huwag ka ngang epal Coconut, mag papaturo ako sa kanila kaya nga dito ako gumagawa!" singhal naman ni Rizza.
"Bakit po ba dumadaan ang isang tao sa pagkabigo?" tanong ni Rizza.
Napa isip din ako bigla sa tanong niya kaya parang nag balik ang isip ko sa nakaraan kung saan ang dami ko ring naranasang failure sa iba't ibang klaseng sitwasyon at mga bagay. Nalingon ako kay Seb na kasalukuyan namang nakatingin sa labas, parang wala naman itong narinig kaya ako na ang sumagot sa tanong ni Rizza.
"Baka kasi kailangan pa ng taong iyon na makaranas pa ng marami pang experience para mas maging handa siya sa future." Sagot ko.
"Kuya Seb, ikaw naman po ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit nakakaranas pa ng failure ang isang tao kahit na binibigay na niya yung 101% na best niya?"
"Simple lang ang sagot dyan, baka kasi hindi para sa kanya ang bagay na gusto niya kaya kahit 101% o 1000% pa 'yan kung hindi para sa kanya hindi niya 'yun makukuha!"
Based on experienced or naisip niya lang? Pero kahit saan pa niya kinuha yung sagot niya hindi pa rin ako agree.
"Pero kung mag tatyaga ang isang tao panigurado mag tatagumpay siya!"
Ngumisi naman ito saka tumingin sa akin, "Alam mo hindi lahat ng nag tatyaga, eh nag tatagumpay sa larangang napili nila!"
"Pero hindi mo makukuha ang gusto mo kung hindi ka mag tatyaga. Ano 'yun kapag hindi nag work yung gusto mo mag-iiba ka na agad at ibabaling sa ibang bagay yung atensyon mo?"
"Alam ko naman 'yun pero mag kakaiba ang tao, magkaiba ng pinagdadaanan sa buhay, sa mga sitwasyong kinalalagyan at mag kakaiba rin tayong mag-isip pag dating sa mga bagay na binabato sa atin ng buhay." Ngumiti pa ito ng pilyo bago binaling ang tingin kay Rizza, "Sabi nila hindi rason ang kabiguan para abutin ang mga pangarap mo sa buhay pero bawat tao may limitasyon rin kaya kung hindi ka pa rin nag tatagumpay sa field na pinili mo malamang sign na 'yun na hindi para sa'yo ang bagay na pilit mong inaabot at ang daan na tinatahak mo. Pwede ka naman mag U-turn kung gusto mo." Kumindat at ngumiti pa ito sa akin bago ibaling ang tingin kay Rizza.
Kung mag salita 'to para bang ang tanda na at ang dami ng pinag daanan sa buhay, eh kung titignan mo naman siya para namang puro pag papasarap lang ang inaatupag sa buhay.
"Yung totoo nag aral ka ba ng psychology?" Tanong ko.
"Ordinaryong mamamayan lamang ako na malawak ang ekspirensya sa buhay." tumayo ito at tumingin sa akin sabay kumindat at ngumiti na naman, nilingon ko naman agad si Rizza para tignan ang reaksyon niya pero mukhang hindi naman niya nakita ang ginawa ni Seb, kaya hindi na ako nag alala. Kung wala lang ang mga bata dito malamang nasipa ko na ang lalaking 'to.
"Maliligo lang ako ha—"
"Paano ka maliligo kuya kung nakabalot yung isa mong kamay?" tanong ni Rocco, sumingit naman ako sa usapan sabay pilit na ngumiti kay Seb, "Matanda na yung Kuya Seb niyo kaya 'wag na kayong nag-aalala pa."
"Buti pa yung bata nag aalala pero yung taong dahilan kung bakit nakabalot ang kanang kamay ngayon, eh mukhang wala namang pakialam." Bumuntong hininga pa siya bago umalis pero napahinto naman siya dahil sa sinabi ni Rocco, "Gusto mo ba kuya tulungan kita?" Naningkit ang mga mata ni Seb, pero ngumiti rin agad, "Hamak na matangkad si Kuya Seb kaya hindi mo siya maabot." Tatawa tawang sagot naman ni Rizza habang si Rocco naman napapakamot na lang sa ulo, "Ah, alam ko na si Ate Tin na lang kasi matangkad din naman siya."
Sebastian's POV
Maganda sana yung naisip ni Rocco kanina kaso lang hindi pumayag si Tin, kita ko sa mukha niya yung pag ka asiwa at pag ka ilang kaya naman para mas mainis pa siya nginitian ko na lang siya ng nakakainis.
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako nakaligo kanina, parang alam ng katawan ko kung paano mag adjust sa sitwasyon ko ngayon kaya hindi ko ramdam yung hirap ng pag ligo pero ang pinakamahirap na part ay yung mag bihis, mas mahirap kasing mag suot ng damit kesa sa mag tanggal.
Mag hapon lang akong nandito sa loob ng kwarto nakahiga at naka titig lang sa kisame. Nang makaramdam ako ng gutom saka ako lumabas ng kwarto at tanging ang dalawang bata lang ang nadatnan kong na sa sala.
Na upo ako sa katabing upuan nila, "Si Ate Tin lumabas lang daw sandali." Hindi ko pa man din tinatanong mukhang alam na nila ang tumatakbo sa isip ko, "Kuya Seb ilan na po ba ang naging girlfriend mo?" tanong ni Rocco.
Hindi ko naman alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya kaya napangiti na lang ako at tinuon ang atensyon sa TV, pero may kakulitan si Rocco kaya hindi ito tumigil sa kakatanong hanggat hindi ako sumasagot. Tumingin ako kay Rizza at nag babakasakaling babawalin nito ang kapatid niya pero bigo ako dahil ngayon lang yata nag kasundo ang dalawang batang ito at tungkol pa sa love life.
"Bakit may liligawan ka na ba at interesado ka sa pag gi-girlfriend?" tanong ko.
"May crush po ako pero hindi ko siya liligawan kasi ang sungit niya.
Na pa iling na lang ako dahil sa dismayadong reaksyon niya, kung kumilos kasi ang batang ito para bang pwede na talaga siyang manligaw ng babae, eh samantalang hindi pa nga yata siya tuli.
"Baka kasi lagi mo siyang binubwisit kaya sinusungitan ka?"
"Tama ka dyan Kuya Seb, lagi po niyang pinapa-iyak si Myka at lagi rin niyang binubully." Sabad naman ni Rizza na sinimangutan naman ni Rocco.
"Alam ko na, nag papapansin ka siguro kaya lagi mo siyang iniinis?" Sa pilyong ngiti pa lang ni Rocco mukhang guilty na ito at hindi ko na kailangan pa ng sagot niya.
Humaba ang kwentuhan namin hanggang sa kung saan-saan na rin napunta kaya hindi na namin napansin na madilim na pala sa labas at malapit na rin ang oras ng hapunan kaya isa-isa na ring dumadating ang mga magulang nila pwera kay Tin.
Mabilis na hinanda nila Aling Ester ang hapag kainan at agad kaming tinawag para mag hapunan. Tinignan ni Mang Teban ang kamay ko at kinamusta naman ako ni Aling Ester at dahil sa pinapakita nilang malasakit sa akin pakiramdam ko talaga parte na akong ng pamilya nila kahit ilang linggo pa lang kaming mag kakasama. Actually hindi nga kami madalas magkita dahil tuwing hapunan ko lang naman sila nakakasabay kumain kaya nakakatuwa lang isipin kung paano nila ako itrato ngayon.
"Nay na saan po si Ate Tin, hindi po ba siya sasabay sa ating kumain?" tanong ni Rizza.
Oo nga hindi ba siya sasabay kumain, hindi man lang ba niya ako kakamustahin, hindi man lang ba siya nag alala sa akin? Ganoon ba talaga kalaki ang galit sa akin ni Tin at parang wala na siyang pakialam sa akin? Teka bakit ba kasi pumasok sa isip ko ang mga bagay na 'yun, oo nga pala hindi naman kami mag kaibigan kaya normal lang na hindi siya mag alala sa akin.
"Kuya Seb hindi mo pa po sinasagot yung tanong ko kanina," tumingin naman sa akin sila Mang Teban, "Tungkol saan ba 'yun Seb?" tanong ni Aling Ester, "Kung ilan na po yung naging girlfriend ni Kuya Seb?" sagot ni Rocco. Pinandilatan naman siya ng mata ng nanay niya, "Naku pasenya ka na Seb, makulit lang talaga si Rocco. Nak hindi mo dapat tinatanong ang bagay na 'yan sa kahit kaninong tao dahil pribadong buhay na nila 'yun."
Ngumiti ako saka tumingin sa kanila, "Marami na rin pero—" nasabik yata si Rocco kaya hindi na ako pinatapos pang mag salita, "Lahat 'yun kuya niligawan mo, hindi ba sila mahirap ligawan at saka bakit marami, ilang taon ka ba noong una kang nag karoon ng girlfriend?"
Ngayon ko lang na realize na mas mahirap palang sagutin ang tanong ng isang batang wala pang karanasan kaysa sa mga taong mas matatanda na ang intensyon lang ay ang pag chismisan ang buhay mo.
"Medyo magulo at baka hindi mo pa maintindihan sa ngayon pero kahit marami sila isa lang talaga yung niligawan ko sa kanila."
"Talaga po, sino po 'yun at saka ilang araw mo po siyang niligawan?"
May ingay kaming narinig na nag mula sa pintuan sa likod ng kusina kaya napahinto kami sa pag sasalita at agad na tumayo si Mang Teban para silipin kung ano ang nahulog na bagay na 'yun pero bago pa siya maka layo sa hapag kainan bigla namang sumulpot si Tin."
"Sorry, na abala ko yata yung pag kain niyo."
Inaya naman siya ni Aling Ester na umupo at saluhan kami sa pag- kain kaya mag katapat na ulit kami ni Tin ngayon pero ni sulyap man lang hindi niya magawa sa akin parang umiiwas na naman siya.
"Kuya Seb, sagutin mo na yung tanong ko. Ilang araw mo po siyang niligawan?"
Nalingon si Tin kay Rocco na para bang gulat at nag tatakha sa sinabi ng bata. Nabigla o na curious yata sa pinag-uusapan namin pero ilang sandali lang bumalik na ulit siya sa pananahimik. Nagkaroon kaya siya ng idea na siya yung na sa usapan namin?
"Higit isang taon ko siyang niligawan—"
"Ang tagal naman nun kuya, hindi ba siya mahirap ligawan at saka hindi ka ba nag sawa kasi sobrang tagal na?"
Hindi na nila pinigilan pang mag tanong si Rocco dahil maski sila mukhang interesado rin sa mga tanong nito sa akin. Sa tingin ko naman ayos lang na sagutin ko ang tanong niya lalo na at kaharap ko ngayon si Tin, gusto kong makita yung magiging reaksyon niya, kung wala na naman ba siyang pakialam o ma aapektuhan siya this time.
"Mahirap siyang ligawan because she hates me a lot, tagos yata sa buto yung pag ka muhi niya sa akin noon pero hindi ko naman siya masisisi dahil marami rin akong kalokohan na ginawa sa kanya—" bigla na namang sumabad si Rocco, "Ah, parang yung ginagawa ko kay Myka," na pa iling na lang ang magulang niya dahil sa sinabi ng bata. Nag patuloy naman ako sa pag kukwento.
"Kapag gusto mo yung isang tao hindi ka naman mapapagod na suyuin siya kaya umabot ako sa ganoong katagal na panahon hanggang sa sagutin na niya ako at naging kami na."
"Pero 'di ba kuya mag kaiba yung "gusto sa mahal" mo na?" tanong ni Rizza. Tumango tango naman si Mang Teban na para bang gusto na rin mag tanong sa akin.
"Depende sa tao. Na una ko kasi siyang nagustuhan at kasunod na lang nun kung gaano ko siya minahal. Niligawan ko siya dahil gusto ko siya, dahil gusto ko pang malaman kung anong klase siyang tao, kung ano yung mga ayaw at gusto niya then after ko malaman 'yun saka ko pa lang siya minahal. Kapag nakilala mo na yung isang tao palagay ko doon mo pa lang siya matututunang mahalin."
Pansin ko na medyo natigilan siya sa pag nguya ng pag kain alam kong nakikinig siya sa kwentuhan namin at para bang gusto na rin nitong mag angat ng tingin pero nag pipigil lang siya.
"Eh, na saan na po siya kuya? Hindi mo na po ba siya girlfriend?" tanong ulit ni Rocco.
Hindi ko alam kung kailan siya titigil sa kakatanong pero ayos lang naman kasi isa na rin ito sa way ko para masabi kay Tin, na kahit niloko ko siya noon totoo namang minahal ko siya noong kami pa.
"Uhmm... na sa tabi tabi lang siya at feeling ko naman she's doing great—"
"Maganda ba siya kuya?"
"Oo naman sobra, pero mas maganda siya ngayon."
Nahuli ko na lang yung sarili ko na nakatitig na pala sa kanya at mukhang hindi na siya makakain dahil yata sa mga pinag sasabi ko, kaya nag angat naman siya ng tingin at direstong tumitig sa mga mata ko sabay sipa ng paa ko sa ilalim ng lamesa. Medyo masakit yung pag kakasipa niya kaya para hindi sila makahalata bumalik na ako sa pag tingin kay Rocco na kanina pa ako tinatadtad ng mga tanong.
"Pakita ng picture kuya."
Nagulat ako sa sinabi niya pero mukhang mas nagulat si Tin at napatayo pa ito sa kina-uupuan niya. Tumingin ang lahat sa kanya at nag tatakha sa biglaang pag tayo nito. Mukhang nabigla rin siya sa ginawa niya kaya ngumiti na lang ito at nga palusot, "Ku-kuha lang po ako ng malamig na tubig, i-ituloy niyo lang po yung kwentuhan niyo."
Tinitignan ko siya habang papunta sa kusina at habang ang mag kakapamilya naman balik na rin sa pag kain. Lumingon din sa akin si Tin saka umirap pero nginitian ko lang siya ulit tulad ng madalas kong ginagawa sa twing sasamaan niya ako ng tingin.